You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 6
QUARTER 2 – WEEK 1

1 of 28
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing

Page 2 of 28
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 6
Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Unang Araw

Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang talaarawan.

PANIMULA

 Ang talaarawan o dayari ay isang komposisyong naglalaman ng


iba’t ibang pangyayari sa buhay ng isang taong mismong nagsulat nito .Ito ay maaring
masaya at malungkot ,matagumpay o bigong karanasan na nagpapaunlad at nagpapatibay
ng ating pagkatao.

 Ito ay pang –araw –araw na tala.,lalo na ng mga personal na karanasan,


saloobin ,obserbasyon at pananaw.

 Isang sagradong pag-aari ng isang indibidwal ang talaarawan o dayari


kaya’t ito’y kanyang itinatago.

A.Pagsasanay 1

Panuto : Suriin ang talaarawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang
letra ng tamang sagot

Si Jenna ay mahilig magsulat ng talaarawan . Hindi buo ang araw niya kung
hindi niya nasusulatan ang kanyang dayari. Maraming bagay ang kanyang isinusulat
dito. Pero madalas ay tungkol sa kaganapan sa paligid at sa buhay niya.Tingnan nga
natin ang ilang pahina ng dayari ni Jenna.....

Biyernes – Agosto 7, 2020

Laman ng halos lahat ng balita ang mapanganib na Covid-19.Natakot ako! Patuloy


kaming nag-antabay sa balita at sa payo ni Kalihim Duque ng Department of Health kung
paano makakaiwas sa sakit.

Sabado – Agosto 8, 2020

Walang pasok sina Mama at Papa . Naglinis kami ng buong bahay at ng paligid.
Iniwasan muna namin ang mataong lugar at hindi kami lumalabas ng bahay

Page 4 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ___________________________________________________

Linggo, Agosto 9 ,2020


Araw –araw kaming umiinom ng vitamin C at masusustansiyang pagkain ang aming
kinakain tulad ng prutas at gulay. Hindi ko man hilig kumain ng gulay ay pinipilit ko upang
maging malusog.

Lunes, Agosto 10,2020


Mataas na ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid 19 sa bansa.
Kaya siniguro ng Papa ko na ang bawat kasapi ng aming pamilya ay sumusunod sa mga
paalala ng pamahalaan.Hindi rin kami pinalalabas ng bahay .

1. Ano ang talaarawan o dayari ?


A. Ito ay isang akdang nagsasad ng opinyon
B. Ito ay isang akda tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
C. Ito ay tala ng mga aralin na inyong pag-aaralan sa loob ng isang linggo.
D. Ito ay tala ng sariling karanasan o pangyayari sa buhay na maaring masaya ,
malungkot o nakakatawa .

2. Kaninong dayari ang inyong nabasa?


A. Jenny B. Jeneth C. Jerry D. Jenna

3. Tungkol saan ang isinulat ni jenna noong Agosto 7,2020?


A. Tungkol sa bilang ng mga nagpositibo sa Covid 19.
B. Tungkol sa paglilinis nila ng bahay at ng kanilang paligid
C. Tungkol sa laman ng mga balita ang mapanganib na Covid 19
D. Tungkol pag-inom niya ng Vitamin C at pagkain ng masusustansyang pagkain

4. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kalusugan ng mga


mamamayan?
A. DILG B. DSWD C. DOH D.DOLE

5. Sino ang kasalukuyang kalihim ng Departamento ng Kalusugan?


A. Sec. Briones B. Sec. Bello C. Sec. Duque D.Sec. Villar

6. Ano ang laging sinusulatan ni Jenna?


A. Notbuk B. Listahan C. Talaarawan D. Talaan

7. Ano ang pinakamahalagang impormasyon na dapat magkaroon ang isang


talaarawan maliban sa kaganapan sa buhay?
A.tala B. lugar C, petsa D.pangalan ng sumulat

8. Kailan isinulat ni Jenna sa kanyang talaarawan ang tungkol sa pagtaas ng bilang ng


mga positibo sa Covid 19?
A. Agosto 7, 2020 B. Agosto 8, 2020 C. Agosto 9, 2020 D. Agosto 6, 2020

Page 5 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________________________________________

9. Ang ginawang talaarawan ba ay maaring basahin ng iba ng walang pahintulot?


A. Oo B. Hindi C. Maari D. Pwede

10. Naiwan ng ate mo ang kanyang dayari mesa, ayaw na ayaw pa naman niya itong
ipabasa sa iba. Ano ang gagawin mo?
A. Pagkakataon ko na upang ito ay basahin
B. Hahayaan ko na lang ito kung saan niya naiwan
C. Kukunin ko at itatago at hindi ko ito babasahin
D. Ipababasa ito sa inyong ina upang malaman niya ang kanyang lihim

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin at Suriing mabuti ang talaarawan .Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang
letra ng tamang sagot..

Mayo 15,2019
9:00 ng gabi

Mahal kong Dayari,

Napakagandang alalahanin ang araw na ito, Nandito ako sa Kalanggaman


Island kasama ang aking pamilya.Ilang buwan ko ring hinintay ang pagdating ng
araw na ito na muli kong makita ang kagandahan ng islang ito.kahit ilang beses na
akong bumalik dito ay hindi pa rin nawawala ang kasabikan ko na muling makaapak
sa puting-puting buhangin ng isla.Ganoon din ang malinaw na tubig dagat na
kaysarap paliguan.
Sa aming pagdating dito kaninang umaga ay bakas sa aming mga mukha ang
lubos na kasiyahan sa muling pagbabalik sa lugar na ito.Ang ilan sa aking mga
kasama ay handang –handa upang maligo sa malinaw na tubig.
Ang kalanggaman Island ay isang maliit na isla na matatagpuan sa Palompon
, Leyte. Kabigha-bighani ang sand bar na may puting –puting buhangin. Talagang
nanaisin mong balik-balikan ang lugar na ito. Pagkatapos naming maikot ang buong
isla ay naghanda na kami upang kumain,
Halos tatlong oras kaming naligo sa dagat. Ayaw pa nga sana naming umahon
ngunit kailangan na sapagkat ayaw naming abutin ng dilim sa dagat.Ang saya –saya
ko talaga ,grabe.
Naku,malalim na pala ang gabi , kailangang matulog na . Bukas mamamasyal
na naman kami..Hay ....Salamat sa Diyos at nabigyan na naman ako ng panibagong
karanasan .

