Professional Documents
Culture Documents
Batay sa aming ginawang panayam, ang pagpapahayag ng kanilang damdamin o opinyon ay depende sa
sitwasyon at sa taong kanilang kakausapin sapagkat may mga pagkakataon na hindi sila komportableng
magsabi ng ideya at mayroon din naman komportable. Ang paraan ng kanilang pagpapakilala sa mga
taong nasa paligid sa kanila ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng tunay na ugali. Ang iba naman ay
pagpapakita ng pagiging masayahin para sila daw ay makapag enganyo ng tao na makikipag kilala rin sa
kanila.
Maraming kabataan na aming napanayam na may mga edad labing anim (16) taong gulang na halos
parehas lang. Ang kanilang paraan ng pakikipag-usap o pakikipag interaksyon sa pamilya o kaibigan nila.
Ang kanilang paraan pakikipag-usap nila sa kanilang pamilya ay pormal kung saan mababakas ang
respeto at paggalang. Ang pagiging mahinhin nito pagdating sa bahay nila. Ang paraan naman nila sa ng
pakikipag usap sa kanilang kaibigan ay ang paggamit nila ng wikang balbal na kung saan nasasabi nila
ang mga wikang kabataan na nauuso ngayon. Kung minsan komportableng makapag-sabi ng kahit anong
nais nilang sabihin.
Ang gamit ng napag-tatanto sa pag-aaral sa gamit ng wika na ito ay ang PAMPERSONAL. Sa paraan ng
pagpapahayag ng damdamin ng mga kabataaan na ming napanayam depende sa kanilang kakausapin
kung saan nag iingat sila sa mga salitang kanilang binibitawan at sa ugali na dapat nilang ipakita sa mga
taong nakapaligid sa kanila.