You are on page 1of 27

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
(Imahinatibo)
Imahinatibong Wika

• Ayon kay Halliday (1973), ang imahinatibong


wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas at
pag-aliw.
• Imahinatibo ang tungkulin ng wika kapag
ginagamit ito sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing pamamaraan.
Imahinatibong Wika

• Halimbawa ng mga daluyan ng imahinasyon:


1. Blog
2. Wattpad
- isang pakikipag-ugnayan na ang
gumagamit ay maaaring mag-post ng atikulo,
fanfiction, at tula tungkol sa kahit anong
paksa, online man o gamit ang wattpad
application.
Gamit ng Wika sa
Imahinatibong Panitikan
• Inilalarawan ng imahinatibong panitikan ang
iba’t ibang anyo ng panitikan kabilang ang:
- Pantasya
- Mito
- Alamat
- Kuwentong-bayan
- Siyensiyang Piksiyon
Ang Siyensiyang Piksyon sa
Wikang Pilipino
• Ang siyensiyang piksyon ay ang panitikan ng
tao na dumaranas ng pagbabago, maaaring
ito’y sa pamamagitan ng pagtuklas, pagbabago
sa teknolohiya o natural na pangyayari,
maging pagbabago sa lipunan.
• Ito ay isang panitikan ng ideya at pilosopiya,
sinasagot nito ang tanong na “Paano kung…?”
Gamit ng Wika sa Temang
Siyensiyang Piksyon
• May mga pagkakataong nais mabago ng tao
ang isang sitwasyon at naiisip na, “Kung ako
ang masusunod, ano kaya ang mangyayari?”
• Sapagkat bawat isa ay may kakayahang
paganahin at palawakin ang imahinasyon sa
posibilidad ng nais o maaaring mangyari.
• Sa imahinasyon, maaaring makita ang
hinaharap at ang kasalukuyan.
Gawain

• Magsaliksik ng pelikulang Pilipino o palabas sa


telebisyon na may kategorya ng pantasya o
siyensiyang piksyon. Suriin ang mga eksena
nito. Ilahad sa klase ng tema, daloy ng kwento
nito, at kung paano naging mabisa ang wikang
imahinatibo sa palabas o pelikula. Ibahagi rin
sa klase ang personal na pananaw kung
naibigan ang pelikula o palabas sa kabuuan.
Heuristiko
at Representatibo
Heuristiko at Representatibong
Tungkulin ng Wika

• Heuristiko ang bisa ng wika kapag:


- May tanong at sagot
- May imbestigasyon/pag-iimbestiga
- Pag-eeksperimento kung tama o mali
Heuristiko at Representatibong
Tungkulin ng Wika

• Representatibo naman ang bisa ng wika kapag


nais magpaliwanag ng datos, impormasyon,at
kaalamang natutuhan o natuklasan.
• Dito naipapamalas ang galing o kahusayan sa
paggamit ng modelo, estadistika, teknolohiya,
mapa o larawan upang ipakita ang
representasyon ng mundo, realidad o lipunan.
Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
• Ayon kay Benjamin Bloom (1956), bukod sa
kakayahang pangkaisipan (kognitibo),
kailangan din ang kakayahang
pandamdam/pandamdamin (apektibo) at
pampisikal (psychomotor).
• Kaugnay ng kakayahang pangkaisipan, may
apat na yugto ng maunlad na pag-iisip na
kailangang matutunan ng mga estudyante.
Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
A. Paggamit ng Sintido-kumon
- Ang pangkaraniwang paraan ng pag-iisip at
pangangatwiran.
Halimbawa:
• Kapag makulimlim ang langit
• Kapag umiiyak ang sanggol
1. Maiisip natin na magdala ng payong