Angela

Page 6 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

1. Sino ang sumulat ng talaarawan?


A. Dayari B. Angelo C. Angela D. Angie
2. Saan nagpunta sina Angela at ang kanyang pamilya?
A. Boracay B. Bohol C, Palawan D. Kalanggaman Island
3. Kailan isinulat ni Angela ang talaarawan ?
A.Mayo 15, 2019 B.Mayo 5,2019 C. Mayo 10,2019 D.Mayo 15,2020
4. Bakit kaya isinulat ni Angela sa talarawan ang kanyang karanasan sa araw na iyon?
A. Dahil wala siyang magawa
B. Dahil nais niya itong alalahanin
C. Dahil nais itong ipagyabang sa kaibigan
D.Dahil nais niya itong mapuntahan din ng iba.
5. Ano ang ginawa nina Angela at ng kanyang pamilya sa Kalanggaman Island?
A. Nagkamping B. Naghiking C. Namasyal D.nagswimming
6. Saan matatagpuan ang Kalanggaman Island ayon sa talaarawan ni Angela?
A. Samar , Leyte B, Palo , Leyte C.Ormoc City, Leyte D.Palompon ,Leyte
7. Kailan nangyari ang nakasulat sa talaarwan?
A. Mayo 25,2019 B.Mayo 15,2020 C. Mayo 05 2019 D. Mayo 25,2019
8. Sino ang sinusulatan ni Angela ?
A. Ang kanyang pamilya
B. Ang kanyang mga kaibigan
C. Ang kanyang mga kamag-anak
D.ang kanyang dayari o talaarawan
9. Ano ang gagawin nina Angela at ng pamilya niya kinabukasan ?
A. Magpipiknik
B. Mamamasyal
C. Maglalaro
C. Maliligo
10. Ano ang dapat mong gawin kung nais mong maalala ang magagandang pangyayari
sa iyong buhay?
A, Gumawa / sumulat ng aklat
B. Gumawa / sumulat ng liham
C. Gumawa /sumulat ng listahan
D. Gumawa / sumulat ng talaarawan

Pagsasanay 3

Panuto:Suriing mabuti ang talaarawan .Punan nang wasto o marapat na


ginawa o pangyayari. Piliin ang sagot sa kahon.

kinuha , nilabhan , kumain , sabay-sabay , hinugasan


Sabado , Setyembre 18 , umalis , inilabas , 11:30 ng umaga,
.

Page 7 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

Sabado , Setyembre 18
5:00 ng umaga
Nagluto ako nang maaga. (1)_______________ako ng almusal.

_(2)___________,Setyembre 18
6:00 ng umaga
Pagkatapos kumain ay__(3)_______________ako papunta sa palengke.Dala –dala
ko ang basket at payong .Pagdating sa bahay __(4)_____________ko ang mga isda at
karne .Inilagay ko sa refrigerator.

Sabado, _(5)______________
6:00 ng umaga
__(6)______________ko ang mga maruruming damit sa lalagyan at
__(7)___________ko ang mga ito.

Sabado, Setyembre 18
_(8)__________________
Nagluto ako ng aming pananghalian ._(9)______________kami na Masaya .
__(10)__________ko ang mga kinainan naming.

Tandaan
Ang talaarawan ay kalipunan ng mga baha-bahaging sulatin na nakasulat at
nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw . Maari rin itong lagyan ng oras

PAGTATAYA
Gumawa ng talaarawan na sumasagot sa tanong na :
Ano ang hindi mo malilimutang pangyayari sa inyong pamilya sa nakalipas ECQ
o Extreme Community Quarantine bunsod ng pandemya?

____________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Talata


10 May kaisahan ang diwa ng pangungusap.Kumpleto ang detalye ng talaarawan. Wasto rin ang paggamit ng maliit at
malaking letra.
8 May sapat na paliwanag ngunit kulang ang detalye ng talaarawan.
6 May sapat na paliwanag ngunit may 2 mali sa paggamit ng maliit at malaking letra at kulang ang detalye ng
talaarawan. .
4 May kaguluhan ang diwa ng mga pangungusap .
2 Walang nabuong pangungusap at walang
References for Further Enhancement:
1.Bagong Binhi Filipino ...Wika at Pagbasa –p251-253
2. Lahi 6 –p. 196-197
Inihanda ni :
Wilma B. Orjaleza
Timoteo Paez Elem. School

Page 8 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 6
Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikalawang Araw

Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang anekdota.

Panimula

 Ang “anekdota “ ay isang maikling kuwento ng isang nakawiwiling insidente


sa buhay ng tao .

 Ito ay maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang na pangyayari .sa


buhay ng tao.

 Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang


magandang karanasan na kapupulutan ng aral.Ito’y magagawa lamang kung
ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

A.Magsanay tayo

PAGSASANAY 1
Panuto: Basahin ang anekdota.Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Kaibigan kong Bayani.

