Professional Documents
Culture Documents
SICAT
Ipinanganak si Rogelio “Roger” R. Sicat noong Hunyo 26, 1940 sa San Isidro Nueva Ecija. Anak siya nina
Estanislao Sicat, isang makata at Crisanta Rodriguez. Isang premyadong nobelista, kuwentista,
mandudula, at tagasalin, si Roger Sicat ay naging guro ng panitikan, malikhaing pagsulat, wika at
pagsasalin sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura,
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nagturo rin siya sa Polytechnic University of the Philippines at Loyola
House of Studies. Nagtapos siya ng digring batsilyer sa Pamamahayag sa Unibersidad ng Santo Tomas
noong 1964, at nagtapos ng masteral sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Kinilala siya bilang
University Professor ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pinakamataas na titulong pang-akademiko na
iginagawad ng Lupon ng mga Rehente ng UP System. Naging dekano siya ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura sa UP Diliman mula 1991 hanggang 1994.
Lumabas ang mga maikling kuwento ni Roger Sicat sa antolohiyang Mga Agos sa Disyerto noong 1965,
kasama ang akda ng iba pang mga kasabayang manunulat at kuwentista tulad nina Edgardo Reyes, Efren
Abueg, Dominador Mirasol, at Rogelio Ordonez. Katulad nila, nakamarka na sa mga pahina ng
kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas ang mga likhang akda at hinubog na tauhan ni Roger Sicat.
Habang nag-aaral sa kolehiyo, naisulat niya ang kanyang unang maikling kuwentong Impeng Negro
(1962) na tungkol sa halaga at tagumpay ng pakikipagtunggali. Nagwagi ang kuwentong ito sa gawad
Palanca para sa pagsulat ng maikling kuwento. Sa sumunod na taon, naisulat naman niya ang klasikong
akdang Tata Selo (1963) na tumalakay naman sa usaping agraryo sa bansa. Ilang ulit na ring naisalin ang
akdang ito sa teatro at pelikula bilang impluwensiya ni Roger Sicat sa mga sumunod na henerasyon ng
mga manunulat at artistang Pilipino. Ang maikling pelikulang Munting Lupa halimbawa, na gawa ni
Angelito Tiongson ay hango Tata Selo. Habang ang Impeng Negro naman ay nagkaroon ng bersiyong
pelikula na Impen, ang Negro na iniluwal ng malikhaing isipan ni Aureaus Solito, isang batikang direktor
ng pelikula at teatro. Nanalo ang maikling pelikulang ito ng Unang Gantimpala sa Short Feature Film
Category sa ika-12 Gawad CCP para sa alternatibong pelikula at bidyo.
Samantala, ang mga dulang Mga Kaluluwang Naghahanap (1966), Moses, Moses (1969), Saan Papunta
ang Paruparu? (1970) at Tatalon (1983) ay nagsilbing mga patunay naman sa husay ni Roger Sicat sa
pagsulat ng mga dulang nakalunan sa domestikong espasyo. Gamit ang mga indibidwal na hangarin at
kumplikadong sitwasyong kinasasadlakan ng mga pangunahing tauhan sa dula, inilatag dito ang epekto
ng mga politikal, kultural at panlipunang pwersa sa pananaw, pag-iisip at kamalayan ng mga tauhan sa
dula.
Isiniwalat naman ni Roger Sicat sa kanyang mga mambabasa ang mga dahilan at malikhaing pamamaraan
sa pagsulat sa librong Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay. Ang aklat na ito’y lagi’t laging ginagamit
na batayan at sanggunian sa paghango ng kaalaman hinggil sa pagsulat ng mga nagsisimulang manunulat
sa Filipino. Nagwagi ang akdang ito ng National Book Awards na iginawad ng Manila Critics Circle noong
1992. Ginawaran rin ang aklat na ito ng ASEAN Award for Literature at Gantimpalang Quezon sa
Panitikan bilang pagkilala naman ng Lungsod Quezon kay Roger Sicat. Ang katatasan at pagiging bihasa sa
pagsasaling pangwika naman ni Roger Sicat ay matingkad na mababasa sa akdang Ang Gubat, salin niya
sa Filipino ng The Forest ni William Pomeroy. Pinagkalooban rin ang aklat na ito ng National Book
Awards ng Manila Critics Circle .
III. PAGSUSURI:
A. Uri ng panitikan
Ang “Tata Selo” ay isang klasikong akdang tuluyan na nauuri sa Maikling Kuwento.
B. Tayutay:
Ang mga sumusunod na pahayag ay siping bahagi mula sa Maikling Kuwentong Tata Selo
ay nagtataglay ng talinghaga o tayutay.
“Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas.”
o Uri ng Tayutay
Pagmamalabis
“Si kabesa kasi ang nagrekomenda tsip e “, sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila
damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.
o Uri ng Tayutay
Pagtutulad/Simili
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan….
o Uri ng Tayutay
Pagwawangis/Methapor
Hindi pa namamatay ang alikabok gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat
nang nag-uulan
o Uri ng Tayutay
Pagsasatao/ Personification
Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.
C. Simbolismo:
Tagak
o Ito ang nagbigay ng kapana-panabik na pangyayari sa akda
Umaaninaw na mata ni Tata Selo
o Nagpapahiwatig ng katandaan o pagka-may-edad ni Tata Selo.
Tungkod ng Kabesa
o Nagpapahiwatig ng kapangyarihan ng kabesa.
Kutod na may tuyong putik
o Nagpapahiwatig na si Tata Selo ay isang magsasaka.
A. Teoryang Pampanitikan
Siping bahagi..
