Professional Documents
Culture Documents
GRADE 7
QUARTER 4 – WEEK 1
Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.
1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.
Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.
Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.
Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.
Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.
Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.
Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.
MODYUL SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw
LAYUNIN: Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda. (F7PB-Iva-b-20)
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang
bahagi ng akda.
PANIMULA
bahagi ng
Ang panitikan, akda.
saan mang bahagi ng daigdig, ay maaaring mauri batay sa paraan ng pagsasalin
sa ibang henerasyon at batay sa anyo.
Batay sa paraan ng pagsasalin, ang pantikan ay maaaring pasalin-dila o pasulat. Pasalin-dila
ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ang
paraan ng pagsasalin ng panitikan noong unang panahon nang paraan ng pagsulat ay hindi pa
natututuhan ng tao. Ang mga halimbawa nito ay ang mga epiko, awiting-bayan, alamat, kasabihan,
salawikain, bugtong at maging mga palaisipang isinalin ng ating mga ninuno sa mga
nakababatang henerasyon sa pasalitang paraan. Pasulat naman ang paraan ng pagsasalin ng
panitikan magmula nang matutuhan ng tao ang Sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating
panitikang inaawit, ikinukuwento, tinutula, o binibigkas lamang ay naisatitik na. Lalong yumaman
ang panitikang pasulat nang maimbento ng tao ang imprenta dahil sa pagsasaaklat ng mga ito.
Sa dalawang uri ng panitikang ito, higit na mahalaga ang panitikang pasulat dahil higit na
naiingatan ang mga ito. Samantala, ang panitikang pasalin-dila ay maaaring magbago, mag-iba, o
di kaya’y malimutan kalaunan. Ito ang dahilan kung bakit pinagsusumikapan ng mga
nagmamalasakit sa panitikan na mapangalagaan ang mga ito at patuloy na maituro sa kabataang
Pilipino.
Batay naman sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang tuluyan/prosa o patula. Tuluyan
ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang
paraan. Ilan sa mga halimbawa nito ay anekdota, kuwento, alamat, maikling katha, kathambuhay,
sanaysay, talambuhay, dula at iba pa. Samantala, ang panitikang patula naman ay yaong
nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat o tugmaan o
malayang taluduran at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat o tugmaan o
malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat sukat at tugma. Karaniwang halimbawa
ng panitikang patula ang liriko, oda, pastoral, korido, tulang pasalaysay, tulang padula, soneto at
iba pa.
Ang Ibong Adarna na ating tatalakayin sa araw na ito ay nabibilang sa akdang pampanitikang
patula. Isa itong tanyag na korido at isang panitikang Pilipino.
Page 4 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D1
Nagdasal ang makata sa Birheng Maria para magabay siya ng Birheng Maria. At para
makasumpay ang kwento niya. ay isang kaharian sa Berbanya, ang hari na si Don Fernando
at si Donya Valeryana ay may tatlong anak na si Don Pedro, Diego at Juan. Nagkasakit ang
hari. Napanaginapan niya na may masamang nangyari kay Juan. Sinabi ng manggagamot na
ang Adarna ang makakatulong sa kanya. Si Don Fernando ay nagutos kay Pedro na pumunta sa
Piedras Platas at kunin ang Adarna. Umakyat siya doon at natulog. Tinaihan siya ng Adarna at
naging bato siya. Dahil wala pa rin si Don Pedro, pumunta si Don Diego sa Piedras Platas at
nagpahinga sa isang baton a si Don Pedro.
Dumating ang Adarna at kumanta, nataihan din si Don Diego. Gusto ni Don Juan na
hanapin sina Diego at Pedro. Tatakas daw siya kung hindi siya papayagan. Lumakbay si Don
Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan. Sa ikalimang buwan, nakita niya ang
isang matandang leproso. Lumakbay si Don Juan patungo sa Piedras Platas at may nakita
siyang matanda. Binigyan ni Juan ang huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa
ermitanyo. Ang ermitanyo ay nagturo sa kanya sa paghuli ng Adarna at pinapunta siya sa
Piedras Platas at naghintay. Nakita ni Juan ang Adarna. Nakuha ng ibon at ng puno ang
. atensyon ni Don Juan. Sinugatan ni Don Juan ang kanyang palad at linagyan ng dayap.
