You are on page 1of 20

Pampanga State Agricultural University

PAC, Magalang Pampanga

RETORIKA: Masining na Pamamahayag

Group 1
Bulanadi, Den Mark P.
Sedin, Harold
Vitalicio, Marc Reven
Reyes, Aizel Ann C.
Salamat, Grace Ann

BPE- II A
MGA PATALINGHAGANG PAGPAPAHAYAG O TAYUTAY
Ang patalinghagang pagpapahayag ay sinasadyang paglayo sa paggamit ng mgapangkaraniwang
salita upang maging kaakit-akit, maharaya at mabisa angpagpapahayag. Itoy nakapagdaragdag
ng kagandahan sa isang katha, pasalita man o maging pasulat. Ang mga sumusunod ay mga uri
ng patalinghagang pagpapahayag o tayutay:
1.) Pagtutulad (Simile)-Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay at pangyayari.
Angpagpapahayag na ito ay ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, tulad ng,kapara ng, para
ng,kagaya ng,at gaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ang pangaral ng kanyang inay katulad ng isang sulongtumanglaw sa
kanyangnadirimlang kaisipan.
b. Ang kawangis niyay isang ibongnabalian ng pakpak.
c. Si Lolitay katulad ng isang kandilang unti-unting nauupos.
d. Si Rodel ay kagaya ng isang maiming tupanang humingi ng tawad sa ina.
2.) Pagwawangis (Metaphor)-Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit tiyakang
naghahambing at hindi na gumagamit ng mga pariralang katulad ng, tulad ng,kapara ng, para
ng,kagayang at gaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.
b. Ang papuri ni Mario ay musika sa pandinig ni Leni.
c.Isang bukas na aklat sa kaibigan ang buhay ni Delia.
d. Ang buhay ng maysakit ay aandap-andap na tinghoy na maaaring mamatay ano mangoras.
3.) Pagmamalabis (Hyperbole or Exaggeration)-Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
tunay na kalagayan ng tao, bagay atpangyayari.
Mga halimbawa:
a.Pumutok ang kanyang ulosa dami ng mga problema.
b.Nabali ang balak angni Liezel sa baku-bakong daan.
c.Nagliliyab ang mga matang galit na galit na lalaki.
d.Nadurog ang puso ni Celia sa makabagbag damdaming tagpong kanyang nasaksihan.
4.) Pagbibigay-katauhan (Personification)-Itoy pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa
mga karaniwang bagay.
Mga halimbawa:
a.Ngumiti ang bulaklak sa liwanag ng buwan.
b.Humahalak hak ang musika kayat sandaling nalimot niya ang kalungkutan.
c.Sumasayawang mga alonsa karagatan.
d.Lumuluha ang liham na tinanggap ni Rosalie, hindi niya napigilan ang mapaiyak.
5.) Pagbibigay-aral (Parable, Fable, Allegory)- Sumasaklaw ito sa tatlong uri ng salaysay gaya
ng mga sumusunod : parabula,pabula at alegorya.
Ang parabula ay buhat sa banal na kasulatan, nagpapahayag ito ng katotohanano kayay may
layuning magbigay ng aral.
Halimbawa:
ANG ALIBUGHANG ANAK
May mag-aamang naninirahan sa isang nayon. Silay nakaririwasa sa buhay. Angamay isang
amang uliran at pinagpapasunuran niyang mabuti ang dalawangpinakamahal ng anak.Isang araw
ay nilapitan ng bunsong anak ang ama at hiniling na ibigay na angama ang kanyang mamanahing
ari-arian at ibig na niyang magsarili. Hindi namantumutol ang ama sa kahilingan ng bunsong
anak. Nang makuha na ang ari-ariangnauukol sa kanya, ang bunsong anak ay nagtango sa isang
malayong bayan atnagpakalayaw sa buhay. Nilustay niya ang ari-ariang ipinagkaloob ng
ama.Namulubi siya at sumala sa oras kayat naisipan niyang bumalik sa nilisangtahanan upang
makain man lamang ang kinakain ng utusan ng kanyang ama. Nagalaknang gayon na lamang ang
ama nang muling Makita ang bunsong anak. Niyakap athinagkan niya ito at inutusan ang isa
sa mga utusan na bigyan ng pinakamagarang damitang anak, isuot sa daliri nito ang isang
mamahaling singsing at maghanda ng masasarapna pagkain sapagkay silay maghahandog ng
isang piging.
Namangha ang panganay na kapatid nang dumating siya mula sa bukid. Nagalitsiya nang gayon
na lamang nang malaman niyang ang kasayahan ay para sa kanyangmasamang kapatid na
bumalik. Buong pagdaramdam niyang hinarap ang ama atsinabing Naglilingkod ako sa inyo,
sinusunod ko ang lahat ng inyong utos at pangaral athindi ko kayo sinuway kahit kalian. Ni isang
guya ay hindi ninyo ako ipinagpatay ngunitang aking masamang kapatid ay hinandugan pa ninyo
ng piging.Sumagot ang ama sa panganay niyang anak. Anak, ikaw ay laging nasa akingpiling at
ang lahat ng akin ay sayo. Nagsasaya tayo ngayon sapagkat ang iyong namatay nak apatid ay
muling nabuhay , ang nawala ay muling nakita.Ang pabula ay katulad ng layunin ng parabula na
magbigay ng aral. Ang kaibahannito sa parabula ay mga hayop ang gumaganap na binigayan ng
mga katangian ng tao.
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang alegorya ay isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay
nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. Ang alegorya ay maaaring basahin sa
dalawang pamamamaraan: literal (denotasyon) o simboliko / masagisag (konotasyon). Ang
alegorya ay nilikha upang magturo ng mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan
o kasamaan.

