You are on page 1of 29

lOMoARcPSD|26696616

AP7 Q4 M5 v4 - This is a module that can be used by grade 7


students in Araling Panlipunan
Bachelor of secondary education (University of Eastern Philippines)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)
lOMoARcPSD|26696616

7
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 5
Karanasan at Bahaging Ginagampanan
ng mga Kababaihan Tungo sa
Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong
Pang-ekonomiya at Karapatang
Pampolitika

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Araling Panlipunan - Baitang 7


Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Karanasan at Bahaging Ginagampanan ng
mga Kababaihan tungo sa Pagkakapantay-Pantay, Pagkakataong Pang-
Ekonomiya at Karapatang Pampolitika.

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng DepEd Rehiyon X.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr.
Development Team of the Module
Author/s: Granie Ray Tracy B. Baldesanso
Reviewers: Ramon A. Villa, HT-I,
Lilia E. Balicong, HT-III
Donna P. Olarte, HT-I,
Edwin V. Beloy, HT-I

Illustrator and Layout Artist:

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Eugene I. Macahis
Assistant Schools Division Superintendent

Member Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang Cagayan de Oro City,9000
Contact Number: (088) 880 7072

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Email Address: region10@deped.gov.ph

7
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 5
Karanasan at Bahaging Ginagampanan
ng mga Kababaihan Tungo sa
Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong
Pang-ekonomiya at Karapatang
Pampolitika

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education-Region 10, at region10@deped.gov.ph

Your Feedback and recommendations are highly valued.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyu 5 ukol sa mga Karanasan at Bahaging Ginagampanan ng mga
Kababaihan tungo sa Pagkakapantay-Pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at
Karapatang Pampolitika.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan/matutunan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kasaysayan, kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot


mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2
Aralin 1 ---------------- 4
Balikan
Tuklasin ---------------- 5
Gawain 1: What’s the Word
Suriin ---------------- 7
Pagyamanin ---------------- 12
Gawain 2: Piliin mo naman Ako!
Isaisip ---------------- 15
Gawain 3: Ano Kaba Talaga?
Isagawa ---------------- 17
Gawain 4: Draw me a Picture
Tayahin ---------------- 18
Karagdagang Gawain ---------------- 19
Gawain 5: Hulaan mo to!
Susi sa Pagwawasto ---------------- 20
Sanggunian ---------------- 21

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga karanasan at bahaging ginampanan ng mga


kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika. Higit sa lahat ay malalaman ang mga karanasan ng mga kababaihan noon at ngayon
at ano ang kanilang naiambag sa ating lipunan.

Saklaw ng araling ito ang detalye ng mga karanasan at bahaging ginampanan ng mga
kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika.

Sa araling ito, inaasahang matutunan ang mga sumusunod;

1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay sa

pagtataguyod at pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano

2. Napahahalagahan ang mga namumuno at ang mga naiambag ng samahang kababaihan sa

kalagayang sosyal, pang-ekonomiya at politikal.

3. Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa papel at kalagayan ng kababaihan sa Timog at

Silangang Asya.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Subukin

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang
pangungusap ay wasto, at MALI kung ang pangungusap ay hindi wasto. Isulat ang sagot
sa iyong papel.
________1. Ang Suffragist ay mula sa salitang suffrage na nangangahulugang
karapatang bumoto sa halalan o reperendum at mahalal sa pamahalaan.
_______2. Noong 1937 itinatag ang kilusang unang nagtaguyod ng pagbibigay sa
kababaihan ng karapatang bumoto.
_______3. Ang Tradisyunal na papel ng kababaihan sa Japan ay nakasalalay sa
sistema kung saan ang babae ang namamayani.
_______4. Si Fu Mingxia ng China ay ang pinakapopular na babaing maninisid o diver
sa buong daigdig.
_______5. Ang kauna-unahang babaing naging pangulo ng Pilipinas noong 1986-1992
ay si Cory C Aquino.
_______6. Sinang-ayunan ng Confucianism ang pagpapahalaga sa mga anak na lalaki
kaysa sa mga anak na babae.
_______7. Si Aung San Suu Kyi ay kinikilala sa mundo bilang simbolo ng demokrasya
dahil sa kanyang pagtataguyod sa demokratikong pamahalaan ng China.
_______8. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila
ang pangunahing tagapagtaguyod ng karapatan ng kalalakihan.
_______9. Noong dekada 1920 nagsimulang umosbong ang kilusang pangkababaihan
sa Pilipinas.
_______10. Ang mga peminista ay mga tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa
pagitan ng lalaki at babae.
_______11. Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na nagbigay ng karapatang
bumoto sa kababaihan noon 1937.
________12. Pinaniniwalaan ng mga taga Japan na walang kahinaan ang mga babae.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