Bakasyon noon , paggising ko ay nakita ko siyang nakaupo sa


sahig. Pagbaba ko ng higaan ay tuwang- tuwa niya akong dinamba at sabay na kaming
bumaba . Ipinaghanda ko siya ng pagkain at sabay na rin kaming nag-almusal . Maya-maya
ay narinig ko ang tawag ng aking mga kaibigan . Niyaya na nila akong maglaro sa isang
bakanteng loteng malapit sa taniman ni Mang Kanor. Dali –dali akong nagpaalam sa aking
ina at sumama na sa kanila . Hindi ko namalayang sumunod sa akin si Bino . Nang
makarating kami sa lugar na paglalaruan ay umupo lamang siya sa tabi at tahimik na
nanonood habang kami ay naglalaro ng tumbang preso. Nang mapagod ay naupo ako sa
isang putol na puno. Walang ano-ano’y biglang may lumabas na isang makamandag na
ahas at akmang manunuklaw . Hindi ako makagalaw sa takot . Nang makita ito ni Boni ay
daglian niya itong nilundag . Naglaban ang dalawa hanggang mamatay ang ahas . Ngunit
maya –maya lang ay bumagsak din si Bino na wala ng buhay. Iniligtas ng aso ang aking
buhay. Tumulo ang luha sa aking mga mata habang yakap ang aso kong bayani.

Page 9 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

1. Sino ang bayani sa karanasan ng bata ?


A. Mang Kanor C. Tagapagsalaysay
B. mga kaibigan D. ang asong si Bino
2. Sino ang naghihintay sa bata na magising siya ?
A. Si Bino C. ang kanyang ina
B. ang mga kaibigan D. ang mga kamag-aral niya
3. Saan naglaro ang magkakaibigan?
A. sa kalsada C. sa palaruan
B. sa kabahayan D. sa bakanteng lote
4. Bakit nagmamadaling nagpaalam ang bata sa ina ?
A. Dahil mahuhuli na siya sa klase
B. Dahil hinihintay na siya ng mga kaibigan
C. Dahil may pupuntahan silang dalawa ni Bino
D. Dahil maglalaro sila ng basketbol ng kanyang klasmeyt
5.Nang umalis ang bata , ano ang ginawa ni Bino?
A. natulog na lang uli
B. umupo sa may pinto
C. naglaro na lang mag-isa
D. sumunod ito sa batang umalis
6.Ano ang ginagawa ni Bino habang naglalaro ang bata?
A. Si Bino ay tahimik na nanonood.
B. Si Bino ay sumali sa laro ng mga bata.
C. Si Bino ay nakikipaghabulan sa mga bata
D. Si Bino ay naghahanap ng maaring kainin sa kakahuyan
7.Bakit hindi makagalaw ang bata sa kinauupuan?
A. dahil sa sobrang takot
B.. dahil natuklaw siya ng ahas
C. dahil pagod na pagod ang bata.
D. dahil nais niyang magpahinga muna
8.Ano ang ginawa ni Bino nang makita ang makamandag na ahas na akmang
manunuklaw?
A. kumaripas ng takbo
B. tiningnan niya lamang ito
C. nagtago sa likod ng bata
D. dali-daling nilundag at nakipaglaban sa ahas
9. Bakit tinaguriang bayani ang aso?
A. dahil ang aso ay matapang
B. dahil ang aso ay nakipaglaban
C. dahil ang aso ay marunong sumunod s autos
D. dahil ibinuwis ng aso ang kanyang buhay upang mailigtas ang bata
10. Alin ang mensahe ng anekdotang inyong nabasa?
A. Ang mga alagang hayop tulad ng aso ay kaibigan ng mga tao.
B. Kapag ang hayop ay binigyan ng pagmamahal ,susuklian din ng pagmamahal
C. Iwasan ang pananakit ng mga hayop sapagkat sila man ay may buhay din tulad
natin.
D. Huwag mong pababayaang makalabas ng bahay ang iyong alagang aso upang
disgrasya’y maiwasan nito.

Page 10 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Sagutin ang mga tanong, batay sa nabasang anekdota.

Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos


ang isa kong tsinelas . Ang tsinelas ay ang gamit naming sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran.Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil
iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali
dali kong itinapon sa dagat , kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang isa mong tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa
bangka .
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita . Ang isang tsinelas
na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas
ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil ay naunawaan niya ang isang batang
katulad ko.Ang sa palagay ni Jose Rizal.

A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1.Kaninong anekdota ang inyong nabasa?


A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo C. Jose Corazon De Jesus D. Jose Rizal
2. Ano ang nahulog sa ilog ?
A. bakya B. sapatos C. tsinelas D. sandalyas
3. Saan nakasakay si Jose ayon sa kanyang salaysay?
A. barko B. bangka C. baroto D.balsa
4. Bakit nalungkot si Jose nang mahulog ang kanyang tsinelas?
A. dahil wala na siyang isusuot
B. dahil hiniram lamang niya ito sa kapatid
C. dahil nakayapak na siyang uuwi sa bahy nila
D. dahil iniisip niya na magagalit ang kanyang ina sa pagkawala ng kanyang tsinelas
5. Ano ang ginawa ni Jose sa naiwang tsinelas sa kanya?
A. Itinago niya na lamang ito.
B. Iniwan niya ito sa bangkang sinsakyan
C. Ibinigay sa bangkero upang gawing sagwan
D. Itinapon niya ang kaparares na tsinelas sa ilog

B.Sagutin ang mga tanong batay sa anekdotang inyong nabasa.

6. Bakit itinapon ni Jose ang kapares ng tsinelas na nahulog sa ilog?


_______________________________________________________________________
7. Anong katangian mayroon si Jose ,batay sa kanyang ginawa?
_______________________________________________________________________
8. Kung ikaw si Jose , gagawin mo rin ba ang ginawa niya ?
_______________________________________________________________________
9. Mayroon ka rin bang karanasan na tulad ng kay Jose ? Anong ginawa mo?
_______________________________________________________________________
10. Ano ang mensahe ng anekdotang nabasa?
_______________________________________________________________________

Page 11 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto:Basahin ang anekdota at sagutin ang mga tanong.