Nagising si Don Juan at hinuli niya ang Adarna gamit ng gintong lubid. Binuhusan ni Don Juan
ng banga ang dalawang bato. Nakita na ni Don Juan ang kapatid niya.Nagdiwang sila sa bahay
ng ermitanyo. Naglalakad ang tatlo ng masaya, pero nakaisip ni Don Pedro ng masama. Sinabi
niya kay Don Diego ang plano niya. Binugbog nila si Don Juan. Sa Berbanya, sinabi nila kay Don
Fernando na hindi nila nakita si Don Juan. Hindi kumanta ang Adarna para kay Don Fernando
dahil wala si Juan. Si Don Juan ay binugbog ng dalawang kapatid niya dahil sa inggit. Iniwan si
Don Juan na bugbog na bugbog, samantala si Don Juan ay dasal na dasal sa Diyos at ang
Birheng Maria. Mayroong isang matanda na pumunta sa kanya at gumamot sa kanya,
nagpasalamat at nagkwentuhan sila. Sinabi ng matanda na dapat na siya umuwi sa Berbanya
upang tignan ang tatay niya. Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong
pangyayari, si Don Fernando ay nagalit pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa
dalawa.
Dahil gustong gusto ng hari ang Ibong Adarna, pinagbantay niya ang Ibong Adarna sa mga
anak niya hati hati ng oras ang pagbantay. May plano si Don Pedro, gisingin ni Pedro si Don
Juan sa hindi pa oras ni Juan magbantay, kaya napagod siya at natulog sa kanyang bantay.
Pinakawalan ni Pedro ang Adarna, natakot si Juan na akala niya ang may kasalanan. Umalis
siya sa kabundukang Armenya. Maagang nagising ang hari at gustong gusto niyang makita ang
Adarna ngunit wala iyon at si Don Juan. Pinahanap si Don Juan at ang Adarna kay Don Pedro at
Don Diego. Nakarating sila sa Armenya at nakita din si Juan. Nagandahan sila doon at gusto
tumira doon dahil marami ang pagkain, at mga iba.
Page 5 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D1
B. Tuklasin
(mapaniil) 2. Matinding hirap at pasakit ang tinamo ng ating mga ninuno sa kamay ng mga
mapang-aping dayuhan.
(puno) 3. Sakbibi ng lumbay at hapis ang mga alaala ng ating mga bayani bunga ng kanilang
mapait na karanasan noong panahon ng digmaan.
(tangkilikin) 4. Hinimok ng mga Espanyol ang mga katutubong yakapin ang relihiyong Katolismo.
(kalinangan) 5. Tunay na masasalamin ang mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino sa akdang
Ibong Adarna.
HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, balikan ang inilahad na aralin. Kung malinaw
na sa iyo ang aralin, ikaw ay hand ana para sa mga susunod na gawain. Halina’t ikaw ay
magsimula na!
Gawain 1
Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo ng pahayag na binigyan ni Juan
ang huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa ermitanyo.
Page 6 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D1
GAWAIN 2
Panuto: Nagtataglay ng bisa ang ilang bahagi ng akda na ating binasa. Bakit kaya isinama at
binigyang-diin ng may-akda ang mga ito? Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa
motibo o dahilan ng may-akda sa pagsasama nito.
TANDAAN:
Pasulat naman ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutuhan ng tao
ang Sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating panitikang inaawit, ikinukuwento, tinutula,
o binibigkas lamang ay naisatitik na. Lalong yumaman ang panitikang pasulat nang maimbento
ng tao ang imprenta dahil sa pagsasaaklat ng mga ito.
Sa dalawang uri ng panitikang ito, higit na mahalaga ang panitikang pasulat dahil higit na
naiingatan ang mga ito. Samantala, ang panitikang pasalin-dila ay maaaring magbago, mag-iba,
o di kaya’y malimutan kalaunan. Ito ang dahilan kung bakit pinagsusumikapan ng mga
nagmamalasakit sa panitikan na mapangalagaan ang mga ito at patuloy na maituro sa
kabataang Pilipino.
