You are on page 1of 5

ANG DALAGINDING

Inigo Ed Regalado
(Ang Pagsusuri)

I. Paksa

Ang kuwentong ito ay umiikot sa isang dalaginding na tawag ng mga matatanda sa mga
babaeng nasa katamtamang gulang na. Ito ay tungkol sa isang dalaginding na tumutulong sa
kanyang ina sa pamamagitan ng pagbebenta ng sampaguita sa bayan. Lubos kinagigiliwan ang
dalaginding ng mga tao at tinaguriang bilang “ Tala ng Kabukiran” dahil sa angking ganda at
busilak na loob. Dahil sa angking ganda ay unti-unting nahulog ang loob ng isang binatang
doktor sa dalaginding na sa kasalukuyang nagbabakasyon galing Maynila. Lagi niyang binibili
ang sampaguita para masilayan lamang ang dalaginding at dito na nagsimula suyuin ng binata
ang dalaginding.

II. Estruktura

Ang estruktura na ginamit sa kuwento ay parehong “linear” at “plot twist”. Ito ay


tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mas naiparating ng may-akda
ang mensahe dahil nagpapakita ito ng pag-usad ng kuwento mula simula hanggang wakas batay
sa natural na reaksyon sa mga aksyon. Ginamitan din nito ng plot twist upang umantig sa
emosyon ng mambabasa at mga tagpong di mo inaasahan na makakahatak sa mga mambabasa na
ipagpatuloy ang kanilang binabasa. Inilalahad ng mabuti ang mga pangyayari at ano kaugnayan
ng mga ito gamit ang “linear”.

III. Oryentasyon

Ayon kay Villafuerte (2000), na sa pagsusuri ng maikling kuwento dapat suriin ang
elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig at pahayag.
Sinasabi rito na dapat suriing mabuti ang mga iba’t ibang elemento upang mas madaling
maintindihan ang maikling kuwento.
● Irene- isang dalaginding na may maganadang panloob at panlabas na anyo. Kilala siya sa
bilang Ineng. Tinatawag siyang bilang “Tala ng Kabukiran” ng mga tao sa nayon.
● Dr. Eduardo Magsino- isang binatang doktor na taga- Maynila na nagkagusto kay Ineng
at laging binibili ang mga tindang sampaguita nito.
● Delia Brillantes- isang taga- Maynila at ikakasal kay Roberto.
● Donya Concha Brillantes- ina ni Delia at naging isang hadlang sa pag-iibigan ni Ineng at
Eduardo
● Dr. Serapio Brillantes- asawa ni Donya Concha at ama ni Delia.
● Aling Peta- ina ni Ineng at nagsabing iwasan ang binatang doktor.
● Mang Bruno- ama ni Ineng at naglilingkod kay Dr. Brillantes.
● Mang Porong- Lolo ni Ineng na nagligtas kay Ineng sa kapahamakan
● Gudyo- katulong na lalaki ni Eduardo
● Islang- pinsan ni Ineng at asawa ni Gudyo.
● Roberto Magsarili- lalaking ikakasal kay Delia at may masamang ugali.

Sa isang lugar kung tawagin ay Libis, nagsimula ang kuwento at ito ay isang tahimik at
magandang lugar kaya naman hinangaan ni Eduardo at doon napagbalakan magbakasyon sa
bayan. Nakatira nama Lumipat ang storya sa Maynila dahil sa isang pangyayari na muntik
sumira sa buhay ni Irene. Nanirahan at naglingkod sila sa amo ni Mang Bruno sa lungsod.

IV. Buod

Sa isang lugar naninirahan ang isang dalaginding na nagngangalang Irene na kadalasang


