You are on page 1of 11

KAWALAN NG HUSTISYA NG MGA MAGSASAKANG PILIPINO NOON

Isang Panunuring Pampanitikan na Iniharap kay

Gng. Celeste Joy B. Ligutom

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Asignaturang

Sosyedad at Literatura (LIT1)

Nina:

Ayuno, Rosemarie A.

Geronimo, Cheira Ainna V.

Disyembre 2022
I. PANIMULA

Tata Selo

ni Rogelio Sikat

Ang Tata Selo ay isa sa mga panitikang sumasalamin sa buhay ng tao lalong lalo na sa mga kapos palad
noong araw. Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka
sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang
lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya
kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Nagsimula ang kwento sa isang istaked kung
saan siya ay pinagkakaguluhan ng mga tao sa kadahilanang napatay niya si Kabesang Tano na siyang may-
ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap
sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata
Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na
syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nataga ni Tata Selo ang Kabesa sapagkat pinapalayas
siya nito sa lupang kanyang sinasaka subalit tumanggi ito at ipinagpilitan na nakakaya pa niya na magsaka sa
lupaing ito subalit tinungkod ito ng tinungkod ng kabesa sa noo. Ito ang kaniyang pinaliwanag sa binatang
anak ng isa sa pinakamayamang propitaryo, sa kanilang alkalde, at maging sa hepe na siyang nagmalupit sa
kaniya noong siya ay nasa loob ng istaked na pawang sila ay kakilala ng kabesa.

Sa sumunod na mga araw, dumalaw ang babaeng anak ni Tata Selo na pinangalanang si Saling. Si
saling ay nakatira at nagtatrabaho sa mismong kabesa. No’ng siya ay dumalaw kay Tata Selo, siya ay
nagkasakit makalawang araw bago nangyari ang insidente sa pagitan ng kaniyang ama at ng Kabesa.
Nabahala si Tata Selo sa kalagayan ng kaniyang anak kung kaya’t ninanais nitong siya ay pauwiin. Ngunit
kahit na ganoon ang kalagayan ni Saling,pinatawag pa rin siya ng alkalde at pinapunta sa tanggapan.
Pumunta sa Kabesa si Saling at hindi nakinig sa ama. Walang nagawa si Tata Selo sa desisyon ng anak.

Dumating ang bata na minsan ng dumalaw kay Tata Selo. Inutusan ni Tata Selo ang bata na pumunta sa
tanggapan ng Alkalde ngunit ipinahayag ng batang mambubukid mula sa alkalde na hindi na papapasukin si
Tata Selo. Labis ang pangungulilang nadarama nito ngunit hindi niya nito inalintana at napasabi na lang siya
na “inagaw sa kaniya ang lahat”.
III. PAGSUSURI

a.) Uri ng panitikan

Ang kwentong Tata Selo ni Rogelio Sikat ay isa sa mga panitikang kabilang sa mga maiikling kwento. Ang
maikling kwento ay isa sa mga uri ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay o texto na naglalaman ng isang
kwentong may mahalagang pangyayari. Ang lahat ng nakapaloob sa maikling kwento ay ang pinakamadaling
paraan ng pagbabahagi ng isang pangyayari dahil ang tanging sinasalaysay nito ay mga importanteng
pangyayari lamang. Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng
maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan
sa isip ng kahit na sinong babasa nito.

b.) Kaanyuan ng Panitikan

Mga Pangunahing Tauhan

Ang Tata Selo ni Rogelio Sikat ay isang maikling kwento na kung saan ay nakapaloob ang buhay ng
magsasaka na pinagkaitan ng

 Tata Selo - Siya ang mahirap na magsasakang inagawan ng pag aari ng isang mayamang Kabesa.
Habang nasa loob ng istaked ay nakakaawang tingnan si Tata Selo, may kunting luha sa kanyang mata
at naniniwala siya na katwiran ang pagtaga niya sa kabesa. Si Tata Selo ay naka suot ng Kupas na gris,
may mga tagpi na ang kanyang mga siko at paypay. At kitang kita ang hirap na pinag daanan sa buhay
ni Tata Selo. Palaban sa simula si Tata Selo na katwiran ang kanyang ginawa ngunit ng magtagal ay
humina ang kanyang loob at napagtanto na mali parin ang kanyang ginawa na pagtaga sa Kabesa.
Pagsasaka ang kanyang ikinabubuhay. Siya ay may anyo ng isang dukhang isang kahig isang tuka
lamang.

