You are on page 1of 90

HANAPIN

MO
AKO 
R O M A N T I K O S S
D I G N I D A D G Q T
B E L L Y F D F H P V
A N H U M A U T I L E
O K I T S I L A R O M
V H Q C K X C W P N Z
D A D I R G E T N I S
R O M A N T I K O S S
D I G N I D A D G Q T
B E L L Y F D F H P V
A N H U M A U T I L E
O K I T S I L A R O M
V H Q C K X C W P N Z
D A D I R G E T N I S
Moralistikong
Pagdulog
Inihanda nina:
Cyndy Bajao
Gwen Hannah Pamaybay
Itinuturing na ang mga akdang pampanitikan
ay may layuning magbigay aral sa mga
mambabasa.

Masasabing ang pagdulog na ito ay ekstensyon


ng pagdulog humanismo dahil sa pagbibigay
halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng
integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na
may isip.
Isa sa mga impluwensyal na kritiko na
nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa
pagdulog moralistiko ay si Horace.
Ayon sa kanya, may dalawang bagay na
naibibigay ang tula (akda) – ang dulce o ag
aliw at kaligayahang naipadarama ng akda; at
utile o ang aral at kaalamang naibibigay ng
akda.
Masasabi, kung gayon, na
pangunahing tungkuling dapat
gampanan ng mga manunulat
sa pagdulog moralistiko ay ang
magbigay aliw, magsilbing guro
at tagapangaral sa kanyang
lipunan.
Dahil may didaktikong
oryentasyon ang mga akdang
moralistiko, itinuturing ang
panitikan bilang tagaakay sa
tao sa mabuting landas.
Sa panahon ng katutubo ,
maituturing na mga akdang
didaktiko o moralistiko ang
mga salawikain, kasabihan,
pabula, ilang alamat at iba
pang mga kwentong bayan.
Sa panahon ng Kastila, naglitawan
ang mga akdang tungkol sa buhay ng
mga santo’t santa. Kilala rin ang
Florante at Laura ni Francisco
Balagtas sa taglay nitong matatayog
na mga kaisipang moralistiko.
Salawikain o
Kasabihan
Mas mabuting magpakabait sa bahay
kaysa magsindi ng kandila
sa maraming simbahan
Mayaman ka man at marikit
maganda ang pananamit
kapag wala kang tagong bait
walang halagang gahanip
Huwag mong ituring
ang sarili na isang banal
sapagkat sa katotohanan
walang taong di-makasalanan
Kung ako ma’y di palasimba
ako nama’y nagtitika
di katulad ng iba
ang lahat ay pabalat-bunga
Ang pinipilit sa di niya gusto
parang nagtanim ng rosas sa bato
Kahoy na babad sa tubig
sa apoy huwag ilapit
pag nadarang sa init
sapilitang magdirikit
Hanggang maiksi ang kumot
magtiis na mamaluktot
kung humaba na at lumapad
saka na mag-unat-unat
Kaya matibay ang walis
palibhasay nagbibigkis
Anumang tibay ng piling abaka
wala ring lakas kapag nag-iisa
Legend:
First Generation
2nd Generation
3rd Generation Apong Ibang
4th Generation At
5th Generation Apong Isis

