You are on page 1of 10

“Panambitan”

Ni Myrna Prado
na isinalin ni Wikang Filipino ni
Dr. Maria Lilia Fuentebella Realubit

(Isang Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan)

Inihanda nina: Para kay:

Arasula, Princess Bb. Cristelyne Cheyenne Fiedacan


Degrano, Regeena Kyla C.
Maguillano, Mekaela P.
Tamargo, Hannah Joy M.
Panambitan (Tulang Bicol)
Myrna Prado

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao'y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus- kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

Mga mahihirap lalong nasasadlak


Mga mayayaman lalong umuunlad
May kapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang -na-loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa


Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi'y lalong managana.

Nasaan, Diyos ko, ang sinabi Mo


Tao'y pantay-pantay sa bala ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, poon ko, panambitang ito.
MUNGKAHING PARAAN NG PAGSUSURI

I. Pamagat

Panambitan (Tulang Bicol)

Ang isang panambitan ay matatawag natin na isang panalangin. Ito ay


isang kahilingan na mula sa kalaliman ng ating mga sarili. Bukod dito, masasabi
natin na ang isang panambitan ay panawagan o pamimighati. Ang “panambitan”
ay mula sa salitang Hebreo na qi·nahʹ, na tumutukoy sa isang malungkot na
komposisyon, isang elehiya, o panaghoy.

May Akda

Si Myrna Prado ay isang kapus palad, na nangangarap na maging


mayaman. Siya ay na-engganyong sumulat ng isang tula kaya nalikha niya ang
tulang “Panambitan" na hango sa kanyang mga naranasan sa buhay.

Si Dr. Maria Lilia Fuentebella Realubit (Oktobre 22, 1930 - 17 Agosto


2017) ang nagsalin sa wikang Filipino ay isang Bikolanang manunulat na dating
propesor ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Pilipinas at nakatanggap
ng Masirang na Bituon kan Kabikolan (Gawad para sa Tagumpay ng Buhay) sa
unang Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon noong 2004. Siya
ang bumuo ng Kabulig Bikol at Bikol Heritage Society, Inc.
Sanggunian

Ang ginamit na sanggunian para sa tulang Panambitan ni Myrna Prado ay


ang Internet at pananaiksik dito. May ilang mga website rin ang nagbigay o ang
mayroong kopya ng akdang ito na isinalin mula sa salitang Bisaya sa Tagalog ni
Maria Lilia Realubit.
II. Paglalahad ng Nilalaman

Buod

Ang panambitan ay isang kahilingan, paliwanag, o daing galing sa mga


mahihirap na mamamayan. Ang nilalaman ng tulang ito ay sumasalamin sa
reyalidad na kung saan tinatalakay ang kahirapan na nararanasan sa buhay ng
mga tao sa mundo. Ipinapahiwatig din kung paano hindi pinapakinggan at
binibigyang-atensyon ang mga daing ng mga mahihirap.

Sa unang saknong ay nagtatanong kung bakit marami ang nasisilaw sa


pera na ang bunga ay nagpapababa ng tingin sa mahihirap na mamamayan at
hindi nagkakaroon ng pantay na pagtrato sa bawat indibidwal, mayaman man o
mahirap. Dahil sa pagiging sakim o ganid ng mga mayayaman dahil sa pera,
nakakalimutan na nila kung paano gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Sa ikalawang saknong ay sinasabi na kung ang mamamayan ay


umuunlad, ang mahihirap naman ay lalong nasasawi. Sinasabi rin dito na kung
sino pa ang mayayaman ay sila pang hindi matunong magkaroon ng malasakit
sa mga mahihirap. Sa huli, sinabi rin na ang utang na loob ay kadalasan
nagmumula sa mahihirap. Halimbawa ay iyong mga taong nagagawang
manghiram ng pera gawa ng kahirapan.

Sa ikatlong saknong, sinasabi na imbis tulungan ang mga mahihirap ay


mas lalo pang pinapahirapan gaya ng pang-aalipusta o pang-aapi. Hindi
nabibigyang katarungan at nararapat na pakikitungo ang mga hikahos sa buhay
sapagkat ang karaniwang tingin ng nakararami sa mahihirap ay mga hampas-
lupa na walang karapatang umunlad sa lipunan.