 Kabesang Tano - Siya ang mayamang Kabesa na walang pusong pinaalis ang matanda sa sakahang
pag-aari niya noon. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ng matanda kung paalisin niya ito.
Tinungkod pa niya ng tinungkod ang matanda hanggang ito ay natumba. Ang kabesang nasawi dahil
tinaga ni Tata Selo. Ito ang nagmamay-ari ng lupang sinsasaka ni Tata Selo.
 Alkalde - Siya naman ang Alkalde na walang respeto sa matanda. Mapagmataas ito kahit na mas
nakakatanda sa kanya. Nagpatahimik sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari. Ngunit sa kabila ng
lahat ay mayroon pa rin siyang oras na asikasuhin ang mga krimen na nangyari sa bayan nila.

 Hepe - Mapagmataas din siya at walang respeto sa matanda. Halatang halata na ginamit niya ang
kanyang kapangyarihan upang magawa niyang suntukin at murahin si Tata Selo kahit na itoy matanda
na at nanghihina na. Siya ay isang malaking lalaki na namumuno sa pulisya ng San Roque.Kinabog
niya si Tata Selo at walang-awang pinagmalupitan sapagkat ang nasawing kabeza de barangay ang
nagrekomenda sa kanya sa pwesto.

 Batang Mangbubukid - Isang batang bumisita sa kulungan ni Tata Selo. Siyaay nautusan na sunduin
si Saling sa bahay ng presidente o alkalde at yayainitong umuwi. Subalit siya ay nabigong makapasok
sa tahanan ng alkalde atang makausap man lang si Saling. Kahit na hindi siya ang gumanap bilang
isang mahalagang tauhan ay ipinapakita niya ang pagiging mapagkumbaba at maalalahanin. Kahit na
hindi nya kilala si Tata Selo at hind siya pinapansin nito ay makikita natin na pinapalakas niya ang loob
ng matanda.

 Saling - Ang nag iisang anak na maganda ni Tata Selo. Namasukan ito bilang isang katulong sa kanila
Kabesang Tano. Pinapakita niya ang pagmamahal sa ama sa pamamagitan ng pagyakap niya nito ng
napakahigpit. Ang maglalabimpitong taong gulang na dalagang anak ni Tata Selo nanamasukan ng
tatlong buwan sa tahanan ng kabesa. Siya ay umuwi ilang araw bago mataga ng tatay niya ang kabesa.

c.) Uri ng pananalig

d.) Mga tayutay o matalinghagang pananalita

Istaked - Ang bilangguan ng military o makikita mo sa himpilan ng pulis ay karaniwang tinutukoy din bilang
isang kulungan.

Kabesa - Ang taong namumuno, nangunguna o mas tinatawag na isang pinuno o lider, isang tao na itinuturing
din bilang kinatawan ng isang pangkat ng mga tao.

Propitaryo – Tubo sa pera lang ang iniisip nila at yamang salapi lamang naka sentro sa pamumuhay nila.
e.) Panariling reaksyon sa mga tauhan

Tata Selo –

Kabesang Tano –

Alkalde –

Hepe –

Saling –
IV. Pananaw

Sosyolohikal na Teorya

Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid
ang kapaligirang sosyolohikal ng akda. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na
matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral
na suliraning panlipunan. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa
rito. Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at
kakayahan ng tao at kalikasan.

Mula sa salitang sosyal (social) na nangangahulugang sosyal o panlipunan ay isang grupo ng mga tao
o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat
indibiwal na bahagi ng ibat ibang kultura. Ang kalusugang Sosyal o sosyal na kalusugan ay tumutukoy sa kung
paano nakikihalubilo ang isang nilalang sa iba pangtao o grupo ng mga tao. Tinutukoy rin nito kung paano ang
isang tao mag-react o rumesponde sa aspetong sosyal ngbuhay. Ang sistema ng pakikipag-ugnayan o
interaksyon nito ay isa sa mahahalagan pinagtutuunang pansin ngkalusugang sosyal at mga Institusyon.

