You are on page 1of 2

Rosalyn S.

Udarbe October 3, 2018


MAED-ENG 1 Dr. Linda Manalo

Si Ama
Ni: Edgardo Reyes

Ang kwentong “Si Ama” ay isinulat ni Edgardo Reyes. Ayon sa Panitikan


Philippine Literature Portal, 2014 si Edgardo Reyes ay isang nobelista, kuwentista at
scriptwriter sa wikang Filipino. Isa siya sa pinaka-prolific na awtor ng kanyang panahon,
karamihan sa kanyang akda ay unang lumabas sa mga magasin na Liwayway at
Bulaklak. Siya ay isinilang noong 20 ng Setyembre 1936 at pumanaw noong 15 ng
Mayo 2012sa Taytay Rizal.

Si Ama ay isang kwento tungkol sa isang ama na masipag, responsible at may


paninindigan sa buhay. Ang kwento ay ikinuwento ng isa sa mga anak niya,
makokonsidera rin itong si Edgardo Reyes. Tinatalakay ditto kung gaano kabuti ang
kanilang ama at sa kabila ng kawalan sa buhay ay nakapagtapos parin silang
magkakapatid ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang buhay, datapuwa’t hindi
naman nakalimot ang kanilang mga anak sa kanilang mga magulang.

Ang kwento ay sumisentro sa buhay ng kanilang ama at pamilya at posibleng


ang tagpuan nito ay sa maynila,kung saan nakatira ang manunulat. Ang karakter ng
ama sa kwento ay katulad din sa kwentong “Flower Shop” ni Arturo Rotor sa kanyang
karakter na si Margarita na nasa kwento pero hindi kailanman nagkaroon ng
pagkakataon para makapagsalita sa kwento. Ang kwento ay purong narasyon lamang
kung kayat lahat ng karakter ay mokokonsiderang “Flat characters”. Ang magbabala na
ginamit sa kwento ay unang magbabala dahil mababasa natin doon ang salitang “ako”
na tumutukoy sa manunulat pwede ring ikatlong magbabala dahil sa mga salitang
ginamit ng awtor na “kami, sila, aming, naming, at nila”. Ang uri ng banghay na ginamit
sa kwento ay “man in a hole” dahil tumutuoy ito sa kwento ng pamilya at kung paano
naiahon ng kanilang magulang o ng kanilang ama ang kanilang mga anak sa gitna ng
kahirapan. Samakatwid, ang uri ng pagtutungali na ginamit ng awtor ay “man vs. man”
dahil sa buhay ng mag-anak ay may mga tao paring maituturing na “chismoso at
chismosa” na walang magawa sa buhay kundi pakialaman ang buhay ng mag-anak,
pero di naman patitinag ang kanilang magulang lalong-lalo na ang kanilang ama.

Dito sa kwento, ditto natin makikita na walang makakapantay sa pagmamahal na


ibinibihay n gating mga magulang, handa silang isakripisyo ang lahat para sa kanilang
mga anak.

Makikita rin natin sa kwento ang kaugalian ng mga Filipino, mga Filipino na may
paninindigan, dangal at responsible sa pamilya. Nagpapakita din ito ng utang na loob
ng kanilang mga anak na makikita rin natin sa isang dugong Filipino na kahit ano man
ang magyari, ang pamilyang Flipino ay mananatiling matatag at lagging may
paninindigan sa buhay.

You might also like