6.) Pagpapalit-Saklaw(Synecdoche)-Naisasagawa ang pagpapahayag dito sa pamamagitan ng


pagbanggit sa bahaging pagtukoy sa kabuuan at maaari namang isang tao ang kumatawan sa
isang pangkat.
Mga halimbawa:
a. Sampung bibig ang umaasa kay Anthony.
b. Apat na maliliit na paa ang tumatakbong sumalubong sa ama.
c. Isang kayumanggi ang nabuwal sa Bagumbayan nang dahil sa pagmamahal sa Inang Bayan.
d. Isang katipunero ang nagdulot ng tabak upang ipagtanggol ang aping bayan.
7.) Pagpapalit-tawag(Metonymy)-Nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy
ng uring ito ngpagpapahayag
Mga halimbawa:
a. Dapat nating igalang ang puting buhok
.b. Natanggap ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang kasalanan.
c.Tatlong basi ang nainom ni Rico dahil sa matinding uhaw.
d. Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
8.) Paglilipat-lipat(Transferred Epithets)-Sa uring itoy inililipat sa mga bagay ang mga pang-
uring ginagamit lamang sa tao.
Mga halimbawa:
a. Nagtago sa ulap ang mapanibughuing buwan.
b. Hinaganap ng magkakahoy ang mapaglingkod niyang gulok.
c. Ang kahabag-habagna pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.
d. Ang inulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny mula sa Maynila.
9.) Paglumanay(Euphemism)-Tinutukoy dito sa lalong malumanay, magaganda at mabuting
pananalita ang tao, bagay at pangyayaring karaniwan ay hindi naman pinag-uukulan ng gayon.
Mga halimbawa:
a. Ang pusakal na manggagantso at nakatagpo ng isang malungkot at nakahahambal na
kamatayan sa kamay ng kilabot na criminal.
b. Ang lalaking mapagwasak ng tahanan ay nagdanas ng kalunus-lunos at nakahahabagna parusa
sa kamay ng taong may malasakit sa kanyang kapatid na babae.
c. Ang babaeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag-damdaming tagpo sa
harap ng mga kapitbahay.
d. Ang kaawa-awang dispalkador ay tumanggap ng mabigat na kamao ng kanyang niloko.
10.) Pag-uyam(Irony or Sarcasm)-Ginagamitan ito ng mga salitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamagitan ngmga salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na kahulugan ay
mauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Mga halimbawa:
a. Tunay na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa mga
magulang.
b. Kay sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
c. Talagang mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa kwarto ni Robertat
nawala na ang relo nito.
d. Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo sa paa ng iyongkapareha.
11.) Pagtanggi(Litotes)-Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang hindi upang maipahiwatig
ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.
Mga halimbawa:
a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang ipinagtapat sakanyang
lihim ng matalik niyang kaibigan.
b. Su Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
c. Ang binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag sinisita ng katalo.
d. Hindi ka nga makulit, ilang beses mo lang sinabing isama ka.
12.) Pagtatambis o Tambisan(Antithesis)-Inilalahad dito ang isang bagay laban sa iba namang
bagay, binabanggit ang mga bagay na nagkakasalungatan upang higit na maging mabisa ang
pangingibabaw ng isang kaisipang natatangi.
Mga halimbawa:
a. Naranasan na ni Lito ang ibat ibang mukha ng buhay. Narating na niya maraming pook,
malapit at malayo, naranasan niyang maging panginoon at alipin, maging maluho sa buhay at
magdildil ng asin, dumugin ang mga kaibigan dahil sa kanyang salapi at layuan ng mga ito nang
siyay mamulubi. Anupat siyay taong hinog na sa karanasan kayat lubos na niyang nababatid ang
