You are on page 1of 9

POLITEKNIKONG PAARALANG PAMBAYAN NG LUNGSOD COTABATO

MATAAS NA PAARALANG LABORATORY

Kahabaan ng Sinsuat,Lungsod ng Cotabato

Pangalan: ------

Baitang at Pangkat: Ikasampung baitang-Emerald

Asignatura/Paksa: FILIPINO X

Taunang Pampaaralan: 2019-2020

ANG AKDANG PAMPANITIKAN NI ROGELIO SIKAT:

ISANG PAGSUSURI

I- Panimula

Naranasan mo na bang maagawan ng isang bagay na napakahalaga sa iyo? Hindi ba't gusto mo itong
bawiin dahil kailangan mo ito? Pero paano kung sadyang ipinagkakait ito sa iyo? Anong gagawin mo
kung lahat na ng paraan ay ginawa mo na pero wala pa ring nangyari? Ipaglalaban mo pa ba ang dapat
ay nasa sa iyo o susuko na lamang dahil alam mo nang wala kang magagawa? Lahat ng mga tanong na
ito ay may kinalaman sa ating maikling kwentong isinulat ni Rogelio Sikat na may pamagat na "Tata Selo.
Ito ay isang kwento na tumatalakay sa isang magsasakang nangngangalang "Tata Selo", na pinagkaitan
ng karapatan na magsaka sa lupang sinasabi niyang pag-aari niya noon. Nagpaliwanag siya sa Kabesang
Tano para hindi siya paalisin sa sakahang iyon ngunit hindi siya nito pinakinggan. Hindi na nakuha ng
magsasaka ang lupang ito kaya ginusto na lamang niya itong siya ang magsaka kahit hindi niya ito pag-
aari ngunit wala pa ring nangyari sa pakiusap niya kay Kabesang Tano kaya tinaga niya ng kabesa.
Matutukoy sa kwentong ito ang higit pang karimarimarim na katotohanan sa buhay: walang hustisya sa
mga anakpawis, malalakas ang maykapangyarihan at ang mga hikahos ay babawian hanggang sa maging
"walang-wala"

a. Pamagat

Ang pamagat ng kwento ay "TATA SELO". Ito ay ibinatay ni Rogelio R. Sikat sa pangunahing tauhan ng
istorya na isang lalaking magsasakang nagngangalang --Selo. Bagamat may pagkakaiba sa Tata Selo na
ipinakilala sa atin ni Rizal sa ilang kabanata ng isa sa kanyang nobela, hindi maitatangging maaaring
inspirasyon ng may-akda ang naturang tauhan sa pagbuo ng "Tata Selo"

b. May-akda ( maikling tala ng Buhay ng may-akda)

Si Rogelio R. Sikat (Sicat) ay isinilang noong Hunyo 26,1940 sa San-Isidro, Nueva Ecija. Ika-anim siya sa
walong magkakapatid nina Estanislao Sicat at Crisanta Rodriguez. Noong 1950 ay lumuwas siya ng
Maynila upang magtrabaho sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkatapos maging Campus Writer at
Literary Editor ng The Varsitarian, itinuloy niya ito hanggang maging isa sa mga sikat na Pioneers ng
Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at
sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western Writers". Ang mga
gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literatura natin at nagpamulat sa kalagayan ng ating
lipunan, ay unang nakita sa magasin ng Liwayway.Nakakuha siya ng Parangal sa Palanca Awards noong
1962, at noong 1965, lumabas naman bilang antolohiya ang "Mga Ago sa Disyerto", sumunod sa mga
magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa Literary History bilang
Fictionist, Playwright at Professor."Impeng Negro"at "Tata Selo"

c. Sanggunian
II- Tauhan

Tata Selo (PROTAGONISTA) (TAUHANG BILOG)

- Isang biyudo na may anak na dalaga. Pagsasaka ang kanyang ikinabubuhay. Ikinulong siya dahil tinaga
niya si Kabesang Tano (kabeza de barangay ng kanilang bayan). Siya ay may anyong isang dukhang, isang
kahig, isang tuka lamang.

- Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na siyang tumaga at nakapatay kay Kabesang Tano sa
kadahilanang pinapaalis siya sa sakahan nito. Sa pagbabasa ng kwentong ito, nakita ko naman na
iginagalang ni Tata Selo ang kabesa. Mahinahon ang bawat pahayag ni Tata Selo habang nagmamakaawa
ito na siyang magsaka sa bukid. Ngunit tinungkod siya ng kabesa nang paulit-ulit. Galit ang namayani sa
matanda kaya nagawa nitong tagain ang kabesa.

Kabesang Tano (ANTAGONISTA) (TAUHANG BILOG)

- Siya ang may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo. Pero isang araw ay sinabihan na lang niya ang
magsasaka na umalis na ito sapagkat may iba nang magsasaka dito. Hindi niya inisip ang mararamdaman
ng isang masipag na magsasaka sa ginawa niyang desisyon. Nagawa pa nitong pagpapaluin ng tungkod
ang matanda nang ito ay nagmamakaawa na huwag paalisin sa bukid. Ngunit dahil sa pagiging gahaman
at malupit ng kabesa, nataga at napatay siya ni Tata Selo.

