You are on page 1of 9

Overview

Ang pagbabasa ay mahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito patuloy na nadadagdagan ang
kaalaman sa pamamagitan ng pagkilala sa batayang Istruktura at huwaran ng organisasyon iba’t-ibang genre ng
teksto. Mahalaga din magkaroon ng ugnayan ang ga ideya at pahayag sa teksto saan mang genre ito kabilang.

Objectives:

1. Maipaliwanag ang katuturan ng bawat uri ng mga iba’t-ibang genre na nakasulat sa teksto.
2. Magamit ang mga iba’t-ibang uri ng paraan ng pagpapahayag sa pagbuo ng pamanahong papel o gawaing
pananaliksik
3. Matalakay ang mga ugnayan ng ideya at pahayag sa teksto saan mang genre ito kabilang.

Pretest

Name__________________________________________ Score ____________


Course/Year/Section____________________________ Date ____________

I. Pagpipili:
Panuto: Tukuyin ang genre ng mga sumusunod na teksto. Piliin ang tamang sagot at isulat sa inyong sagutang
papel.
a. Nobela e. pabula i. talambhay
b. Maikling kwento f. parabula j. balita
c. Dula g. anekdota k. talumpati
d. Alamat h. sanaysay l. tulat

1. Si dating Pangulong Ramon Magsaysay ay isa lamang karaniwang mekaniko noon. Sa buong maghapon,
ang kanyang palaging kasama’y mga dyip, kotse at trak kaya’t sa tuwing kanyang pauwi ay puro langis at
grasa ang nasa kanyang mukha at katawan.
Ngunit noon pa man ay hinangaan na ng mga kapwa niya makaniko, tsuper, konduktor at kliyente ang
kanyang husay at sipag sa kanyang profesyon, maging ang kanyang kabaitan at pakikisama sa kapwa.

2. Richard: Kailan ka pa dumating?


Verna: Nagulat ka ano? Hindi mo akalaing magkikita pa tayo.
Richard: Ah,…eh…
Verna: Kumusta ka na?
Richard: Mabuti naman.
Verna: Hmm….p’wes ngayon, hindi na mabuti!

3. Matapos na likhain ng Diyos ang daigdig, tinawag niya at pinulong ang lahat ng hayop.” Mula ngayon,
mabubuhay kayo sa sarili ninyong pagsisikap, sabi ng Diyos sa mga nagkakatipong mga hayop. Sa ganoon
kakailanganin ninyo ang sari-sariling kakayahan upang mapangalagaan ang inyong sarili, at iyon ang
ipagkaloob ko sa iyo”.

Page 1 of 9
4. Binitiwan ng bata ang Bangka-bangkang papel sa tubig. Ito’ sumabay sa alon at nagpasiku-sikot sa siit at
lumot.Nagalak ang walang malay na puso ng bata. Ngunit ang Bangka-bangkaang papel ay sumama na
nang tuluyan sa tubig. Iniwan ang saluysoy na pinagmulan. Hindi alam kung saan ito patungo at aywan
kung nakarating nga sa ilog.Nagdumakwang ang bata sa pagtanaw.Wala na. Ni ang malabong anino niyon
ay hindi na niya abanaagan pa.
Ganyan ang takbo ng buhay!
5. Noong bata pa si Rizal, malikot din siya kaya nakagalitan at naparurusahan din tulad ng ibang bata. Ngunit
may pangyayaring sa kanyang buhay na nagpapakilala sa kanyang ugali tungkol sa pagkawala ng kanyang
tsinelas. Sinasabing samantalang silang magkakapatid ay namamangka, tinangay ng ago sang kaliwa
niyang tsinelas. Ipinaanod na rin niya ang kanan niyang tsinelas upang kung may makasagip ng naunang
tsinelas ay mapakinabangan ito kung pati ang kasunod na tsinelas ay masagip.