Sa huling saknong, dito nagsimulang kwestyonin ng mamamayan ang


kasabihan sa mundo na “lahat ng tao ay pantay-pantay”. Sa ikatlo at ikaapat na
taludtod ng huling saknong, isinasaad rito ang pananambitan o pagdaing ng
mga mamamayan sa Diyos Ama sa kadahilanang bakit napakadaya ng mundo
dahil mayroong mayaman subalit mayroong ding mahirap na kung tutuusin ay
nararapt na pantay lamang ang kanilang estado sa lipunan.
III. Pagsusuri

A. Uri ng Pampanitikan

Ang akdang Pananambitan ay isang uri ng tula sapagkat ito ay isinulat ng


may sukat na lalabindalawahing pantig at apat na saknong na binubuo ng apat
na taludtod bawat isa. Ito ay mayroon ding tugmaan sa patinig ng bawat huling
salita. Masasabing ito ay tula sapagkat binubuo rin ito ng mga kariktan at
matatalinghagang salita na mas lalong naging mas kawili-wili at nakapupukaw ng
interes ng mga mambabasa.

B. Istilo ng Paglalahad

Sa paglalahad ng tula, mahalagang malaman natin kung anong mga


pamamaraan ang ginamit ng may akda upang mas maunawaan natin ang
ipinapahayag ng isang panitikan. Nailahad ang tula sa pamamagitan ng mga
matatalinghagang salita na kung saan, nakatulong ito upang mas mabigyang
buhay at mas maipakita ang pagiging malikhain ng manunulat at upang mas
maging kawili-wili itong basahin. Ilan sa mga nakasaad sa ibaba ang halimbawa
ng matalinghagang ginamit sa tula.

 Tao'y sa salapi silaw


Ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na ito ay ang mga tao
nabubulag sa pera na kung saan nagsasanhi ito ng pagka-ganid, pagka-sakim at
pagka-makasarili.

 Kapus- kapalaran
Ang kahulugan naman ng kapus-kapalaran ay ang pagiging mahirap o
dukha. Ito ay tinatawag din na isang kahig, isang tuka na kung saan kailangang
nmagtrabaho araw-araw para mabuhay at makakain.

 Nasasadlak
Ang ibig sabihin nito ay itinutulak o inilalapit sa isang partikular na bagay,
tao o pangyayari.

 Dinudusta-dusta
Ang ibig sabihin ng matalinghagang salitang ito ay pang-aapi o pagyurak
sa karapatan at pagkatao ng isang indibidwal na kung saan nakakaranas siya ng
pang-aalipusta.

 Panambitan
Ang ibig sabihin ng panambitan ay hinaing o isang panalangin, kahilingan,
panawagan o pamimighati.
C. Mga tayutay

Sa tulang Panambitan ay nilalaman ng mga tayutay na kung saan


nakakatutulong ito upang mas maging malikhain ang isang akda at maipahiwatig
ang mensaheng nakapalood dito sa mas masining na pamamaraan. Ang isang
halimbawa ng tayutay na makikita sa tula ay ang tinatawag nating “Pagtawag” o
“Apostrophe” sa Ingles na matatagpuan sa ikaapat na saknong na makikita
natin sa ibaba:

Nasaan, Diyos ko, ang sinabi Mo


Tao'y pantay-pantay sa bala ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, poon ko, panambitang ito.

Mapapansin natin na ito ay nagpapahiwatig ng tayutay na pagtawag na


kung saan ang tauhan sa akda ay nagpapakita ng pagtawag sa Panginoon na
kung saan ay inihahayag niya ang kaniyang hinaing o saloobin sa pamamagitan
ng paghiling o pagmamakaawa sa Diyos na siyang may likha ng langit at lupa.

D. Teorya

Ang akdang pinamagatang “Panambitan” ni Myrna Prado ay nagpapakita


ng isang uri ng Teoryang Imahismo, Teoryang Realismo at Teoryang
Sosyolohikal. Teoryang Imahismo sapagkat pinapahayag ng may akda ang
kaisipan, damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga imahen o mga
natatagong kahulugan o simbolismo na kung saan ay sa tulong ng mga ito, mas
nagiging malikhain ang isang panitikan at mas napupukaw nito ang interes ng
mga mambabasa.

Ang teoryang realismo ay ang teoryang makikita din sa rulang ito


sapagkat nagpapakita ito ng mga totoong karanasan na naranasan ng mga akda
na kung saan ay naobserbahan niya sa lipunang kaniyang kinabibilangan, ito ay
pumapatungkol sa realidad ng buhay na gaya sa nabanggit na tula ay
nagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato sa pamamagitan ng mayayaman at
mahihirap.

