Professional Documents
Culture Documents
I.
A. Pamagat ng Katha: “Ang Dalaginding”
B. Sanggunian o Aklat na
pinagkuhanan:PanitikangPilipino(Pandalubhasaan)
Consolacion P. Sauco
Nenita P. Papa
Narcisa S. Sta. Ana
II. Boud
“Ang Dalaginding”
Si Irene ay Kaisa-isang anak ng mag-asawang
Mang Bruno at Aling Petang. Sila’y naninirahan sa
liblib ng nayon. Kasama nila sa bahay si Lolo
Porong na Ama ni Aling Petang. Si Mang Bruno ay
nagtratrabaho sa Maynila bilang tsuper ng isang
mayamang pamilya.
Ang tahanan ng mag-anak ay yari sa pawid at
sawali na maayos at masinop ang pagkakayari. Ang
kapaligiran nito ay maraming tanim na mga
sampaguita.
Si Irene ay tinaguriang “Tala ng Kabukiran” dahil
sa angking kagandahan, kahinhinan at kabaitan
nito. Balana’y pumupuri sa Dalaginding dahil sa
pagiging magalang, mabait at masunuring anak.
Naging ugali na ni Irene ang mamitas ng mga
bulaklak ng sampagita na tinutuhog niya at
ginawang mga kwintas at inaalay niya sa mahal na
birhen sa kanilang altar.
Isang araw ay naisip ng dalaginding na naparami na
pala ang mga tinuhog niyang sampagita kaya’t
nagpaalam siya sa kanyang ina na magtitinda siya ng
sampagita sa kabayanan. Pinayagan naman siya ni
Aling Petang.
Sa paglalako niya ng sampagita na “bili na kayo
ng sampagita” ay tinawag siya ng isang batang-
batang manggagamot na nagbabakasyon sa kanilang
lalawigan. Ang kasama sa bahay ng naturang doktor
ay ang mag-asawang katulong niya na sina Godyo at
Isyang. Ang kanyang amain na may-ari ng kanyang
tinutuluyan ay nasa Amerika.
Tinawag ng binata ang Dalaginding at pinakyaw ang mga
kwintas ng sampagita. Bago umalis ang dalaginding sinabihan
siya ng doktor na kung magtitinda araw-araw amg dalaga ay
huwag ipagbibili sa iba at papakyawin niya ito. Tuwang-tuwang
umuwi si Irene at masayang binalita sa kanyang ina.
Gaya ng napagkasunduan ay pinapakyaw araw-araw ni Dr.
Eduardo Magsino ang tindang mga kuwintas ng sampagita ni
Irene. Sa paglipas ng mga araw nakaramdam si Eduardo na
umiibig siya sa dalaginding. Isang araw na muling matinda si
Irene ay hindi na napigilan ng binata ang kanyang sarili at
magiliw na hinawakan sa kamay si Irene at pabulong na
sinabing “ iniibig kita, Ineng” Ineng ang matamis na palaway ni
Irene, nabigla si Irene at agad binawi ni Irene ang kanyang
kamay at patakbong umalis.
Pagdating sa kanilang bahay ay agad na ibinalita ni Irene
sa ina ang nangyari at tinanong sa ina kung ano ang ibig
sabihin ni Eduardo sa sinabing iyon. Sinabi niyang
walang anuman iyon. Nung gabing iyon, natutulog na si
Irene ay kinausap ni Aling Petang ang kanyang amang si
Lolo Porong at ipinagtapat dito ang suliraning gumugulo
sa kanya tungkol kay Irene. Pinayuhan ni Lolo Porong si
Aling Petang na pagsabihan na lamang si Irene na huwag
nang magtinda ng kuwintas ng sampagita at sabihin dito
na higit na matutuwa ang mahal na birhen kung iaalay na
lamang dito ang mga sampagitang napipitas sa kanilang
bakuran.
Sinunod ni Irene ang sinabi ng kanyang ina. Si Eduardo
naman ay hintay ng hintay sa Dalaginding, nang nainip siya
ay kinausap niya ang mag-asawang katulong niya. Nalaman
niya mula kay Isyang na pinsan pala nito ang dalaginding
na kung tawagin ay “Tala ng Kabukiran”. Ang mga binata
at mga dalaga sa “circulong” kinabibilangan niya na
magbalak na siya’y sorpresahin sa pagdaraos ng isang pista
sa baryo na idaraos sa bakuran ng bahay na tinutuluyan ni
Eduardo. Agad na nagpahanda si Eduardo sa mag-asawang
Godyo at Isyang para sa pagdiriwang na iyon. Ipinagbilin
niya kay Isyang na mag-anyaya ito ng mga dalagang nayon
na isasama sa panauhin.