Alkalde (TAUHANG LAPAD)

- Siya ang alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa kumausap kay Tata Selo tungkol sa pagtaga ng
matanda kay Kabesang Tano. Sa mga pahayag ng alkalde habang tinatanong si Tata Selo, napansin ko
ang pagiging arogante at ang pagiging mapagmataas nito. Kahit na siya ang mayor sa baying iyon,
nakalimutan niya na mas matanda sa kanya ang kausap niya. Nawawalan siya ng paggalang sa matanda.
Ngunit, bilang isang opisyal ng pamahalaan, hindi siya nawawalan ng oras para sa mga kaso at krimen na
nangyayari sa kanyang nasasakupan.
Hepe (IBA PANG KATAUHAN)(TAUHANG LAPAD)

- Siya ang kasama ng alkalde noong kinausap nila si Tata Selo tungkol sa kaso nitong pagtaga kay
Kabesang Tano. Sa aking pagsusuri, mayabang at mapagmataas siya. Kinakawawa niya si Tata Selo. Wala
din siyang galang sa matatanda. Alam naman niyang matanda at mahina na si Tata Selo ay nagawa pa
niya itong suntukin at sikmuraan. Kitang-kita sa hepe ang kanyang kapangyarihan sa maling paraan.

Isang bata (IBA PANG KATAUHAN) (TAUHANG LAPAD)

- Kahit hindi siya gumanap ng isang mahalagang gamapanin sa kwento, makikita sa batang ito ang
pagkakaroon ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na dumarating. Sa murang edad ay naiintindihan
niya ang kalagayan ni Tata Selo. At kahit na hindi niya ito lubusang kakilala, pinapagaan niya ang loob
nito.

Saling(IBA PANG KATAUHAN) (TAUHANG LAPAD)

- Siya ang nag-iisang anak ni Tata Selo na namamasukan bilang isang katulong sa bahay ni Kabesang
Tano. Kahit na hindi siya nakapunta sa mismong araw ng pag-aresto kay Tata Selo, ay ramdam na
ramdam sa kwento ang kanyang pananabik na makita ang ama.

Binatang magbubukid (IBA PANG KATAUHAN) (TAUHANG LAPAD)

- Isang batang bumisita sa kulungan ni Tata Selo. Siya ay nautusan na sunduin si Saling sa bahay ng
presidenete o alkalde at yayain itong umuwi. Subalit siya ay nabigong makapasok sa tahanan ng alkalde
at ang makausap man lang si Saling.

III-Tagpuan
- Pook – sa iskated na munisipyo sa bayan ng San-Roque. Ang iskated na ito ay maliit at maalikabok na
sinasaraduhan ng mga rehas na bakal. Ang tagpuang ito ay kakitaan ng lugar na kalalagyan ng taong
nagkasala.

- Munisipyo

- Sa Bukid

- Panahon : Sa pagitan ng mga dekadang 1980-1990 (kung kelan nailathala ang kuwento)

III- Mga Simbolo/Tayutay

- Simbolismo : Isang matibay na bagay na makakapagbigay ng malalim na simbolismo sa istorya ay ang


"tagak" Dahil sa pagsusuring ito, umikot at nagbigay sabik sa istorya ang pagtaga ni Tata Selo kay
Kabesang Tano. Ang tagak din ang nagbigay kintal sa tila isang masipag at mapagmahal sa pamilya na si
Tata Selo.

Persnonipikasyon/Pagmamalabis (Rehas/Istaked –Pagmamalupit)

- Tanong retorikal

- Paghahalintulad (Tungkod-kapangyarihan)

- Paglilipat-wika (Mahina/Alila- Matanda)

- Pagpapalit-tawag (Alikabok-Matanda)
- Pagdaramdam (May sakit ka, Saling!)

IV- Buod ng Katha

- Ang kwentong ito ay nagsimula sa Istaked. Dito, pinagkaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ang dahilan
kung bakit ponagkaguluhan siya ay pinatay niya si Kabesang Tano na may-ari ng lupang kanyang
sinsakahan.

- Nataga ni Tata Selo ang Kabesa dahil pinapaalis siya sa kanyang lupain ngunit tumanggi at pinagpilitan
ni Tata Selo na kaya pa niyang magsaka pero tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag
niya sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa
kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.

- Isang araw, dualaw si Saling, ang kanyang anak. Naninirahan si Saling dati sa Kabesa at nanilbihan,
subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente. Nakahabag si
Tata Selo nang inisip niyang puwiin si Saling dahil wala na siyang magagawa.

- Pinatawag ng Alkalde si Saling sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama
nito. Dumating muli si Saling at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi ito
papasukin, sabi ng kaniyang anak. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa
kanya ang lahat".