Page 7 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D1
E. PAGTATAYA
Panuto: Sa pamamagitan ng lima hanggang pitong pangungusap ipaliwanag ang iyong sariling
pananaw tungkol sa motibo ng ating mga magulang kung bakit nagsusumikap sila na
makapagtapos tayo ng pag-aaral.
Sanggunian:
Ibong Adarna
Pinagyamang Pluma 7
https://a1ibongadarna.wordpress.com/kabanata-1-12/
https://brainly.ph/question/14973921
https://www.google.com/search?q=larawan+sa+ibong+adarna+na+binigyan+ng+tinapay+ang+matandang+may+
Inihanda ni:
CHARMAINE F. DE CHAVEZ
TI, PCCCANHS
Page 8 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D2
MODYUL SA FILIPINO 7
Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang Araw
LAYUNIN: Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda. (F7PB-Iva-b-20)
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang
bahagi ng akda.
PANIMULA
bahagi ng akda.
Ang Ibong Adarna bahagi ng panitikan at mitolohiyang Pilipino. Ito ay isang uri ng korido
na binibigkas sa pakantang pamamaraan.
Naisulat at naitala sa kasaysayan ng panitikang Pilipino ang Ibong Adarna noong ikalabing-
anim naraan siglo na ang nakalilipas. Mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring
katiyakan kung sino ang totoo na sumulat ng nasabing epiko. Mayroon nagsasabi na ito ay sinulat
ni Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) at may ibang ulat naman na ito raw ay epiko ng mga Kastila na
dinala ni Manuel Lopez de Legazpi noong siya ay pumunta ng Pilipinas.
Ang pamagat na Ibong Adarna ay mula sa sa mahabang patnugot na, “Korido at Buhay na
Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid, na Anak ng Haring Fernando at ng Reyna
Valeriana sa Kahariang Albania”.nakasalubong na isang pulubing ketongin. Pinapaksa ng kuwento
sa Adarna ang isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakakapagpagaling
ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din sa kuwento sa
pakikipagsapalaran ni Don Juan, bilang isa sa prinsipe ng Kahariang Berbanya at sa kaniyang
paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba’t ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya
Maria Blanca at Donya Leonora.
Page 9 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D2
Nagdasal ang makata sa Birheng Maria para magabay siya ng Birheng Maria. At para
makasumpay ang kwento niya. ay isang kaharian sa Berbanya, ang hari na si Don Fernando at
si Donya Valeryana ay may tatlong anak na si Don Pedro, Diego at Juan. Nagkasakit ang
hari. Napanaginapan niya na may masamang nangyari kay Juan. Sinabi ng manggagamot na
ang Adarna ang makakatulong sa kanya. Si Don Fernando ay nagutos kay Pedro na pumunta sa
Piedras Platas at kunin ang Adarna. Umakyat siya doon at natulog. Tinaihan siya ng Adarna at
naging bato siya. Dahil wala pa rin si Don Pedro, pumunta si Don Diego sa Piedras Platas at
nagpahinga sa isang baton a si Don Pedro.
Dumating ang Adarna at kumanta, nataihan din si Don Diego. Gusto ni Don Juan na
hanapin sina Diego at Pedro. Tatakas daw siya kung hindi siya papayagan. Lumakbay si Don
Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan. Sa ikalimang buwan, nakita niya ang
isang matandang leproso. Lumakbay si Don Juan patungo sa Piedras Platas at may nakita
siyang matanda. Binigyan ni Juan ang huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa
ermitanyo. Ang ermitanyo ay nagturo sa kanya sa paghuli ng Adarna at pinapunta siya sa
Piedras Platas at naghintay. Nakita ni Juan ang Adarna. Nakuha ng ibon at ng puno ang
. atensyon ni Don Juan. Sinugatan ni Don Juan ang kanyang palad at linagyan ng dayap.