Ayaw ng Paniwalaan
Nakagawian na ni Mario ang laging magkunwari upang mabahala ang kanyang mga
magulang at mga kapatid. Natutuwa siya kung nagkakagulo na sa bahay kapag nagkunwari
siyang masakit ang tiyan.Alam niyang mahal siya ng ama at ina.
Isang araw sa paghuli niya sa isang tutubi sa kakahuyan may biglang kumagat sa
kanyang braso. Natakot siya sapagkat maaring kung anong insekto ang kumagat sa kanya.
Nagpalahaw siya ng iyak pauwi sa bahay.” Naku! Parang hindi ninyo kilala iyang si Mario.”
Ang sabi ng kanyang kapatid.Sanay na sila sa kanya kaya hindi siya pinansin.
Ngunit kinagabihan, inaapoy na ito ng lagnat kaya tumawag agad sila ng doktor. Iiling
–iling ang doktor habang tinitingnan ang parang mga sundot ng karayom sa braso ni Mario.

A. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang ginagawa ni Mario sa kakahuyan?


A. Nakikipaglaro sa mga kaibigan
B. Nanghuhuli siya ng tutubi
C. Naninirador ng ibon
D. Nakikipagtaguan
2. Ano ang nakagawian ng gawin ni Mario sa kanyang pamilya?
A. Magbiro B. Magtago C. Manggulo D. Magkunwari
3. Bakit nagkakagulo ang kanyang pamilya kapag sinabi niyang may masakit sa kanya?
A. Dahil sakitin si Mario
B. Dahil nag-iisang anak siya
C. Dahil mahal siya ng ama’t ina
D. Dahil si Mario ay may iniindang sakit
4. Ano kaya ang kumagat kay Mario ?
A. tutubi B. paro- paro C.ipis D.putakti
5. Batay sa kuwento, bakit kaya umiiling ang doktor?
A. Walang sugat si Mario. C. Nagkukunwari si Mario
B. Walang sakit si Mario D..Malubha ang lagay ni Mario
6. Ano ang kinalabasan ng madalas na pagkukunwari ni Mario?
A..Nagkasakit siya.
B..Naniniwala pa rin sila sa kanya.
C..Sanay na sila sa ginagawa ni Mario.
D. Hindi na pinaniniwalaan si Mario ng mga kapatid at mga magulang.
7. Ano ang katangian ni Mario batay sa kanyang ikinikilos?
A. matapat B. masunurin C. mapagkunwari D. masayahin

B. Sagutin ang mga tanong batay sa binasang anekdota.

8. Sa iyong palagay ,Bakit hindi na pinaniniwalaan si Mario ng kanyang mga kapatid?


________________________________________________________________
9. May pagkakataon ba sa buhay mo na naging katulad ka ni Mario ?Anong nangyari?
________________________________________________________________
10. Ano ang aral ng anekdotang inyong nabasa?
_______________________________________________________________

Page 12 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________________________

Tandaan:
Ang “anekdota “ ay isang maikling kuwento ng isang nakawiwiling insidente
sa buhay ng tao . Ito ay maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang na pangyayari
.sa buhay ng tao.Layunin ng isang anekdota ang makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.

Pagtataya

Panuto : Sumulat ng inyong sariling anekdota tungkol sa isang pangyayaring hindi ninyo
malilimutan.

___________________________

________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Anekdota

Pamantayan
10 May malinaw na at matibay na pagpapaliwanag ng sariling anekdota.
Malinaw ang ugnayan ng mga pangungusap.
Tama ang gamit ng malaki at maliit na titik.
Tama ang baybay .
May tamang indensyon.
8 Hindi nasunod ang isang pamantayan
6 Hindi nasunod ang dalawang pamantayan
4 Hindi nasunod ang tatlong pamantayan
2 Hindi nasunod ang tatlong pamantayan

Inihanda ni :

Wilma B. Orjaleza
Timoteo Paez Elem. School

Page 13 of 28
Module Code: Pasay-F6-Q2-W1-D3

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHAN/ UNANG LINGGO/IKATLONG ARAW

A. Layunin: Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas sa napakinggang teksto.


B. 1.Panimula

 Wakas dito matutunghayan ang kinalabasan ng mga pangyayari o ng mga kalutasan ng


suliranin. May pagkakataong maganda ang wakas ng kwento ngunit meron din namang
hindi.
 Ang pagbibigay ng angkop na wakas ay ibinabatay sa nilalaman ng kwento at ang pang-
unawa ng bumabasa.
 Ang sariling karanasan at dating kaalaman ng mambabasa ay makatutulong sa
pagbibigay ng wakas sa mga kwentong di-tapos.
Halimbawa:
May tatlong makakaibigan na sina Erwin Ben at Raphy. Sila ay laging
magkakasama. Isang araw,sila ay pumunta sa opisina ng punong-guro na walang
paalam at sinira nila ang mga papaeles ng punong-guro.

Wakas:
Nahuli at pinagsabihan sila ng punong-guro. Pinatawag din ang kanilang mga
magulang.

2. Magsanay Tayo
Pagsasanay 1
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang angkop na wakas para sa bawat
isa.
1. Nagtanim ng halaman si Miriam. Inilagay niya ang halamang namumukaklak sa lugar na
nasisikatan ng araw. Dinidiligan niya ito palagi. Isang hapon,isinama siya ng kanyang lolo
sa probinsiya. Tumagal sila doon ng isang linggo. Pagbalik ni Miriam nakita niya ang
halaman ay _________
A. nabuhay nang malago C. nabasa ng ulan
B. nalanta at nanguluntoy D. nakalubog sa putikan
2. Naglalaro sa tabi ng daan si Bobby. Pinagbilinan siya ng kanyang ina na pumasok sa
kanilang tahanan. Hindi nakinig si Bobby. Ipinagpatuloy niya ang paglalaro ng bola.
Gumolong ito sa daan. Tumakbo si Bobby para kunin ang bola nang may biglang
dumating na isang kotse Napatili ang nanay ni Bobby. Ano kaya ang nagyari?