Mula din ito sa salitang Lohikal (logic) o kakayahan ng tao na maunawaan ang lahat ng bagay na
pumapaligid sa atin at ang mga ugnayan o pagkakaiba na mayroon sa pagitan ng mga aksyon, bagay o
kaganapan napapansin sa pamamagitan ng pagsusuri, paghahambing, abstraction at imahinasyon. Sa mga
tao sa panahon ng pagkabata ang mga konkretong kaisipan lamang ang bubuo. Gayunpaman, sa panahon ng
pagbibinata ay nakakabuo tayo ng lohikal na pag-iisip at patuloy na inilalapat ito upang malutas ang iba't ibang
mga sitwasyong lumitaw sa pang-araw-araw na buhay. Lohikal na pag-iisip ay patuloy na inilapat sa iba't ibang
mga siyentipikong pag-aaral, dahil pinapayagan itong pag-aralan, ihambing, matukoy at pag-iba-ibahin ang
mga bagay, teorya, pamamaraan sa pamamagitan ng iba't ibang mga solusyon na nagmumula sa mga
nakaraang karanasan.

Pananaw Sosyolohikal

• Ang lapit-sosyolohikal ay naaangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa Pilipinas. Sa pagkapit sa


mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga dula at sa pagbabago ng konsepto ng entablado bilang
tanghalan, mananatiling may lugar ang lapit-sosyolohikal sa panlasa at pakikibaka ng mamamayan.
• Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang perspektib na pagsusuri ng isang akda. Hindi
lamang ang kasiningan at naging katangian ng akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang bahagi ng lipunan at
kasaysayang pinagluwalan nito.
• Sa ganitong lapit ay pinagtitibay ng pahayag ng likhang-sining at lipunan. Ang isang akda ay produkto
ng malikhaing pag-iisip ng manunulat na nabubuhay sa isang panahon na may partikular na katangiang
humubog sa kanyang pagkatao. Sa pagsusuring sosyolohikal, hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi
pati na rin ang lipunang kinabibilangan ng may-akda na siyang nagluwal ng akdang yaon. Ayon nga kay
Tainer, isang manunulat na Pranses:
• Ang panitikan ay bunga ng sandali, ng lahi at ng panahon at kapaligiran.
• Sa isang pagsusuring Sosyolohikal, tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang
institusyon tulad ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa pagtatakda ng sitwasyon at
oportunidad para sa mga mamamayan nito.
• Kung gagamitin ang pananaw na ito sa pagsusuri ng panitikan, mainam na mapag-aralan ang
kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ng awtor. Hindi lamang into internal na
pagsusuri ng akda, kundi pati na rin ng mga eksternal na salik na nakaiimpluwensya rito.

Mga Uri ng Teoryang Sosyolohikaal

1. Madilim na Panahon (Dark Ages) - walang kakayahan ang mga tao na mag-isip tulad ng mga tao ngayon. Di
sila pwede magkwestiyon ng kung ano-ano dahil ang mga may karapatan lang na gawin ang mga ganito ay
ang mga nakapag-aral. Kumbaga sobrang makapangyarihan sila sa paraan na kaya nilang mang-
impluwensya ng maraming tao. Kung ano ang ideal concept ng society sa pananaw nila, yun yung
inihahain nila sa mga tao.

2. Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment) - sa panahong ito naman ay nagsimula na sila na baguhin
ang ganoong (walang kakayahan ang tao na mag-isip) sistema ng lipunan. Nagsimula na sila mag-isip
at magkwestiyon sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Mayroon na sila ngayong kalayaang mag-isip. Dito rin
sa panahon na ito dumagungdong ang mga pangalan ng mga sosyolohistang nakapagbigay ng ambag sa
konsepto ng sosyolohiya. • Nariyan si Jean Jacques Roseau na nagsabi na kailangan mag-aklas ng mga tao
kung tingin nila mali ang sistema ng lipunan; Voltaire na nagsabi na may karapatan ang mga tao na mag-
rebelde kung ang gobyerno ay hindi na naibibigay ang mga pangangailangan nila; at si Wollstone Craft na
nagbigay ng boses sa mga kababaihan.

3. Himagsikang Pranses (French Revolution) - nagkaroon na ngayon ng ideya ang mga tao sa na mag-aklas
dahil sa maling pamumuno at isinasakatuparan na nila ang mga ito, at sa huli namayani ang kanilang
pagtutulungan. Ang aral na maaarinating mahihinuha sa pangyayaring ito ay kaisipang kayang gumawa
ng pagbabago ng mga tao laban sa maling sistema ng lipunan kung magsasama-sama.