liwanag at dilim ng buhay.
b. Ang batang si Rowenay napakahirap unawain, hinahanap ang ina ngunit itinataboy kapag
dumadating, inaantok daw siya ngunit ayaw matulog, nagugutom daw ngunit ayaw kumain,
ayaw ng maingay ngunit ayaw rin ng tahimik dahil malulungkot daw siya.
13.) Pagsalungat(Epigram)-Kahawig ito ng pagtatambis ngunit higit itong maikli kaysa
pagtatambis.Magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang pinag-uugnay sa uring ito.
Mga halimbawa:
a. Ang ama ang nakasaya sa kanilang pamilya
b. Nasa kapangitan ni Belen ang kanyang kagandahan.
c. Nasa katamaran ng tao ang pag-unlad ng daigdig.
d. Namatay ang bayani upang mabuhay.
14.) Pagtawag(Apostrophe)-Kahawig ito ng pagbibigay-katauhan. Ditoy ginagawa ang
pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa isang buhay na tao
.Mga halimbawa:
a.Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding init.
b.Panibugho,layuan mo kaming magsing-irog at nang kamiy magkaroon ng kapayapaan
.c.Buwan,sumikat ka na at pawiin ang kadilimang lumulukob sa kapaligiran
.d.Pag-asa,halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay-buhay sa akin.
15.) Tanong Retorikal-Isang uri nito ng pagtatanong na hindi naghihintay ng sagot at ang
malimit nitong bigyang diin ay ang kabaligtaran ng itinatanong.
Mga halimbawa:
a. Ang isa kayang matalinong propesyonal ay agad maniniwala sa mga sabi-sabi?
b. May ina kayang makatitiis na makitang nagugutom ang mga anak samantalang siyay
nagpapakasawa sa masasarap na pagkain?
c. May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking tamad, sugarol, lasenggo at
nambubugbog?
d. Ang mga hayop bay may talinong katulad ng tao?
16.) Pag-uulit(Alliteration)-Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap
.Mga halimbawa:
a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na pagpapasyang nakalikhang
pagkabalisa sa kanyang puso umiibig.
b. Lumingap si Rosy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang,lumingon sa
pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lu-
mang gusaling mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.
c. Hinahanap at hinihintay ng iyong ina ang maituturing na himalang pagbabago sa iyong
katauhan sapagkat ikaw ay hinog na sa panahon at ni sa hinagap ay hindi aakalaing malilihis ng
landas.
17.) Paghihimig(Onomaopoeia)-Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o
himig ng mga salita
.Mga halimbawa:
a.Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan pa pagguhit ng matatalim na kidlat.
b.Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
19.) Pagsusukdol(Climax)-Ang uring ito ng pagpapahayag ay baiting-baitang na pataas na
nagsasaad ngmga bagay at pangyayari hanggang sa umabot sa pinakamahalaga o karurukan
.Mga halimbawa:
a. Sa simulay naramdaman ni Sally na siyay nahihilo. Ginitian siya ng butil-butil napawis.
Nadama siya ng panginginig ng katawan at paninikip ng dibdib. Pamayamaya ay nagdilim ang
kanyang paningin at bigla na lamang siyang nahandusay.
Ano ang Sawikain?
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na
nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Ang mga idyoma o Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o
pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang
gawa sa matalinghagang salita. Ang Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit
dahil ito'y Makahulugang Mensahe.
Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng
mga tao. Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang
tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.

