You are on page 1of 16

Teoryang

Dekonstruksyon
“Tata Selo”
Maikling Kwento
JACQUES DERRIDA 
Teoryang Dekonstruksyon

 Ito ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang


karaniwang istraktura ng kwento ay hindi sinusunod.

Source: https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/29/
 Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-
istrakturalismo. 

http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html
 Natural nitong pinadadaloy ang kamalayan at
kaisipan ng isang tao at gayon din ang mga
pangyayaring hindi karaniwang pinag- uusapan.

Source: https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/29/
 Ang akda ay hindi maaaring isilid sa kahon sapagkat ito’y
walang katapusang pagtuklas at paglalaro. Ang isang akda
ay hindi masasaklawan o matatakdaan sapagkat ang
kahulugan ay nagbabago o di permanente.
  Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamit
sa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto,
ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa
oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng
teksto ay nasa mambabasa na.

Source: http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html
Maikling Kwento
TATA SELO 
Tauhan: 
 Tata selo 
 Kabesa 
 Presidente
 Alkalde
 Hepe
 Saling 
Nagsimula ang kwento sa munisipyo kung saan magkakagulo ang
mga tao dahil sa kumalat na balitang napatay si Kabesang Tano sa
pamamagitan sa pagtaga dito ni Tata Selo. May iba’t ibang uri ng
tao na bumisita at kumausap kay Tata Selo sa istaked na kaniyang
kinalalagakan, ngunit iisang tanong ang kanilang paulit-ulit na
binitawan, ito ang ‘Totoo ba, Tata Selo?’. Lahat ay hindi
makapaniwala na magagawa ng matanda na patayin ang kabesa.
Una siyang nakausap ng binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo sa San Roque.
Ikinuwento niya dito ang ginawang pagpapalayas at pananakit sa
kaniya ng Kabesang Tano, na naging dahilan upang mataga niya
ito. Ngunit sa dulo ay hindi naintindihan ng mayamang binata ang
kalagayan ng matanda. Ayon sa binata, hindi katwiran ang
pagpapaalis at pananakit ng Kabesa upang tagain ito ni Tata Selo,
ang lupa umano ay pagmamay-ari ng kabesa kung kaya’t karapatan
nito ang paalisin ang matanda. 
Sa kabila ng muling pagpapaliwanag ni Tata Selo ng kaniyang panig
at pagkukwento ng ilang beses na pagpalo ng tungkod ng Kabesa sa
kaniya, ay tinalikuran lamang siya ng mayamang binata. Isang
batang magbubukid ang ikalawang bumisita kay Tata Selo. Muling
ikinuwento ni Tata Selo ang nangyari sa batang kapwa niya
magbubukid rin. Ngunit hindi katulad ng naging tugon ng
mayamang binata, naunawaan at nakisimpatiya ang batang
magsasaka sa kalagayan ni Tata Selo. 
      Mas naunang kinamusta ng batang magbubukid ang sasapitin
ng nag-iisang anak ni Tata Selo, kaysa punahin ang kamalian ng
matanda Sa ikatlong pagkakataon ay muling ipinaliwanag ni Tata
Selo ang nangyari, ngunit sa pagkakataong ito ay ang Alkalde
naman ng kanilang bayan ang kaniyang nakausap. Sa muling
pagkukwento ni Tata Selo ay hindi mababakasan ng simpatiya ang
pagtugon ng Alkalde dito.
 Mas binigyang halaga ng Alkalde ang nagawang mali at ang detalye
ng pagtaga ni Tata Selo kaysa sa naging dahilan at kwento sa likod
nito. Hindi pa man nagsisimulang magpaliwanag ang matanda ay
nagbitaw na ng salita ang Alkalde na siya ay makukulong Naging
malupit ang ika-apat na naka-usap ni Tata Selo, ito ay ang hepe
mismo ng istasyon. Isang kadyot sa sikmura ang naging tugon kay
Tata Selo ng hepeng inirekomenda pala ng yumaong Kabesa. 
Naging malupit ang pagtugon ng hepe kay Tata Selo, walang awa
siya nitong pinagmalupitan sa harapan ng dalawang pulis na
naaawang nakatingin lamang kay Tata Selo. Kinabukasan, ibinalita
ng Alkalde kay Tata Selo ang maaaring paglipat sa matanda sa
kabisera at ang maaaring sentensiya sa kaniyang habang-buhay na
pagkakakulong. Hiniling ni Tata Selo na patayin na lamang siya
kabayaran sa nagawa niyang krimen na pagpatay.
Sa araw din na iyon ay binisita siya ng kaniyang anak na si Saling
na dating naninilbihan sa tahanan ng Kabesa. Pinayuhan ni Tata
Selo ang kaniyang anak na umuwi na lamang, ngunit sumuway ito
at pinuntahan nito ang Alkalde noong siya’y pinatawag nito.
Muling bumisita ang batang magbubukid, nakisuyo si Tata Selo na
puntahan ang kaniyang anak at yayain na itong umuwi. . Ngunit
bigong bumalik ang batang magsasaka, hindi daw ito pinayagang
pumasok sa tanggapan ng Alkalde. Hindi na nagawa pang tumugon
dito ni Tata Selo. Ang paulit-ulit na lamang nitong binabanggit ay
ang lahat ay kinuha na sa kanila. 

You might also like