Nagising si Don Juan at hinuli niya ang Adarna gamit ng gintong lubid. Binuhusan ni Don Juan
ng banga ang dalawang bato. Nakita na ni Don Juan ang kapatid niya.Nagdiwang sila sa bahay
ng ermitanyo. Naglalakad ang tatlo ng masaya, pero nakaisip ni Don Pedro ng masama. Sinabi
niya kay Don Diego ang plano niya. Binugbog nila si Don Juan. Sa Berbanya, sinabi nila kay Don
Fernando na hindi nila nakita si Don Juan. Hindi kumanta ang Adarna para kay Don Fernando
dahil wala si Juan. Si Don Juan ay binugbog ng dalawang kapatid niya dahil sa inggit. Iniwan si
Don Juan na bugbog na bugbog, samantala si Don Juan ay dasal na dasal sa Diyos at ang
Birheng Maria. Mayroong isang matanda na pumunta sa kanya at gumamot sa kanya,
nagpasalamat at nagkwentuhan sila. Sinabi ng matanda na dapat na siya umuwi sa Berbanya
upang tignan ang tatay niya. Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong
pangyayari, si Don Fernando ay nagalit pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa
dalawa.
Dahil gustong gusto ng hari ang Ibong Adarna, pinagbantay niya ang Ibong Adarna sa mga
anak niya hati hati ng oras ang pagbantay. May plano si Don Pedro, gisingin ni Pedro si Don
Juan sa hindi pa oras ni Juan magbantay, kaya napagod siya at natulog sa kanyang bantay.
Pinakawalan ni Pedro ang Adarna, natakot si Juan na akala niya ang may kasalanan. Umalis
siya sa kabundukang Armenya. Maagang nagising ang hari at gustong gusto niyang makita ang
Adarna ngunit wala iyon at si Don Juan. Pinahanap si Don Juan at ang Adarna kay Don Pedro at
Don Diego. Nakarating sila sa Armenya at nakita din si Juan. Nagandahan sila doon at gusto
tumira doon dahil marami ang pagkain, at mga iba.
Page 10 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D2
B. Tuklasin
Ang Paghahanap sa
Ibong Adarna
HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, balikan ang inilahad na aralin. Kung malinaw
na sa iyo ang aralin, ikaw ay handa na para sa mga susunod na gawain. Halina’t ikaw ay
magsimula na!
Gawain 1
Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo ng pahayag na iniwan si Don Juan
na bugbog na bugbog, samantala si Don Juan ay dasal nang dasal sa Diyos at kay Birheng
Maria.
Page 11 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D2
GAWAIN 2
Panuto: Nagtataglay ng bisa ang ilang bahagi ng akda na ating binasa. Bakit kaya isinama at
binigyang-diin ng may-akda ang mga ito? Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa
motibo o dahilan ng may-akda sa pagsasama nito.
1. . Lumakbay si Don Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan.
2. Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong pangyayari, si Don Fernando ay
nagalit pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa dalawa.
TANDAAN:
Ang Ibong Adarna bahagi ng panitikan at mitolohiyang Pilipino. Ito ay isang uri ng korido
na binibigkas sa pakantang pamamaraan.
Page 12 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D2
E. PAGTATAYA
Panuto: Sa pamamagitan ng lima hanggang pitong pangungusap ipaliwanag ang iyong sariling
pananaw tungkol sa motibo na paglimita ng lumalabas o pagsama-sama sa iisang lugar kahit
mayroon ng bakuna.
Sanggunian:
Ibong Adarna
Pinagyamang Pluma 7
https://a1ibongadarna.wordpress.com/kabanata-1-12/
https://brainly.ph/question/14973921
https://www.google.com/search?q=larawan+sa+ibong+adarna+na+binigyan+ng+tinapay+ang+matandang+may+
Inihanda ni:
CHARMAINE F. DE CHAVEZ
TI, PCCCANHS
Page 13 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D3
MODYUL SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan/ Unang Linggo/ Ikatlong Araw
PANIMULA
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Ang korido ay isang uri ng Panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensiya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na wawaluhing pantig bawat linya at may apat
na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag
ng mga tula. Noong panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na
Corrido at Buhay na tumatalakay sa pinagdaanan ng tatlong Prinsipeng magkakapatid na anak
nian Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbanya. May mala-epikong estilo ng
pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.
