You are on page 1of 6

CENTRO DE NAIC NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


ARALING ASYANO 7 (A P)
WEEK 3 QUARTER 3
Araw at Asignatura Pinakamahalagang Mga Gawain MODE OF DELIVERY
Oras Pamantayan sa Pagkatuto (Modular Modality)

Paksa: Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag- Paalala:


WEEK 3 ARALING ASYANO 7 AP7TKA-IIId-1.8 usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya Inaasahang madala sa paaralan ng
Nasusuri ang mga salik pangyayari at magulang ang gawain sa takdang
A.Pagbasa sa teksto sa Learner’s Packet
kahalagahan ng nasyonalismo sa panahon at oras.
(Pahina 2-3)
pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya Inaasahang ang lahat ng ipapasang
B.Sagutin ang mga sumusunod na Gawain
Gawain mula sa modyul ay may:
sa Pagkatuto
-Pangalan at apelyido ng bata
• Gawain sa Pagkatuto 1 (pahina 4)
-Baitang at Seksyon
• Gawain sa Pagkatuto 2 (pahina 4)
-Nakasulat ang pangalan ng
• Gawain sa Pagkatuto 3 (pahina 4)
asignatura(subject)
-May nakasulat na petsa at ilagay kung
B. Performace Task 2 (pahina 5)
pang ilang linggo na ang output
Gumuhit ng Simbolo na nagpapakita ng
Halimbawa: Abril 12 , 2021 (Week
kahalagahan ng Nasyonalismo sa pagbuo ng
3-4)
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Ipaliwanag ang iginuhit sa pamamagitan ng
Iminumungkahi na ang lahat ng gawain
2-hanggang 5 pangungusap.
ay sa sasagutan sa mismong papel.
Maaring gumamit ng ekstyrang papel
Kraytirya sa Pagmamarka
lung hindi sapat ang espasyon ng iyong
Kaangkupan ng larawan sa paksa - 10
mga sagot.
Maayos na datos ng pagpapaliwanag - 5
Kabuuan 15 puntos Ang maikling pagsusulit at performance
task ay inaasahang sagutan din sa
C. Maikling Pagsusulit(Quiz #3) mismong sagutang papel.
pahina 6
Panuto: Basahin at piliin ang titik ng Inaasahang kumpleto ang magiging
tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. sagot ng mag aaral sa mga gawain.

Inaasahang pagsamasamahin at staple o


clip lahat ng gawain sa Araling Asyano.

1
CENTRO DE NAIC NATIONAL HIGH SCHOOL
Araling Panlipunan 7
WEEK Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
3 I

Matapos ang unang digmaang pandaigdig ang damdaming nasyonalismo ng mga Indian at iba pang bansa sa Timog- Asya
ay patuloy sa paglakas. Karamihan sa mga mamayan nila ang nagkaroon ng pagkakaisa sa iba’t ibang aspekto ng kanilang lipunan.
Ninanais nilang wakasan ang pamamahala at impluwensya ng mga dayuhan sa loob ng kanilang bansang kinabibilangan.

Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya


Ang Pag-aalsa ng mga Sepoy
Naganap ang pag-aalsa ng mga Sepoy noong 1857. Ang mga SEPOY
ay sundalong Indiano na naglingkod sa pamahalaan kolonyal. Nag-ugat ang pag-
aalsang ito dahil sa usaping pangrelihyong nabaliwala ng mga mga Ingles. Sa
panahon ng pamumuno ng mga Ingles ang mga Sepoy ay pinapagamit ng ripleng
kinakailangan nilang kagatin ang cartridge na pinahiran ng langis o mantikang nag
mula sa taba ng baboy o baka. Lingid sa kaalaman ng mga Ingles ang mga Sepoy
ay binubuo ng mga Hindu at Muslim na mayroong kani-kanilang paniniwala. Para
sa mga Sepoy na Hindu ang baka ay isang sagradong hayop o banal na hayop
samantalang ang mga Sepoy na Muslim ang baboy ay marumi. Unti –unting
lumaganap ang pag-aalsa ng malaman ito ng iba pang nilang kasamahang mga
Sepoy. Tumagal ang nang dalawang taon ang pag-aalsa at dito nagpasyang ang mga
Ingles na direktang pamunuan ang kolonya sa India.

