You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 2 – WEEK 7

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika (balbal
at kolokyal) at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay gamit ang
paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. F8PU-IIi-j-29

Paksa: Pagsulat ng tulang may balbal at kolokyal na antas ng wika.

A: PANIMULA
Antas Wika
Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan
nito. Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang sa gayo’y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon
at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Impormal
1. Balbal
Ito ang tinatawag sa Ingles na “slang”. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula
ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Ang mga
salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan
dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
Erpat – tatay lispu - pulis
Yosi – sigarilyo tsikot – kotse
2. Kolokyal
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit
may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung
sino ang nagsasalita.
Halimbawa:
Pormal Kolokyal
Aywan ewan
Paano pano

Sanggunian:
Pluma 8 Pahina 351
http://www.slideshare.net/hydeemariejustine/antas-ng-wika

Page 4 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Basahin ang usapan ng dalawang magkaibigan sa ibaba. Tukuyin mula sa
dayalogo ang mga salitang kanto na kanilang ginamit sa usapan at ibigay ang
kahulugan nito.

MGA SALITANG KANTO KAHULUGAN

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO

A. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang.

1. Hinuli ng sikyo ang ilang kabataang lumabas at nagpunta sa Mall sa kabila ng

pagbabawal sa kanilang lumabas dahil sa pandemya.
Kahulugan: ___________________________________________________.

2. Kaarawan ni Bea ngayon ngunit dahil may pandemya ay hindi sila makakapamasyal
kung kaya’t chibugan na lamang ang kanilang gagawin sa bahay.
Kahulugan: ____________________________________________________.

Page 5 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

Kahulugan: __________________________________________________

3. Nagchichikahan na naman ang mga kapitbahay sa labas kahit na may lockdown kaya
sinita at kinausap sila ng barangay.
Kahulugan: ___________________________________________________.

4. Walang datung ang ilang Pilipino sa panahon ng ECQ dahil bawal maghanapbuhay
ang ilang mamamayan bunga ng lockdown.
Kahulugan: ____________________________________________________.

5. Na-arbor ko ang rosaryo ng isang doctor matapos kong gumaling sa covid-19.

Kahulugan: ____________________________________________________.

B. Ibigay ang kolokyal na salita ng mga nakasalungguhit na salita sa bawat

bilang.

6. Nasaan kaya ang biniling facemask at face shield ni Nanay? __________________

7. Mayroon na bang bakuna ngayon para sa covid-19? ___________________

8. Kailan kaya babalik sa normal ang buhay nating mga Pilipino? ________________

9. Bakit mabilis mahawa ng covid-19 ang mga bata at matatanda? _______________

10. Paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit na covid-19? _________________

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Ang Balbal ay tinatawag sa Ingles na “slang”. Ang mga salitang ito noong una ay
hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang
pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
Erpat – tatay lispu - pulis
Yosi – sigarilyo tsikot – kotse
Ang Kolokyal naman ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Page 6 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

Halimbawa:
Pormal Kolokyal
Aywan ewan
Paano pano

GAWAIN 2:

Kayang-Kaya Mo Ito!
Bumuo ng tag- iisang saknong ng tula na binubuo ng apat na taludtod gamit ang mga
salita sa bawat bilang.

1-2. Nasan at Meron

_____________________________________________________________

3-4. Ermat at Erpat

______________________________________________________________

5-6. Chika at Beki

7-8. Na’ron at Sa’yo

_______________________________________________________________

9-10. Tomguts at Chibog

Page 7 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng orihinal na tulang binubuo ng apat o higit pang saknong gamit ang balbal
at kolokyal na antas ng wika tungkol sa pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. Gamiting gabay
ang pamantayan sa ibaba.
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ang tula ay binubuo ng apat o higit pang mga saknong.
Ang isinulat na tula ay kinapapalooban ng balbal at kolokyal na
antas ng wika.
Ang isinulat na tula ay may paksang pag-ibig sa kapwa, bayan
o kalikasan.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan
________________________________________
PAMAGAT
__________________________________________________________

Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo

Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 8 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika
(Panlalawigan o lalawiganin) at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay
gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. F8PU-IIi-j-29

Paksa: Pagsulat ng tulang may lalawiganin na antas ng wika.