4. Himagsikang Industriyal (Industrial Revolution) - umuusbong ang konsepto ng kapitalismo. Naniniwala ito sa
konseptong pribadong pagmamay-ari bilang karapatan ng mamamayan. Masigla ang kompetisyon sa
kapitalismo sapagkat lahat ay maaaring magmay-ari ng mga salik ng produksiyon basta sila ay may
produksiyon at kapital.

5. Klasikong Romantisismo (Classical Romanticism) - pinaliwanag nito na kaya gumulo ang lipunan dahil
pinakikialaman ng mga tao ang kagustuhan at batas ng Manlilikha. May mga tauhan sa akda na higit pang
makapangyarihan ang tao kaysa Diyos na lumikha sa kaniya. Naniniwala ang tao na kasabay siyang isinilang
ng kapangyarihan na taglay niya at hindi ito kaloob sa kaniya ninoman.

6. Namamalaging Romantisismo (Conservative Romanticists) - sinasang-ayunan nila na kaya gumulo ang


lipunan dahil sa pagwasak ng nagdaang sistema. Sila ay naglalayong panatilihin ang pangkasalukuyang
sistema para manumbalik ang kaayusan sa lipunan. Ang tanging tunay na kaalaman ay kaalaman na
batay sa aktuwal na kahulugan ng karanasan. Ang ganitong kaalaman ay maaaring dumating lamang mula sa
paninindigan ng teorya sa pamamagitan ng pang-agham na pamamaraan.

7. Pasulong (Progressive) - ayon sa ilang Sosyolohista, magiging maayos lamang ang sistema ng lipunan
kung magkakaroon ng pagbabago rito. Kung kaya’t patuloy na ngang nagbago ang mga sistema ngayon at
nabuo ang sistemang panlipunan natin ngayon. Ang uring ito ay bukas sa lahat ng posibilidad sa lahat ng salik
na makatutulong sa pag-unlad ay isinasaalang-alang.
Tata Selo gamit ang Sosyolohikal na Teorya

Ang Tata Selo ay isa sa mga Sikat na panitikan na nabibilang sa Sosyolohikal na Teorya ng Pagdulog.
Ang teoryang ito ay nangagahulugan ng pag-aaral tungkol sa sosyal(social) o lipunan. Ipinapakita din dito ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Hindi ang akda o teksto ang
pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang impluwensya na nagbibigay hugis dito. Ang teoryang
sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda rin ay
nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Ang panitikan ay isang produkto. Ito ay likha ng
panahon at kasaysayan, kultura, ideolohiya, lipunan at kapaligiran. Sa pananaw na sosyolohikal, ang akda ay
hindi nagmula sa kawalan.

Ang mga pananaw at saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari. Ang akda ay sinusuri sa
konteksto ng iba’t ibang institusyon sa lipunan at ang kaugnayan nito sa indibidwal. Ipinapahayag ng akda ang
mga saloobin, mithiin, at pangarap na hango sa galaw ng panahon. May kaisipang inihahatid sa mambabasa
na naglalarawan sa pilosopiyang taglay ng akda. Tumutugon sa tungkulin ng panitikan na imulat ang lipunan
sa mga katotohanan at kagalingang panlipunan. Ang panitikan ay may mabuti at kapakipakinabangang
idudulot sa lipunan at ang lipunan ay kailangang tumugon sa mga sitwasyon o kalagayang hinihingi ng
pagbabago upang maiangat ang tao. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto
ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan
itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.

Naipakikita rito and pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na
nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Katotohanan kaysa
kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan
ang paglalarawan o paglalahad. Ang akda rin sy nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.