Ang pangako sa mga Indiano


Upang unti-unting mapahina ang pag-aalsa ng mga Indiano sa mga Ingles pinangakuan nila ang mga Indiano na magkakaroon
ng pagkakataon na maari na silang makilahok sa pulitika. Ang Indian Councils Act of 1861 ay nagbigay ng pagkakataon sa mga
Indianong makilahok sa Executive Council, ang pinakamataas na konseho sa kolonya. Upang makapaglingkod dito kinakailangan
magtungo sa Londo upang makakuha ng pagsusulit sa serbisyo sibil. Gayumpaman patuloy pa din ang nararanasang diskriminasyon
ng mga Indianong nais makapag lingkod sa Indian Councils. Karamihan sa kanila ay walang pag-angat ng posisyon.

Ang mga karanasang ito kasama na rin ang mga iniwang bakas ng mga pagaalsa ay ilan lamang sa mga salik na nagbigay
daan upang umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Indiano.

Ang Rowlatt Act


Patuloy ang pag-igting ng damdaming nasyonalismo sa India, ilan sa mga pagpapatunay nito ang pagbuo ng mga grupo o
kilusang na naglalayong mapatalsik ang mga dayuhang namamahala sa India. Naging marahas ang pagtugon ng mga Ingles sa askyong
ginawa ng mga Indiano, sila ay nagpatupad ng batas na tinawag na Rowlatt Act kung saan pinagkalooban ang mga Ingles na supilin
at ikulong nang dalawang taon ng walang paglilitis ang sinumang tututol sa patakaran ng Britain. Sa panig ng mga Indianong nakapag-
aral ang batas na ito ay isang tahakang paglaba sa karapatang pantao at ito ay nagresulta sa mga mararahas na kilos protesta sa iba’t
ibang panig ng India.

Ang Malagim na Amritsar Massacre


Upang ipahayag ang kanilang pagtuligsa sa isinabatas na Rowlatt Act
nagtungo ang mga Hindu at Muslim na Indiano sa Amritsar kabisera ng lungsod
ng Punjab. Sa pagtitipon na ito ay may mga layunin silang nais maisagawa, ilan
sa mga ito ay ang pag-aayuno , manalangin at makinig sa talumpating politikal
ng kanilang mga nasyonalistang lider. Gayumpaman lingid sa kaalaman ng mga
dumalo sa ipinapatigil ng mga Ingles ang anumang uri ng pagtitipong
pampubliko. Nang dahil dito ipinagutos ni Heneral Reginald Dyer ang
pagpapaputok ng ripple nang walang anumang babala sa tagal na sampung
minuto. Ito ay nag iwan ng 400 kataong namatay at 1,200 naman na sugatan.
Pagkamuhi at galit ang naramdaman ng mga Indiano sa mga Ingles at dahil
dito sa loob lamang ng isang buong magdamag milyong mga Indiano ang
humiling ng kasarilan mula sa kamay ng mga Briton.

2
Pag-usbong ng mga Nasyonalistang Lider sa India

Ang paghingi ng kalayaan ng mga Muslim at Hindu Indiano ay patuloy na


lumakas. Kasabay nito ang pagiging popular ng mga lider na namuno sa kanila upang
makamit ang kanilang ninanais na kalayaan. Para sa mga panig ng Muslim nakilala si
Muhammad Ali Jinnah na namuno sa Muslim League at nanguna sa pagtuligsa sa
paraan ng paghingi ng kalayaan ng mga Hindu Indiano sa mga Europeo. Ayon sa
kanya naging kasangkapan ang demokrasya na hinihingi ng mga Hindu upang lalong
pang-aapi at pagsasamantala ng mga Europeo sa mga taong kabilang sa mga
mababang antas ng lipunan. Isa sa mga nais makamit ni Ali Jinah ang pagtatatag ng
hiwalay na bansang Muslim mula sa itinatatag ng mga Europeo sa India.