Apong Emmanuel Apong Abraham Apong Israel

Apong Meneses Apong Isaias Apong Moises

Apong Juan Apong Isaac Cenon

Apong Ciano Apong Jacob Apokalipsis


Reynaldo Duque 
Born: 29 October 1945, Candon
Died: 8 April 2013
Other name: RAD, Rey
Reynaldo Duque
Isang manunulat ng maikling
kuwento, tula, nobela, sanaysay, iskrip
sa radyo, telebisyon, pelikula at 
komiks.
Reynaldo Duque
Nakapaglathala ng humigit-
kumulang sa 300 maiikling kuwento
sa Banawag, Liwayway, Pambata, 
Parent's Digest, Asia Magazine,
Observer, Sagisag, Focus
Philippines at Giliw Magazine.
Reynaldo Duque
Isa siyang premyadong
manunulat na tumanggap ng
gantimpala mula sa
Palanca Memorial Awards
for Literature at GUMIL.
Reynaldo Duque
Ang Gamugamo sa Lampara ni
Julio Madarang ay mula sa
kanyang panulat. Una itong
nasulat sa wikang Ilokano at
pagkatapos ay isinalin sa Tagalog.
Reynaldo Duque
Nanalo ito ng Unang Gantimpala sa
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
(Cultural Center of the Philippines),
Gawad sa Panitikan sa Maikling
Kuwento noong 1987.
Ang Yungib sa
Bundok ng Gidday
ni Reynaldo Duque
Wala nang higit na tatanda pa kay Apong
Genesis sa Baganni Ubbog. Hindi na niya
natatandaan ang petsa ng kanyang
kapanganakan. Sabi niya, nakalalakad na
siya nang ipinanganak si Josa Rizal. Mas
matanda pa siya kay Don Isabelo Abaya ang
bayani ng Candon na nagtatag ng isang
pangkat ng mga insurrecto na nakihamok sa
mga Kastila.
Pandak si Apong Genesis, o apong Isis sa iba
naming mga kanayon. Puti nang lahat ang buhok,
kilay at balbas. Subalit buo pa rin ang mga ngipin
niya; wala pang nabunot kahit isa. Malakas kasi
siyang ngumata ng nganga at maskada. Kaya pa
niya ang magpaulan maghapon sa bukid; ni minsan,
hindi ko siya narining na idinaing ang pananakit ng
kanyang baywang. Dahil sa katandaan, hindi niya na
naramdaman pa ang kagat ang langgam sa kanyang
mga binti at talampakan.
Tatlong lalaki ang naging supling nila ng
nasirang Apong Ibang: ang Apong
Emmanuel na ama nina Apong Meneses,
Apong Juan at Apong Ciano; ang Apong
Moises ay siyang ama ng Amang. Kung
magtipun-tipon kaming mga Baniaga,
hindi magkakasya ang dalawang malaking
bakang ihahanda.
Walang pinag-aralan si Apong Isis. Ni hindi raw
makatuntong ng unang baytang ng elementarya.
Ganoon pa man, tinitingala siya sa aming baryo.
Iginagalang ng aming mga kanayon ang kanyang
mga salita at mga kuru-kuro. Kung may
namamanhikan, hindi maaaring wala si Apong Isis.
Magaling siyang albasyador. Kapag nagsasalita
siya, napipipi ang Amang; walang makasasalungat
sa mga pasya niya. Ang tinig ni Apong Isis ay
isang batas sa angkan naming mga Baniaga.
Sa aming nayon, ang kasaysayan ni Apong Isis ay
isang buhay na alamat. Mayroon daw siyang anting-
anting na kanyang inagaw sa isang lamag-lupang
nakipagbuno sa kanya sa buong magdamag.
Mayroon din daw siyang agimat na puting batong
ibinigay ng isang kaibigang nuno sa punso. At kung
bakit daw hindi siya nakararamdam ng pagkahapo
sa kabila ng kanyang katandaan ay dahil daw
mayroon siyang iniingatang asoge ng kalabaw. Kung
totoo ang lahat ng ito, hindi ko alam.