Pinapaksa ng kuwento sa Adarna ang isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang
kapangyarihan na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig
ang tinig nito. Umiikot din sa kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, bilang isa sa prinsipe ng
Kahariang Berbanya at sa kaniyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba’t ibang
lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora. May ilang mga kritiko at
mananaliksik ang nagsasabing ang posibleng sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose Dela Cruz o
kilala na Huseng Sisiw.
Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng pantikang
Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito’y tulad din ng Bernardo Carpio
na nagmula sa Europa. Sa pananakop ng Espanyol, ang Ibong Adarna ay maituturing na
kuwentong-bayan sapagkat hindi tiyak kung sino ang tunay at ang totoong kumatha nito. Nang
isalin sa wikang Tagalog ang naturang korido, ipinapagpalagay na ganito ang mga nangyari.
Sapagkat hind inga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido , pinili na lamang
ng nakakaraming tagapagsalin na huwag nang isama ang kanilang pangalan sa pampapalimbag.
Nagsimula maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito’y isalin sa katutubong wika. Ang
bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga
bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa kaya’t iilan lamang ang mga
kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa entablado tulad ng
komedya o moro-moro. Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-
aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.
Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si Jose Dela Cruz (o Huseng Sisiw), isang
makatang kaalinsabay ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga
Espanyol ang kumatha ng Ibong Adarna. Dahil sa walang katiyakan kung sino ang orihinal na may-
akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong
Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan gaya ng mga
tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarswela, talambuhay at
mga pagsasaling-wika. Pangalawa, ang karaniwang paksain ay panrelihiyon at pangatlo ang
lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa o tradisyong Espanyol.
Page 14 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D3
Pag-unawa sa Binasa
Mga tauhan sa kuwento ng Ibong Adarna
Ibong Adarna- isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na
nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang
tinig nito.
Don Fernando- hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang
karamdaman.
Donya Valeriana- asawa ng hari na si Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don
Diego at Don Juan.
Don Pedro- panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
Don Diego- ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
Don Juan- bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting
kalooban.
Ermitanyo- siya ang nagsabi kay Don Juan na ang tanging makapagpapagaling sa
hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.
. Matandang Ketongin/Ermitanyo- tumulong kay Don Juan kung saan matatagpuan
ang Ibong Adarna at nagbigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang
Ibong Adarna.
Matanda- ang tumulong at naghilot kay Don Juan ng binugbog sya ng kanyang
dalawang kapatid.
Prinsesa Juana- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon na
kalaunan ay ikinasal kay Don Diego.
Prinsesa Leonora- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon at
umibig ito sa kanya.
Serpente- ang may pitong ulo na nagbabantay kina prinsesa Juana at prinsesa
Leonora sa ibaba ng balon.
Higante- kasama ng serpente na nagbabantay sa dalawang prinsesa sa ilalim ng
balon.
Lobo- ang alaga ni prinsesa Leonora na inutusan niya upang tulungan si Juan ng
mahulog ito sa ilalim ng balon.
Donya Maria/ Maria Blanca- anak ni Haring Salermo na may taglay na
kapangyarihan. Siya ang napangasawa ni Don Juan.
Ermitanyo na may edad na 500- ang ermetanyong nagpapunta kay Don Juan sa
ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800.
Haring Salermo- hari ng kaharian ng Delos Cristal. Ama ni Donya Maria ang
nagbigay ng mga mahigpit na pagsubok kay Don Juan.
Negrito at Negrita- ang inilabas ni Donya Maria at ginamit upang bumalik ang ala-ala
ni Juan.
Page 15 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D3
1. Ayon sa kasaysayan, paano naging bahagi ng Panitikang Pilipino ang korido? Ipaliwanag
ang naging ebolusyon nito.
2. Bakit masasabing ang “Ibong Adarna” ay isa sa mga natatanging korido at obra-maestra
sa kasaysayan ng Panitikang Pilipino?