Ang teoryang sosyolohikal ay isa din sa makikita sa tula dahil ating


maoobserbahan na ipinapakita ng tula ang tunay na kalagayan o sitwasyon ng
ating lipunan na kung saan makikitaan ng iba’t ibang suliranin gaya ng pang-
aalipusta, karahasan, pang-aapi, kahirapan, hindi pantay na karapatan at marami
pang iba ang mga problemang kinakaharap ng bawat mamamayan sa lipunan.
E. Sariling reaksyon

Matapos kong mabasa ang akdang ito, gumamit ng mga piling salita ang
may akda upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang nais iparating nito.
Nalaman ko rin na ito ay karaniwang sumasalamin o naglalarawan sa mga
pangyayari sa totoong buhay tulad ng kahirapan at dahil sa kahirapan
nagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa bawat isa. Sa halip
na magtulungan ay mas lalo pa tayong naghihilahan pababa. Masakit man isipin
na an mga bagay na ito ay nararanasan natin sa buhay gaya ng pang-aalipusta
sa mga taong walang kalaban-laban, kahirapan na pilit nagsasanhi upang tayo
ay sumukosa buhay, nararapat pa din tayong maging matatag sa lahat n
problemang atin kinakaharap sapagkata darating dnang araw na malalagpasan
natin ito at makakamit natin ang tagumpay.

F. Mga puna at pansin

1. Mga tauhan

Ang mga tauhan sa tulang panambitan ay ang mamamayan na kung saan


ay nabibilang sa dalawang estado sa lipunan. Una, ay ang mga mayayaman o
mga taong may masagana at marangyang pamumuhay, sila yung mga taong
martaming kayamanan o salapi. Ikalawa, mga pangkat ng mga taong mababa
ang posisyon sa lipunan, ssila ang mga itinuturing na mga mahihirap at walang
kakayahang umangat sa buhay. Kalimitan, ang mga mahihirap ang siyang
nakakaranas ng pang-aalipusta sapagkat wala silang kakayahang labanan ang
mga taong mayayaman.

2. Galaw ng pangyayari

 Pangunahing Pangyayari
Sa simula ng tula, dito ipinahayag ang paglalahad ng mga tanong tungkol
sa mga rason o dahilan kung bakit ang mga tao ay sobrang nabibighani sa pera
na kung saan ay nagdudulot na ito upang maging sakim, ganid o makasarili kung
ito ay labis na pagka-gusto ng isang indibidwal sa salapi o kayamanan.

 Pasidhi o Pataas na Pangyayari


Sa bahagi namang ito ay sinimulan ng ihayag ang suliranin na
nararanasan sa panatikan at ito na nga ay ang pagkakaroon ng hindi pantay-
pantay na pagtrato sa bawat mamamayan sa lipunan. Ipinakita sa bahagi na ito
na ang mga mahirap ay patuloy na nakakaranas ng kahirapan subalit ang mga
mayayaman ay lalong nagpapakayaman.
 Karurukan o Kasukdalan
Sa bahaging ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng kwento sapagkat
dito nangyayari ang pinakamatinding suliranin. Sa tulang ito, ipinahayag dito ang
pang-aalipusta ng mga mayayaman sa mga taong mahihirap na walang kalaban-
laban. Sa halip na tulungan at magkaroon ng malasakit sa mga taong ito ay
patuloy na hinihila pababa, niyuyurakan ang pagkatao at inaapi-api ang mga
nasa mamamayang nasa laylayan ng lipunan na hindi makaahon dahil sa
magulong sistema ng lipunan.

 Kakalasan o Pababang Aksyon


Sa bahaging ito ng tula, makikita ang kakalasan na kung saan ay ito ang
naghuhudyat na matatapos o masosolusyunan na ang mga suliraning naranasan
ng mga tauhan. Sa tulang ito, mapapansin natin na nagkaroon ang tauhan ng
pagtatanong sa Panginoon patungkol sa pantay na karapatan ng bawat isa na
kung saan bakit hindi lahat ng mamamayan ay nararanasan ito kahit na lahat
naman ay pare-parehong tao.

 Wakas
Sa bahaging ito, dito na nabigyang solusyon ang mga suliranin at sa
akdang ito, mapapansin natin na ang tauhan sa kwento ay inilahad ang kanyang
hinaing sa Panginoon na kung saan ang tanging hilingin niya ay ang mabigyang
katugunan ang kaniyang kahilingan at makamtan ang panalangin na siyang
inaasam para sa ikabubuti ng lahat ng tao sa lipunan.