Liban sa akin, wala nang ibang kasama si Apong Isis sa
luma at di-gaanong malaking dampang nakatirik sa
ibabaw ng mababang buro. Dahil sa pagpisan ko kay
Apong Baak ay natagurian akong tagibi ti lakay, mga
salitang Iloko na ang ibig sabihin ay “alaga ng matanda”.
Matagal nang niyayakag ng aming mga kamag-anak na
pumisan na lang si Apong Isis sa kahit sino as kanila.
Subalit ayaw ni Apong Isis. Mas gusto niya ang
nagsosolo, kasama ako, sa kanyang dampa. Kaya ko
pang pakainin ang sarili ko! ang madalas niyang katwiran.
Hindi sa ganoon, Apong, ang sagot ni Tiyo Salacnib sa
kanya kapag nagbabakasyon sila sa Bagani Ubbog dahil
nagbubupete na siya sa Maynila. Ang katandaan ninyo
ang iniisip naming, patianod naman ni Tiyo Tured na isa
nang asendero sa Davao. Hindi dapat na magtrabaho pa
kayo, ani Tino Minong na isa nang tanyag na doctor sa
Baguio.
Kunyo! Anak-ti-sal-it! Parang kulog ang boses ni
Apong Isis. Pare-pareho kayong mga walang utak! Bakit
ninyo pakikialaman ang buhay ko? Sino ang nagbigay sa
inyo ng karapatan? Walang sasagot!
Kapag ganito na ang usapan, hayaan na ninyo,
ibubulong ni Tiyo Pigsa na may-ari na ng
pinakamalaking kompanya ng bus sa Cagayan.
Huwag niyo nang pansinin, ang pangiting
sasabihin ni Tiyo Marcos, ang tiyuhin kung
inhinyero na mataas na ang katungkulan sa isang
sangay ng gobyerno. Wala kayong laban diyan!
Patawang sabi naman ni Tiyo Parbangon, ang
dekano ng kolehiyo ng pilosopiya sa Pamantasan
ng Pilipinas.
May katangi-tanging ugali si Apong Isis:
ang kanyang pagkarelihiyoso. Tuwing
haharap sa pagkain, dalangin; tuwing
orasyon, dalangin; tuwing hihiga sa
gabi, dalangin; tuwing magtanim ng
anumang binhi; dalangin. Subalit kahit
minsan naman, hindi ko pa siyang nakitang
lumuhod, o pumasok sa simbahan, o
humawak ng rosary, o nag-antada!
Nang nasa elementarya ako, itinanong ko: ano
ba ang relihiyon mo, Apong Baak? Isinagot
niya: anong relihiyon ni Kristo?
Anong relihiyong iyon?
Ang tunay na relihiyon.
nang makatapos ako ng intermidya, inusisa
ko. Ano ang tunay na relihiyon?
Itinugon niya: ang pananampalatayang
kinagisnan nina Adan at Eva.
Ano ang pananampalatayang kinagisnan ni Adan
at Eva Apong Baak?
Ang pinakadakilang pananampalataya.
Nang matapos na ako ng sekundarya, inurirat
ko: Ano ang pinakadakilang pananampalataya?
Ang pananampalatayang kinakandili ng
pag-ibig at hindi pananakot.
Hindi ko maintindihan, Apong Baak.
Anak-ti-sal-it! Mag-aral ka!
Hindi na dapat sabihin pa, ngunit
iba’t ibang sekta ng relihiyon ang
kinasasapian naming mga Baniaga.
At dahil dito, nakaaaliw ang making
debate ng aking mga tiyuhi’t tiyahin,
lalo na kung nagbabaksyon sila sa
Bagani Ubbog sa tag-araw.
Kung maririnig naman sila ni Apong
Isis, malakas pa sa dagundong ng
kulog ang boses niya:
Tupapkayo amin! Wala kayong
kasing torpe! Hindi niyo alam ang
mga pinagsasabi ninyo! At natural
lamang na hindi na sila iimik pa.
Isang malaking handaan ang ginawa ni
Apong Isis isang buwan ng Mayo. Pumapatak
na noon ang huling ambon ng tag-araw,
nagsisimula nang umusbong ang mga mura
at luntiang dahon at waring nagbibigay lakas
ang sariwang alimuom ng basang lupa. Sa