VI- Galaw ng Pangyayari

a. Simula –Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo ngunit nang
tumaas ang araw, at kumalat ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang
bakuran ng bahay-pamahalaan. Nagigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan, bawat isaý
naghahangad makalapit sa istaked.

b. Gitna – (SULIRANIN) Si Tata Selo ay kinompronta ng isang mayaman na binatang anak propitaryo sa
San Roque at sinabing hindi na dapat ginawa ang karumal-dumal na krimeng iyon at ipinaliwanag na
lamang sana ni Tata Selo ang kanyang hinanaing tungkol sa kanyang saka. Tugon naman ni Tata Selo,
wala na silang ibang matirhan kapag siyaý pinaalis. Ngunit ang sabi naman ng mayamang binata ay hindi
makatuwiran ang pagppatay sa kabesa dahil siya lamang ang may karapatang paalisin ang kung sinoman
sa kanyang lupain. Hindi na nagawa pang ipaliwanag ni Tata Selo ang kanyang sarili nang tumalikod na sa
kanya ang binata. Tuluyan na ngang kinulong sa istaked si Tata Selo.

TUNGGALIAN – Tao laban sa kapwa. Sa kwentong ito nakipagtunggali ang pangunahing tauhan na si Tata
Selo sa ibang taong nakapaligid sa kanya upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili sa kasong kanyang
kinakaharap ukol sa pagtaga at hindi sinasadyang pagkamatay ni Kabesang Tano. Sa simula pa lamang ng
kwento ay nakita na agad ang tunggaliang kakaharapin ng pangunahing tauhan sa kwento.
Nagpaliwanag ng maayos si Tata Selo sa mga nagtatanong kung ano ang tunay na nangyari. Nailabas
niya ng maayos ang lahat ng ninanais niyang sabihin ngunit walang katiyakan kung magwawagi siya sa
pagtutunggali laban sa ibang taong nakapaligid sa kanya.

c. Wakas – Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May
kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Seloý wala roon. Nasa init
siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at
tila lagi nang nag-aaninaw na mataý tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa
tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo na ngayoý hindi na pagbawi ng saka
ang sinasabi. Habang nakapikit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa
kanila, lahat! Lahat ay kinuha na sa kanila...

VII- Pagsusuri

a. Uri ng Panitikan

- Ang Tata Selo ay isang maikling kwento na sinulat ni Rogelio R. Sicat. Ang kwentong "Tata Selo" ay
nabibilang sa teoryang sosyolohikal.Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang
dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda ring ito ay siyang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari
sa lipunan, masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri.

b. Estilo ng Paglalahad
- Pagbibigay-Katuturan

- Ang anyong ay naglalayong mabigyang linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng nakikinig o mambabasa. Sa pamamagitang ng paglalahad ay nagiging
ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o
kaisipan na makapagpapahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan. Ang daloy
ng maikling kwento ay nagsimula sa paghahatak ng kyuryusidad ng mga tagapakinig o mambabasa:
simula hanggang sa pagiiwan ng impresyong titimo sa damdamin/ kikintal sa isipan ng mambabasa.

c. Sariling Reaksiyon

- Ang kwentong ito ang nagmulat at nagpa-isip sa akin kung gaano kahirap para sa isang magsasaka ang
mawalan ng trabaho lalo't pagsasaka lamang ang kanyang ikinabubuhay. Kaya nga't ang trabaho ay isang
bagay na hindi talaga dapat ipagkait o mawala sa atin dahil ito ang tanging bagay na siyang magpapasiya
sa kung anong uri ng buhay an gating mararanasan. Sa pagbabasa ng kwentong ito, naghalo-halo ang
kalungkutan, galit at paghihirap ng tauhan sa kanyang kalagayan. Nakaramdam ako ng awa para kay
Tata Selo dahil sa kabila ng kanyang malasakit ay nagawa pa nila itong molestiyahin.

- Batay sa aking sariling pagkakaunawa, masasabi kong malungkot ang naging daloy ng kwento.

- May ibat ibang tao sa mundo. May mga taong may posisyon sa lipunan at may mga tao din namang
mahihina na siyang inaapi-api lamang ng mga makapangyarihang nilalang. Ngunit sa henerasyon natin
ngayon, alam nating kung may kaya ka, aangat ka. Mananatiling kawawa ang mga taong mahihirap. Kung
kayaý huwag natin hayaang tayoý kinakawawa. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang
makamit natin ang ating mga pinapangarap.

d. Aral/Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon ng Buhay

- Ang kuwentong ito ay napapanahon pa rin. Napakaraming nilalang sa mundo ang hindi nabibiyayaan
ng mga materyal na bagay na nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi o ninanakawan ng
karanpatang mabuhay nang tahimik at mapayapa. Isa rin sa mga aral na mapupulot sa kwento ang
satuwinaý pagmamahal ng magulang sa kanyang anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang
mga magulang sa kabila ng dinaranas na kahirapan.

Continue Reading

Start Reading

You might also like