A: PANIMULA
Antas Wika
Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan
nito. Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang sa gayo’y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon
at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Impormal
1. Lalawiganin

- Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan

nito.
- Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas,
may kakaiba pang tonoi to.
- Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo
sa lalawigan gaya ng Cebuano, Ilocano, Bicolano at iba pa na may tatak
– lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng
lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Halimbawa:
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano
aalis pumanaw molakaw mahali
kanin inapoy Kan-on maluto
ibon bilit langgam gamgam
Paa saka Tiil bitis
kaibigan gayyem higala amiga

Sanggunian:
Pluma 8 Pahina 351
https://www.slideshare.net/jessicavduque/antas-ng-wika-28063693

Page 9 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Basahin ang usapan sa ibaba. Pagkatapos nito ay isulat ang mga salitang
pangprobinsya o panglalawigang ginamit sa usapan at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Amiga, marhay na aga sayo, Magandang umaga! alam mo

may itatanong sana ako sa iyo. amiga depende kasi yan kung
Tutal mag-aanihan na sa ating minsan sa isang sakong paroy
lugar, sa sarong sakong palay, nakakagawa kami ng 20 kilong
ilang kilong bagas ang bigas.
nagagawa ninyo?
Walang anuman!
Ahhh, ganun ba sige salamat amiga!

MGA SALITANG PANLALAWIGAN KAHULUGAN

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO

Bilugan ang mga salitang lalawiganin o panlalawigan na ginamit sa bawat
pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

1. Dahil sa pandemya, maraming pamilya ang buo at sama-samang kumakaon sa

hapag.

Kahulugan : _______________________________

Page 10 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

2. Pupunta ako sa balay ng aking kaibigan sa oras na mawala na ang covid-19.

Kahulugan : _______________________________

3. Banggi na nang umuwi sa bahay si Nanay na isang nars galing sa trabaho.

Kahulugan: ________________________________

4. Si tatang lamang ang maaaring lumabas sa aming pamilya dahil siya lamang ang
may quarantine pass.

Kahulugan : ________________________________

5. Gurang na ang ating mga magulang kung kaya’t higit nilang kailangan ang pag-
aaruga at pagmamahal mula sa atin.

Kahulugan : ________________________________

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Ang lalawiganin ay mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na
pinaggagamitan nito.
Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas, may
kakaiba pang tonoi to.
Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
gaya ng Cebuano, Ilocano, Bicolano at iba pa na may tatak – lalawiganin sa kanilang
pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Halimbawa
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano
aalis pumanaw molakaw mahali

GAWAIN 2:

Kayang-Kaya Mo Ito!
Bumuo ng tag- iisang saknong ng tula na binubuo ng apat na taludtod
gamit ang mga salita sa bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon.

Page 11 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

Mamay at Papay (kahulugan: Nanay at Tatay)

Aga at Banggi (Kahulugan: Umaga at Gabi)

Amiga at Kaiwal (Kahulugan : Kaibigan at Kaaway)

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ginamit ang salita (lalawiganin) sa pagbuo ng saknong
Angkop ang paggamit ng salita sa mensahe at nilalaman ng
saknong.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan

Page 12 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng orihinal na tulang binubuo ng apat o higit pang saknong gamit ang
lalawiganin na antas ng wika tungkol sa pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. Gamiting gabay
ang pamantayan sa ibaba.
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ang tula ay binubuo ng apat o higit pang mga saknong.
Ang isinulat na tula ay kinapapalooban ng lalawiganin na
antas ng wika.
Ang isinulat na tula ay may paksang pag-ibig sa kapwa, bayan
o kalikasan.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan

___________________________________

Page 13 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika
(Pambansa) at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay gamit ang
paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. F8PU-IIi-j-29

Paksa: Pagsulat ng tulang may pambansa na antas ng wika.

