You are on page 1of 1

Aralin 1: MANGARAP KA AT MAGTAGUMPAY

Pangarap - Ang pangarap ng isang tao ang ginagamit niyang gabay o direksiyon ng matagumpay at
makabuluhang buhay. Kaya mahalagang ito ay pinag-iisipan sa panahon ng kabataan. Ngunit… may mga
taong hindi bumubo ng anumang plano para sa hinaharap. Hindi sila nagkakaroon ng pangarap para
sa kanilang sarili.
Bakit kaya?

Mga Dahilan Kung Bakit Walang Pangarap Sa Buhay ang Isang Tao

1. Kawalan ng katiyakan sa mga nais sa buhay. May mga taong maraming gusto sa buhay, hindi nila
maintindihan kung alin ang dapat nilang piliin at pagtuunan ng pansin. Ngunit may iba na wala talagang
gustong marating, ipinauubaya na lamang sa kapalaran ang buhay nila.

 Paraan Upang Mabago: Kailangang magkaroon ang isang tao ng pagkakataon upang kilalanin
ang kanilang sarili.
2. Takot na Magkamali at Mabigo. Dahil sa takot na ito, mas pinipili na lamang ng ibang tao na huwag na
lamang magtakda ng anumang pangarap para wala silang maranasang pagkabigo.
 Paraan Upang Mabago: Dapat tandaan na ang kabiguan ay bahagi ng buhay ng tao, hindi
magandang pakiramdam ang pagkabigo ngunit may dulot itong aral sa atin. Huwag hayaang
maging hadlang ang pagkabigo upang makamit ang pangarap.
3. Mababang Tingin sa Sarili. May mga taong hindi naniniwala na kaya nilang gawin at abutin ang mga
minimithi nila sa buhay. Dahil sa maling paniniwalang ito wala silang itinatakdang pangarap.
 Dapat nating isipin na lahat tayo ay may kayang gawin at may mararating. Kailangan lamang na
Makita ng isang tao ang mga gawain na nararapat at nababagay sa kanyang taglay na
kakayahan.

ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG MAKABULUHANG PANGARAP


1. Ang pangarap ay nagbibigay direksiyon sa tao.
- ito ay parang mapa, kung alam ng tao ang kanyang pupuntahan, kahit maligaw siya, mahahanap niya
ang daan patungo sa kanyang destinasyon
2. Ang pangarap ay nagbibigay ng motibasyon.
- ang pangarap ang siyang nagbibigay ng dahilan sa isang tao upang magpatuloy sa kanyang ginagawa.
May kakayahan ang pangarap na itulak ka para kumilos at isakatuparan ang pangarap mo.
3. Ang pangarap ay daan sa pagpapabuti ng buhay.
- lahat ng tao ay nangangarap ng maganda at saganang buhay. Nagsisimula ang mabuting buhay sa
pagkakaroon ng pangarap dahil kung walang pangarap, mananatili ang tao sa kaniyang nakamulatan at
nakagawian.
4. Ang pangarap ay daan sa pagpapabuti ng pagkatao.
- ang pangarap ang nagbibigay sa tao ng mas mabuting kalagayan sa buhay. Nagiging daan ang kaniyang
pangarap upang maging maayos at mabuti ang kaniyang pagkatao.

Aralin 2: PANGARAP NA MALINAW, PANGARAP NA ABOT-TANAW


MGA KATANGIAN NG MALINAW NA PANGARAP
1. Ang pangarap ay dapat na tiyak.
2. Ang pangarap ay dapat na nasusukat.
3. Ang pangarap ay dapat na makatotohanan.
4. Ang pangarap ay dapat na makabuluhan.
5. Ang pangarap ay dapat na may nakatakdang panahon.
6. Ang pangarap ay may angkop na kilos

You might also like