You are on page 1of 4

Paksa: Isyung Pangmanggagawa/Paggawa

Layunin:
1. Natutukoy ang mga linyang may paglabag sa karapatang manggagawa,
2. Nailalahad ang damdaming sumisibol sa pagbasa ng maikling kuwentoo,
3. Naisusulat ang mga puna at suri sa binasang maikling kuwento.
Panuto: Basahin at maglatag ng kritikal na pagsusuri sa maikling kuwentong “Walang
Panginoon” ni Deogracias Rosario.

Pangalan: Jilian Kate A. Bustamante Petssa:____________ Iskor: _______________


Iskedyul:________________________ Instruktor: Bb. Karen A. Padua

Balangkas/Pormat ng Pagsusuri:

I. Pamagat ng Katha at May-Akda


“Walang Panginoon” ni Deogracias Rosario.

II. Buod
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa
mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng
pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama,
dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak
ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong.
Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong.
Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin
sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka


kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang
ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling
pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid.
Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal nilang
pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman
niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don
Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga
nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang
animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit
niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na
sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at
pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit
upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon
sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.
Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng
paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay
Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at
inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya
ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong.
Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na
sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong.
Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad
niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang
matapang na kalabaw.

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-
tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan
lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng
kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento
na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa
mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng
mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng
iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang
isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga
pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.

B. Istilo ng Paglalahad
Nagawang mailagay ng manunulat ang kahalagahan ng paglalarawan sa mga
tauhan, Naisalaysay ang kwento sa pamamagitan ng mga simbolismo.Nailahad ang
nais maiparating sa mga mambabasa.Sa paglalahad ng may akda na si Deogracias A.
Rosario naging kapanapanabik ang bawat pangyayari.Naibigay ang magandang wakas
ng kwento na magbibigay aral sa mambabasa.
C.

D. Mga Tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa kathang sinuri.
 Nasisiraan ng bait
 Lalo pang nang-uyam
2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw.
 Pagpapalit tawag
- Baliw
- Lalo pang nang-iinis

E. Sariling Reaksiyon
1. Pananalig Pampanitkan/Teorya
a. Teoryang Humanismo ang binibigyang pagpapahalaga sa kwentong
ito.Tinutukoy ng teoryang ito ang tao.Pinapakita sa kwentong ito na ang tao ang
sukatan ng lahat ng mga bagay, kaya nararapat na ipagkaloob sa tao ang
kalayaang ipahayag ang kanyang saloobin at makapagpaganap ng mga bagay
bagay na naaayon sa kanyang kagustuhan bilang manipestasyon ng kanyang
pagkatao.

2. Mga Pansin at Puna


a. Gamit ng Wika/Salita
May mgailan-ilan na malalalim na salita ang ginamit na dumaloy sa paraang
paglalarawanat pagsasalaysay. Ang mga pangyayari ay masasagi sa isip ng mga
mambabasa sa paggamit ng kanilang imahinasyon.

b. Daloy ng Maikling Kuwento


b. Ang galaw ng pangyayari ay makatotohanan.Nagsasaad ito ng mga panyayaring
makikita natin sa lipunan.Inilahad ng may akda ang mga pang-aapi ng mga
taong may kapanyarihan sa mga taong nasa laylayan. Isinasaad sa kwento na
ang kasakiman ng tao at pang-aapi sa kapwa ay magdudulot ng kapahamakan.

c. Suwestiyon

3. Bisang Pampanitkan
a. Bisa sa Isip
Ang pagpapakumbaba ng isa tao ay may hangganan.huwag maging kampati sa
buhay anuman ang iyong kalagayan at naabot.Laging isaisip na ang pagpapahalaga sa
kapwa ay napakainam na gawain bilang mabuting mamamayan.

b. Bisa sa Damdamin
Ang pananakit sa damdamin ng kapwa at paghahangad ng sobrang kayamanan
ay nagpapakitang ng kasakiman.Ang kasakiman ng isang tao ay magdudulot sa kanya
ng kapahamakan.
c. Bisa sa Kaasalan
Huwag nating ituring ang ating kapwa na iba sa atin dahil sa paningin ng Diyos
tayo ay pantay pantay ang karapatan.lahat tayo ay may karapatang mamuhay ng
masaya, mapayapa at pinahahalagahan ng ating kapwa.

d. Bisa sa Lipunan
Bawat tao sa lipunan ay naghahangad ng mamumuhay na may respeto at
pagpapahalaga na hindi niyuyurakan ang karapatan at pagkatao.

Bagamat sa lipunang ating ginagalawan ay talamak ang mga taong sakim lalo na
sa kapanyarihan at kayamanan, huwag tayong magpapa impluwensiya sa kanila
bagkus ay gawin natin itong salamin upang tayo ay gumawa ng mabuti sa ating kapwa.

You might also like