You are on page 1of 8

PAGSUSURI

EKSISTENSYALISMO SA KWENTONG

SI AMA

ni: EDGARDO M. REYES

A. Pamagat ng Akda.

Pamagat na “ Si Ama” ay akma sa diwang nais iparating ng kwento sa mga mambabasa.


Nakatulong ang pamagat ng kwento para basahin ito ng mga mambabasa dahil lahat tayo ay may ama at nais
nating malaman kung anong katangian mayroon ang ama ng pangunahing tauhan. Dito mabibigyan pansin
ang ama ng tauhan at aral na makukuha sa kwento.Maiuugnay din dito ang kakaibang ugali ng ama sa
sarisariling tatay at malaman kung bakit umaakto ng ganon ang ama sa kwento.Dito masasagot ng
mambabasa ang tanong na “ Ano ang ugali ng aking Ama.

B. Pagkilala sa may Akda

EDGARDO M. REYES ay isinilang noong Setyembre 20, 1936 at pumanaw noong Mayo 15, 2012.
Siya ang isa sa mga tinaguriang Haligi ng Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Ilan sa kanyang mga
nasulat ay ang Laro sa Baga, Sa mga Kuko ng Liwanag at
Ligaw na Bulaklak. Siya rin ang isa sa mga awtor ng Mga Agos sa Disyerto. Ang kanyang mga likha
ay unang natampok sa Tagalog na magasin na Liwayway.
Bukod sa pagiging isang manunulat, si Edgardo ay isa ring mahusay na screenwriter, nobelista at kuwentista.
Ilan sa kanyang mga likha tulad ng Laro sa Baga at Mga Uod at Rosas ay nagkamit na ng mga papuri. Ang
mga ito ay nakilala sa buong mundo at naisalin na sa iba’t-ibang wika.

A. Tema
Ang "Si Ama" ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa isang tatay na kakaiba. Kakaiba dahil malayong- malayo
ang ugali niya sa mga karaniwang tatay. Siya ay isang Ama na may sariling paninindigan
sa buhay gaya ng hindi pangungutang sa ibang tao, hindi pag hingi ng pera o tulong sa kanyang pamilya at
hindi siya nakiki-alam sa buhay ng kanyang mga anak lalo na ang buhay pag-ibig nila. Ikinuwento rin dito ang naging
ligawan ni Ama at ni Ina, kung paanong hindi nagkunwari si Ama upang makuha ang loob ng tatay ni Ina ngunit,
ipinakita niya ang kanyang totoong pagkatao. Ito din ay tungkol sa isang Ama na may magandang kaugalian gaya ng
pagiging responsible at pagiging masipag.Masasabing may ugali din ang ama sa kwento na isang matinding sakit ng tao
na tinalakay sa kwento at ito ay ang pagkakaroon ng “pride” na siyang naglalayo sa pangunahing tauhan sa kanyang
kapwa.

B. Tauhan
Tauhan ng kwentong "Si Ama"
Ama - isang maprinsipyong ama, mapagmahal, maabilidad
Ina- masunurin sa asawa, butihing asawa’t ina. Ingkong -tatay ni
Ina
Ate Maring- panganay na anak Kuya Selmo-
pangalawa
Dikong Ige - pangatlo.

C. Banghay
Sa simula ng kwento ang kakaibang katangian ng pangunahing tauhan na lalong nagpabigay katanungan sa
mambabasa kung bakit ganoon ang ugali ng ama sa kwento. Sa simula pa lamang ay ipinakita na kung gaano kaprinsipyo
ang ugali ng ama, malinaw na ipinakita ang kanyang ugali at kataasan, ayaw mangutang na loob at lalong ayaw
mautangan ng loob.

a. Gitna
Dito na makikita ang masasabing isang matinding sakit ng tao na tinalakay sa kwento na pagkakaroon ng
“ pride”, ang siyang naglalayo sa pangunahing tauhan sa kanyang kapwa at ito rin ang nagtayo ng pader sa pagitan
niya at ng kanyang mga anak.Sa kabilang dako, maituturing na huwaran ang ama sa
kalagitnaan sapagkat sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod napagtapos niya ang kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral
na bihira nang mangyari sa kasalukuyan.

b. Wakas
huling sandali ngbuhay ng pangunahing tauhan ay nabigyan nan g pagkakataon ang mga anak na gawin ng
mga ito ang matagal na nilang nais gawin ito ay ang mapagsilbihan at mapatikim ng ginhawa sa mga magulang ngunit
hanggang sa huling sandal I ng buhay ng ama ay hindi niya binigyan ng pagkakataon ang mga anak na maisagawa ang
kanilang nais na libing sa ama dahil nag ipon ang ama ng sariling pera para sa isang aba at payak na libing. Ipinakita
ng ama ang pagiging maprinsipyo niya ngunit dahil ditto damang dama ang dangal ng pangunahing tauhan.