Ang “Tata Selo” ay isang akdang pampanitikan na nabibilang sa teoryang sosyolohikal dahil sa kaapihang
dinanas ng pangunahing tauhan sa kwento na si Tata Selo. Ito rin nagging salamin sa mga tunay na
nangyayari sa ating mundong ginagalawan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing nito na mababang
uri at kawalan ng hustisya ng mga mahihirap katulad ng pangunahing tauhan sa kwento. Ang kwento ay
umiikot sa storya ng isang magsasaka na nagngangalang Selo, ikinulong siya dahil napatay niya ang kabeza
de barangay ng kanilang bayan. Ayon sa kanyang salaysay sa kwento napatay niya ito dahil siya’y pinapaalis
sa kanyang lupang sinasaka na dati nilang pag-aari ngunit ito’y naembargo at pang-aari na ni Kabesang Tano.
Ito ay nagpapakita ng pagmamaliit sa mga mahihirap katulad ng ginawa ng kabesa, hepe at ng alkalde kay
Tata Selo na halos nahubaran ng dignidad ng pagiging tao. Sinasalamin din sa kwento ang kawalan ng
hustisya, pagsikil sa karapatang pantao ng mga mahihirap at pagkawala ng due process sa pagpapatupad ng
batas. Nais ipabatid ng may-akda ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya para sa mga maralitang
katulad ng magsasaka sa kwento.

Mahalaga ang akdang ito sapagkat ito ay nagpapamulat sa mga mambabasa sa mga katotohanang
nangyayari sa ating lipunan at ito rin ay kapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Inilahad sa kwento ang
tunay na nangyayari sa ating lipunan na pagmamaliit sa mga mahihirap at kawalan ng hustisya para sa mga
dukha. Nailahad din ang pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan, pagsikil sa karapatang pantao ng mga
mahihirap at walang kaparaanan ng batas na agad na naghahatol ng hindi dumadaan sa korte kagaya ng kaso
ni Tata Selo. Nagpapaalala rin ito sa mga mambabasa na hindi solusyon ang pagpatay sa kahit ano mang
problema bagkus pinapalala pa nito ang sitwasyon tulad na lamang kay Tata Selo na naikulong dahil sa maling
aksyon na kanyang nagawa upang ipagtanggol lamang ang sarili.

Ang diwa o mga paksa ng maikling kwento ay napapanahon sapagkat ito ay tumatalakay sa
katotohanang nangyayari sa ating mundong ginagalawan. Isa sa mga paksa nito ang pagmamaliit sa mga
mahihirap na karaniwang nangyayari sa ating lipunan. Sa akda si Tata Selo ay pinaalis ni Kabesang Tano na
walang sapat na rason kahit siya’y nagmakaawa at ginagawa niya ng mabuti ang kanyang trabaho. Nakalahad
din sa kwento ang kawalan ng hustisya ng mga maralita, Isa na rin dito ang pagmamalupit ng mga may-ari ng
lupang sakahan kagaya ni Kabesang Tano sa mga magsasakang nagsasaka ng kanilang lupain at pang-
aabuso ng mga pulis sa kulungan. Kagaya ng sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ginagamit ang
kapangyarihan upang magmalupit dahil alam nilang makakatakas sila sa batas dahil sa kanilang posisyon o
estado sa buhay.

Mahirap lamang sina Tata Selo, siya’y nagsasaka sa lupang sakahan ni Kabesang Tano na dati niyang
pag-aari ngunit ito’y nabenta dahil nagkasakit ang kanyang asawa. Pinaalis siya ni Kabesang Tano ng walang
sapat na dahilan kaya nataga niya ito dahil mahalaga sa kanyang ang lupaing iyon at kahit doon man lang siya
magsaka ay hindi pa siya pinagbigyan ng kabesa. Nakulong si Tata Selo dahil dito, agad siyang hinatulan ng
panghabambuhay na pagkakakulong kahit hindi pa ito dumaan sa korte. Pagdating niya sa kulungan ay
binugbog pa siya ng mga pulis doon na karaniwang nangyayari din sa ating lipunan. Marami ngayon ang mga
nakakaranas ng pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan at pagsikil sa karapatang pantao ng mga
mahihirap. Ito ay kapupulutan ng aral ng mga mambabasa at nagsisilbi itong gabay na dapat huwag pairalin
ang galit at hintayin munang humupa ito upang makapag-isip ng maayos at maipagtanggol ang sarili sa
mabuting paraan.

Hindi masyadong malinaw at maayos ang pagkakalahad ng mga mahalagang impormasyon sapagkat
mayroong mga parteng hindi naipaliwanag ng maayos katulad na lamang ng nangyari kay Saling, hindi
nailahad ng may-akda ng maayos ang pangyayari kaya hindi masyadong malinaw kung ano ang nangyari sa
kanya. Hindi madaling maunawaan ang nilalaman ng akda dahil ito’y gumamit ng mahihirap o malalalim na
salita o hindi pangkaraniwang salita na minsan lang natin naririnig. Ang balangkas naman ng maikling kwento
ay nasundan nito mula sa simula hanggang wakas. Hindi masyadong maayos din at malinaw ang
pagkakalahad ng mga mahahalagang impormasyon sa akda sapagkat hindi literal na sinasabi ng may-akda
ang mga pangyayari kaya’t kailangan mo pang unawaain ng mambabasa. Hindi rin nailarawan ng maayos ng
may-akda ang mga ugali ng bawat tauhan mula sa panimula hanggang ito’y natapos.

