You are on page 1of 4

Ray Carlo A.

Lopez
9 - Dominions
Oct. 21 2021

Paglalagom/Pagbubuod sa Paksa

Transitional devices

Ang mga transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at


sugnay. Sa pamamagitan nito,napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang
kuwento ayon sa tamang gamit nito. Ang transitional devicesnaman ang tawag sa mga kataga
na nag-uugnay sa pagsusunod-sunodng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya,
pangyayari atiba pa sa paglalahad.

Kasunod ang ilang halimbawa ng transitional devices na karaniwang ginagamit sa


Filipino:

Transitional Devices:
1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na
mahal ng kanilang ama.
2. kung gayon – panlinaw
Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan
niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

Buod ng "Ang Ama" maikling kwento

Ang mga anak ay laging natatakot sa kanilang ama na sinasaktan sila, lalo na ang isang
sakiting si Mul Mul.

Nang umuwi ang ama na nasisante sa trabahho, iyak nang iyak si Mul Mul at sinuntok ng ama
sa mukha. Si Mul Mul ay tumalsik sa kabila ng kwarto.

Nahimasmasan naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay. Labis
na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito.

Ang amo ay bumigay ng mumunting abuloy. Ang ama ay dapat umisip na magiging mabuti siya
para sa kanyang anak. tumungo siys sa ibang bayan at namili.
Nakita ng kanyang ibang anak ang pinamili niya at sinunod nila siya patungo s libingan.
Inihandog ng ama sa anak niyang si Mul Mul. Umulan at pinagsaluhan ng mga bata ang natira
mula sa mga nasira ng ulan na binili niya.

Nobela at ang tunggalian

Nobela
Ang Nobela ay isang mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay may kanya kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Sangkap ng Nobela

● Tauhan

● Tagpuan

● Banghay

Mga Uri ng Nobela


● Nobelang panlipunan
● Nobela ng pagibig
● Nobela ng pangyayari
● Nobela ng tauhan
● Nobela ng pagbabago
● Nobela ng kasaysayan

Mga halimbawa ng nobela


● Timawa
● Salawahang pagibig
● Nena at Neneng
Tunggalian
Ang tungalian ay kasingkahulugan ng paligsahan. Ang tunggalian ay isang paligsahan na kung
saan nagpapagalingan ang mga tao upang malaman kung sino ang mas magaling sa kanila.

● Pisikal (Tao laban sa kalikasan)


-Tumutukoy ito sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaring
ulan, init, lamig, bagyo atbp.

● Panlipunan (Tao laban sa tao)


-Ang suliranin at dulot na may kaugnayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o iba pang
bagay

Timawa (Buod)
Ang timawa ay nagsasalaysay sa kwento ng isang binatang nagkaroon ng inspirasyon dahil sa
masaming pangyayari sa kanila. Si Andres ay galing sa mahirap na pamilya lamang.

Ang ama nito ay nagtatrabaho sa isang hacienda at isang araw, sinama nito si Andres dahil
mayroong kapistahan. Mabait ang amo ng tatay ni Andres, subalit ang kanyang asawa ay hindi.

Mataas ang tingin ng kanyang asawa sa sarili at mababa naman ang tingin niya sa mga
nagtatrabaho sa hacienda nila. Hinamak si Andres at ang kanyang ama noong sila ay nasa
pista. Dahil dito, tinawag sila ng Donya na “Timawa”.

Hindi naunawaan kaagad ni Andres ang salita. Agad naman itong ipinaliwanag ng kanyang
ama. Nang malaman ni Andres ang kahulugan, naging inspirasyon niya ito sa pag-aaral ng
mabuti upang makaahon sa buhay.

At iyon nga ang ginawa ng bata. Nang siya ay lumaki na, nagtrabaho ito sa Amerika bilang
tagahugas ng plato sa isang dormitoryo kasama ang kaibang sina Alice at Billy. Dahil sa
kanyang paghihirap, natapos ni Andres and kurso niyang Intermedya.

Ang kuwentong ito’y nagpapakita ng katatagan ng katauhan at pagiging tapat sa layon sa


kabila ng mga suliranin na hindiinaasahan. At sa huli’y pagtubos sa dangal at
pagtatagumapay ang hatid. Timawa- isa itong uring panlipunan na katumbas ng
“Malayang tao” sa panahonng mga maharlika. Ang mga Timawa ay kadalasan kasama ng
datu sa kaniyang mga gawain. Mataas sila kaysa mga alipinngunit sinasabi na sila ay
maaaring anak ng datu sa isang alipin o kaya’y sa kabit nito at sa ganung estado wala
silangkarapatan magmana ng kayamanan kung hindi loloobin ng datu.
Mga Pahayagan na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon

Pagbibigay ng Matatag na Opinyon

* Buong igting kong sinusoportahan ang...


* Kumbinsido akong...
* Labis akong naninindigan na...
* Lubos kong pinaniniwalaan...

Pagbibigay ng Neutral na Opinyon

* Kung ako ang tatanungin...


* Kung hindi ako nagkakamali...
* Sa aking pagsusuri...
* Sa aking palagay...
* Sa aking pananaw...
* Sa ganang sarili...
* Sa tingin ko...
* Sa totoo lang...

You might also like