2. Maaaring gutom o basa ang lampin ng sanggol


Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
B. Lohikal na Pag-iisip
- Binubuo ito ng tatlong uri:
1.Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento
- Higit pa sa sanhi at bunga, ang lohika ay umiikot
sa ugnayan ng mga pahayag at kongklusyon.
Argumento ang tawag kapag napapatunayan ang
bisa ng kongklusyon ayon sa detalye, ebidensya,
at pangangatwirang nakasaad sa pahayag.
Halimbawa:
Pahayag (1): Malakas ang ihip ng hangin at
buhos ng ulan. (Ebidensya)
Pahayag (2): Mataas ang baha sa kalsada,
palayan, at pasilyo. (Ebidensya)
Kongklusyon: Nananalasa na ang bagyo sa aming
lugar.
Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
2. Lohika ayon sa Pagkakasunod-sunod
- Kasama rin sa lohikal na pag-iisip ang pagtukoy
sa pagakasunod-sunod ng mga pangyayari o
proseso. Kadalasang nasa estraktura, daloy, o
banghay ang lohika ng pagkakasunod-sunod.
Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
3. Lohika ayon sa Analisis
– may dalawa itong anyo.
A.Hinuhang Pangkalahatan
- Nagsisimula sa isang mahalagang ideya o tesis
na kailangang patunayan sa pamamagitan ng
pangangatwiran, ebidensya, halimbawa,
obserbasyon, o pananaliksik.
Halimbawa:
• Uunlad ang Pilipinas sa implementasyon ng K-12
sa ating sistema ng edukasyon.
B. Hinuhang Pambatayan – kabaligtaran ng
hinuhang pangkalahatan. Isinasaad muna ang
mga batayan bago makapaghain ng
kongklusyon o pangkalahatang ideya.
Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
C. Kritikal na Pag-iisip
- Mataas na antas ng pag-iisip na umiikot sa
tatlong hakbang:
1.Masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin
2.Pagsusuri, pag-uuri, at pagpuna
3.Paglalatag ng alternatibo
Apat na Yugto sa
Maugnayang Pag-iisip
D. Maugnayang Pag-iisip
- Ang pinakamataas na antas ng pag-iisip. Dito
binabalanse ang iba’t ibang pananaw at ideya
mula sa maraming larangan, karanasan, at
pagninilay-nilay.
Halimbawa:
• Repleksiyon o pagninilay-nilay sa sariling
karanasan
• Kritika o paglalapat ng teorya
• Interpretasyon o paglalapat ng paliwanag
• Pananaliksik na multidisiplinaryo
• Pananaliksik na interdisiplinaryo
Pag-uulat Biswal: Ang
Powerpoint Presentation
• Ang powerpoint presentation (PPT) ay isang
paraan ng paglalahad ng impormasyon.
Maaaring pagsamahin dito ang teksto,
disenyo, grap, tsart, animation at ba pa.
Pag-uulat Biswal: Ang
Powerpoint Presentation
Gabay sa Paggawa ng Report gamit ang PPT:
• Isipin kung sino ang makikinig sa
presentasyon.
• Iakma ang report na naka-powerpoint sa
layuning nais matamo ng presentasyon.
• Magbigay ng pagamat na maikli ngunit
makakapukaw ng atensyon.
• Iwasang punuin ng teksto ang isang slide.
Pag-uulat Biswal: Ang
Powerpoint Presentation
Gabay sa Paggawa ng Report gamit ang PPT:
• Gawing maikli subalit tiyaking tatatak sa isipan
ng mga tagapakinig
• Gumamit ng magandang uri ng font
• Gumamit ng orihinal na larawan
• Maaaring maglagay ng tunog o video clip
• Gumawa ng pangwakas na slide bilang buod
ng presentasyon.
Mga Pananda Para sa
Kohesyong Gramatikal
• Ang anapora ay panghalip na ginagamit sa
pangugusap o talata upang tukuyin ang naunang
nabanggit na pangngalan o paksa.
Halimbawa:
Ang unang lalaki ang lumabas dahil siya’yuuwi na.
lalaki (pangngalan)
siya’y (panghalip sa humahalili sa naunang
tinutukoy na pangngalan
Mga Pananda Para sa
Kohesyong Gramatikal
• Ang katapora ay panghalip na unang
ginagamit sa pangungusap o talata bago
banggitin ang pangngalan o paksang
tinutukoy.
• Mainam din na gumamit ng pangatnig upang
maging suwabe at madulas ang mga pahayag
sa pangungusap.
Mga Pananda Para sa
Kohesyong Gramatikal
• Ang mga panandang salita naman ay
ginagamit sa pagbuo ng talata at sa kabuuan
ng diskursong tinatalakay sa iyong papel na
susulatin.
• Sanggunian:
Nuncio, Rhoderick V. et.al. Sidhaya 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
(Batayang Aklat sa Filipino sa Senior High School)

You might also like