Ang akda ay angkop sa lahat ng mga nais bumasa nito dahil ito’y walang mga malalaswang bahagi at
angkop sa lahat ang tema at paksa nito lalo na at ito’y napapanahon o nangyayari sa kasalukuyan. Walang
mga maseselang tema katulad ng sekswal at droga na nakapaloob sa akda subalit kailangan ng gabay ng
mga batang mambabasa dahil sa mga pangyayari na maling pagtrato kay Tata Selo. Ang akda ay mahirap
basahin dahil ang may-akda ay gumamit ng mga mahihirap at kumplikadong basahin na mga salita na hindi
natin karaniwang naririnig kaya kailangan pang hanapin ang kahulugan nito upang lubos na maintindihan ang
storya at maisaisip ang mga pangyayari sa kwento.

Ang maikling kwento ay naglalayong magpamulat sa mga mambabasa at maipakita ang realidad sa
buhay na kapag ikaw ay dukha talagang mahirap makamtan ang hustisya. Ito rin ay nagbibigay aral sa kung
ano ang kahahantungan ng maling gawain o padalos-dalos na aksyon na hindi pinag-isipan ng mabuti, kaya
dapat na huwag pairalin ang galit at ipaglaban ang sarili sa tamang paraan. Ito ay nagpapatunay na ang mga
batas rin ay nakabatay sa estado sa buhay dahil kagaya sa kwento agad na hinatulan si Tata Selo na hindi
man lang dumadaan sa korte ang kanyang kaso.
Ang paksa ay tungkol sa isang mahirap lamang na magsasaka na minamaliit lamang. Ang akdang ito ay
mahalaga sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu na nangyayari sa ating lipunan tulad ng
kawalan ng hustisya ng mga maralita. Nag-iiba ang batas batay sa ating estado sa buhay kagaya na lamang
ng nangyari kay Tata Selo na hindi man lang dumaan sa abogado o sa korte ang kanyang kaso bagkus
hinatulan agad siya ng panghabang buhay na pagkakakulong. Hanggang sa kasalukuyan marami pa rin ang
nakakaranas ng pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan, pagsikil sa karapatang pantao ng mga mahihirap
at pagkawala ng due process sa pagpapatupad ng batas kapag ikaw ay dukha.

Tinalakay din sa kwento ang mga pagmamalupit na naranasan ni Tata Selo sa kulungan na nangyayari
din sa ating lipunan, ang mga preso ay nakakaranas ng pambubogbog ng mga kapulisan. Ito rin ay
nagpapamulat sa mga mambabasa na dapat na ipagtanggol natin ang sarili sa mabuting paraan at pag isipan
ng maigi ang gagawing mga aksyon. Nagbibigay aral din ito sa mga mambabasa na nasa huli ang pagsisisi
kaya dapat na huwag pairalin ang galit dahil baka mahantong ito sa anumang kasamaang magawa.

Isa sa mabuting aspekto na makikita sa akda ay ang pagmamahal ng ama na si Tata Selo sa kanyang
anak na si Saling at pagmamahal ni Saling sa kanyang ama, binisita niya ito sa kulungan at labis na
nakaramdam ng lungkot at awa sa nangyari sa kanyang ama ngunit dahil sa pagmamahal ni Tata Selo sa
kanyang anak pinapalayo na niya ito upang hindi magambala. Pagiging masipag ni Tata Selo at pagtatrabaho
o pagsasaka sa lupa ni Kabesang Tano ng maayos.