pagkakataong ito, ipinatawag ang lahat ni
Apong Isis ang aming mga kamag-anak sa
iba’t ibang sulok ng bansa.
Walang hindi tumugon sa panawagang
iyon ni Apong Isis. At nang magdatingan
na sila, doon ko lamang natutuhanang
talagang marami kaming mga Baniaga.
Dalawang malaking baka, tatlong
kambing, isang malaking baboy at isang
dosenang manok ang inihanda ni Apong
Isis.
Nang araw na iyon, pinaghukay ni Apong Isis
ang` aking mga tiyuhin sa isang sulok ng bakuran.
Malalim ang hukay na iyon. Saka lamang sila
pinatigil ni Apong Isis nang lampas noon a nila
ang hukay. Idinaing ng aking mga mayayamang
tiyuhin ang pananakit ng kanilang mga maninipis
na palad. Ipinamalas naman ng amang ang
kanyang mga lipaking mga palad. Sa kanilang
lahat, ang amang (Cenon ang pangalan) lamang
ang magsasaka.
Walang makaimik sa kanila nang
ipagtapat ni Apong Isis na isa palang
lingingan ang hinukay nila!
Ang Amang ang unang nag-urirat: Sa iyo
ba ito, Apong Baak? Hindi! Sagot ni Apong
Isis. Kung gayon, kanino? Sabad ni Tiyo
Pigsa. Malalaman niyo bukas, ani Apong
Isis.
Kinabukasan, hindi pa sumisikat ang araw
ay binabagtas na namin ang makitid na
landas paakyat a Bundok Gidday. Ang aking
mga tiyuhin ang inatasan ni Apong Isis na
magdala ng mga piko, bareta, pala at mga
sulo. Ako ang pinakabatang kasama sa
pangkat. Isang bayong na naglalaman ng
baon naming pagkain ang dala ko!
Kung ilang ulit kami nagpahinga sa lilim ng
malalabay at malahiganteng punong
nakatayo sa dibdib ng kagubatan ay hindi ko
na matandaan. Subalit sa pagkakataong
iyon, napatunayan ko ang tibay ng katawan
ni Apong Isis sa kabila ng kanyang
katandaan. Parang hindi siya napapagod.
Magaan na magaan ang kanyang mga
hakbang.
Walang sapin ang mga talampakan subalit
hindi man lamang siya umaangal o
inalintana ang matitinik na damong-ligaw na
nagkalat sa landas. Sa dahunang langit,
walang tigil ang huni na naglalaro at
naglalambingang mga ibon at ang pag-
atungal ng ng ilang tsonggong parang mga
sirkero sa paglilipat-lipat sa mga sanga.
Nakatirik na ang araw nang mananghalian
kami sa lilim ng isang mayabong na puno ng
kandong. Datapwat kakatapos lang namin,
iniutosan na naman ni Apong Isis ang
pagpapatuloy naming sa paglakad. Sinundan
naming ang makipot na ilog patungo sa
silangan.
Saka na lamang kami tumigil nang marating na
namin ang isang buhay at kahali-halinang batis na
sa kanang balikat ay may isang hagdanang batong
parang sinadyang iniukit ng panahon paakyat sa
talampas. Saglit lamang natigil sa Apong Isis.
Pagkaraang huminga ng malalim, umakyat na siya
sa hagdanang bato. Sumunod kami. At walang
hindi namangha sa amin nang matambad ang
katotohanan: may kubli palang yungib sa ilalim ng
malinaw na agos ng batis!
Sa yungib na ito ako ipinanganak! Ang
paliwanag ni Apong Isis. Dito kami
nangubli ng Apong Ibang ninyo nang
matagal na panahon noong ayaw kong
sumuko sa mga Puti pagkatapos nilang
masupil si Don Isabelo Abaya. At dito ko
rin, sa loob ng kuwebang ito, inilibing ang
Apong Ibang ninyo!
E, ano naman ang gagawin natin dito?
ang tanong ni Tiyo Sadiri.
Kukunin natin ang mga labi ng iyong
Apong Ibang! sagot ni Apong Isis.