Learning Focus

Pagkilala sa Batayang Istraktura at Hulwaran ng Organisasyon ng Iba’t-ibang Genre ng Teksto

A. Iba’t ibang Genre ng mga Nakasulat na Teksto


Mahalaga ang pagbabasa sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito ay patuloy na nadaragdagan ang ating
kaalaman, pinagagana nito ang ating imahinasyon kasabay ng paghubog ng isang mapanuring isispan.

May iba’t ibang uri ng genre o uri ng mga nakasulat na teksto.


1. Alamat – isa itong pagsasalaysay ng mga bagay na pinagmulan ng mga bagay, pook, halaman, pangalan g
mga tao atbp. At ang mga ito ay kathang isip lamang at mahirap paniwalaan.
Hal: Alamat ng Pinya
Ang Pinagmulan ng Paruparo
Ang Alamat ni Mariang Makiling

2. Dula – ito ay isang akdang isinulat upang itanghal sa entablado at teatro. May mga nakasulat na dialogo
para sa mga tauhan na ginagampanan naman ng mga artista sa pagtatanghalat inaangkupan ng spat na
pagkilos at arte sa entablado.
Hal: Walang Sugat ni Severino Reyes
Moses, Moses ni Rogelio Sicat
Orosman at Zapira ni Francisco Balagtas

3. Maikling Kwento – isa itong akda na nagsasalaysay tungkol sa suliranin ng pangunahing tauhan at kung
paano ito nabigyan ng kalutasan. Nag-iiwan ito ng impresyon o kakintalan sa mga mambabasa.
Hal: Sa Bagong Paraiso ni Efren R. Abueg
Tata More ni Genoveva Edroza-Matute
Impeng Negro ni Rogelio Sicat

4. Novela – isa itong mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito ay
sumasaklaw sa mahabang panahon at kinasasangkutan ng maraming tauhan.
Hal: Dekada ’70 Lualhati Bautista
Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
Noli me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal

5. Pabula – ito ay kwento ng mga hayop at mga bata. Likhang-isip lamang ito ng mga manunulat at walang
katotohanan sa tunay na buhay subalit buhat dito ay ay nakakakuha ng aral ang mga mambabasa partikular
na ang mga kabataan.
Hal: Ang Pagong at ang Unggoy

Page 2 of 9
Ang Mag-anak na Langgam
Ang Leon at ang Daga

6. Sanaysay – ito ay ang pagpapahayag ng mga kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin
o pangyayari sa paligid o sa lipunan. Karaniwang ipinasusulat ito sa mga estudyante
Hal: Landas tungo sa Tagumpay ni Marimar Irabagon
Ang Musikang Pilipino: Dekada ’70 – ’80 ni Teresita Fortunato\
Alisin ‘Ka mo ang Dyipni? Teka Muna . . . ni Valerio Nofuente

7. Talambuhay – ito ay kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maari itong maging talambuhay na pansarili o
talambuhay na paiba.
Hal: Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel Quezon
Itinadhana sa Kadakilaan ni Anacleto Dizon

8. Talumpati – binibigkas ito sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong manghikayat, magpaliwanag,
magbigay ng inpormasyon, mangatwiran at magbigay ng opinyon o paniniwala.
Hal: Wikang Filipino: Mahalagang Salik sa Pagpapahayag ng karapatang Pantao ni Cristina C.
Irabagon

9. Parabula – mga kwento itong hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng parabula, may layunin din itong
mang-iwan ng aral na kapakipakinabang sa buhay.
Hal: Parabula ng Alibughang Anak
Parabula sa Sampung Matalinong Dalaga
Parabula sa Mabuting Samaritano

10. Anekdota – maiikling salaysayin ito na may layuning umaliw o magbigay – aral sa mga mambabasa.
Hal: Ang Gamugamo at ang Munting Lampara
Si Jose Rizal at ang Tsinelas

11. Balita – paglalahad ito ng mga pang-araw araw na pangyayari o kaganapan hinggil sa iba’t ibang aspeto ng
ating lipunan. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay matatagpuan sa mga pahayagan.