Sinabi niyang isama si Irene sa mga dalagang inembeta
ngunit sinabihan niyang huwag sasabihin na may handaan
kila Eduardo. Nagulat si Irene nang dumating sa tahanan
nila Eduardo ngunit hindi na siya makaurong.
Dumating ang panauhin na taga maynila kabilang dito si
Delia Brillantes, isang dalagang kilala sa mataas na lipunan
sa maynila. Kasama sila Donya Concha na ina ni Delia at
ang kanyang ama na si Dr. Serapio Brillantes. Napansin ni
Donya Concha si Irene na palaging tinitigan ni Eduardo,
gusto ni Donya Concha na maging manugang si Eduardo.
Si Delia naman ay may lihim na pagtingin kay eduardo.
Binalak na pahiyain ni Donya Concha si Irene ngunit
sa kasamaang palad siya ay napahiya siya ay nasubsob
at nabali ang kanyang pustiso agad naman humingi ng
pasensya si Irene. Nang pagkaalis na mga panauhin
binulungan ni Dr. Fuentes si Eduardo na walang
kasalanan si Irene sapagkat kitang kita niya ang
pangyayari na si Donya Concha ang may kasalanan.
Bago umalis ang taga maynila kinausap ni Donya
Concha si Roberto sinabi niya kung gusto niyang
mapasakanya si Delia magpaiwan siya sa lalawigan at
pagsamantalahan si Irene pumayag naman si Roberto.
Itinuro ni Isyang ang tahanan ni Irene kay Eduardo ngunit
hindi siya makalapit sa dalaga dahil sa pangingilag kina
Aling Petang at Lolo Porong. Sinabi ni Eduardo na
matapat ang hangarin niya kay Irene. Matamang
sinubaybayan ni Eduardo si Irene at minsan ay nakita niya
si Irene na patungo sa ilog upang maglaba sinundan niya
ang dalaginding at sila’y nag-usap. Simula noon ay
malimit nang abangan ni Eduardo ang paglalaba sa ilog ni
Irene. Sa matiyagang panliligaw ni Eduardo kay Irene ay
napasagot niya ang dalaginding. Inilihim nila ang kanilang
pag-iibigan sa mga magulang ni Irene.
Sa matiyagang panliligaw ni Eduardo kay Irene ay
napasagot niya ang dalaginding. Inilihim nila ang kanilang
pag-iibigan sa mga magulang ni Irene. Isang araw
kinausap ni Eduardo si Irene na luluwas siya may nila
dahil may aasikasuhin siya doon at babalik naman siya
agad.
Isang umagang naglalaba sa ilog si Irene ay may narinig
siyang kaluskos sa kanyang likuran. Lumingon siya sa
pag-aakalang dumating na si Eduardo ngunit nabigla
siyang may isang lalaki na lumapit sa kanya at
pinagtangkaang lapastanganin si Irene sumigaw siya ng
tulong at narinig ng kanyang Lolo Porong. Dali-daling
sumaklolo ang matanda at sila ng lalaki ay nag-aagawan
ng patalim.
Nagpagulong-gulong ang dalawa ang dalawa at
nahulog sa ilong maya-maya ay nagkulay dugo ang
tubig at napatay ng Lolo ni Irene si Roberto. Si
Lolo Porong ay nagtago sa gubat at kung gabi
lamang umuuwi sa kanilang bahay.
Nilason ni Donya Concha ang isip ni Irene tungkol
kay Eduardo. Sinabi niya na maraming babae ang
binata at naniwala naman si Irene. Magkasama sa
silid si Delia at Irene at sila’y naging magkaibigan.
Walang inililihim si Delia kay Irene. Minsang
sila’y nagkukuwentuhan ni Delia ay nasabi ni Irene
na siya ay tinatawag sa kanilang nayon na “Tala ng
Kabukiran.
Si Eduardo naman ay labis na nangulila sa dalaga at
kung saan-saan siya namasyal para malimutan ang
dalaga. Malimit siyang dumadalaw kay Delia upang
maglibang. Kapag nasa bahay nila Delia si Eduardo ay
nagtatago si Irene sapagkat galit siya sa binata. Madalas
na ikinukuwento ni Delia kay Irene na sila ay
nagkakaibigan na.