Halimbawa ng Sawikain
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.

7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.

8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.

9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.

10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

11. Balitang kutsero


Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita
Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.

12. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.

13. Basa ang papel


Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong
magsinungaling.

14. Basag-ulo
Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.

15. Bilang na ang araw


Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.

Ano ang kasabihan?


Ang kasabihan o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya
na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng
payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao.

MGA HALIMBAWA NG KASABIHAN


Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala. Never trust someone you don’t know.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan.
Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.
Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa
Ano ang Salawikain?

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng


magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.

Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na


naging bahagi na ng ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ang
iba nama'y mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.

Halimbawa ng mga Salawikain


1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao,
pawang mga kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa
pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.


4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan ang


relasyon.

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay.
Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.
6. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.

Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka makakaramdam ng kaginhawaan kapag


hindi ka masaya.
7. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.

Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at madali, minsan
naman ay mahirap.
8. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.

Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay babalik rin sa iyo. Sa
buhay, kung nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.

9. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.

Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May kakayahan


tayong magsumikap upang marating natin ang ating nais marating kasama ng panalangin.

10. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang tulog o
na-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating iwasan ang pagbibiro
sa mga bagong gising.

11. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o masama kapag nakarating na sa taenga
ng tao at lumalabas na sa mga bibig.

12. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.

Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang mga
masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.

13. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.

Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa
kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay iwasto na ang dapat iwasto.

14. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.

15. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.

Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto mong manalo o magtagumpay, dapat
patuloy lang sa buhay hanggang sa makamit ang inaasam.
SALAWIKAIN, SAWIKAIN AT KASABIHAN
Ang salawikain ay mga salitang maituturing na pilosopiya sapagkat ito ay may malalim na
kahulugan at talaga namang matalinghaga. Ang sawikain naman ay mga salitang lumalarawan sa
isang bagay o pangyayari na kadalasan ng mahirap malaman ang tumpak na kahulugan. Ang
kasabihan naman ay mga salita o paniniwala ng mga tao at nakakaapekto sa isa.
Ang Salawikain, sawikain at kasabihan ay ang mga kilalang mga salita na bahagi ng kulturang
Pilipino. Bagama't magkakapareho sila na bahagi ng kulturang Pilipino, magkakaiba naman sila
sa kahulugan ng isa't isa.
A. Pahiwatig na Kontekstwal ( Context Clues)
Hindi lamang iisa ang kahulugan ng isang salita. Mangyaring ang kahulugan ay
nakabatay rin sa konteksto o gamit nito sa pahayag.

1. Depinisyon – mababasa ang kahulugan sa bahagi ng pangungusap


** Hindi niya masikmura ang mahahayap na salitang binigkas ng kanyang kaaway.

2. Karanasan – nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit sa


pangungusap
** Labis ang kanyang pamimighati sanhi ng walang paalam ba pag—alis ng kanyang
minamahal.

3. Salungatan – maliban sa kasingkahulugan, mabuting malaman ang kasalungat nito


** Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ng kabayanihan.

4. Pahiwatig – kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag


** Ang pagsulong ng isang bayan ay makakamit matapos ang mahusay na
pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan.