Sinindihan ni Amang ang mga dalang


sulo. Unang pumasok si Apong Isis,
kasunod ako. Maluwag ang loob ng
yungib.
At sa wari ko, sa pagkakataong
iyon, parang ang niyayapakan
naming ay loob ng isang malaki at
sagradong simbahan. Kaunting ingay
o kaluskos lamang na malikha ay
umaalingawngaw sa kabuuan ng
loob ng yungib.
Sa tingin ko, matalim ang mga
nakausling bato sa suwelo ng yungib.
Subalit parang hindi nararamdaman ni
Apong Isis ang mga ito, metatag na
metatag ang kanyang mga hakbang. Sa
katitingala ko, bigla akong natisod at
bago konatimbang ang sarili, nasadsad
na ako sa tagiliran ng kuweba.
Nakakita ako ng maraming estrelya nang tumama ang
ulo ko sa isang nakausling bato. Agad akong nilapitan ni
Tiyo Tured at tinulungang tumayo. Kinapa ko ang aking
ulo, sa bandang kinaroroonanng kambal kong puyo.
Dugo!
Iniluwa ni Apong Isis ang nginunguya niyang
maskada, nilagyan ng kaunting asin at saka ipinainit
iyon sa liyab ng sulong tangan ni Amang. Halos
mapaluha ako sa naramdaman kong matinding kirot
nang itapal na ni Apong Isis iyon sa aking sugat.
Mula ngayon, pangiting sinabi sa
akin ni Apong Isis, ang sugat mong
ito ang magiging tanda ng iyong
pagkatao, Apokalipsis. Tulad naming
nasirang Apong Ibang mo, ikaw ay
pag-aari na ring kwebang ito.
Magpatakipsilim na nang bumalik kami sa
Bagani Ubbog. Pagkatapos ng hapunan, agad
akong nakatulog dahil sa pagod. Magbubukang-
liwayway na ang ako’y magising. At nagimbal ako
nang makita ko sa Apong Isis na nagbabantay sa
isang malaking kabaong sa salas. Sa bandang
silangan ng bakuran, maiingay an gaming mga
kamag-anak na kumakatay ng dalawang
malaking bakang ihahanda.
Sa bahay nina Amang, malaking debate na
naman ang nagaganap! Hindi magkasundo ang
aking mga tiyuhi’t tiyahin. Pumayag silang
malibing ang mga buto ng nasirang Apong Ibang
sa hinukay nilang lungaw, subalit hindi sila
magkaisa kung sino ang dapat tawaging
magsasagawa ng serbisyo ng paglilibing.
Tatawagin ko si Padre Resurreccion! Pilit ni
Amang. An gaming mga ministro! giit naman ng
iba.
Nagalit si Apong Isis: Anak-ti-sal-it! Mga
kanghel kayong lahat! Pare-pareho
kayong lapastangan! Bakit niyo pinag-
aawayan ang mga banal na salita ng
Diyos?
Sino kayong magagaling at marurunong
na hindi alam ang ginagawa? Anong lahi
ang nasa inyo? Mga inutil kayo!
At inilibing naming ang mga buto ni Apong
Ibang sa hukay sa isang sulokng bakuran ni
Apong Isis na walang tinawag na
magsasagawa ng huling serbisyon sa alin
mang sekta ng relihiyong kinsasapian ng
aking mga tiyuhin. Pinaligiran ni Apong Isis
ang puntod ni Apong Ibang ng isang uri ng
halamang luntian sa lahat ng panahon.
Nang gumaling ang sugat sa ulo ko, hindi na tumubo
ang buhok ko sa bandang kinaroroonan ng kambal
kong puyo. At tuwing kinakapa ko ang aking pilat,
naaalala ko ang yungib sa Bundok Gidday.
Tapos na ako ng haiskul, at ako’y ipinadala ni Apong
Isis sa Maynila upang magpatuloy ng pag-aaral. Dahil
mula sa pagkabata ay kinahiligan ko na ang
pagsusulat, pamamahayag ang pinili kong kurso. Sa
malaking bahay ni Tiyo Salacnib sa Quezon City ako
tumira.
Halu-halo ang mga lenggwahe naming sa bahay.
May Tagalog, may Sebuwano, may Kapampangan,
may Iloko, may Ingles, may Espanyol, may
Pangasinense. Sebuwana kasi si Tiya Lumeng, ang
asawa ni Tiyo Salacnib; Kapampangan naman ang
napangasawa ni Insan Luwalhati, ang panganay
nina Tiya Lumeng at Tiyo Salacnib; taga-
Pangasinan ang hardinero; Ilokana ang kusinera.
Ang bahay ko’y isang Tore ng Babel! Patawang
sinabi sa akin ni Tiyo Salacnib.
Apat na taon na ako sa siyudad nang dumating ang
telegram ni Amang buhat sa probinsiya. Nakaratay na
raw si Apong Isis at malubha ang kalagayan.