Page 14 of 28
Module Code: Pasay-F6-Q2-W1-D3

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

A. nadulas si Bobby C. nabundol ng kotse si Bobby


B. hinimatay ang ina ni Bobby D. nakaligtas si Bobby
3. Mahilig sa bulaklak na rosas ang bagong guro ni Digna.Buo na sa isip niya na mapalapit
dito kayat naisipan niyang bigyan ito ng kakaibang rosas. Ang kulay dilaw na rosas sa
bahay ni Bb. Caraguin. Kinuha niya ito at ibinigay sa guro. Tuwang-tuwa ang guro
niya,ngunit tinanong siya nito kung saan niya ito kinuha. Nanlamig si Digna. Ano kaya
ang naganap?
A. pinangaralan ng guro ni Digna at pinahingi ng tawad kay Bb. Caranguin.
B. Ipinasauli ng guro ang bulaklak kay Bb. Caranguin.
C. kinuha pa rin ng guro ni Digna ang bulaklak.
D. pinagalitan ng guro si Digna.
4. Masasakitin si Nenita. Madalas ay liban siya sa klase dahil laging mahina ang kanyang
katawan at siya ay nanlalambot. Isang araw, ang aralin nila sa Science ay tungkol sa
tatlong uri ng pagkain na nagpapalakas ng katawan at nagpapalusog. Nakinig nang
mataman si Nenita. Ngingiti-ngiti siya nang siya ay umuwi.Makalipas ng isang linggo,
masigla na ang katawang pumasok si Nenita.
A. kumain na ng masustansiyang pagkain si Nenita.
B.ipinasya niyang huwag nang mag-aral
C. umuwi si Nenita sa lalawigan.
D. nag-aaral na mabuti si Nenita
5. Maaliwalas ang langit. Ipinadala ni Aling Marta kay Rina ang payong ngunit nalimutan
itong dalhin ni Rina. Nang si Rina ay nasa daan na patungong paaralan, biglang
bumagsak ang malakas na ulan.
A. nabasa sa si Rina C. napagalitan ng guro si Rina
B. nagutom si Rina D. nawala si rina
6. Natutulog ang tatay. Maiingay ang mga bata sa palaruan ng kapitbahay. Tumindig ang
tatay at
A.pinagalitan ang mga bata
B.sinabihan ang mga bata na ipagpatuloy ang maingay na paglalaro
C.sinabihan ang mga bata na huwag masyadong maingay
D.nakipaglaro si tatay sa mga bata
7. Maraming tao sa kalsada. Hile-hilera sila sa paglakad. May banda ng musikong naririnig.
Tuwang-tuwa ang mga taong nanonood sa mga artistang nakasakay sa ibat ibang
sasakyan. Masaya ang lahat dahil sa ______

Page 15 of 28
Module Code: Pasay-F6-Q2-W1-D3

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

A.parade C.prusisyon
B.ambulansiya D.sirkos
8. Ang lakas ng ulan. Ang mga kalsada ay bahang-baha na. Ang storm signal 2 ay itinaas na.
Tuwang tuwa si Daniel.
A.walang klase ang mga bata
B.masisira ang pag-aaral ng mga bata
C.maraming mga bata ang magkakasakit
D.makakaligo sa ulan si Daniel
9. Naglalakad si Mike pauwi galing paaralan. Nadaanan niya ang isang mabagsik na aso na
nakatali sa bakod. Tinukso-tukso ni Mike ang asong tahol nang tahol. Ilang sandal,
biglang umiyak si Mike at nagsisigaw.
A. natatakot ang aso kay Mike
B. Nakagat ni mike ang aso
C. nakagat ng aso ang kamay ni Mike
D. nagkatuwaan ang aso at si Mike
10. Si Ellen ay takot sa bulati. Isang araw ay binibiro siya ng mga kamag-aral. Naglagay sila
ng isang bulati sa bag nito. Nang buksan ni Ellen ang bag ______
A. natawa si Ellen c.nilaro ni Ellen ang bulati
B.natulog si Ellen d.napalundag si Ellen at umiyak

Pagsasanay 2
Hanapin sa hanay B ang angkop na wakas ng mga pangyayari sa hanay A.

A
______1. Nagtrtrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi
______2. Inutusan ng nanay si Ben na maghatid ng labada sa bahay ni Gng. Samson.
Nagmamadali siyang makabalik sa paglalaro kaya tumakbo siya habang bitbit ang balutan ng
damit.
______3. Nag-brown out habang tinatapos ni Nena ang kanyang proyektong ipapasa
kinabukasan.
______4. May piknik ang mag-anak. Malayo na ang natatakbo ng kanilang sasakyan nang
maalala ng nanay ang dessert nilang salad na pinalalamig sa ref.
______5. Tuwang-tuwa si Michelle. Binigyan siya ng kaibigan ng isang napakagandang kuting.
Subalit mula nang alagaan niya ang kuting, nagkaroon siya ng ashma.

Page 16 of 28
Module Code: Pasay-F6-Q2-W1-D3

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

B
A.Madapa si Ben sa daan at sasabog ang balutan ng malinis na damit.
B.Imumungkahi ng nanay na bumili na lamang sila sa daan ng ibang dessert.
C. Hinihintay niyang bumalik ang kuryente para matapos ang kanyang proyektong
ipapasa kinabukasan
D.Makakatapos siya ng pag-aaral at makakakuha ng mas magandang trabaho
E.Pakikiusapan niya ang kanyang kapatid na alagaan ang kuting para sa kanya.

Pagsasanay 3
Punan ng pinakaangkop na wakas ang bawat talata sa ibaba. Magsulat ng tatlo o higit pang
pangungusap sa patlang.
1. Maayos ang mga pananim ni Rudy. Arwa-araw ay dinidilig ito. Inaalisan niya ito ng
damo. Nilalagyan niya ng gamot laban sa insekto ang mga halaman.Naging malusog ang
mga pananim. Malaki ang pag-asa ni Rudy na marami siyang aanihin at pagbibilhan sa
kanyang ani.