Mga Halimbawang babasahin sa Bawat Genre:

 Alamat
Alamat ng Palay

Noong unng panahon ay sagana pa ang buhay ng mga tao sa daigdig. Madaling hanapin ang pagkain
sapagkat ito ay nasa paligid lamang.

Sa dakong Kanluran ng Bisayas, may mag-asawang payapa at matiwasay na naninirahan sa kabila ng


sila’y wala pang anak. Palagi silang namamasyal at nag-uulayaw sa gilid ng bundok, sa ituktok ng bundok at
naglulunoy sa malinis na batis.

Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalakisa labas ng kanilang maliit na dampa.
Namatay ang mga halaman, natuyo ang lupa at walang tubig ang at ilog, lumaganap ang taggutom.

Dumating ang pagluwal ng babae kaya’t napilitan silang maghanap ng pagkain. Nilibot nila ang buong
kabundukan, sa kanilang pagkagulat ay nakakita sila ng bunga. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoon.

Page 3 of 9
Agad silang umuwi sa kanilang tahanan at maingat iyong binayo at niluto, napakabango ang amoy niyon ng
kanilang maluto . nagpasya ang mag-asawa na itanim ang bungang iyon upang dumami at hindi na sila magutom.

Nang ang kanilang anan ay nagsisimula nang umusal ng salita, itinanong nila dito kung ano ang tatawag
nila sa kanilang kinakain. “Pa-ay. . .pa-ay!” ang wika ng bata. Dahil hindi nila alam ang pangalan ng pagkaing iyon
tinawag nila itong paray o palay

 Dula (isang bahagi):

Walang Sugat
Ni SEVERINO REYES

Ikaanim na Tagpo

Mga religioso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw na babae at lalake.

Religioso 1: Kapitana putin , ngayon makikita ko na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa alkalde na
huwag na papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan ng mabuting tulugan.

Putuin: Salamato po Among.

Religioso 1: kami ay aakyat muna sandali sa Governador at sasabihin na pawalan lahat ang mga bilanggo,
kaawa-awa naman sila.

Putin: Opo manong, maano nga po, salamat po Among.


(MAGSISIHALIK SA KAMAY NG AMONG ANG MGA BABAE – SI TENYONG AT MGA LALAKE
AY HINDI)

Religioso 1: (Sa mga kasama) Despue de cer al Governador . . . a Manila cogeremos el tren en la estacio de
guiguinto. Esnecesario deci al General que empiece ya a fusiliar a lotricos o ilustrados dela
provincia, porque oste va mal.

Religioso 2: Ya lo creo que va mal.

Religioso 3: si, si a fusiliar.

Religioso 4: a fusiliar.

(Vane los religiosos)

 Maikling Kwento (Buod)

Impeng Negro
Ni ROGELIO SICAT

Sa isang eskwater ay naninirahan si Impen at ang kanyang ina. Sa tuwing aalis ng bahay si Impen bilang isang
agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng kanyang ina na umiwas sa pakikipag-away lalo na kay Ogor.

Si Ogor ay siga na agwador, madalas nitong tuksuhin si Impen sanhing kaitiman nito. Anak kasi siya ng kanyang
ina sa Amerikanong negro at ang kapatid niya ay anak ng puting Amerikano.

Page 4 of 9
Isang araw, sa kanyang pag-iigib ay siningitan na naman siya ni Ogor. Nakiusap si Impen na pabayaan na lang
siya ni Ogor na matapos ngunit hindi ito pumayag.

Sa paglalakad ni Impen ay pinatid siya ni Ogor dahilan ng kanyang pagkadapa. Dumugo ang pisngi nito kaya’t
nagalit siya kay Ogor at sinuntok ito. Natalo si Ogor at mula noon ay kinakatakutan na siyang tuksuhin.

 Novela (Buod)

Sa mga Kuko ng Liwanag


Ni EDGARDO REYES

Nagtungo si Julio sa Maynila upang hanapin ang kasintahan niyang si Ligaya na isinama ni Mrs. Cruz upang
bigyan daw ng magandang trabaho, kasama ang dalawa pang dalaga.