D. Teoryang Pampanitikan

Pilit ipinapakita sa kwento na ang pangunahing tauhan ay maprinsipyo gayong malinaw na ang ipinakikita niyang
ugali ay kataasan.Sa kabilang dako maituturing na huwaran ang ama dahil sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod niya ang
kanyang pamilya. Kaya ang teoryang pampanitiukan na nangingibabaw sa kwento ay ang TEORYANG
EKSISTENSYALISMO.Ayon sa teoryang eksistensyalismo , ang tao’y dapat mabuhay bilang tao, may kamalayan, walang
makagagawa nito maliban sa kanyang sarili, bawat problema niya ay kanyang kanya lamang.Kitang kita sa kwenta ang
proseso ng pagiging tao ng pangunahing tauhan makikita sa kwento ang pagkakaroon nya ng sariling sistema at paniniwala
para mabuhay.Sa teoryang ito Malaya ang tao, walang maaring umako sa buhay ng may buhay, wala siyang kinalaman sa
kanyang pagkakasilang.Siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano gugugulin ang panahon niya habang siya ay
buhay.Walang ibang mkasangkot sa buhay ng tao.Responsable siya.Siya at siya alamang ang responsible sa kanyang
buhaykahit pa ang desisyon na iyon ay kanyang ikabubuti o ikasasama.Ang tao’y indibidwal wala siyang katulad.Ang
kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.Wallang makapagsasabi sa kanya kung alin ang tama
at mali.Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan niya sa lipunan at mundo.

E. MgaBisa

a. Bisa sa kaisipan
sa isang awitin “ kWalang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sino man ang namamatay
para sa sarili lamang.Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.Bilang isang kristyano, dapat tayong tumulong sa ating
kapwa na nangangailangan.batas nan g buhay na dumarating ang panahon na tayo ay nangangailangan .Kaya’t ikaw ay
marunong dumamay sa iyong kapwa, daramayan ka rin nila kapag ikaw ang nangailangan.Lahat ng tao mayaman man o
mahirap, marunong man o mangmang ay nakikiutang ng loob sa kapwa.Sabi nga sa ingles “ No man is an Island”, Hindi
tayo isla na nag-iisa.May mga bagay na hindi alam gawin ang tao at ang tanging nakakaalam ay ang kanyang kapwa at bise
bersa.kaya ang bawat isa sa atin ay dapat tumulong sa ating kapwa ng buong puso na walang hinihintay na kapalit.

b. Bisa sa Damdami
Ang damdamin na namutawi sa kwento ay ang pagkakaroon ng prinsipyo sa buhay na naging daan para
maging matibay ang pangunahing tauhan para magsikap sa buhay.Sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod niya ang kanyang
pamilya at napag-aral ang kanyang mga anak.Masasabing isang huwarang ama dahil lahat ng trabaho ay pinasok nito,
nagtiis na tumira sa bahay na luma at pawid at kailanman ay di umasa kaninoman para maitaguyod ang pamilya.Maari
ring masabi na nagmamahal ang ama sa kanyang mga anak sapagkat ayaw niyang makadagdag pa silang mag-asawa sa
mga responsibilidad ng kanyang mga anak.
c. Bisa sa asal
masama ang magkaroon ng sariling prinsipyo kung maganda naman ang hangarin mo parasa iyong sarili at pamilya basta
hindi ito makapagdudulot ng sigalot at kapahamakan sa pamilya at kapwa.Sana, kahit sa huling sandali ng buhay ng pangunahing
tauhan ay nabigyan ng ng pagkakataon ang mga anak na gawin ng mga ito ang matagl na nilang nais gawin, ang mapagsilbihan at
mapatikim ng ginhawa ang mga magulang sa abot ng kanilang makakaya.Kaya habang maaga ipadama na natin sa ating mga
magulang an gating pagmamahal at paggalang sa kanila
ISANG PAGSUSURI
SA MAIKLING KWENTONG
“SI AMA

INIHANDA NINA
SHEENA FUENTES
PERLITA PUNO
BEED-3

You might also like