You are on page 1of 2

BUOD

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa


mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya
ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang
kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don
Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung
hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay
Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya
nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit


na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang
ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-
aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay
silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan.
Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng
pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don
Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay
ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog
ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang
kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang
malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang
tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng
mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng
paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay
Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan
niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang
kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling
araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga
gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan
ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng
namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.

MGA TAUHAN AT GINAMPANAN

MARCOS
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit sa asenderong si Don
Teong.

DON TEONG
Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kaniyang
ama, dalawang kapatid at ni Anita.

INA NI MARCOS
Siya ang ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sag alit na nararamdaman ng kaniyang
anak para kay Don Teong.
TAGPUAN AT PANAHON

KABUKIRAN
Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don Teong.
Tulad sa iabng kwento, ang kabukiran ay lupang sinasaka ng mga kadalasang
magsasakang bida. Ayon sa aking pagsusuri, ang kabukirang ito ang kumakatawan sa
ating bansa kung saan ang buhay ng mga mahihirap at mayayaman ay nagkakasalubong.
Sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa, mas naapektohan ang mga mahihirap at
ang mga mayayaman naman ay hindi ganoo kaapektado.

Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan


sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda

Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And


akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa buhay.

Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng
isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang,
sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o
impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay
ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang
kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito
ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin
at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling
kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na
mga pangunahing tauhan.

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan


sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

WALANG PANGINOON
ni Deogracias Rosario

You might also like