You are on page 1of 2

I.

ANG MAG-ASAWANG WALANG ANAK

II. TEORYANG PAMPANITIKAN


MORALISTIKO- Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa disiplina, na
dapat ay maging masunurin ang anak sa mga magulang at huwag silang
sumuway sa kanila.

III. TAGPUAN
Sa isang malayong bayan kung saan ay mayroong isang munting bahay
ang mag-asawang tauhan.

IV. TAUHAN
Teban- Siya ang haligi ng tahanan.
Osang- Siya ang asawa ni Teban.
Rosario- Anak nina Teban at Osang at siya ang matagal
Nang hiling ng mag-asawa.
Antonio- Isa sa mga manliligaw ni Rosario na kanyang napusuan.

V. BUOD
Noong unang panahon, may mag-asawang hindi biniyayaan ng Diyos ng
kahit na isang anak sa loob ng labinlimang taong pagsasama. Sila ay sina
Teban at Osang. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala ring
nangyari. Sa kabila ng kanilang pagiging abala sa pag-aalaga ng mga
hayop, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang magkaanak. Patuloy pa
rin silang namamanata sa iba’t-ibang santo sa ibat-ibang lugar.Sa isang
malayong bayan na kanilang pinuntahan ay nangako si Osang na kung
siya ay bibiyayaan ng isang anak ito ay hinding-hindi niya patatapakin sa
lupa.

Ang kanilang kahilingan ay natupad. Hindi nagtagal at nagsilang si


Osang ng isang babae at ito ay pinangalanan nilang Rosario. Lumaki si
Rosario sa piling ng mapagpalang kamay nina Teban at Osang. Tulad ng
kanyang pangako, hindi pinatutuntong ni Osang ang anak sa lupa kung
kaya’t si Rosario ay hindi nakalalabas ng bahay hanggang sa magdalaga
ito. Subalit maraming binata ang dumadalaw at nanliligaw dito dahil sa
kagandahan nito.

Isang araw, dumalaw si Antonio kay Rosario. Wala ang mga magulang ng
dalaga noong mga oras na iyon. “Puwede ba akong makatuloy, mahal
kong Rosario?” ang tanong ni Antonio. “Hindi maari, wala rito ang mga
magulang ko. Kabilin-bilinan nina Tatang at Nanang na huwag akong
magpapatuloy ng tao sa loob ng bahay,” ang sagot ni Rosario.

“Kung ganoon, hindi naman siguro masama kung magkuwentu-han tayo


dito sa hardin,” mungkahi Antonio. Sa kapipilit ni Antonio ay napapayag
din niyang makausap sila ni Rosario sa may hardin. Naisip ni Rosario na
hindi naman siguro masama kung mag-usap sila sa hardin ni Antonio.
Ngunit pagtuntong na pagtuntong ni Rosario sa lupa ay biglang yumanig
ang buong kapaligiran. Umagos ang tubig na hindi malaman kung saan
nanggaling. Nilamon ng tubig ang kabahayan. Nagyakap sina Antonio at
Rosario at humihingi ng saklolo. Walang tulong na dumating.

Kinahapunan ay dumating ang mag-asawang Teban at Osang. Laking


gulat nila nang di makita ang kanilang bahay. Parang bula itong naglaho.
Tanging isang ilog ang kanilang nagisnan at sa pusod ng ilog na ito ay
naroroon ang dalawang buwaya.

VI. ARAL
 Ang pagsuway sa utos ng mga magulang ay may kaakibat na
parusa. Sanaying makinig at sundin ang utos nila.
 Huwag maging matigas ang ulo dahil para sa kapakanan din natin
kaya madalas magpaalala ang ating mga magulang.
 Sikaping tuparin ang pangakong binitiwan mo sa iba upang hindi
magkaroon ng problema.

You might also like