A: PANIMULA
Antas Wika
Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan
nito. Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang sa gayo’y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon
at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Pormal
1. Pambansa

- Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong

pangmadla.
- Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
- Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at
kalakalan.
Halimbawa:
- Aklat - kapatid
- Ina - guro
- Ama - pera
- Dalaga - bola
- Masaya - upuan

Sanggunian:
Pluma 8 Pahina 351
https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/antas-ng-wika -77091438

Page 14 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Humanap ng 10 salitang ginagamit sa paaralan o pamahalaan na kabilang sa
pambansa na antas ng wika. Isulat ang mga salitang nahanap sa ibaba.

a k t a h a n a n s d k m s
d a t o m g u t o f j a a a
l l q c h s a r a l x i a s
a a e z s x u q g a h b y a
w y r d k g f b f h k i o k
m a m a m a y a n c l g n y
h a a t f j w h u z j a g a
q n t r l t n a t o p n q n
b v s a o o v y o s i w z x
s n y w a v j j l n w r y u
u d p k a p a y a p a a n l
x l i s p u y h s k d h u s
a r a w s b q x f g a b i i

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO

Ibigay ang katumbas na salita sa pambansa na antas ng wika sa bawat bilang.

SALITA PAMBANSA

1. Gurang __________________________

2. Silya __________________________

3. Adlaw __________________________

4. Salapi __________________________

5. Kalaguyo __________________________

Page 15 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

SALITA PAMBANSA

6. Amiga __________________________

7. Chibog __________________________

8. Utol __________________________

9. Pinoy __________________________

10. Erpat __________________________

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Ang Pambansa na antas ng wika ay mga salitang ginagamit sa mga aklat,
babasahin at sirkulasyong pangmadla.
- Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
- Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at
kalakalan.
Halimbawa:
- Aklat - kapatid
- Ina - guro
- Ama - pera
- Dalaga - bola
- Masaya - upuan

GAWAIN 2:

Kayang-Kaya Mo Ito!
Bumuo ng tag- iisang saknong ng tula na binubuo ng apat na taludtod
gamit ang mga salita sa bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon.

Page 16 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

Pilipino at Pagkakaisa

Katarungan at Kalayaan

Pag-ibig at Kapayapaan

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ginamit ang salita (Pambansa) sa pagbuo ng saknong
Angkop ang paggamit ng salita sa mensahe at nilalaman ng
saknong.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan

Page 17 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng orihinal na tulang binubuo ng apat o higit pang saknong gamit ang
pambansa na antas ng wika tungkol sa pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. Gamiting gabay
ang pamantayan sa ibaba.
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ang tula ay binubuo ng apat o higit pang mga saknong.
Ang isinulat na tula ay kinapapalooban ng pambansa na antas
ng wika.
Ang isinulat na tula ay may paksang pag-ibig sa kapwa, bayan
o kalikasan.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan
________________________________________
PAMAGAT
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Inihanda ni:
Claren DO. Rodolfo
Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 18 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikapitong Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika
(Pampanitikan) at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay gamit ang
paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. F8PU-IIi-j-29

Paksa: Pagsulat ng tulang may pampanitikan na antas ng wika.

A: PANIMULA
Antas Wika
Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan
nito. Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang sa gayo’y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon
at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Pormal
Pampanitikan
- Ito ay mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan
o mga malikhaing pagsulat.
- Gumagamit ng mga idyoma, tayutay o mga
matatalinghagang salita o pahayag.
- Ang pinakamayamang uri sa antas ng wika.
Halimbawa:
Pampanitikan Kahulugan
Kalaguyo Kasintahan
Mababaw ang luha Madaling umiyak
Kapusod Kapatid
Malikot ang kamay Magnanakaw

Sanggunian:

Pluma 7 Pahina 160

https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/antas-ng-wika-77091438
https://www.facebook.com/171525943347677/posts/antas-ng-wika1-pormal-salitang-pormal-na-pagtuturo-
at-ng-mga-nakapag-aral-ng-wik/616319588868308/

Page 19 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D4
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Basahin ang usapan sa ibaba. Pagkatapos nito ay isulat ang mga salitang
pampanitikang ginamit sa usapan at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Kaya labis kong hinahangaan ang

iyong ama. Bukod sa masipag na, Salamat Rey. Alam mo sabi ni tatay ang
bukas-palad pa. Nabalitaan ko rin ang pagtutulungan at pagkakaisa ang isa sa
ginawa niyang bukal sa loob na mga kailangan nating mga Pilipino sa
pagtulong sa ating mga kapit-bahay panahon ngayon upang labanan ang
noong panahong ang lugar natin ay pandemya. Kaya nararapat lamang na
“lockdown” dahil sa pandemya. tularan natin si tatay.