Agad kaming naghandang umuwi sa Bagani Ubbog.
Mga katulong lamang ang iniwan ni Tiyo Salacnib na
tatao sa bahay. Tatlong kotse kaming lumuwas.
Subalit hindi na naming inabutang buhay ang Apong
Isis. Pinaliliguan na ang kanyang bangkay nang dumating
kami sa Bagani Ubbog. At namangha ako: walang kahit
isang lumuha sa mga naratnan namin!
‘Yan ang bilin niya, barok, paliwanag ng
Amang nang magtanong ako sa kanya.
Sa kanyang kamatayan, ang ibig niya’y
walang magdadalamhati, kahit sino man.
Hindi raw dapat iyakan ang isang
namatay sapagkat ang kamatayan
ay isang paraan upang ang tao’y
muling maisilang!
Nagsidatingan ang mga Baniaga sa Bagani
Ubbog. Iba’t ibang paraan ang kanilang pag-
uwi: may sumakay sa bus, sa tren, sa barko,
sa eruplano, sa diyep, sa kotse. Walang
puknat ang pagbabalitaan naming; sarsari an
gaming mga lenggwahe. At muli, ang hindi
pagkakaunawaan: sa ilalim ng anong
pananampalataya dapat malibing si Apong
Isis?
Siyam na araw naming ibinurol ang bangkay ni
Apong Isis sa salas sa kanyang lumang dampa sa
Bagani Ubbog. Nakipaglamay ang buong nayon sa
amin sa pagbabantay sa kanyang bangkay. Sa
loob ng siyam na araw na iyon, lagging magsiga
sa paanan ng hagdanan. Ayon sa matatanda,
ang usok ng siga ay isang kamanyang na alay
para sa kaluluwa ni Apong Isis upang
maluwalhati siyang makapasok sa pinto ng
langit.
Sa loob din ng siyam na araw na iyon, gabi-
gabing dumadalo ang matatanda, hindi lamang
sa Bagani Ubbog kundi pati na rin ang mga taga-
kanugnog pook. At kung nag-uumpukan na sila,
sinasariwa ang mga maalamat na karanasan ni
Apong Isis noong nabubuhay pa. Ang
pakikipaghamok niya sa mga prayle at sa mga
guwardiya sibil; ang pakikipagbuno niya sa isang
kalabaw na binalian niya ng isang sungay;
Ang pakikipaglaban sa buong maghapon at
paggapi niya sa isang Igorot na nagsabog ng
takot at lagim sa Bagani Ubbog sa pamamagitan
ng talunasan kontra aliwa; ang pagtatago niya
kay Kapitan Candonino Gaerlan, ang pisak ang
mata ngunit magiting na gerilyero noong
nakaraang digmaan: lahat nang ito ay gabi-
gabing sinasariwa nila, laahat ng mga kabutihang
nagawa ni Apong Baak, maliit man o malaki.
At dahil sa mga kabutihang ito, sa mga
gabing iyon, napagtanto kong kahit patay na
si Apong Isis ay mananatili pa rin siyang
buhay sa aking mga kanayon. Kailan man ay
hindi mawawaglit ang pangalan niya sa
kasaysayan ng Candon o ng Bagani Ubbog at
sapat na iyon upang maitayo ang isang
bantayog na alay sa kanya.
Bantayog na hindi yari sa bakal o semento o
marmol o anumang uri ng bato at saka ititirik sa gitna
ng alinmang liwasan kundi ng isang bantayog na
habang tumatagal ay higit na tumitingkad at hindi
makakayang buwagin ng anumang bagyo o
pagngangalit ng panahon sapagkat ito ay itinirik sa
dambana ng mga puso at damdamin ng mga
nakakikilala sa kanya. At marahil, ito ang kanyang ibig
sabihin na ang kamatayan ay isang paraan pa lamang
upang ang tao ay muling maisilang!
Nang pag-uusapan na ng aking mga tiyuhi’t
tiyahin ang paglilibingan sa bangkay ni Apong Isis,
lalong lumala ang hindi pagkakaunawaan. Ang ibig
ni Amang, malibing sa lumang kamposantong pag-
aari ng mga paring Katoliko sa Paras; iginigiit
naman ng iba na sa sementeryo ng gobyerno sa
Bagani Camposanto. At sa tagal ng kanilang pag-
uusap, lalong uminit ang pagtatalo hanggang
magsusuntukan na sana sila! Inawat sila ng aking
mga kanayo.
Nagsi-alisan ang aking mga tiyuhi’t tiyahin. Nang
magbalik sila, kasa-kasama na ang bawat ministro ng
kani-kanilang pananampalataya. Naupo sila sa harap
ng isang mesa upang pag-usapan ang nararapat na
gawin.
Subalit hindi pa rin sila magkasundo. May biglang