2. Lahat ng barya ay inihuhulog ni Buboy sa kaniyang maliit na alkansiya. Minsan kailangan


niyang makabili ng gamit sa kanyang proyekto at kulang ang ibinigay ng kanyang tatay.

3.Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. “tara, maglakad


na tayo para hindi tayo mahuli sa klase,” yaya ni Greg. “Sige” sagot ni Annie.
“Meron nga pala tayong pagsusulit ngayon sa Filipino.Nag-aral ka ba?” sabi ni Greg. “Oo
naman, pinaghandaan ko ang araw na ito.

3. Laging dinidilig at pinapausukan ni Mang Indo ang kanyang mga punong mangga.
Pinabombahan niya ng insecticide ng mga puno, kaya’t kayganda ng usbong at
pamumulaklak ng mga puno.

4. Laging nahuhuli sa pagpasok sa klae si John. Sinabihan siya ng kanyang guro na bawal na
siyang mahuli sa klase sa susunod na araw.

Page 17 of 28
Module Code: Pasay-F6-Q2-W1-D3

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

Tandaan
Ang pagbibigay ng angkop na wakas ay ibinabatay sa nilalaman ng kwento at ang pang-unawa
ng bumabasa.
Ang sariling karanasan at dating kaalaman ng mambabasa ay makatutulong sa pagbibigay ng
wakas sa mga kwentong di-tapos.

Pagtataya
Bigyan ng angkop na wakas ang mga sumusunod.
1. Nagmamadali si Joshua. Hindi niya nakita ang rumaragasang dyip. Nagsigawan ang mga tao.

2. Namamalantsa ang katulong na si Bebeng. Lumapit ang alaga niyang si Rykle. Biglang umiyak ang
bata.

3. Tinutukso ni Denden si Marie habang sila’y nagsusulat. Biglang umiyak si Denden at tinakpan
ang palad ang kanang mata.

4. Linggo ng gabi. Dumating ang mga kamag-anak ni Aling Viring. Tumilok na ang manok ay
nagkukuwentuhan pa rin sila. Alas singko ng umaga na siya nakatulog. May pasok pa siya sa
opisina.

5. Tumanggap na ng bunos ang mga guro. Kasama ang mga kaguro, nagpunta si Bb. Cruz sa SM
upang mamili ng pamasko. Bigla siyang namutla at muntik nang himatayin.

References
Mojica, B., & Pranada, A. (2002). Paggamit ng Sariling Karanasan at Dating Kaalaman sa Pagbibigay ng
Wakas sa Kuwentong Di-tapos. In Sanayang Aklat sa Filipino 6 (p. 140). Quezon City: Cultural
Publisher.

Surima, J., Cuizon, M. A., Adaza, C., Almine, M., Tagalog, G., Pepito, J., & Acabal, A. (2017). Nagagamit
ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto. In Filipino Teacher's Guide
(pp. 124-126). Ormoc City: Department Of Education-Regional Office No.8.

Tabobo, V., & Miranda, Z. (2002). Pagbibigay ng Wakas sa Kuwentong Di-tapos. In Sanayang Aklat sa
Filipino 5 (pp. 184-186). Quezon City: Cultural Publisher.

Inihandan ni:
Sabina S. Rafael
Villamor Air Base Elementary School

Page 18 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 6
Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikaapat na Araw

Layunin : Nagagamit nang wasto ang kayarian ng pang -uri sa paglalarawan sa iba’t
ibang sitwasyon.

Panimula

 Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng pangngalan o panghalip.

Kayarian o Anyo ng Pang –uri

1. Payak – binubuo ito ng salitang ugat lamang .


Halimbawa

dakila , tunay , payapa , tunaw . payat , ayos, mangmang


tahimik , wasak, tapat ,bago , lanta , sariwa , basag

2. Maylapi – binubuo ito ng salitang ugat- at panlapi.


Halimbawa

Masaya , makinang , napakahusay , madalas,


Malaki ,marunong, matagumpay ,malasa,kaylaki

3. Inuulit – binubuo ng pag-uulit sa salitang- ugat o pang-uring maylapi.


Halimbawa

pagkalayo –layo , malakas na malakas , butas –butas


sira-sira, litong –lito , lubak-lubak, pulang-pula ,
kaysarap-sarap , buong-buo, maraming –marami

4.Tambalan –binubuo ng dalawang magkaibang salita.


Halimbawa

basing –sisiw , anak-pawis , agaw-pansin


hampaslupa , balat-sibuyas , taingang kawali

Page 19 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

A.Pagsasanay 1
Panuto : Isulat sa patlang ang kayarian ng pang-uring may salungguhit. Ito ba ay Payak ,
Maylapi , Inuulit o Tambalan.

________1. Iba’t ibang proteksyon na ang ginagamit ng mga tao laban sa bayrus.

________2. Ang lahat ng ito ay kapaki-pakinabang upang tayo’y hindi mahawaan ng sakit.

________3. Nararapat din na tayo ay maging malinis sa katawan at kapaligiran.

________4. Sumunod tayo sa mga patakaran at maging responsible kang mamamayan.

________5. Maging disiplinado rin tayo sa lahat ng pagkakataon.

________6. Hindi dahilan ang pagiging kapos sa buhay upang maging pabaya.

________7. Matuto tayong maging masunurin sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan .

________8. Ang pagsunod ay mabuting paraan upang mapigilan ang pagkalat ng bayrus.

________9. Taos-pusong panalangin at pag-iingat ang magagawa natin ngayon.

_______10. Kapit-bisig nating labanan ang pandemyang nararanasan natin ngayon

Pagsasanay 2
Panuto:
Panuto :Punan nang angkop na kayarian ng pang-uri ang patlang upang
mabuo ang talata..Piliin ang sagot sa kahon.

agaw-pansin , masarap , manamis-namis , malaki , lanta , kayganda


berdeng , mainit , sari-saring , sariwang , masustansya , malaki

Nagtanim ng (1)___________gulay at prutas ang aking ama sa gilid ng


aming bahay noong mawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya. Makalipas ang
ilang buwan ay nakapag-ani na kami ng mga gulay. Tunay na (2)___________at
(3)___________ang mga ito. (4)___________gulay ang madalas na iniluluto ng
aking ina galing sa tanim ng aking ama.Bukod dito marami rin kaming nakuhang
(5)______________na kamote .