Sa kanyang pagtitiyaga ay natagpuan niya ang dalaga. Isinalaysay ni Ligaya ang kanyang karanasan sa kamay
ni Mrs. Cruz na isa palang bugaw, hangggang sa mapasakamay siya ni Ah Tek, at siya’y ginawang asawa. Tinangka
ni Ligaya na tumakas ngunit lagi siyang pinagbabantaan ng Intsik. Nagpasya si Julio na itakas si Ligaya.

Ngunit sa oras ng kanilang tipan ay hindi dumating ang dalaga, kinabukasan ay nabalitaan nalang itong patay na
at di umano’y nahulog ito sa hagdan. Ngunit naniniwala si Julio na pinatay ito ni Ah Tek.

Nang mailibing ang dalaga ay muling bumalik si Julio sa tahanan ni Ah Tek at kanya ito sinaksak sa kanyang
hawak na lanseta. Ngunit nakahingi ng tulong ang Intsik ay siya ay pinagtulong-tulungan, wala siyang nagawa kundi
ang humalik na lamang sa lupa.

 Pabula

Ang Makulit na Langgam


ISANG HALAW

Matapos na likhain ng Diyos ang daigdig, tinawag niya at pinulong ang lahat ng hayop. “Mula ngayon ay
mabubuhay kayo sa sarili ninyong sikap”. Sabi ng Diyos sa mga nagtitipong mga Hayop. “sa ganoon, kakailanganin
ninyo ng sari-sariling kakayahan upang mapangalagaan ninyo ang inyong sarili, ang ipinagkaloob ko sa inyo”.

Ang Agila ang unang tinawag, siya’y pinagkalooban ng matatalas na mata, malalakas na pakpak, at matatalim
na kuko.

Sunod na tinawag ng Diyos ang Kalabaw, pinagkalooban niya ito ng malakas na katawan, dalawang malalaking
sungay,

Kasunod na tinawag ang Langgam, “Napakaliit mo Langgam. Bibigyan kita ng makamandag na laway. Lahat ng
makagat mo ay mamamatay.”

“Totoo po ba iyon Panginoon? Totoo po ba iyon?” tanong ni Langgam.

“Iyon ang sinabi ko sa iyo Langgam, totoo iyo! sabi ng Panginoon.

Muling bumalik ang Langgam at muling tinanong ang Panginoon kung iyon nga ba’y totoo. Dahil sa kakulitan ng
Langgam, “Sinumang hayop o tao na kakagatin mo ay papatayin ka rin!” iyon ang at tumalikod na ang Panginoon.

Page 5 of 9
 Sanaysay

Landas Patungo sa Tagumpay


ISANG HALAW

Binitawan ng bata ang banga-bangkang papel sa tubig. Ito’y sumabay sa alon at nagpasikot-sikot sa siit at
lumot. Nagalak ang walang malay na puso ng bata. Ngunit ang Bangka-bangkaang papel ay sumama na nang
tuluyan sa tubig. Iniwan ang saluysoy na pinagmulan, hindi alam kung saan ito patungo at aywan kung nakarating
nga sa ilog. Ng dumukwang ang bata ay wala na, ni anino niyo ay di niya mabanaag.

Ganyan ang takbo ng buhay!

Kagaya ng bangkang papel at ang tubig ay ang landas na ating tinatahak. Kagaya ng mga mapapalad na
nabigyan ng pagkakataong makatuntong ng Kolehiyo, mahirap an gating tinatahak ngunit sa bandang huli atin nang
matatanaw ang tagumpay sa ating guni-guni.