Maituturing na mahinang aspekto ang pag-aalipusta ni Kabesang Tano kay Tata Selo, hindi niya
ipinaliwanag ng mabuti kay Tata Selo ang dahilan kung bakit niya pinaalis ito bagkus tinungkod niya ng
tinungkod ang matanda hanggang sa dumugo ang noo nito. Nagpapakita rin ng mahinang aspekto ang
pagtaga ni Tata Selo kay Kabesang Tano dahil maari namang ipagtanggol ang sarili sa mabuting paraan na
hindi aabot sa patayan. Isa pang mahinang aspekto ng kwento ay ang maling pagtrato ng mga pulis sa istaked
kay Tata Selo. Kawalan ng hustisya ng mahihirap katulad ni Tata Selo na hindi man lang dumaan sa masusing
imbestigasyon o paghatol sa korte, agad siyang pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong at binugbog pa
siya ng mga pulis sa istaked.

Ang pangkabuhayan ni Tata Selo sa akda ay pagsasaka na kung saan karamihan sa ating mga Pilipino
na nakatira sa bukid ay ito rin ang pangkabuhayan. Nailahad din sa akda ang kalagayang sosyal na
pagmamaliit sa mga mahihirap o agwat ng mayaman sa mga dukha kagaya ng mga katotohanang nangyayari
sa ating lipunan na makikita nating iba ang pakikitungo sa bawat tao base sa estado sa buhay. Kawalan rin ng
hustisya para sa mga mahihirap kagaya ni Tata Selo na hindi man lang dumaan sa korte ang kanyang kaso
pero agad siyang hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong. Makikita sa akda ang kultura nating mga
Pilipino na pagiging mapagmahal, gaya ni Tata Selo na mapagmahal sa kanyang nag-iisang anak na naiwan
sa kanya.

MGA SIMBOLISMO:
Rehas- ito ay sumisimbolo sa parusa kung tayo’y magkakasala Tata Selo-mga mahihirap na inaalipusta
at minamaliit ng mga nakakaangat sa buhay Kabesang Tano-Mayaman na ganid sa lupa Saling-mga inosente
o mababait na tao na inaabuso ng iba
Alkalde at mga Pulis- mga matapobre sa lipunan; mga taong ginagamit ang kapangyarihan sa
pagmamalupit
Pagkatapos na binasa ang maikling kwento, aking napagtanto na hindi dapat natin pairalin ang galit
dahil baka makagawa pa tayo ng masama. Kagaya na lamang ng nagawa ni Tata Selo kay Kabesang Tano
dahil sa kanyang galit napatay niya ito kaya siya pa ang nagmukhang masama. Talaga ngang nasa huli ang
pagsisisi kaya’t dapat na pag-isipan muna ang mga gagawing aksiyon kung ang epekto ba nito’y makabubuti
sa lahat. Galit at awa ang emosyong nangingibabaw sa akin pagkatapos mabasa ang maikling kwento. Galit
ako sa kabesa sapagkat hindi siya nagbigay ng katanggap-tanggap na rason kung bakit niya pinaalis si Tata
Selo na maayos naming nagsasaka sa kanyang lupang sakahan na dating pagmamay-ari ng magsasaka. Galit
rin ang aking naramdaman sa alkalde at sa mga pulis na nambugbog kay Tata Selo at naghatol sa kanya ng
panghabang buhay na pagkakakulong kahit walang kaparaanan ng batas. Naawa naman ako kay Tata Selo
dahil kahit siya’y nagmamakaawa na kay Kabesang Tano hindi pa rin siya pinakinggan at tinungkod nang
tinungkod pa siya nito sa noo na nagtulak sa kanya upang tagain ang kabesa. Nais lang naman niyang
mabawi ang sakahan na ipinamana sa kanila ngunit nakagawa pa siya ng masama dahil dito, pagdating sa
kulungan naman ay tadtad siya ng bugbog ng mga pulis. Naaawa rin ako kay Saling na na pinagsamantalahan
ang kanyang kahinaan.

Huwag nating pairalin ang ating galit bagkus dapat na magkaroon tayo ng mahabang pasensya at idaan
sa mabuting paraan ang pagtatanggol sa ating sarili. Dapat tratuhin ng maayos ang mga preso nang hindi
bumabase sa katayuan sa buhay. Ipagtanggol ang sarili sa mabuting paraan at huwag magpadalos-dalos at
pag isipan ng mabuti ang gagawing aksyon. Sa may-akda naman dapat gumamit ng mga simpleng salita
lamang upang higit na maintindihan ng mga mambabasa ang akda at dapat na ipakilala ang tauhan ng
maayos upang malaman ng mga mambabasa kung ano ang ugali nito sa kwento.

You might also like