(6)__________ naman sa taniman ng aking ama ang bunga ng lemon dahil


Ito’y (7)__________ Tila (8)__________ na rin ang mga dahon nito dahil
sa_(9)______na panahon.Tunay ngang (10)__________ pagmasdan ang pananim
ng aming ama.

Page 20 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

Pagsasanay 3

A.Panuto: Piliin ang pang-uring ginamit sa pangungusap at isulat sa tamang hanay ng


kayarian ng pang-uri na nasa ibaba.

1. Sa isang dukhang tahanan ipinanganak si Manny Pacquiao.

2. Dahil sa pagsisikap , ang buhay niya ay naging maunlad.

3. Dati ay hindi malaman ng kanyang hilong-talilong na ina kung saan kukuha ng

pambili ng pagkain ng pamilya.

4. Ngayon ay marangya na ang pamumuhay ng pamilya nila.

5, Sikat na sikat rin siya sa buong mundo dahil siya ang kampeon sa pagboboksing.

Kayarian o Anyo ng Pang-uri


Payak Maylapi Inuulit Tambalan

B.Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga pang –uring may iba’t ibang
kayarian na isinulat ninyo sa talahanayan,

6.__________________________________________________________________
7.__________________________________________________________________
8.__________________________________________________________________
9.__________________________________________________________________
10.________________________________________________________________

Page 21 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________________________

Tandaan
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.

Ito ay may iba’t ibang kayarian tulad ng Payak na binubuo lang ng salitang ugat.

Maylapi na binubuo ng salitang ugat at panlapi. ,Inuulit na binubuo ng pag-uulit sa

salita. At Tambalan na binubuo ng dalawang magkaibang salita.

PAGTATAYA

Sumulat ng talatang may 5 pangungusap na naglalarawan tungkol sa paksa sa ibaba.

Gamitin ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri at bilugan ito.

Ang Pandemya ng Covid 19


____________________________________________________________

____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

______________________________________________________________

Page 22 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Talata

10 May kaisahan ang diwa ng pangungusap . Tama ang paggamit ng lahat ng mga
kayarian ng pang-uri . Wasto rin ang paggamit ng maliit at malaking letra.
8 May sapat na paliwanag ngunit may isang mali sa paggamit ng maliit at malaking
letra at sa paggamit ng kayarian ng pang-uri.
6 May sapat na paliwanag ngunit may 2 mali sa paggamit ng maliit at malaking letra at
sa paggamit ng kayarian ng pang-uri.
4 May kaguluhan ang diwa ng mga pangungusap . Mahigit sa tatlo ang mali sa pagsulat
at paggamit ng kayarian ng pang-uri.
2 Walang nabuong pangungusap at hindi tama ang pagsulat at paggamit ng mga
kayarian ng pang-uri.

References for Further Enhancement:


1.Bagong Binhi Filipino ...Wika at Pagbasa –p251-253
2. Lahi 6 –p. 196-197

Inihanda ni :
Wilma B. Orjaleza
Timoteo Paez Elem. School

Page 23 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 6
Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikalimang Araw

Layunin : Nagagamit nang wasto ang kailanan ng pang -uri sa paglalarawan sa iba’t
ibang sitwasyon.

Panimula

 Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng pangngalan o panghalip.

Kailanan ng Pang –uri

1. Isahan – ito ay ginagamit kung iisa lang ang inilalarawan.


 Maari ring gumamit ng panlaping isahan tulad ng
ma- ,ka, pang - , at iba pa
Halimbawa
1. Maputi ang kulay ng balat ni Carmina.
2. Malamig ang simoy ng hangin sa Baguio’
3. Kalahi ko siya.

2. Dalawahan – ito ay ginagamit kung dalawa ang inilarawan


 Ang panlaping maaring gamitin ay magka-, magsing,
magkasing- at paggamit ng salitang kapwa at pareho.

Halimbawa
1. Parehong maputi ang balat nina Carmina at Zoren.
2. Kapwa malamig ang simoy ng hangin sa Baguio at Tagaytay
3. Magkalahi kaming dalawa

3. Maramihan - higit pa sa dalawa ang inilalarawan


 Maaring gamitin ang pantukoy na mga, pag-uulit ng unang pantig
ng salitang ugat , Pag-uulit ng pantig na ka sa mga panlaping ,
magka at magkasing.
Halimbawa
1. Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni Carmina .
2. Malalamig na bansa ang Korea , China at Japan.
3. Magkakalahi kaming magkakaibigan.

Page 24 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

A.Pagsasanay 1

Panuto : Isulat sa patlang ang kailanan ng pang-uring may salungguhit. Ito ba ay Isahan
Dalawahan o Maramihan. Gamitin ang mga salitang may guhit sa sariling
pangungusap.

________1. Mayaman sa pagdiriwang ang PIlipinas .

Pangungusap: _________________________________________________________

________2. Makukulay ang mga pagdiriwang dito.

Pangungusap :_________________________________________________________

________3. Parehong maganda ang Sinulog Festival ng Cebu at Ati-Atihan


Festival ng Kalibo, Aklan.