3. Paano naipalaganap ang mga korido noong unang panahon? Magbigay ng mga
halimbawa.
4. Paghambingin ang iba’t ibang katangian ng Panitikan kay Jose Villa Panganiban ayon sa
uri nito.
HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, balikan ang inilahad na aralin. Kung malinaw na sa
iyo ang aralin, ikaw ay handa na para sa mga susunod na gawain. Halina’t ikaw ay magsimula na!
Gawain 1
Page 16 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D3
GAWAIN 2
Bagama’t matagal nang panahonng naisulat ang Ibong Adarna ay taglay pa rin nito ang mga
gintong aral at mabubuting pagpapahalagang sumasalamin sa kalinangan at kulturang Pilipino. Bilang
pagpapahalaga ay iyong isa-isahin ang mga gintong aral na ito gamit ang graphic organizer sa ibaba.
TANDAAN
Ang Ibong Adarna ay isinulat ni Jose dela Cruz ay nakasentro sa isang ibon na may
angking kakayahan na magpagaling ng may sakit sa pamamagitan ng kaniyang awit. Ang paksa
nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan na hindi maaaring mangyari sa tunay na
buhay. Makasaysayan, maguni-guni, kagilagilalas at may kapangyarihang supernatural ang mga
kaganapan dito. Pinapakita sa kwentong ito ang mga pagsubok na kayang pagdaanan ng isang
tao alang-alang sa pagmamahal, sa pamilya, at sa taong iniibig.
Pinapaksa ng kuwento sa Adarna ang isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang
kapangyarihan na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig
ang tinig nito. Umiikot din sa kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, bilang isa sa prinsipe
ng Kahariang Berbanya at sa kaniyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba’t ibang
lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora. May ilang mga kritiko at
mananaliksik ang nagsasabing ang posibleng sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose Dela Cruz o
kilala na Huseng Sisiw.
Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino na may anyong patula. Ito ay nagmula sa
impluwensiya ng mga Espanyol. Ang korido ay mula sa salitang Correr na
nangangahulugang “dumadaloy.”
2. May sukat na walong pantig ang bawat linya at may apat na linya sa isang saknong (verse)
Page 17 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D3
E. PAGTATAYA
Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 7
Ang Batikan
https://brainly.ph/question/1221403
https://brainly.ph/question/225121
Inihanda ni:
CHARMAINE F. DE CHAVEZ
TI, PCCCANHS
Page 18 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D4
MODYUL SA FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan/ Unang Linggo/ Ikaapat na Araw
PANIMULA
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Ang korido ay isa sa mga sanga ng tulang pasalaysay na hango sa mga metriko romanse ng
Espanya at naging popular noong ika - 19 na siglo. Ito rin ay isang popular na pasalaysay na awit
at panulaan na isang uri ng ballad. Isang uri din ito sa panitikang Pilipino,na nakuha ang
impluwensiya mula sa Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na
linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng
mga tula. Ito ay binibigkas sa kumpas na martsa allegro. May kabilisan ang uri ng panitikan na ito.
Ang paksa nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan na hindi maaaring mangyari sa
tunay na buhay. Makasaysayan, maguni-guni, kagilagilalas at may kapangyarihang supernatural
ang mga kaganapan dito.
Tulad ng awit, ang korido ay sanga ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa bawat
taludtod nito. Ang isa sa mga kilalang halimbawa nito ay ang Ibong Adarna. May dalawang
paliwanag ukol sa pinagmulan ng salitang korido. Una, ito ay maaaring distorsiyon ng katagang
Espanyol na occurido na nangangahulugang “pangyayari”. Ikalawa, sa diksiyonaryo,
ang corrido ay kasing kahulugan ng balada. Ang balada ay isang masayang kanta sa saliw ng
gitara na tulad ng estilong fandango.