5. Pagsusuri – lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang panglinggwistika


upang ganap na masuri ang salitang binbasa
** karimlan ka- + dilim + -an
Ang Kalikasan at mga Simulain ng Retorika

Ayon sa mga pahayagan sa leksikograpiya, ang retorika ay isang sining na


ginagamitan ng mga proseso o pamamaraan upang makapagbigay ng kaalaman sa
mga mambabasa o nakikinig na ginagamitan ng mabisa, maayos, maganda at
masining na pagpapahayag na ginagamit ang dalawang paraan; ang pasalita at
pasulat.
Sinabi parin ng ilang kilalang manunulat na ang retorika ay sining ng mabisang
pagpapahayag na kinakailangang bigyang pansin ang mga pananalitang gagamitin,
amg himig, istruktura upang maging malinaw ang gagawing pagpapahayag.
Samakatuwid dapat bigyang diin ang kawastuang pambalirala sa pagsulat upang
matamo ang kalinawan ng bawat pahayag na isasagawa.

Ang mga Simulain ng Retorika


 Katapatan- maging tapat at makatotohanan sa mga ideya o kaisipang nais na
isulat.
 Kalinawan- iwasan ang maging maligoy sa paglalahad ng mga ideya o
kaisipan.
 Katiyakan- maging matipid sa mga sasabihin at tiyak ang mga kaisipan.
 Paraan ng pagpapahayag- magkaroon ng baryasyon sa haba ng mga at
pangungusap at gawing masigla ang paraan ng pagpapahayag.
Upang matiyak ang kagandahan ng isinusulat na pagpapahayag, maaari itong ipabasa sa
iba upang mabatid kung:
 Sunud-sunod ang istrukturang ginamit.
 May pangungusap na walang saysay.
 May nakalilitong mga pahayag.
 May nawawalang ideya na maguugnay sa ibang ideya.
 May maliwanag na mensahe.

Ang mga Elemento ng Retorika sa Pagsulat at Pagbigkas


Sa isang masining na pagsulat at pagbigkas may mga bagay na dapat na isaalang-alang
upang maging mabisa ang gagawing pagsulat o pagbigkas. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.
1. Imbensyon- tumutukoy sa paghahanap ng mga paksang maaaring sulatin. Sa isang
pagsulat kinakailangan ang isang iskima sa pagpaplano ng mga dapat na isulat. Bago
sumulat alamin muna natin kung ano ang ating layunin sa pagsulat, tayo ay makabubuo
na ng isang pahayag na maaaring pabuod (inductive) o pasaklaw (deductive).
Halimbawa: Ang lahat ng tao ay mortal (pasaklaw) o Si Fernando Poe Jr. ay isa lamang
mortal kaya siya ay namatay (pabuod).
2. Pagsasaayos- tumutukoy sa kaisahan o pagkakaugnay-ugnay o kohirens at diin o
emphasis. Sa panuntunang ito kinakailangan mabatid ng manunulat kung anong
panuntunan ang kanyang susundin. Ang manunulat ay makatitiyak na may kaisahan ang
komposisyon kung may iisa lamang paksang tinatalakay.

3. Estilo- tumutukoy sa pamamaraan na nais ng manunulat. Kung ang tao ay masayahin,


malungkutin, pormal o seryoso, ito ay nakakaimpluwensya sa estilo ng manunulat. Anng
mood ng manunulat ay makapagpapasya sa kanyang pagpili ng mga salitang gagamitin sa
kanyang pagsulat. Maaaring siya ay gumamit ng mga talasalitaang matayutay (figurative)
o iba pang antas ng talasalitaan.

4. Memorya- tumutukoy sa pagsasa-ulo sa mga impormasyong nakalap o natunghayan mula


sa mga narinig o nabasang teksto. Sa pamamagitan ng pagsasa-ulo ng mga kabatirang
nakalap, siya ay nagkakaroon ng prior knowledge o stock knowledge na pakikinabangan
sa pagsusulat.