Ang landas ng buhay ay nahahati sa dalawa. Ang una ay maikli, malinis at tahimik ang tubig. Walang
kapagurang maranasan ngunit sa dakong huli ay walang naghihintay naliwanag kundi kadiliman. At lahat ng nagnais
dumaan ditto ay walang di nadaya. Lahat ay nagayuma! Nabihag! Ngunit sa huli ay nalunod lamang. Ang pangalawa
ay masukal, mahaba, at malalaki ang mga alon. Maraming panganib at sagabal. Ngunit ang lahat ng dumaraan ditto
ay nagsisikap harapin ang nakaambang panganib. Sa kahabaan ng paglalakbay, natatanaw sa dakong malayo ang
walang kapantay na kaligayahan at katuaran ng mga pangarap.

Kaya habang nasa atin ang pagkakataon ay huwag natin itong sayangin. Mahalin at pagyamanin natin ito.

Magtiwala tayo sa ating kakayahan kasabay ng ating pananalig sa Maykapal.

B. Mga Bahagi ng Teksto


May tatlong bahagi ang isang teksto. Bawat bahagi ay may kani-kaniyang tungkulin upang mabuo at maging
maayos ang anumang akda.

1. Simula – ito ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa ng akda. Kadalasan ay binubuo lamang ito ng
isa o dalawang talataan depende sa haba o kabuuan ng teksto.

2. Katawan – ito ang kalakhang bahagi ng teksto. Dito nakapaloob ang pagtalakay at pagpapaliwanag sa
paksa. Dahil sa mga tungkuling binanggit, maituturing itong “kaluluwa” ng isang akda.

3. Wakas – ito ang pangunahing bahagi ng isang akda. Iba’t ibang teknik ang maaaring gamitin sa pagbibigay
ng wakas. Maaaring pagbibigay ng buod na pinakakaraniwan sa lahat, pagbibigay ng isang tanong, pag-
iwan ng isang hamon atbp.

C. Mga Paraan ng Pagpapahayag


Ang mga akdang ating nababasa o sinusulat o kaya ay maaring uriin ayon sa paraan ng pagpapahayag. Ito
ay maaring paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay at pangangatwiran.
 Paglalahad – paraan ng pagpapahayag kung ang layunin nito ay
tumatalakay at magpaliwanag.
 Paglalarawan – nais ipakita ang kabuuang anyo, pagkakatulad at pagkakaiba ng isang tao, bagay, hayop
atbp kauri nito.
 Pagsasalaysay – nais mong magkwento.
 Pangangatwiran- kung nais mong makahikayat ng iba na pumanig sa iyong opinion o paniniwala.

Page 6 of 9
D. Iba’t ibang Hulwaran ng Teksto
May iba’t ibang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto. Makatutulong ang gawaing ito sa atin kung tayo ay
nagnanais na magsulat. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Paglilista ng Detalye – pinakapangkaraniwang hulwaran ito sa pag-oorganisa ng teksto. Ang mga detalye
o informasyon ay isa-isang itatala at tatalakayin. Madalas na ayusin ito nang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod. May mga pagkakataon din na ang isang malawak na paksa ay hinahati-hati sa mas
maliit na paksa at isa-isa itong binigyan ng pamagat.

2. Sanhi at Bunga- may mga akdang inaangkupan ng hulwarang ito gaya ng mga balita, alamat at iba pang
sulatin na nagpapakita ng dahilan at epekto.

3. Paghahambing at Kontrast- may dalawang bagay, kaisipan, pangyayari o tao na nais na bigyan ng
pagtutulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng hulwarang ito. Pansinin ang kasunod na halimbawa.

4. Problema at Solusyon – angkop itong gamitin para sa mga sulating technical at maagham tulad ng mga
sulating pananaliksik, gayundin sa mga malikhaing sulatin tulad ng maikling kwento.

5. Pagsusuri - ginagamit ang ganitong hulwaran sa mga akdang kritisismo gaya ng revyung pampulitika,
revyu ng isang aklat, revyu ng isang akdang pampanitikan. Unang inilalahad ditto ang mga informasyon o
detalye buhat sa sinusuri at saka pa lamang ito bibigyan ng sariling reaksyon.