Sa kabila ng malalim na hindi pagkakaintidihan ng mga Hindu at Muslim sa bansang India


magkasama silang namuhay at nagtiis sa ilalim ng mga Ingles. napagkasunduan nilang lumaban
magsanib puwersa upang matamo ang kalayaang kanilang ninanais

Matapos ang mga pangyayari sa Amritsar isa sa mga Hindu ang nagpasyang mamuno sa
kilusang tungo sa kanilang kasarilan. Dito na kilala si Mohandas Gandhi . Nais ni Gandhi na
matupad ang paghingi nila ng kalayaan ng walang ginagamit na karahasan at dahil sa kanyang mga
gawi na kilala sya bilang “Mahatma” na ang kahulugan ay “Dakilang Kaluluwa”. Pinamunuan niya
ang mga kilos protesta sa mga Ingles ng walang nagaganap na karahasan at marami sa mga Indiano
ang sumunod sa kanyan mga turo at gawi.

Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Kanlurang Asya


Ang nasyonalismo nabuo sa Kanlurang Asya ay kaiba sa naipakita ng ng mga bansa sa Timog Asya. Marami sa mga bansang
kabilang sa Kanlurang Asya ay nasa ilalim ng pamumuno ng imperyong Ottoman bago pa man dumating ang mga Kanluranin.

Mga Kilusang Reformista sa Kanlurang Asya


Sa panahon ng pamumuno ng Sultan na si Abdul-Hamid II nakilala ang isang
progresibong samahan ng mga kabataan na humihingi ng pagbabago at modernisasyon ng
Imperyong Ottoman. Nakilala sila bilang Kabataang Turko (Young Turks). Aktibong pinag laban
ng kilusang ito ang minorya sa Imperyong Ottoman. Ilan pa sa mga hinihingi ng mga pangkat na
ito ay kilalanin ang makabago at siyentipikong ideya ng pamamahala at pagpili sa mga
maglilingkod sa pamahalaan sa pamamgitan ng pagkilala sa kakayahan ng aplikante. Ang
samahan ng Young Turks ay hindi napagtagumpayan ang pagbabago ninanais nila sa kanilang
lugar.

Ang Pagsali ng Imperyong Ottoman sa Unang digmaang pandaigdig


Isa sa mga dahilan ng pagbasak ng Imperyong Ottoman ay ang pakikilahok nito sa Unang
Digmaang Pandaigdig. Sinundan ito ng sunod- sunod na pagkatalo ng mga Ottoman dahil na rin
sa makabagong paraan ng pakikipagdigma ng mga kanluranin. Tuluyang bumagsak ang
Imperyong Ottoman, at isa sa mga naging bunga nito ay ang pagpasok ng mga Ottoman sa
Kasunduan sa Sevres sa Pransya at dito pormal na nagwakas ang pamumuno ng mga Ottoman sa
Kanlurang Asya . Tanging ang Turkey lamang ang naiwan sa Imperyong Ottoman, kasabay nito
ang pagpasok ng iba’t ibang ideolohiya nakaimpluwensiya sa politika at kultura sa rehiyon. Abdu l- Hamid II

Pagkakahati ng Ottoman Empire


Ang mga teritoryong sakop ng Imperyong Ottoman ay
pinaghati hatian ng mga nanalo sa Unang digmaan pandaigdig
alisunod sa kasunduan nilagdaan sa League of Nation. Ang mga
bansang ito ay Britain, France at Amerika. Dito ipinakilala ng
mga kanluranin ang sitemang mandato o Mandate System ito
ay nangangahulugang na ang mga bansang dating sakop ng
Ottoman empire ay ibinigay sa mga Europeong bansa bilang
protektorado upang ihanda ang mga ito sa lubusang paglaya.
Ang sistemang ito din ang nagbigay daan upang pamunuan ng
mga Europeo ang mga bansa sa Kanlurang Asya na nakabatay
sa kanilang pansariling interes. Dahil dito muling nabuhay ang
damdaming nasyonalimso ng mga tao sa Kanlurang Asya.

3
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Crossword Puzzle.
Panuto: Sagutan ang crossword puzzle. Isulat sa kahon ang mga letra upang mabuo ang salitang hinahanap.
ACROSS
4. grupo ng mga Muslim sa India
9. mga sundalo sa India na nagsilbi sa pamahalaan
ng mga Ingles
10.ginamit na pamunas ng mga Indiano sa
ripleng kanilang ginamit

DOWN
2.Ito ay nangangahulugan dakilang kaluluwa
3. Siya ang kinikilalang lider ng samahang
Muslim sa India
5. Ito ang lugar kung saan naganap ang malagim na
pamamaril ng mga Ingles sa mga Hindu at Muslim na
nagsasagawa ng pag-ayuno.