Page 19 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D4
ISAISIP NATIN
- Nagsimula ang pananakop noong 1565 nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi
Ang Ibong Adarna - ay isang tulang pasalaysay na isang halimbawa ng tulang romansa na ang
buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na
Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na
petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang
nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw napalayaw ni Jose de la Cruz ngunit wala pa ring
. katibayan. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco
Balagtas kung paano sumulat ng tula. Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan,
DonDiego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagangIbong Adarna na
dumarapo sa puno ng Piedras Platas.
Ang paksa nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan na hindi maaaring mangyari sa
tunay na buhay. Makasaysayan, maguni-guni, kagilagilalas at may kapangyarihang supernatural
ang mga kaganapan dito.
• Ibong Adarna
• Mariang Kalabasa
• Haring Patay
• Mariang Alimango
• Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz
• Prinsipe Florenio ni Ananias Zorilla
Tulad ng awit, ang korido ay sanga ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig
sa bawat taludtod nito. Ang isa sa mga kilalang halimbawa nito ay ang Ibong Adarna.
May dalawang paliwanag ukol sa pinagmulan ng salitang korido. Una, ito ay maaaring
distorsiyon ng katagang Espanyol na occurido na nangangahulugang “pangyayari”.
Ikalawa, sa diksiyonaryo, ang corrido ay kasing kahulugan ng balada. Ang balada ay
isang masayang kanta sa saliw ng gitara na tulad ng estilong fandango.
Page 20 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D4
B. Tuklasin
Bigyan ng kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit ayon sa ginamit nito sa pangungusap.
5. Mahalaga ang pagsasalin upang higit nating maunawaan ang mga wikang banyaga.
HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, balikan ang inilahad na aralin. Kung malinaw
na sa iyo ang aralin, ikaw ay hand ana para sa mga susunod na gawain. Halina’t ikaw ay
magsimula na!
Gawain 1
Magbigay ng mga kaparaanan upang mapahalagahan ang akdang Ibong Adarna.
Page 21 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q4-W1-D4
GAWAIN 2
Ihambing ang isa sa mga tauhan ng Ibong Adarna sa kasalukuyang personalidad. Ilahad ang
kadahilanan.
Tauhan sa
Ibong Kasalukuyang
Adarna Personalidad
KADAHILANAN:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
TANDAAN:
Ang korido ay isa sa mga sanga ng tulang pasalaysay na hango sa mga metriko romanse ng
Espanya at naging popular noong ika - 19 na siglo. Ito rin ay isang popular na pasalaysay na awit
at panulaan na isang uri ng ballad. Isang uri din ito sa panitikang Pilipino,na nakuha ang
impluwensiya mula sa Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na
linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag
ng mga tula. Ito ay binibigkas sa kumpas na martsa allegro. May kabilisan ang uri ng panitikan na
ito.
Ang paksa nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan na hindi maaaring mangyari sa
tunay na buhay. Makasaysayan, maguni-guni, kagilagilalas at may kapangyarihang supernatural
ang mga kaganapan dito.
Tulad ng awit, ang korido ay sanga ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa
bawat taludtod nito. Ang isa sa mga kilalang halimbawa nito ay ang Ibong Adarna. May dalawang
paliwanag ukol sa pinagmulan ng salitang korido. Una, ito ay maaaring distorsiyon ng katagang
Espanyol na occurido na nangangahulugang “pangyayari”. Ikalawa, sa diksiyonaryo,
ang corrido ay kasing kahulugan ng balada. Ang balada ay isang masayang kanta sa saliw ng
gitara na tulad ng estilong fandango.
Page 22 of 23
Module Code: Pasay-F7-Q3-W1-D4
E. PAGTATAYA
Panuto: Maghanap ka ng taong tutulong sa iyo.(Nanay, tatay, kapatid o kung sino mang
kasama sa bahay). Magbigay ng Lima o higit pang bahagi ng akdang Ibong Adarna ay may
kabutihang maituturo sa kabataang Pilipino sa kasalukuyan at patunayan.
Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 7
https://brainly.ph/question/2564635
https://tl.wikipedia.org/wiki/Korido
https://brainly.ph/question/2088801
Inihanda ni:
CHARMAINE F. DE CHAVEZ
TI, PCCCANHS
Page 23 of 23