E. Pananda at Pamaraan sa Pag-uugnay ng Teksto


Mahalagang magkaroon ng mga ugnayan ng mga ideya at pahayag sa teksto saan mang genre ito
kabilang. May mga pananang dapat tandaan ang mga pamaraang dapat gamitin upang magkaroon, kundi man
ay mapanatili ang ugnayan.

Narito ang ilan sa mga salitan pananda sa ugnayan ng teksto at ang tungkulin nito:

1. Mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan (causative)


Hal. “ Bunga nito, ang isang mananaliksik ay mananatiling nagkakamot ang ulo habang nakakunot
ang noo”.
Mga salitang naghahayag ng karagdagang ideya (additive)
Hal. “Ang buhay-estudyante at buhay –guro ay walang ipinagkaiba sa maraming pagkaktaon.”
2. Mga salitang naghahayag ng pagsalungat (contrastive)
Hal. …..dagdag parito ang pagkatuklas sa nilalaman ng mga tesis at disertasyon namatatagpuan sa
mga silid-aklatan.”
3. Mga salitang naghahayag ng pagkakasunon-sunod ayon sa panahon (temporal)
Hal. Noong nagdaang Marso 3, magsimulang magsuot ng mga kasuutang Pilipino ang mga
Empleado sa iba pa
4. Mga panghalip na paano at panghalip na pamatlig
Posttest:

Name__________________________________________ Score ____________


Course/Year/Section____________________________ Date ____________

I. Pagpipili:
Panuto: Tukuyin ang genre ng mga sumusunod na teksto. Piliin ang tamang sagot at isulat sa inyong sagutang
papel.
Nobela pabula talambhay

Page 7 of 9
Maikling kwento parabula balita
Dula anekdota talumpati
Alamat sanaysay tula

_____________ 1. Si dating Pangulong Ramon Magsaysay ay isa lamang karaniwang mekaniko noon. Sa
buong maghapon, ang kanyang palaging kasama’y mga dyip, kotse at trak kaya’t sa tuwing
kanyang pauwi ay puro langis at grasa ang nasa kanyang mukha at katawan.
Ngunit noon pa man ay hinangaan na ng mga kapwa niya makaniko, tsuper,
konduktor at kliyente ang kanyang husay at sipag sa kanyang profesyon, maging ang
kanyang kabaitan at pakikisama sa kapwa.
_____________ 2. Richard: Kailan ka pa dumating?
Verna: Nagulat ka ano? Hindi mo akalaing magkikita pa tayo.
Richard: Ah,…eh…
Verna: Kumusta ka na?
Richard: Mabuti naman.
Verna: Hmm….p’wes ngayon, hindi na mabuti!
_____________ 3. Matapos na likhain ng Diyos ang daigdig, tinawag niya at pinulong ang lahat ng hayop.”
Mula ngayon, mabubuhay kayo sa sarili ninyong pagsisikap, sabi ng Diyos sa mga
nagkakatipong mga hayop. Sa ganoon kakailanganin ninyo ang sari-sariling kakayahan
upang mapangalagaan ang inyong sarili, at iyon ang ipagkaloob ko sa iyo”.
_____________ 4. Binitiwan ng bata ang Bangka-bangkang papel sa tubig. Ito’ sumabay sa alon at nagpasiku-
sikot sa siit at lumot.Nagalak ang walang malay na puso ng bata. Ngunit ang Bangka-
bangkaang papel ay sumama na nang tuluyan sa tubig. Iniwan ang saluysoy na
pinagmulan. Hindi alam kung saan ito patungo at aywan kung nakarating nga sa
ilog.Nagdumakwang ang bata sa pagtanaw.Wala na. Ni ang malabong anino niyon ay hindi
na niya abanaagan pa.
_____________ 5. Ganyan ang takbo ng buhay!
_____________ 6. Noong bata pa si Rizal, malikot din siya kaya nakagalitan at naparurusahan din tulad ng
ibang bata. Ngunit may pangyayaring sa kanyang buhay na nagpapakilala sa kanyang ugali
tungkol sa pagkawala ng kanyang tsinelas. Sinasabing samantalang silang magkakapatid
ay namamangka, tinangay ng ago sang kaliwa niyang tsinelas. Ipinaanod na rin niya ang
kanan niyang tsinelas upang kung may makasagip ng naunang tsinelas ay
mapakinabangan ito kung pati ang kasunod na tsinelas ay masagip.