Pangungusap :__________________________________________________________

________4. Mahilig tayo sa mga pagdiriwang na nagbibigay –kulay sa ating buhay.

Pangungusap_:__________________________________________________________

________5. Ang Moriones ay munting dula na ginagawa tuwing Mahal na Araw

Pangungusap:___________________________________________________________

________6.Magagandang bulaklak ang palamuti sa mga karosa sa Panagbenga Festival


ng Baguio.
Pangungusap :___________________________________________________________

________7. Ang mga pagdiriwang na ito ay pagpapasalamat sa masaganang buhay na


ibinigay ng Diyos sa kanila..
Pangungusap: ____________________________________________________________

________8. Masasayang mukha ang inyong makikita sa mga pagdiriwang sa iba’tibang


lugar.
Pangungusap:____________________________________________________________

________9. Magsingsaya ang pagdiriwang natin ng Pasko at pista.

Pangungusap: ____________________________________________________________

_______10. Masasarap na pagkain din ang inihahanda sa pagdiriwang na ito.

Pangungusap:____________________________________________________________

Page 25 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

Pagsasanay 2

Panuto: Punan nang angkop na pang-uri ang patlang upang mabuo ang talata.Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

malinaw , masarap , magagandang , pinong , magkasinglamig ,

masasayang , matataas , masaya , tanyag , maganda

(1)___________ mamasyal sa mga (2)__________ pook sa ating

bansa,Pakiramdam mo ika’y nasa paraiso kapag nakita mo ang likas na kagandahan nito.

Sino ba naman ang hindi magiging (3)_________ kapag nakita ang puti at

(4)____________ buhangin gayundin ang (5)__________ at asul na katubigan ng Bohol,

Palawan at Boracay. Gayundin ang (6)____________ na klima at berdeng lungsod ng

Baguio at Tagaytay .

Gayunpama’y nakapanlulumo kapag ang kagandahan ng mga lugar na ito na naging

bahagi na ng (7)___________ bakasyon ay nasira na . Maraming (8)__________ na puno

ang pinutol na siyang nagpapaganda at nagpapalamig sa (9)____________ lugar na iyon.

Sana ay huwag ng tuluyang masira pa ang mga lugar na ito na (10)____________ na

bakasyunan nating mga Pilipino.

Integrated the Development of the Following Learning Skills

1. Critical – thinking skills- analyzing , combining ideas )


2. Communication - understanding of words, following instructions ,writing

Page 26 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: ______________________________________________________

Pagsasanay 3

Panuto: Bilugan ang angkop na kailanan ng pang-uri sa loob ng panaklong


upang mabuo ang talata.

1.(Mahuhusay ,Mahusay , Parehong mahusay) maglaro ng basketbol ang

koponan nila .Naipanalo na nila ang dalawang laro . Pawang 2.(maliksi, kapwa

maliksi,maliliksi ) ang mga manlalaro.May pagkakaisa at pagtutulungan ang limang

3.(mabait ,mababait , kapwa mabait ) na magkakampi .Pinuri sila ng kanilang coach sa

4.(malinis-linis ,malinis ,malilinis) nilang paglalaro.May isang manlalarong napatid at

5.(mabilis , mabibilis, mabilis –bilis) rin namang nakatayo dahil tinulungang makatindig

ng kalaban.6.( Mahinang , mahina-hinang , mahihinang ) tapik din sa balikat ang

iginawad ng nakapatid sa kanya. Pagkatapos ay 7.(matamis, matatamis, magsingtamis )

na ngiti nman ang kanyang isinukli. Tunay ngang 8. (maganda, magaganda , singganda )

ang samahan ng magkatunggali sa basketbol. Ang dalawang koponan ay 9.(magkasing

maunawain, mauunawain , parehong maunawain) sa pagkakamali ng bawat

manlalaro.10.(Masigabong, Masisigabong , Parehong masigabong) palakpakan ang

iniukol sa dalawang koponan ng mga manonood.

Integrated the Development of the Following Learning Skills


1. Critical – thinking skills- analyzing , combining ideas )
2. Communication - understanding of words, following instructions ,writing

Page 27 of 28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________________________

Tandaan
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
Ito ay may iba’t ibang kailanan tulad ng: Isahan ito ay ginagamit kung iisa lang ang
inilalarawan.Maaring gumamit ng panlaping isahan tulad ma- ,ka, pang - , at iba pa .Ang
Dalawahan naman ay ginagamit kung dalawa ang inilarawan at ang panlaping maaring
gamitin ay magka-, magsing,magkasing- at paggamit ng salitang kapwa at pareho. Ang
Maramihan ay higit pa sa dalawa ang inilalarawan at ang maaring gamitin ay ang
pantukoy na mga, pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat , Pag-uulit ng pantig na ka sa
mga panlaping , magka at magkasing.

PAGTATAYA
Sumulat ng talatang may 5 pangungusap na naglalarawan tungkol sa paksa sa
ibaba. Gamitin ang iba’t ibang kailanan ng pang-uri at bilugan ito.

Ang Epekto ng Pandemya sa Ating Kalikasan


____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
______________________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Talata

10 May kaisahan ang diwa ng pangungusap . Tama ang paggamit ng lahat ng mga
kailanan ng pang-uri . Wasto rin ang paggamit ng maliit at malaking letra.
8 May sapat na paliwanag ngunit may isang mali sa paggamit ng maliit at malaking
letra at sa paggamit ng kailanan ng pang-uri.
6 May sapat na paliwanag ngunit may 2 mali sa paggamit ng maliit at malaking letra at
sa paggamit ng kailanan ng pang-uri.
4 May kaguluhan ang diwa ng mga pangungusap . Mahigit sa tatlo ang mali sa pagsulat
at paggamit ng kailanan ng pang-uri.
2 Walang nabuong pangungusap at hindi tama ang pagsulat at paggamit ng mga
kailanan ng pang-uri.

References for Further Enhancement:


1.Bagong Binhi Filipino ...Wika at Pagbasa –p251-253
2. Lahi 6 –p. 196-197
Inihanda ni :

Wilma B. Orjaleza
Timoteo Paez Elem. School

Page 28 of 28

You might also like