“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang paliwanag ni Tata Selo. Doon bas a may
sangka. Pinaalis ako sa aking saka ang wikay “iba na raw ang magsasaka. Nang
makiusap ako’y tinungko ako. Ay! Tinungko ako amang….Tingnan po ninyo ang putok sa
aking noo…”
“Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa
unipormeng kaki ng hepe”
Teoryang Sosyolohikal:
Ito ay teoryang Sosyolohikal sapagkat dumanas ng kaapihan. Ang akda ring ito ay
siyang salamin ng tunay na nangyayari sa lipunan, masasalamin ang aktuwal na
pangyayari sa lipunan. Ang pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing dito bilang
mababang uri
Teoryang Realismo
Ito rin ay teoryang realism sapagkat ang mga pangyayari sa akda ay nagaganap
din sa tunay na pangyayari sa buhay. Ang pag-agaw sa lupang sinasaka, ang pagkakaroon
ng tauhan sa bukid ng taong nagmamay-ari nito at ang pagmamalupit ng pulis sa
karaniwang tao.
Tauhan:
o Tata Selo – Si Tata Selo ay isang magsasaka. Isang biyudo na may anak
na dalaga. Ikinulong siya dahil tinaga at napatay niya ang Kabesa ng
kanilang bayan. Siya’y may anyong isang kahig isang tuka.
PANSIN AT PUNA
Sa katauhan ni Tata Selo, kaya niyang gawin ang lahat upang di-mapaalis sa
lupang sinasaka, subalit siya ay nakapatay. Ang pagpatay niya sa kabesa ay hindi naging
sagot sa kanyang problema bagkus lalo pa niya itong ikinalugmok.
Sa pagbasa ng kuwentong ito, nakita ko na iginagalang ni Tata Selo ang kabesa.
Mahinahon ang bawat pahayag ni Tata Selo habang nagmamakaawa ito na siyang
magsaka sa bukid. Ngunit tinungkod siya ng kabesa nang paulit-ulit. Galit ang namayani
sa matanda kaya nagawa nitong tagain ang kabesa.
At habang siya ay nagpapaliwanag sa binatang anak ng isang prominenteng
pamilya at sa alkalde, kitang-kita na ang katauhan ni Tata Selo bilang palaban at gusto
niyang ipaglaban kung ano ang nasa sa loob niya. Subalit, kahit na patuloy niyang
ipinapaliwanag ang kanyang saloobin ay patuloy pa rin ipinapakita ng matanda ang
paggalang sa mga opisyal ng pamahalaan at pati na din sa mga taong nakatataas sa
kanya.
Ngunit sa pagtakbo ng kwento ay unti-unting pinanghinaan ng loob si Tata Selo
dahil sa nagawang kasalanan. May katuwiran man ang kanyang dahilan, hindi pa rin ito
tama at wala na siyang magagawa para mabawi ang isang bagay na nawala sa kanya.
o Binatang Mayaman/alkalde– Siya ay mputi, matangkad at nakasalaming
may kulay. Siya ay ang unang naroon sa munisipyo. Nakapamaywang,
naninigarilyo habang inuusig si Tata Selo. Siya ay anak ng
pinakamayamang propritaryo sa bayan ng San Roque.
PANSIN AT PUNA
PANSIN AT PUNA:
PANSIN AT PUNA
PANSIN AT PUNA
Siya ang nagpapunta kay Saling sa kanyang bahay. Bakit kaya? Kung nais
niya itong kausapin bakit kailangang sa tahanan pa ng alkalde, kung maari namang
sa tanggapan nito? Marahil ay may masama itong balak sa dalaga. Gayong hindi ito
tuwirang inilahad sa kuwento.
Kahit na hindi siya nakapunta sa mismong araw ng pag-aresto kay Tata Selo,
ay ramdam na ramdam sa kwento ang pananabik na makita niya ang kanyang ama.
Ang mga mahigpit na yakap ni Saling sa kanyang ama ay nagpapakita ng
pagmamahal para sa amaBatang Magbubukid – Siya ang batang bumisita sa
kulungan ni Tata Selo. Siya ang nautusang sunduin si Saling sa bahay ng Presidente o
alkalde.
PANSIN AT PUNA
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisa sa Isip
Hindi lamang sa kuwento nangyayari ang pagmamalupit na
dinadanas ng mga mahihirap mula sa mga nasa kapangyarihan.
maraming uri ng pagmamalupit o pglabag sa karapatang pantao. Isa
na rito ang kawalan ng hustisya, pagsikil sa karapatang pantao ng mga
mahihirap at pagkawala ng proseso sa pagpapatupad ng batas.
b. Bisa sa Kaasalan
Ang ilan sa mga ugali at gawi ng tauhan sa binasang akda ay di dapat
tularan katulad ng pagmamalupit sa mga taong nasa laylayan. Ang
paggamit sa kapangyarihan upang manakit.
c. Bisa sa Damdamin
May iba’t-ibang uri ng tao sa mundo. May mga taong may posisyon sa
lipuan ngunit mali ang paggamit sa kanilang kapangyarihan. May mga
tao din namang mahihina na siyang inaapi-api lamang ng may mga
maykapangyarihan. Ang mga mahihina, mahihirap at mga hikahos ay
babawian hanggang sa maging “walang-wala”.
Lubhang nakakaawa ang kalupitang na dinanas ng mag-amang Tata Selo
at Saling mula sa kabesa, sa hepe at maging sa alkalde. Halos nahubaran
na sila ng anumang dignidad ng pagiging tao. Ganoon kalupit kung sila’y
itrato ng mga may kapangyarihan sa bayan ng San Roque. Naantig rin
ang aking puso sa ipinakitang pagmamahal ni Saling sa kanyang ama.
VI. IMPLIKASYON:
VII. REAKSYON: