You are on page 1of 3

I.

PANIMULA

a. Pamagat ng Katha - “Walang Panginoon”


b. May-akda - Deogracias Rosario

Ang may akda sa kuwentong ito ay si Deogracias A. Rosario.


Isinilang siya noong Octubre 17, 1894 sa Tondo, Maynila. Sa edad
lamang na 13 ay sumusulat na siya ng mga kuwento kaya siya ay
tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog".

c. Sanggunian: "Walang Paningoon" ( Maliwat, J.)

II. TAUHAN

Marcos – may lihim na relasyon kay Anita. May kinikimkim na


galit sa Ama ng karelasyon.

Anita- anak ni Don Teong. May lihim na relasyon kay Marcos.


Namatay dahil sa pananakit ng ama.

Don Teong - ama ni Anita. Isang mayamang acendero na


nagkakam sa lupain nila Marcos. Siya rin ang sinisisi ni Marcos
sa pag kamatay ng kanyang ama, kapatid at karelasyon.

Ina ni Marcos- ang laging nag papakalma kay Marcos sa tuwing


namumutawi ang galit nito sa kalooban.

TAGPUAN
Ang kwento ay nangyari sa lupang sakahan nina Marcos at
hasyenda ng mayamang si Don Teong.

III. MGA SIMBOLO/TAYUTAY

"Walang Panginoon."

Ang salitang ito sa kuwento ay tumutukoy sa mga taong


makapangyarihan at may kakayahang kontrolin ang buhay ng mga
mahihina at mahihirap.

IV. BUOD NG KATHA

Si Don Teong ay isang mapagsamantalang acendero sa


kanilang lugar. Kinamkam niya ang lupang sinasaka ng pamilya
ni Marcos at pinagbayad ang mga ito ng buwis. Labis na
ikinagalit ito ng pamilya ni Marcos sapagkat ang lupang iyon
ay ipinamana pa ng kanilang mga ninuno.

Wala naman nagawa ang ama at dalawang kapatid ni Marcos


kundi ang magbayad ng buwis kay Don Teong. Sa labis na sama
ng loob sa nangyari, namatay ang ama at dalawang kapatid ni
Marcos. Mas lalo namang nag alab ang galit ni Marcos kay Don
Teong. Ngunit hindi doon nagtatapos ang pagmamalupit ni Don
Teong. Sinasaktan nito ang anak na si Anita na kasintahan ni
Marcos. Dahil sa pananakit ay namatay si Anita at mas
tumindi pa ang sidhi ng pagkagalit ni Marcos kay Don Teong.
Ang ina na lamang ni Marcos ang nagpapakalma sa anak tuwing
nakakaisip ito na gantihan si Don Teong.

Isang araw napag pasyahan ng pamahalaan na palayasin sa


kani-kanilang tahanan ang mga naninirahan doon kabilang sina
Marcos. Dito ay hindi na nakpag pigil si Marcos sapagkat
inisip nitong may kinalaman si Don Teong sa mga nangyayari.
Inaral na mabuti ni Marcos ang kilos at suot ni Don Teong at
pinahirapan niya ang kalabaw upang mapagkamalan na siya si
Don Teong. Dumating ang araw at inabangan niya si Don Teong
sa kabukiran at pinakawalan niya ang kalabaw at hinayaang
suwagin nito si Don Teong. Napabalita na lamang sa kanilang
lugar kinaumagahan na patay na ang malupit na si Don Teong.

VI. GALAW NG PANGYAYARI

Simula - Ipinakita sa bahaging ito ang pananamantala ni Don


Teong sa pamilya ni Marcos na naging sanhi ng pag tatanim ng
sama ng loob ng ama at dalawang kapatid ni Marcos. Nag bunga sa
kamatayan ng kanyang ama at dalawang kapatid ang kanilang pag
daramdam sa nangyari.

Gitna – Tumindi ng tumindi ang galit ni Marcos sa bahaging


ito ng pangyayari sa kuwento lalo na ng malaman niyang si Don
Teong din ang may kasalanan sa pagkamatay ni Anita na kanyang
kasintahan.
Wakas - Sa bahaging ito, ay umalsa na ang paghihiganti ni
Marcos laban kay Don Teong at pinagplanuhan nitong mabuti ang
gagawing pagpaslang kay Don Teong. Tuluyan namang namatay si
Don Teong bandang huli.

VII. PAGSUSURI
a. Uri ng Panitikan –
Isa itong uri ng maikling kuwento ng katutubong kulay
na na tumatalakay sa mga totoong pangyayari sa ating
lipunan.

b. Estilo ng Paglalahad
Ang may akda ay gumamit ng mga simbolismo at teorya
upang mas lalong maiparating sa mambabasa ang emosyon ng
mga tauhan sa kuwento at upang mas maipinta sa isipan ng
mambabasa ang bawat kaganapan sa kuwento.

c. Sariling Reaksyon

Totoo na sa lipunan natin ay hindi pantay pantay ang


trato ng ibang tao. Kung sino lamang ang mga may kaya sa
buhay kadalasan sila lamang ang napapaburan ng batas. Ang
ibang mga mayayaman naman ay sakim at ginagamit ang
kanilang kapangyarihan upang makapanlamang ng kapwa at
makapanghamak ng mga mahihirap.

d. Aral/PAg-uugnay sa tunay na siwasyon ng buhay.

Ang labis na kasakiman ay hindi magbubunga ng maganda sa ating


buhay lalo na kung tayo ay may tinatapakang ibang tao. May
kasabihan na wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng
kapwa mo sayo. Kung nais mong ika'y patunguhan ng mabuti ng iyong
kapwa, kailangan mong ibigay ang tamang respeto, pantay pantay na
trato at pakikipag kapwa tao. Ngunit wag mong aasahan na ika'y
hindi makakatikim ng kasuklaman mula sa iyong kapwa kung ika'y nag
hatid lamang ng perwisyo at paghihirap sa buhay ng iba.

You might also like