You are on page 1of 3

Ang Matalinong Pintor

Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit
niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang
gagamitin sa pagpipintura.

Nagaalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis, Zandrey, dahil
may ipagagawa ako sa iyo."

"Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na naguumpisa nang magalala. Kasunduan nilang mga
magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.

"Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at
brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo."

Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay
parang utos ng reyna na di mababali.

Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pagiisip niya ang
tiyak na nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pagaantay sa kanya, o
di kaya'y naglalaro na at hindi na siya hinintay.

Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahandahang idinampi sa isang sulok ng
mahabang bakuran. "Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi," wika niya sa sarili.
"Binabalak pa naman namin ni James na ilampaso ngayon sina Henry."

Nang walang kaganaganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura, natanaw niyang
dumarating ang kapwa bata ring si Vince.

"Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang paghahaplos
ng pintura sa bakod.
"Ano ang ginagawa mo, Zandrey?"
Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na.
"Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka."
"Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin."
Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadongganadong itinuloy ang pagpipintura.
Maya'tmaya'y sinisipat ang napintahan na. Sisipolsipol siya at tila tuwangtuwa sa ginagawa. Si
Vince ay nakatungangang nagmamasid.
"Papinta rin nga," mayamaya'y pakiusap, nito. "Titikman ko lang magpintura."
"Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang maayos ang
pintura nito."

"Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko, pagpintahin mo lang ako."
"O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang kababata. Habang
pinapanood

niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak para mapadali ang trabaho niya at makaipon
pa siya ng mgaregalo.

Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey si Armel.
Binigyan siya nitong yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod naman dito si Erick, saka
si Ethan, si Alexander, si Richard.

Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisaisang bilangin ng matalinong si Zandrey
may yoyo,trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi, larawan ni Batman at Robin,
komiks na Superman, mahabang tali ng borador, plastic na barilbarilan, singsing na tanso....

Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may paayon,
pasalungat, may kulangkulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey, ang bakod ay
napakaganda, dahil nikaunti man ay di siya napagod at nakakamal pa siya ng maraming yaman.

May mga aral pa sa buhay na kanyang natutuhan. Ano kaya ang mga iyon?
Dalawang Aso
Nagkitang minsan ang asong-lunsod at asong-bukid. "Kumusta ka, kaibigan," bati ng asong-
lunsod. "Matagal na tayong hindi nagkakausap."
"Mabuti naman," sagot ng asong-bukid. "Ikaw naman, mukhang alagang-alaga ka. Kay lusog mo
ngayon."
"Oo nga. Alam mo bang saganang-sagana ako sa pagkain. Kay daming ibinibigay sa akin ng
aking among mayaman."
"Mabuti ka pa," sabi ng asong-bukid. "Ako nama'y hindi gaanong marami ang nakakain.
Nakakatawid-gutom lamang dahil hindi naman nakaririwasa ang tinitirhan ko."
"Bakit hindi ka pa sumama sa akin? Maraming pagkain doon sa amo ko. Tiyak na tataba kang
katulad ko," alok ng asong-lunsod.
"Talaga ba? O, sige, sasama ako sa iyo at doon na rin ako titira sa amo mo."
Naglakad na nga ang dalawang pauwi sa tinitirhan ng asong-lunsod. Habang nasa daan pa sila,
napansin ng asong-bukid na may mga sugat sa leeg ang kanyang kaibigan.

"Ano ang nangyari sa leeg mo," tanong niya. "Bakit puro sugat?"

"A, dahil iyan sa tanikalang inilalagay sa akin sa bahay. Inalis nga lamang
iyon kanina dahil nakita ng amo ko ang mga sugat. Kaya pati ako
nakapaglakad at nakita mo."
"Ay, ganoon ba? Nilalagyan ka pala ng tanikala? Kapag gumaling ang mga sugat, ibabalik ba sa
leeg mo ang tanikala?"
"Tiyak iyon," sabi ng asong-lunsod. "Bawal sa aming mga kalsada ang gagala-galang aso kaya
nararapat lang na itali ako sa loob ng tarangkahan."
"Kung gayon ay hindi na ako sasama sa iyo. Babalik na lang ako sa aking amo sa bukid. Hindi
nga niya ako pinagsasawa sa pagkain, ngunit ako nama'y binibigyan niya ng layang makapunta
kahit saan ko gusto.
" Nagpaalam siya sa kaibigan at tatakbong bumalik sa dating tahanan.

You might also like