3. Bisang pampanitikan

 Ang Bisang Pangkaisipan

Ang mensaheng nais ikintal ng may akda sa isipan ng mambabasa ay ang


maging mulat tayo sa katotohanan na sa mundong ito, ang mga tao ay nasisilaw
sa pera at kayamanan na nagiging sanhi upang maging ganid, sakim at
makasarili. Ipinapakita nito ang mga sitwasyon kung ang tao ay nasa mataas na
antas ng lipunan at ang kalagayan ng mga taong nasa laylayan na kung saan
nagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na pakikitungo sa lipunan.
Niyuyurakan ang pagkatao ng isang mahirap na mamamayan subalit ang mga
mayayaman ay patuloy na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang
magawa ang kanilang mga kagustuhan. Hindi nagkakaroon ng pantay na
pagtrato sa pagitan ng isang mahirap at mayaman ang siyang napapansin natin
maging sa kasalukuyang panahon.
 Ang Bisang Pangdamdamin
Magkahalong pagkadismaya at kalungkutan ang damdaming
naramdaman mula sa tulang ito. Pagkadismaya, sapagkat kahit na alam nating
lahat na tayo ay pare-parehas na isinilang sa mundo upang makaranas ng
masagana at maayos na pamumuhay dahil tayo ay pare-parehong tao, hindi pa
rin naaalis ang hindi pantay na pagtingin o pagtrato sa bawat mamamayan sa
kadahilanang ikaw ay mahirap o walang kapangyarihan sa lipunan. Nadidismaya
tayo sa depinisyon ng mga tao sa kung sino ang nararapat na tratuhin ng
maayos na kung saan ay lahat naman ng tao sa lipunan ay nararapat na
makamtan ito. Pagkalungkot sapagkat gaya ng sabi sa tula, may ilang mga
mayayaman o makapangyarihan na imbes na tulungan ang mga nasa laylayan
ay mas pinipilit pa itong hilahin pababa at magdusa sa kahirapan. Nakakalungkot
isipin na dahil sa kayamanan ay nabubulag na tayo sa mga tamang asal at gawi
na nararapat nating gawin bilang isang indibidwal.

 Ang Bisang Pangkaasalan


Ang kaasalan na maari nating mahinuha sa tulang ito ay lalong magsikap
sa buhay. Maaaring sa ngayon, napakahirap ng buhay sapagkat maraming
kakulangan, mga kritisismo at pagmamaliit ng ibang tao sa ating kayang gawin,
kahirapan at iba pa ang mga nararanasan natin sa ngayon na minsan napapaisip
tayong sumuko, subalit, mas lalo nating pagbutihin ang pakikipagsapalaran sa
mga hamon natin sa buhay. Darating din ang araw na ang mga naranasan nating
ito ang siyang tutulong sa atin upang maabot ang ating mga pangarap sa buhay.
Kung mahirap tayo sa ngayon, hindi ibig sabihin na mahirap na tayo habang
buhay, gumawa tayo ng aksyon sa tama at mabuting kaparaanan. Gamitin ang
mga hamong ito sa pag-abot ng tagumpay. Higit sa lahat, kung tayo ay
nakakaasenso na sa buhay, huwag nating kalilimutan ang mga taong tumulong
sa atin, huwag maging makasarili sapagkat ang kalabisan ay nakakasama rin.
Matutong maging matulungin gaya ng pagtulong ng iba sa atin.

 Ang Bisang Panlipunan


Ang akda ay nagkintal upang matutong maging matulungin sa kapwa na
nangangailangan. Mahalaga na magkaroon tayo ng malasakit sa ating kapwa
sapagkat kailangan natin ang bawat isa upang makamit ang tinatamasang
katagumpayan. Iba-iba man tayo ng pinanggalingan sa buhay maging estado sa
lipunan, nararapat lamang na magka-isa at magtulungan tayo upang umunlad
ang bawat isa sa atin. Ang isang mahalagang bagay ay kung mas lalong
magiging kapakipakinabang ang ating mga aksyon para ikabubuti ng ating sarili
at nakakarami.
IV. Pangkalahatang impresyon, konklusyon at rekomendasyon

Tunay na naging maayos ang pagpapahayag ng may akda sa mensahe o


pinakapinatutunguhan ng tulang ito. Tagumpay na naikintal nito sa isipan ng
mambabasa ang mga aral at ideya na mahalagang malaman ng bawat indibidwal
sapagkat ito ay isa sa suliranin na nakikita at nararanasan natin sa lipunan. Sa
kabuuan, ay naramdaman natin ang damdamin at saloobing nais ipahiwatig ng
panitikang ito na naging sanhi rin upang maging mulat ang ating isipan sa mga
nangyayari sa ating kapaligiran. Naglalayon din ito na maaksyonan ang mga
ganitong klaseng problema upang hindi na ito mas lumaki pa. Para sa
rekomendasyon, mas maganda kung madagdagan pa ito ng ilang mga saknong
na kung saan nagpapakita ng ilang sitwasyon na nararanasan ng mga taong
nasa magkaibang antas ng lipunan upang ng sa gayon ay mas madama ng
mambabasa ang hinaing at saloobin ng akdang ito.

You might also like