You are on page 1of 3

Ang Alamat ng Kambal na Saging

Sa isang maganda at mahiwagang palasyo ay nakatira

si Haring Saba at Reyna Lakatan.

Maganda ang pamamahala nila sa kanilang kaharian at

masayang namumuhay ang mga tao dito. Mahigit 2 taon na silang

mag-asawa ngunit mwala pa rin silang anak.

Isang araw habang palubog na ang araw ay masayang nagmasid ang mag-asawa.

Biglang tumahimik si Reyna Lakatan at malungkot na sinabi, "Iisa nalang ang

kulang sa ating pagsasama aking Hari."

Niyakap ng Hari ang kanyang asawa at sinabi, "Huwag kang mag-alala

aking mahal at dadating din ang oras at bibiyayaan din tayo

ng mga anak, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa." Hinawakan ng Hari ang


pisngi ng kanyang asawa at sabay nginitian nya ito upang mawala ang

lungkot na nadarama ng kanyang asawa. Hindi masabi ng Hari kung gaano din siya

nalulungkot.

Sa paglipas ng panahon ay hindi parin sila binibiyayaan ng anak.

Naging matamlay ang Hari at di maiwasan ng Reyna na

malungkot sa mga nangyayari. Isang araw ay nagpasya ang Reyna na

ipasyal ang kanyang asawa sa kanilang hardin. Sa kanilang


paglalakad ay may nakasalubong sila ng isang matandang babae

at agad na sinabi "Mahal na Kamahalan, ako po ay tulungan nyo

gutom na gutom na ako. Maawa po kayo sa akin."

DAhil mabuti ang kalooban ng mag-asawa ay agad nila sinama ang matanda

sa palasyo upang pakainin.

Natuwa ang matanda at habang papalabas na ito sa

palasyo ay bigla itong nabalot ng liwanag, isa pala itong Diwata!

"Dahil mabuti ang inyong kalooban ay gagantimpalaan ko kayo."

Kaagad na hinawakan ng Diwata ang tiyan ng Reyna at ito ay nagliwanag.

NApatulala nalang ang mag-asawa.

Makalipas ang 9 na buwan ay nalalapit na ang kapanganakan ng kanilang

anak. Habang namamasyal ang mag-asawa sa may bundok upang makalanghap

ng sariwang hangin sa may tabi ng balon ay bigla nalang sumakit

ang tiyan ng Reyna. Manganganak na siya! Pagkalipas ng 1 oras ay nagsilang siya

ng kambal na babae. Maputi ang mga ito, maliit ang katawan at dilaw ang kanilang
mga buhok. Sa kasamaang palad, namatay ang Reyna dahil sa hirap ng kanyang

panganganak. Sa loob ng 2 taon ay sinikap ng Hari na maging

mabuting magulang sa kanling anak, ngunit hindi ito naging sapat. Naging suwail ang
kanyang mga anak.

Palagi silang magkaaway, gusto nila lagi na magkahiwalay sila ng landas

dahil hindi sila magkasundo.


Dahil sa mga nangyayari ay nagalit ang Diwata. Naisip na itinago ng Diwata ang Hari
sa gitna ng kagubatan upang magkasundo ang magkapatid. "Hindi mo kasi
binantayan angHari!" sigaw ng panganay na anak. "Ikaw ang may kasalanan ng
lahat, wala ka man lang pakialam sa ating Ama." Nagsigawan pa sila lalong
magkapatid.

Biglang lumitaw ang Diwata at sinabi kung nasaan ang Hari, "Makikita nyo lamang
ang inyong Ama kung kayo ay magkakasundo at magsasama sa paghahanap sa
kanya."

Nagmadali ang magkapatid na pumunta sa bundok, habang sila ay naglalakad ay

nagaway na naman ang 2 at nagpasyang maghiwalay. Galit na galit ang Diwata dahil

dito ay tinulak nya ang magkapatid sa balon at bigla itong nagliwanag.

Hindi na nila nakita ang magkapatid. Bigla nalang lumitaw ang Hari, nakakita siya

ng puno sa gitna ng balon. Meron itong bunga, dilaw ang kulay kagaya ng mga

buhok ng magkapatid. magkadikit ito. Sinabi ng Diwata ang kanyang dahilan sa hari,

"Hindi naging mabuti ang iyong mga anak. Pinagdikit ko sila dahil gusto lagi

nila laging magkahiwalay." Napaluha nalang ang Hari at niyakap ang puno, binulong
nito "mahal ko kayo aking mga anak."

You might also like