Naku, Rey wala siya rito.

Kasalukuyan siyang nagbabanat
Kumusta ka Ana?
ng buto.
Siya nga pala, gusto ko sana
Alam mo naman si tatay,
batiin si Mang Berting sa
lumaking anak-dalita kaya kayod-
nakamit niyang parangal na
kalabaw para sa ikagiginhawa ng
“Ulirang Haligi ng Tahanan”.
aming pamilya.
Nandiyan ba siya sa inyo?

MGA SALITANG PAMPANITIKAN KAHULUGAN

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO

Tukuyin ang mga pampanitikang salitang ginamit sa bawat
pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Page 20 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

1. Marami ang mga sumakabilang-buhay nang dahil sa pandemyang nararanasan ng

ating bansa.
Salitang Pampanitikan: __________________________________
Kahulugan: ___________________________________________

2. Ang mga alagad ng batas ang isa sa ating mga frontliners at tagapagpanatili rin ng
kapayapaan sa ating bansa.
Salitang Pampanitikan: __________________________________
Kahulugan: ___________________________________________

3. Ang ating mga health care workers tulad ng doktor, nars at iba pa ang isa sa mga
katuwang ng ating pamahalaan sa pagsugpo sa pandemya sa ating bansa.
Salitang Pampanitikan: __________________________________
Kahulugan: ___________________________________________

4. Butas ang bulsa ng ilang pamilyang Pilipino dahil sa nararanasang pandemya.

Salitang Pampanitikan: __________________________________
Kahulugan: ___________________________________________

5. Maraming mamamayang Pilipino ang nawalan ng hanap-buhay bunga ng lockdown

dahil sa Covid-19.

Salitang Pampanitikan: __________________________________

Kahulugan: ___________________________________________

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!
Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Ang
antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan
kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
Ang Pampanitikan na antas ng wika ay mga salitang ginagamit sa mga akdang
pampanitikan o mga malikhaing pagsulat. Maaaring gumagamit ng mga idyoma,
tayutay o mga matatalinghagang salita o pahayag. Ito rin ang pinakamayamang uri sa
antas ng wika.

Page 21 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D4
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Halimbawa:
Pampanitikan Kahulugan
Kalaguyo Kasintahan
Mababaw ang luha Madaling umiyak
Kapusod Kapatid
Malikot ang kamay Magnanakaw

GAWAIN 2:

Kayang-Kaya Mo Ito!
Bumuo ng tag- iisang saknong ng tula na binubuo ng apat na taludtod gamit
ang mga salita sa bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon.

Salapi at Butas ang bulsa

Nagsusunog ng kilay

Ilaw ng Tahanan

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ginamit ang salita (Pampanitikan) sa pagbuo ng saknong
Angkop ang paggamit ng salita sa mensahe at nilalaman ng
saknong.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan

Page 22 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W7-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng orihinal na tulang binubuo ng apat o higit pang saknong gamit ang
pampanitikan na antas ng wika tungkol sa pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan. Gamiting
gabay ang pamantayan sa ibaba.
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ang tula ay binubuo ng apat o higit pang mga saknong.
Ang isinulat na tula ay kinapapalooban ng pampanitikan na
antas ng wika.
Ang isinulat na tula ay may paksang pag-ibig sa kapwa, bayan
o kalikasan.
5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang Husay 1 – hindi nakamit ang
4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit pamantayan
ang pamantayan
________________________________________
PAMAGAT
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Inihanda ni:
Claren DO. Rodolfo
Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 23 of 23

You might also like