5. Paghahatid- tumutukoy sa mga pamamaraan ng pagpaparating ng impormasyon sa mga


mambabasa o tagapakinig. Sa pamamagitan ng wastong paraan ng pagbigkas o pagsulat
ay maipaparating nang maayos sa kinauukulan ang nais na iparating na mensahe.
Pumapasok din dito ang estilo ng pagsulat kung paano maipaparating ang diwa ng
isusulat.

Ang Pormal at di Pormal na Pagsulat


1. Ang pormal na pagsulat ay pangkaraniwang ginagamit sa mga:
 Ulat ng Pananaliksik
 Teksto ng aklat
 Lathalain
 At iba pang kauri nito

Sa mga pormal na pagsulat iniiwasan ang paggamit ng mga panghalip na ako at kami; sa
halip ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan ang ginagamit, tulad ng kanila,
kanya.
Ang mga sumusunod na halimbawa ng mga panghalip at mga salita ay karaniwang ginagamit sa
pormal na pagsulat.
 Lamang sa halip na lang
 Salapi sa halip na pera
 Ama/ina sa halip na tatay, itay, papa o inay
 Tayo sa halip na tena
 Mabuti pa sa halip na buti pa
Sa mga pormal na pagsulat hindi ginagamit ang mga talasalitaang nabibilang sa antas
balbal o islang, pangkaraniwan na ito ay ginagamit sa mga di pormal n pagsulat.
2. Ang di pormal na pagsulat ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pagsulat at sa
mga sumusunod na larangan ng pagsulat:
-Patalastas
-Liham sa mga kaibigan at malapit na kamag-anak
-Sa mga bahaging usapan sa akda
-Jornal o talaarawan
-Sa kampanya ng politico

Ang paggamit ng mga talasalitaang balbal o mga pangkaraniwang salita ay


ginagamit sa di pormal na pagsulat na may layunin na mapabilis ang pag-unawa sa
pagpapaabot ng mga mensahe na ibig iparating sa mga mambabasa. Ang mga sumusunod
na talasalitaan ay ilan sa mga halimbawa na ginagamit sa di pormal na pagsulat:

-Munisipyo sa halip na bahay-pamahalaan


-Eskwelahan sa halip na paaralan
-Ospital sa halip na pagamutan
-Erpat sa halip na ama
-Arep sa halip nap era

Ang Organisasyon ng Diskursong Pasalita at Pasulat

Ang Komposisyon ay binubuo ng iba’t ibang bahagi gaya ng mga sumusunod.


1. Panimula o introduksyon
2. Gitnang bahagi o katawan
3. Wakas o konklusyon
Ang isa pang set ng mga bahagi sa pagsulat ng komposisyon ay;
1. Kaisahan
2. Pagkakaugnay-ugnay at
3. Diin

1.Kaisahan
Sa bahaging ito ng komposisyon ay kinakailangan ang kaisaahan ng diwa na ihahanay sa
buong sulatin. Matitiyak ang kaisahan kung may isang tiyak na paksa at may paglilimita sa isang
paksa.
Halimbawa: Ang paksang “Marcelo H. del Pilar” ay malawak at may kalabuan na dapat ay
gawing tiyak kung ano ang dapat na mahubog o maisulat, kaya’t maaring gawing “Marcelo H.
del Pilar, Propagandistang Filipino.” Sa pamamagitan nito ay makabubuo ng isang payak na tesis
o paksang pangungusap na magiging gabay sa pagsulat ng komposisyong may kaisahan.
Narito ang halimbawa ng isang talata na nagtataglay ng kaisahan.
Batid ng nakakarami na ang buhay sa nayon ay hindi isang magandang paraiso at hindi
rin isang mapayapang kagubatan. Ang buhay dito ay batbat ng kahirapan at aandap-andap na
pag-unlad. Ang pamumuhay dito ay pinagsisikhayan tungo sa pag-unlad. Ang mga nakikita sa
mga larawan ay huwad lamang at ilusyon lamang ng malikot na guniguni ng mga pintor. Ang
tunay na mukha ng kanayunan ay makikita kapag nasumpungan mong manirahan ditto.

