You are on page 1of 2

Alamat ng Radyo

Nakatira si Rina sa isang liblib na Nayon. Kung minsan ay siya ang inaatasan ng kapitan
upang ikalat kung mayroong mga pagpupulong sa kanilang bayan. Kung minsan din kung may
mga katanungan ang kanyang mga kanayon ay sakanya ito lumalapit sapagkat iilan lamang silang
pinalad na makapag-aral sa lugar nila. Mahirap lang kasi ang pamayanan nila. Natutuwa naman
siyang makatulong sa kanyang kapwa. Naging takbuhan siya ng kanyang mga kaibigan kapag
sila ay nalulungkot, sama-sama silang namamasyal sa batis habang naglalaba. Palakaibigan si
Rina kaya naman ay marami siyang mga kakuwentuhan.

Dahil nga sa siya ay may pinag-aralan ay pinagkakatiwalaan siya ng kanyang mga kaibigan
ng kanilang mga sekreto sapagkat alam nila na maasahan si Rina. Masaya si Rina na
pinapahalagahan siya ng mga kaibigan. Ngunit dumaan ang mga buwan ay tila lumalaki na ang
ulo ni Rina, ang dating dunong na ibinabahagi niya ay pinagdadamot niya na. Chismis din siya ng
chismis ng kung ano-ano tungkol sa mga sekretong ibinunyag sa kanya ng mga kaibigan. Unti
unti siyang nawawalan ng mga kaibigan dahil sa pagbabago ng kanyang ugali.

Isang araw ay may nakabanggaan siya isang babae at sa halip na humingi ng paumanhin
ay binalewala niya nalang ito. Nang maghapon na ay napansin niyang nawawala ang kanyang
pitaka. Agad niyang naisip ang babaeng nakabangga kanina. Kinabukasan ay agad niyang
ipinagkalat na huwag na huwag lalapit sa babaeng iyon dahil ito raw ay magnanakaw ng pitaka.
Sinabihan niya ang lahat sa kanilang lugar, na dati niyang gawain.

Nang isang hapong makita niyang muli ang babae ay agad niya itong tinulak at sinigawan
na ibalik na ang kanyang pitaka ngunit wala itong naging imik. Patuloy lang siya sa pagpapahiya
ng babae ng may isang matanda ang dumating at sinabing:

Ikaw Rina, biniyayaan ka ng dunong ng maykapal. Ngunit hindi mo ito ginamit sa tamang paraan.
Ang iyong bunganga na walang patid sa pagsasalita ay nakakasanhi ng sakit para sa iba. Ngayon
ay parurusahan kita. Lahat ng iyong sasabihin ay maririnig ng lahat. Ngunit sa pagdating ng oras
na nagsawa na sila sa iyo ay papatayin ka nila.

At dahan-dahang naglaho si Rina. Nagulat na lamang ang mga tao ng may isang kahong
Nakita sa katabi ng basket ni Rina. Nang isaksak nila ito sa kuryente ay nagsalita ito ng nagsalita
ng walang humpay, minsan ay mga nakatutulong ang mga pinagsasabi nito, minsan naman ay
nakakarindi kaya naman pinapatay nila ito. At napag-alaman ng mga tao na ang pitakang
hinahanap pala ni Rina ay nasa kanyang nalabhang bistida lang pala naiwan. At doon nagtapos
ang kuwento ni Rina kung paano siya naging Radyo.
Charlotte Acumen R. Llesis

BSED FIL4 MWF 2:00-3:00

Pangarap

Nang ikay makita


Galak ang nadama
Kakaibang saya
Sa pusoy nakita

Sa isiping malapit na kitang makamit


Galak sa damdamiy hindi mawaglit.
Iniisip kung ikay maging akin,
Walang hanggang saya ang aabutin

Kay tagal kong pinangarap na maging akin ka.


Gabi-gabing iniisip kung paano kita makukuha.
Diskarte, hirap at sakripisyo
Lahat para sayo ginawa ko.

Hindi naging madali ang lahat para sakin


Lalo pat ang dami sa iyoy nakatingin
Sila rin ay gusto kang makuha
Nag-uunahan parang mga tuta.

Ikay Mahal,
Ikay iingatan
Di hahayaang tapaktapakan
Sa lahat ikay poprotektahan.

Diskarte, hirap at sakripisyo


Lahat para sayo ginawa ko.
Sana makuha, mapasaakin at mabili ka na
Pinakaaasam-asam kong paboritong sapatos kailan pa?!

You might also like