You are on page 1of 5

Alamat Ng Saging (Buod)

Noong unang panahon, may magkasintahang nag iibigan ng labis. Sila ay


sina Aging at Juana. Bagamat hindi sang ayon ang mga magulang ni
Juana ay pinagpatuloy pa din nya ang pag iibigan nila ni Aging.

Isang araw, noong galing sa bukid ang ama ni Juana, natanawan nya si
Aging sa kanilang bukas na bintana. Sa galit ng ama ni Juana ay hinugot
nito ang tabak at tinaga ang braso ni Aging. Naputol ito.

Agad na tumakbo si Aging papapalayo, hinabol sya ng umiiyak na si


Juana. Nang hindi na maabutan si Aging, ay nakita nya ang naputol nitong
braso at agad na inilibing.

Lumipas ang mga araw, nagulat na lamang ang ama ni Juana nang
matagpuaan nito sa bakuran ang isang misteryosong halaman. Itoy kulay
luntian na may mahaba at malalapad na dahon. Kulay dilaw ang bunga
nito na tila hugis ng kamay at mga daliri ng tao.

"Juana, Juana pumanaog ka"

Pagkakita sa puno ay naalala ni Juana ang brasong ibinaon sa lupa kung


saan mismo ito tumubo.

"Ang halamang iyan ay si Aging!" saad ni Juana

Mula noon, ang punong iyon ay tinawag na "Aging" at kalaunay naging


"Saging"
Alamat Ng Pinya (Buod)
Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa. si aling
Rosa ay may isang anak na babae. Ito'y si Pinang.

Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang anak sa


mga gawaing bahay. Ngunit si Pinang ay madalas na may katwiran sa
tuwing inuutusan ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi makabangon ay


napilitan si Pinang na gumawa sa gawaing bahay.

Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si Pinang at agad naman


itong kumilos ngunit kalaunay lumabas din ito ng bahay para maglaro.
Dahil napabayaang nakasalang ang lugaw, namuo at nanikit ang ilalim
nito sa palayok. Nagpasensya na lang si aling Rosa, kahit papaano nga
nama'y napagsilbihan sya nito.

Ilang araw pa ay si Pinang na ang kumilos sa bahay. Nung minsang


magluto ay hindi nito makita ang sandok. Lumapit ito sa ina at
nagtanong. Nainis si aling Rosa.

"Naku Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo


ang lahat ng bagay at nang hindi kana tanong ng tanong".

Dahil sa inis ng ina ay tumahimik na lang si Pinang.

Umalis si Pinang upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay lubhang


nag-alala si aling Rosa sapagkat hindi pa bumabalik si Pinang. Napilitang
bumangon at tawagin ang anak ngunit walang lumapit sa kanya.

Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni aling Rosa ang
isang misteryosong halaman na tumubo sa kanilang silong. Kalaunay
namunga ito. Nagulat si aling Rosa sa kadahilanang ang bunga ay tila
maraming mata.

Doon nya napagtanto ang huli nyang sinabi sa nawawalang anak na


magkaroon sana ito ng maraming mata.
Alamat Ng Ampalaya (Buod)
Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya
kanyang katangian.

Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at


makinis na kutis, ang luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay
may sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay
luntian.

Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya
ay may maputla at may lasang di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa


ibang gulay.

Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng


ibang gulay. Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak.
Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.

Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag


kakaguluhan na ngayon.

Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng


gulay na sundan ang kakaibang gulay.

Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si


ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng
lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng


kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa
ng ibang gulay.
Alamat Ng Rosas (Buod)
Noong unang panahon, may isang dalagang nag ngangalang Rosa. Bukod
sa natatanging ganda ay kilala rin ang dalaga na gagawin ang lahat upang
mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

Nakatakda na noong ikasal ang dalaga ng matuklasan nyang may


malubhang sakit si Mario, ang kanyang nobyo.

Hindi naging hadlang ang sakit ni Mario upang matigil ang kanilang kasal.

Sa kabila nito ay naging mabuting asawa si Rosa kay Mario.

Hindi sya umalis sa tabi ng asawa kahit anumang oras.

Maging sa pag gising at pag tulog ni Mario ay mukha ni Rosa ang


nasisilayan nito.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling nasilayan ng asawa bago ito
nalagutan ng hininga.

Ang mga ngiting iyon ay hindi napawi hanggang sa ilibing si Mario.


Nagtaka ang mga tao, aniya "Alam kong masaya si Mario kung nasaan
man sya. Alam ko na ako lamang ang kanyang minahal at maghihintay
sya sakin hanggang sa magsama kaming muli".

Naging inspirasyon si Rosa para sa iba.

Bago namatay si Rosa ay hiniling nito na ilibing sya katabi ng libingan ng


asawa.
Kakatwang may tumubong napakagandang bulaklak sa gilid ng puntod ni
Rosa. Tinawag nilang "Rosas" iyon bilang pag alala kay Rosa.

You might also like