II. Pagpipili:
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang tamang sagot sa ibaba ng pangungusap.
_____________ 7. Ito ay paglalahad ng mga pang-araw araw na pangyayari o kaganapan hinggil sa iba’t
ibang aspeto ng ating lipunan. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay matatagpuan sa
mga pahayagan.
_____________ 8. Isa itong pagsasalaysay ng mga bagay na pinagmulan ng mga bagay, pook, halaman,
pangalan ng mga tao atbp. At ang mga ito ay kathang isip lamang at mahirap paniwalaan.
_____________ 9. Mga kwento itong hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng parabula, may layunin din itong
mang-iwan ng aral na kapakipakinabang sa buhay.
_____________ 10. Maiikling salaysayin ito na may layuning umaliw o magbigay – aral sa mga mambabasa
_____________ 11. Ito ay isang akdang isinulat upang itanghal sa entablado at teatro. May mga nakasulat na
dialogo para sa mga tauhan na ginagampanan naman ng mga artista sa pagtatanghalat
inaangkupan ng spat na pagkilos at arte sa entablado.
_____________ 12. Isa itong akda na nagsasalaysay tungkol sa suliranin ng pangunahing tauhan at kung paano
ito nabigyan ng kalutasan. Nag-iiwan ito ng impresyon o kakintalan sa mga mambabasa.
_____________ 13. Isa itong mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito ay
sumasaklaw sa mahabang panahon at kinasasangkutan ng maraming tauhan.

Page 8 of 9
_____________ 14. ito ay kwento ng mga hayop at mga bata. Likhang-isip lamang ito ng mga manunulat at
walang katotohanan sa tunay na buhay subalit buhat dito ay ay nakakakuha ng aral ang
mga mambabasa partikular na ang mga kabataan.
_____________ 15. Ito ay ang pagpapahayag ng mga kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari sa paligid o sa lipunan. Karaniwang ipinasusulat ito sa mga
estudyante
_____________ 16. Ito ay kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maari itong maging talambuhay na pansarili o
talambuhay na paiba.
_____________ 17. Binibigkas ito sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong manghikayat, magpaliwanag,
magbigay ng inpormasyon, mangatwiran at magbigay ng opinyon o paniniwala.
_____________ 18. Ang mga kwentong ito ay hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng parabula, may layunin
din itong mang-iwan ng aral na kapakipakinabang sa buhay.

balita Alamat Anekdota


talambuhay Talumpati sanaysay
Parabola Nobela dula
Maikling kwento pabula

III. Pagsasalaysay:
Panuto: Talakayin/sagutin ang mga sumusunod na tanong

_____________ 19. Sino si Impeng Negro?


_____________ 20. Ano ang kanyang katangian? Ilarawan.
_____________ 21. Bakit tinawag na Negro?
_____________ 22. Ano ang katangiang taglay niya bilang mamamayan? Bakit minamaliit ni Ogor si Impen?
_____________ 23. Sino si Ogor? Bakit kilalang-kilala siya sa kanilang pook.?

Sanggunian:

Bernales, Rolando A. et al. 2001 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina. Mutya Publishing House .Pacheco
Village, Valenzuela City
Jocson, Magdalena O. et.al .2005 . Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lorimar Publishing Company INC.
776 Aurora Blvd.,Cubao, Quezon City
Arrogante, Jose A. et. Al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. 2009 National Book Store. Quad Alpha
Centrum Bldg., Mandaluyong City
Alejo, Carmelita T. et al. 2005. Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik. C & E Publishing, Inc. 1672 Quezon
Avenue, Quezon City

Page 9 of 9

You might also like