tinatawag na Ineng at tinagurian siya bilang “ Tala ng Kabukiran”. Tumutulong sa kanyang ina
na si Aling Petang na magbenta ng sampaguita. Mayroong isang lalaki na laging bumibili ng
kanyang mga pinagbebenta at unti-unti nahulog ang damdamin ng binata sa dalaginding. Ito ay si
Dr. Eduardo Magsino na kasalukuyang nagbabakasyon doon. Nagtapat siya sa dalaginding at
sinuyo niya ito hanggang sa kanyang mapasagot.
Maraming pagsubok ang kanilang hinarap tulad ni Donya Concha na kung saan gustong
paghiwalayin ang dalawang magkasintahan dahil gusto niyang ang doktor para sa kanyang anak
na si Delia. Tinangka niya itong ipagahasa sa iba upang walang humadlang sa pag-iibigan ni
Delia at Eduardo. Lubos na nasaktan si Ineng sa pangyayari dahil sa pag-aakalang hindi na siya
mahal ni Eduardo. Lagi siyang nagtatago tuwing dadalaw ito kay Delia. Lingid sa kaalaman ni
Eduardo, ang dating kasintahan pala ay naglilingkod sa pamilya ni Delia nung nilisan niya ang
bayan ng Libis. Binalak ni Delia ayain si Eduardo magpakasal ngunit hindi ito pumayag dahil
gusto niya makita muli ang “Tala ng Kabukiran”. Nagalit naman si Donya Concha kaya binalak
niyang ipagbenta sa isang bahay aliwan si Ineng ngunit hindi ito natuloy dahil kay Delia. Dala sa
sinapupunan niya ang anak ni Eduardo at pumunta sa isang tahimik na lugar na pag-aari ng
pamilyang Brillantes kasama si Irene. Sa bandang huli, nanganak si Delia at sa paglipas ng mga
araw humina nang humina ang kanyang kalusugan. Hinabilin niya kay Irene ang kanyang
sanggol at namatay na ito. Umalis ng bansa ang mag-asawang Brillantes upang makalimutan ang
kanilang nag-iisang anak. Umuwi si Irene sa bayan dala ang sanggol at dito niya nakatagpo si
Eduardo. Hiningi ni Eduardo ang kamay ni Irene sa lolo nito na malapit na rin mamatay at
hinabilin ang bolo na nagligtas sa puri ng kanyang apo. Nagpakasal sila at itinuring ni Irene na
parang kanyang anak na iniwan sa kanya ni Delia.

IV. Pagsusuring Nilalaman

Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at kapangyarihan sa register ng


wika, nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan. May sapat na
lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang panaromic na larawan ng
buhay(https://yramenna77.wordpress.com/2012/11/18/proseso-ng-pagsulat/). Naipadama ng
may-akda ang damdamin ng mga tauhan ng kuwento.

Mapapansin sa kuwento na ito ay pumapatungkol sa pag-ibig. Noong 1800s, lumaganap


ang Romantisisimo. Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at paghanga sa
kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago na naganap sa
panitikan(https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-romantisismo/). Ito ay
nagpapakita ng kahalagahan sa damdamin ng isang tao. Ito ay naging sikat sa Pilipinas dahil sa
pagpasok ng mga Espanyol. Ginamit ito ng may-akda upang mas maiparating niya ang
mensaheng gustong sabihin. Ang kuwentong “Ang Dalaginding” ay nabuo noong 1922. Sa
kuwentong ito, nabanggit dito na mas mukhang tunay na Pilipina ang mga dalaga sa probinsya
dahil natural lang silang manamit hindi tulad ng mga babaeng taga-Maynila na may mga kulay
ang mga labi. Isa sa mga problema ng mga Pilipino na naiwan ng mga mananakop sa atin at ito
ay hindi natin pagkilala at pagmamalaki sa sariling lahi. Nalilimutan ng mga tao ang sariling
kanila at umaasa sa mga dayuhan. Sa isang banda naman, mababasa sa kuwento na pinagbawalan
ang dalaginding na makipagkita sa binatang pumapakyaw sa kanyang mga tindang sampaguita
ng kanyang nanay. Nangangamba ang kanyang ina dahil hindi niya alam kung sinong binatang
lalaki ang nangliligaw sa kanyang anak at lihim niya itong isinangguni sa kanyang asawa ang
nangyayari sa kanilang anak. Isa pang rason ay ayaw niyang matulad ang kanyang minamahal na
anak sa kanya na umiibig at hindi nakinig sa sinabi ng kanyang ina dahil siya ay pinagbawalan
din. Sumunod din sa yapak nito ang kanyang anak kung saan naging kasintahan nito ang
binatang lalaki. Sa kasalukuyang panahon, ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, lahi, estado,
at maging kasarian. Sa kuwento ni Ineng at Eduardo, si Eduardo ay isang binatang doktor habang
si Ineng ay isang dalaginding o isang babaeng nagdadalaga pa lamang. Masasabi rito na may
agwat ang kanilang edad ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan. Nagkahiwalay
sila at humarap sa mga pagsubok ngunit sa huli, sila pa rin ang nagkatuluyan at namuhay ng
masaya kapiling ang isa’t isa.

Sa kuwentong ito, makikita ang matibay at magandang pagmamahal sa pagitan ni Irene at


Eduardo. Makikita mo rin ang pagbabago sa emosyonal na aspekto ng mga tauhan sa kwento.
Kahit nagkalayo sila dahil sa isang pangyayari na maaaring makapagpabago sa buhay ni Irene at
nagka-anak si Eduardo kay Delia ay tinanggap nila ang isa’t isa ng buong puso at pinatawad ni
Irene ang kasintahan at tinuring na parang kanyang anak ang naging bunga ng pagsasama ni
Delia at Eduardo. Nakakaantig ng puso ang mga bawat pangyayari at nakakahatak ng atensyon
ng mga mambabasa na ipagpatuloy pa itong basahin.

Kuwentong Sinuri ni:


Kiela E. Añoso
11-Peace

You might also like