Isang gabi ang dalawa ay kapwa silang naglasing at may
nangyari sa kanilang dalawa sa labis na kalasingan.
Nabuntis si Delia at sinabi niya ito kay Eduardo hiniling
ng dalaga sa binata na panindigan niya ito subalit
tumanggi ito at ang papakasalan ya lang ang “Tala ng
kabukiran” na kanyang hinahanap peru hindi niya
mahanap. Napagpasyahan ng mag-anak na itago si Delia
sa isang lugar na malayu-layo sa maynila. Nang araw na
iyon pinaiwan ni Donya Concha si Irene sapagkat
ibibinta niya si Irene sa kalapating mababa ang lipat.
Nalaman ito ni Eduardo at dali-daling tinungo ito. Gusto
namang isama ni Delia si Irene at pumayag si Donya
Concha dahil mapilit si Delia. Hindi naman nagkita sila
Irene at Eduardo.
Nagsilang si Delia ng isang sanggol na lalaki, pagkasilang
niya ng kanyang anak ay naramdaman niyang hindi na
siya magtatagal, sinuot niya ang kuwintas sa sanggol. Ang
kuwintas na iyon ay may larawan ni Eduardo kinuha niya
ang kuwintas sa tokador ng binata ng minsang natulog sa
silid nito. Ipinagbilin niya kay Irene na alagaan at mahalin
niya ang kanyang anak. Gusto rin ni Delia na makilala ni
Eduardo ang kanilang anak. Pagkalibing kay Delia ay
umuwi na ito sa kanila subalit ginabi ito sa daan napagisip-
isipan niyang tumuloy muna sa kanyang pinsan na si
Isyang. Sinabi ni Isyang na nasa maynila si Eduardo at
palaging naglalasing ang binata mula nawala ang
dalaginding. Nang hatinggabi na may humintong sasakyan
at bumaba si Eduardo.
Madaling araw na at naalimpungatan ang binata
may narinig siyang sanggol na umiiyak sa ibaba ng
bahay pinuntahan niya ito at nabigla siya sa
kanyang nakita. Sinumbatan niya ang kasintahan na
taksil sapagkat may anak na pala ito. Ipinaliwanag
ni Irene ang lahat at ipinakita ni Irene ang kuwintas
agad naman naniwala si Eduardo. Pagkatapos
ilibing si Lolo Porong ay nagpakasal sila ni
Eduardo at Irene. Ang anak ni Delia ay tinuring ni
Irene na sariling anak na dugo ng kanyang dugo at
laman ng kanyang laman.
III. Pagsusuri
A. Uring pampanitikan
Ang akda ay isang nobela. Nobela sapagkat ito ay
binubuo ng mga kawil ng mga pangyayari. Nahahati
ito sa mga kabanata, sumasakop sa mahabang
panahon ang daloy ng kuwento at maraming tauhan
ang gumaganap.
B. Istilo ng Paglalahad
Tradisyunal ang ginamit na paraan ng awtor upang
ilahad ang pagkasunod-sunod ng akda. Hindi ito
gumamit ng “Flashback” kundi ang daloy ay mula
sa simpleng panimula hanggang sa
pakomplikadong paraan.
C. Tayutay
1.. Halimbawa ng tayutay na matatagpuan sa kathang
sinuri:
Si Irene ay tinaguriang “tala ng kabukiran” dahil sa
angking kagandahan, kahinhinan at kabaitan nito.
Ito ay Personipikasyon dahil binigyang buhay ito sa
pamamagitan ng pagsasatao sa walang buhay.
2. Panaramdam(Exclamatory)
Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin.
Naisip ni Irene na siya ang tinutukoy na taga nayon ng
Donya at nagalit siya kay Eduardo. Sapagkat inakala
niyang totoo ang sinabi sa kanya ng Donya.
3. Pagpapalit tawag(Metonomy)
Ang pagpapahayag ay nagpapalit ng katawagan o
ngalan ng bagay na tinutukoy.
Nang araw na patungo sina Delia at Aling
Petang sa pook na pagtataguan kay Deli ay
naisip ni Donya Concha na dalhin si Irene sa
kaibigan niyang si Olympia na nag-aalaga ng
mga kalapating mababa ang lipad.
4. Pag-uulit(Alliteration)
Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginamit sa
isang pangungusap.
Ang anak ni Delia ay tinuring ni Irene na tunay
niyang anak na dugo ng kanyang dugo at laman
ng kanyang laman.