7. Isa sa mga pangkat ng taong naninirahan sa India

8. ang batas na nagsasaad sa paghuli at pagkulong


sa mga Indiano sa loob ng dalawang taon

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Dugtungan ang mga salita o pahayag na may kinalaman sa salik ng paghahati ng Asya.

Masasabi ko na ang Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya ay__________________________________


________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________.

A
Gawain sa Pagkatuto Bialng 3
Panuto: Sagutin ng 3-5 pangungusap ang tanong na nasa kahon. Isulat ang sagot sa inyong kasagutan sa sagutang papel.
“Bakit kailangan malaman ang mga pangyayaring bumuhay sa damdaming nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya”

4
CENTRO DE NAIC NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan:_____________________________ Quarter 3 WEEK 3


Seksyon:______________________________ AP 7 Performance Task #2

Pauto: Gumuhit ng Simbolo na nagpapakita ng kahalagahan ng Nasyonalismo sa pagbuo ng mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ipaliwanag ang iginuhit sa pamamagitan ng 2-hanggang 5
pangungusap.

Paliwanag:___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________

Kraytirya sa Pagmamarka
Kaangkupan ng larawan sa paksa - 10
Maayos na datos ng pagpapaliwanag - 5
Kabuuan 15 puntos

5
CENTRO DE NAIC NATIONAL HIGH SCHOOL
MAIKLING PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 3

PANGALAN:__________________________ SEKSYON:______________ PETSA:_____________


QUIZ 3
PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang
isulat sa sagutang papel.

_____1. Tumutukoy sa mga kabataang turko na humihingi ng pagbabago sa kanilang pamahalaan


A. Young Guns B. Young Turn C. Young Turks

_____2. Batay sa inyo nabasa bakit nagsimula ang rebelyong Sepoy?

A. Nalaman ng mga Indiano na hindi sila makakatangap ng sahod.


B. Nalaman nilang mantika ng baboy o baka ang ginagamit pamunas ng kanilang baril
C. Nalaman nilang nawawala ang kanilang pinuno.

_____3.Alin ang hindi kabilang sa mga salik ng nasyonalismo sa Timog Asya.


A. Pagbuo ng kilusang Young Turks
B. Pagbuo ng kilusang Muslim League
C. Pagbuo ng kilusang Muslim League

_____4. Ang unang digmaang pandaigdig ay may ibat’ ibang epekto sa buhay ng mga asyano. Ano ang naging epekto nito sa
Imperyong Ottoman
A. Ang Imperyong Ottoman ay lalong lumakas
B. Ang Imperyong Ottoman ay nagkaroon ng mga alyansa at namuno sa Asya
C. Ang Imperyong Ottoman ay unti- unting humina at nawalan ng mga nasasakupan

_____5.Ito ay pagsasama ng mga Hindu at Muslim na nauwi sa malawakang pagpaslang


A. Punjab massacre
B. Baltimore massacre
C. Amritsar massacre

_____6. Ang batas na nagbigay ng pagkakataon sa mga Indianong makilahok sa Executive Council
A. Ang Indian Councils Act of 1861
B. Ang Indian Councils Act of 1961
C. Ang Indian Councils Act of 1761

_____7. Sa batas na pinagkalooban ang mga Ingles na supilin at ikulong nang dalawang taon ng walang paglilitis ang sinumang
tututol sa patakaran ng Britain.
A. Rowdy Act
B. rowth Act
C. Rowlatt Act

_____8. Ang Heneral na nag utos ng pagpapaputok ng ripple nang walang anumang babala sa tagal na sampung minuto
A. Ali Jinnah
B. Reginald Dyer
C. Abdu l- Hamid II

______9. Si Gandhi ay Lider na nag nais na hingin ang Kalayaan ng walang ginagamit na karahasan sapagkat siya ay kilala bilang
Mahatma na ang kahulugan ay ____________.
A. Dakilang Lider
B. Dakilang manunubos
C. Dakilang Kaluluwa

______. 10 Taon ng maganap ang pag-aalsa ng mga Sepoy


A. 1957 B. 1857 C. 1657

You might also like