nakaisip: bakit hindi ninyo tanungin si Apokalipsis? Siya
ang kasambahan niya. Siya ang may karapang
magpasiya dahil sa Apokalipsis ang nagging kalapit-
loob niya diba? At baka may lihim na kahilingang
iniwan si Apong Isis sa kanya!
Sa pagkakataong iyon, biglang sumagi sa isip
ko ang huling pag-uusap namin ni Apong Isis.
Nangyari iyon noong isang gabing tapos na
kaming maghapunan at kinabukasan ay tutulak
na ako patungong Maynila. Ani Apong Isis sa
akin noon: Nararamdaman ko, Apokalipsis,
Apok, na hindi na ako magtatagal pa sa ibabaw
ng mundo. Nauulinagan ko na ang pagtawag sa
akin ng Apong Ibang mo.
At bago ako mamatay, ibig kong
ipagkatiwala sa iyo ang karapatang
humanap ng pook sa maayos kong
pagbabalik sa sinapupunan ng Maykapal.
Kung saan ang alam mong nararapat sa
akin, doon mo ako dadalhin. Kung ano ang
inaakala mong pinakamabuti para sa aking
katawan, doon mo ako isilong. . . . . . . .
Hinarap ko ang mga ministro at aking mga tiyuhi’t
tiyahin at matatag ang tinig kong nag-ulat sa kania.
May huling kahilingan nga ang Apong Isis na iniwan sa
akin. Sabi niya, sa ilalim daw ng wastong
pananampalataya dapat malibing ang kanyang
bangkay!
Sa sinabi kong ito, nagharap-harap na ang mga
ministro, pati na si Padre Resurreccion. Mainit agad ang
kanilang pag-uusap; nagbubulawan sila. At nang
lumaon, wala na silang iniwan sa mababangis na
tigreng ibig lamunin ang bawat isa!
Nang araw ding iyon, inilibing naming si Apong Isis.
Inilibing namin siyang walang sinumang ministro o
kinatawan ng simbahan o anumang relihiyon na
nakialam. Ako ang unang dumampot ng lupang itinabon
sa kanyang hukay. At pagkatapos niyon, matagal kong
tiningala ang Bundok Gidday sa silangan. At habang
tinitingala ko ang bundok, nakapa ko ang pilat sa aking
ulo, sa bandang kinaroroonan ng aking kambal na puyo.
Ang pilat na ito ay siyang nagbigay liwanag sa akin ng
lahat. Dahil sa pilat na ito, napagtanto ko ang nararapat
sa bangkay ni Apong Isis.
Inilibing naming si Apong Isis sa tabi ng puntod ni
Apong Ibang na nasa sulok ng kanyang payak na
bakuran. Kung bakit ay sapagkat natalos kong ito ang
sulok na pinakamalapit ang Diyos sa kanya. Tulad ng
pagkataho ko kung bakit ako isinama ni Apong Isis sa
pag-akyat ng Bundok Gidday. Kung bakit nasabi niya
sa akin noon na ang sugat ko sa ulo ang siyang
magiging tanda ng aking pagkatao sa habang
panahon. At higit sa lahat, kung bakit sinabi niyang
dahil sa sugat na ito, ako ay pag-aari na ng yungib sa
Bundok Gidday.
Hindi raw dapat iyakan ang isang
namatay sapagkat ang kamatayan ay
isang paraan upang tao’y muling
maisilang!
Inilibing namin siyang walang
sinumang ministro o kinatawan ng
simbahan o anumang relihiyon na
nakialam.
“Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako’y Persiano;
ikaw ay kaaway ng baya’t secta ko,
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.
“Pag-ibig anaki’y aking nakilala
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.
“O pagsintang labis ng kapangyarihan,
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw;
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat masunod ka lamang!
Ang ningning ay nakasisilaw at
nakasisira ng paningin.

Ang liwanag ay kinakailangan ng


mata, upang mapagwari ang buong
katunayan ng mga bagay-bagay.
Ating hanapin ang liwanag, tayo’y
huwag mabighani sa ningning.

Dahil sa ating pag-uugali ay


lubhang nangapit ang pagsamba sa
ningning at pagtakwil sa liwanag.
Maraming
Salamat!
PAGSUBOK
1-2.

Ano ang Moralistikong Pagdulog?


3.

Magbigay ng isang akdang


may Moralistikong Pagdulog.
4.
Anong dulog ang kaugnay sa
moralistikong pagdulog?
5.

Magbigay ng kasabihan o
salawikain.

You might also like