D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan
-Ang Nobelang Dalaginding ay may teoryang
Romatisismo ang layunin ng teoryang ito ay
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig
sa kapwa o sa kayang iniibig. Ipinakikita rin sa akda
na gagawin ng isang tao ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig.
-Sa paglalako ng dalaginding ng sampagita ay tinawag
siya ng isang batang-batang manggagamot. Araw-araw
ay binibili niya ang binibinta ng dalaginding na
sampagita. Sa paglipas ng araw ay naramdaman ni
Eduardo na umiibig na siya sa dalagaginding. Hindi na
na napigilan ng binata ang sarili at magiliw na
hinawakan sa kamay si Irene at pabulong na sinabing
“Iniibig kita Ineng”.
A. Mga tauhan
1. Irene- Si Irene ay maganda,masunurin, may takot sa
dios, mapagmahal na anak at mabait na dalaga.
2. Aling Petang- Si Aling Petang na ina ni Irene ay naging
mabuting ina at kalianman hindi niya pinabayaan
si Irene at mahal na mahal niya ang kanyang anak.
3. Donya Concha- Siya ay sakim, makasarili, at masama
ang ugali, gusti niyang paghiwalayin si Eduardo at
Irene dahil gusto niyang maging manugang si Eduardo.
4. Delia Brilliantes- Siya ay napakabuting kaibigan kay
Irene,maintindihin at mapagmahal. Meron
siyang tingatagong pagtingin kay Eduardo.
5. Roberto- Dahil sa labis na pagmamahal niya kay Delia
ay gumawa siya ng hindi mabuti at muntik na
niyang gahasain si Irene.
6. Lolo Porong- Mapagmahal na lolo kay Irene at handa
niyang protektahan ang kanyang pamilya
kahit pa buhay niya ang nakasalalay.
7. Dr. Eduardo Magsino- Matapat,mapagmahal, kung siya
ay iibig makaksigurado kang
ikaw at ikaw lang ang kanyang
iibigin habang buhay. Wala
siyang kinatatakutan, mabait,
maginoo, at mahal na mahal niya
si Irene.
Simula:
Si Irene ay kaisa-isang anak ng mag asawang Manng Bruno
at Aling Petang. Sila’y naninirahan sa libis ng nayon. Ang
kanilang kapaligiran ay maraming tanim na mga sampagita.
Naging ugali ni Irene ang mamitas ng bulaklak ng sampagita na
tinutuhog niya at ginawang kwintas. Isang araw na apg isipan
ni Irene na ibenta ang kwintas na sampagita. Sa paglalako ng
dalaginding ng sampagita at pagsisigaw ng mga ito ay narinig
siya ng batang-batang manggagamot na si Eduardo at bumili
siya kay Irene at sinabihan niya itong kung maglalako siya
araw-araw ay huwag na itong ipagbili sa iba dahil siya na daw
ang magpapakyaw. Tuwang-tuwa ang dalaginding gaya ng
napagkasunduan ay pinakyaw ito ng binata. Pagkalipas ng mga
araw ay naramdaman ni Eduardo na umiibig na siya sa
dalaginding
Gitna:
Merong isang pagdaraos kila Eduardo at ang lahat ay
imbetado. Inimbita din ni Eduardo si Irene peru hindi
alam ni Irene na ang pupuntahan nitong pagdiriwang ay
sa bahay ng batang doktor. Nahalata ni Donya Concha
na iniibig ni Eduardo ang Dalaginding kaya siniraan ng
Donya si Eduardo kay Irene at nagalit ito sa binata.
Hindi na nagpakita si Irene sa kanyang kasintahan.
Wakas:
Pagkasilang ni Delia sa kanyang anak ay binilin niya ito
kay Irene. Umuwi si Irene sa kanila peru ginabi ito sa
daan kaya napag-isipan ng Dalaginding na manuluyan
muna sa kanayng pinsan na si Isyang. Gabi na ng umuwi
si Eduardo at lasing na lasing ito. Nang naghating gabi
ay may narinig si Eduardo na sanggol na umiiyak
pinuntahan niya ito at nakita si Irene. Pinaliwanag niya
ito sa kanyang kasintahan at naniwala naman agad ito.
Matapos magsiaayos ang lahat ay nagpakasal ang
dalawa. Ang anak ni Delia ay tinuring ni Irene na tunay
niyang anak.
V. Bisang Pampanitikan