Pagkakaugnay-ugnay:
Ito ay tinatawag na Coherence sa wikang Ingles. Nagpapahayag ito na ang mga sangkap
ng mga teksto ay magkakaugnay na taglay ang kakipilan o kaayusan ng paghahain ng diwang
napapaloob. Ang mga kaayusang tinutukoy ay ang mga sumusunod:
1. Order na lohika- ito ay kaayusang umaalinsunod sa sining ng pagmamatuwid sa proseso
ng pangangatwiran, kasama dito ang:
a. Sanhi at bunga
b. Ebidensya
c. Konklusyon
Ang bagay na ito ay hindi bago sa larangan ng pagsulat, Taglay ng order sa lohika ang
maliwanag na mga hakbang sa proseso ng pangangatwiran.
Halimbawa:

2. Order sa panahon- ito ay tumutukoy sa kronolohikal na pagkakaugnay-ugnay ng mga


pangyayari. Alam natin na ang pangyayari ay binubuo ng mga kilos. Ang unang pagkilos
ay nasusundan ng iba pang galaw, sa bawat oras o panahon.
Halimbawa:

3. Order ayon sa espasyo- ito ay tumutukoy sa pag-unawa sa ating kapaligiran. Ang


paggalaw n gating mga mata ay nakatutunghay sa sunod-sunod na mga pangyayari na
nakikita ng ating mga paningin sa isang espasyo- mula sa kanan patungo sa kaliwa, mula
sa malapit patungo sa malayoo, mula sa ibaba patungo sa itaas, kapag binalikan natin ng
tanaw ang una nating naisulat masusumpungan natin ang tinatawag na coherens. Sa
pangkaraniwang ayos, ang simulating ito ng organisasyon sa teksto ay makikita sa galaw
ng mata buhat sa isang bagay patungo sa marami pang mga bagay.
Halimbawa:
Ang mga pangatnig ay nakatutulong sa pagpapanatili ng pagkakaugnay-ugnay ng diwa o
coherens. Tulad ng ; mga salita, parirala, sugnay, tulad ng: datapwat, at, saka, kahit, gayundin at
iba pa.
Pinadudulas ng pangatnig ang daloy sa mga pangungusap at talata.
Halimbawa:

Ang paggamit ng kasing kahulugan o sinonim, mga panghalip, at mga pag-uulit ng mga
salita ay nakatutulong din sa maayos na daloy ng diwa ng isang komposisyon.
Halimbawa:

ANG DIIN O EMFASIS


Marami paaran upang makalikha ng isang diin sa isang teksto. Ang pagbibigay diwa sa
isang diwa o kaisipan ay maaaring maipakita ng kauugnayan nito sa kabuuan ng isang teksto.
Ang Diin ayon sa posisyon. Ito ang paglalagay ng pangunahin ideya o kaisipan sa unahan
o hulihang bahagi ng teksto. Ang pangunahing ideya o pangunahing pangungusap ay magiging
batayan upang maipaliwanag ang buong kaisipang napapaloob sa teksto. Maaaring ang batayang
pangungusap ay nasa huli upang makabuo ng impresyon. Ngunit sa pagsulat ng balita ang
mahalagang tala ay inilalagay sa unahan.
Mga halimbawa:
1. Diin sa unang bahagi

2. Diin sa huling bahagi

Ang Diin ayon sa Proporsyon. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay diin sa pinakamahalagang


paksa ng pagtalakay. Ang pagpapaunlad sa panggitnang kabatiran ay nakapagbibigay ng
maikling wakas na tinataglay ng diin.
Halimbawa:
Ang Diin ayon sa Pag-uulit ng mga salita at tunog ng mga katinig. Ang diin ay maari
ding matamo sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita na magkakatulad ng tunog. Sa ganitong
paraan magiging magkakalapit ang mga pangungusap sa isang talaan.
Halimbawa:

You might also like