________13. Sa Pilipinas, ang mga kababaihan ang siyang tumatayo bilang babaylan
at katalonan o ang mga lider espiritwal.
________14. Si Ichikawa Fusae ang peministang pulitiko na namuno sa kilusang
Suffragist sa Japan.
________15. Ang Economic Miracle o nakamtang kaunlaran sa ekonomiya ng ilang
piling mga bansa sa Asya ay hindi maisasakatuparan kung wala ang partisipasyon ng
kababaihan.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Karanasan at Bahaging Ginampanan ng mga


Aralin Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-
pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at
Karapatang Pampolitika

Sa modyul na ito ay malalaman natin ang bahagi ng pagsasalaysay ng


kontekstong panlipunan at pagpupunyagi at mabigyang pugay ang mga pakikibaka
ng mga kababaihan sa Asya na maipaglaban ang kanilang mga karapatan tungo sa
pagkakapantay-pantay.

Balikan

Panuto: Iayos ang pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon
sa inilalarawan ng pangungusap.

1. S U N A N K A D U - ay ang pinag-usapan ng dalawang magkaibang panig, na


nakapagkasunduang gagawin, o kaya ang bagay na napagdesisyunan.
2. M O S I L A Y P E R I- ay tumutukoy sa paglalarawan sa isang pamamaraan ng
pamamahala na kung saan ang isang malaking bansa ay mayroong layunin na
palawakin ang kanilang sakop na lupain sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba't
ibang hakbangin.
3. M A A N G D I G D I G IG P A N A D - ay kilala din sa tawag na First World War,
the Great War, the War of the Nations, and the "War to End All Wars", ay naganap
noong 1914 hanggang 1918.

4. L O I D O E H Y A I - Ang mga pamantayang sinusunod ng mga mamamayan na


kung saan ito ang pumipilit sa kanila upang mapakilos ang mga mamamayan bilang
isang bansa.
5. S I K A N H I M A G - ay ang tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan
laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga
awtoridad o mga may katungkulan

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Tuklasin

Gawain 1: What’s the word?

Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang pangalan ng mga kababaihan
na nasa larawan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Siya ay ang peminista at politikong namuno sa Kilusang Suffragist sa Japan.

K U A I I A E A F C S H W

2. Kauna-unahang babaing pangulo ng Pilipinas (1986-1992) Tinagurian siyang Ina ng


Demokrasyang Pilipino.

Q N R A Y C U I O O

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

3. Pinakapopular na babaing maninisid (diver) sa buong daigdig.

I M U X N G F I A

4. Ang unang babaeng pangulo ng South Korea.

E H A K E P U N R Y G

5. Siya ang state counsellor ng Myanmar.

K U S G N A S N U U A Y I

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Suriin

Ang papaunlad na kalagayan ng kababaihang Asyano sa larangan ng edukasyon,


sining, kultura at politika ay lumikha ng mga kababaihang may talino at kakayahan. Sa
bawat rehiyon ng Asya ay may namumukod tanging kababaihan sa iba’t-ibang larangan.
Karanasan at Bahaging Ginagampanan
ng mga Kababaihan sa Silangang Asya
I.CHINA Siya ay mula sa Wuhung Hubei, China.
Pinakapopular na babaing maninisid
(diver) sa buong daigdig. Marami siyang
napanalunan na gintong medalya sa
Olympics. Isa siya sa pinakamahuhusay
na maninisid sa buong daigdig. Sa edad
na 12, itinuturing siyang pinakabatang
kampeon sa buong mundo sa ano mang
laro. Siya rin ang pinakabatang Tsino na
nanalo ng gintong medalya sa Olympics
sa edad na 13.
Fu Mingxia
https://www.google.com/search?q=fu+mingxia&tbm
II. JAPAN Siya ay ang peminista at politikong
namuno sa Kilusang Suffragist sa Japan.
Nahalal siya nang limang ulit sa
Parlamento habang nangangampanya
para sa pagkakapantay-pantay. Siya ang
nanguna at nagtatag ng Fusen Kakutoku
Domei o Women’s Suffrage League.

Ichikawa Fusae
https://www.google.com/search?q=sino+si+ichikawa+fusae&hl
III. KOREA Siya ang unang babaeng pangulo ng
South Korea (2013–17) at lider ng
conservative Saenuri (New Frontier) Party

Park Geun-Hye
https://www.google.com/=kilalang+mga+babae+sa+SOUTH+KOREA&tbm

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Karanasan at Bahaging Ginagampanan


ng mga Kababaihan sa Timog Silangang Asya
IV. INDONESIA Si Megawati Sukarnoputri ay kilala sa
katawagang Sukarnoputri na ang ibig
sabihin ay anak na babae ni Sukarno. Si
Megawati Sukarnoputri ay madalas ding
tinatawag bilang Megawati o Mega, na
nagmula sa Sanskrit na
nangangahulugang 'cloud goddess'. Siya
ay isang Indonesian na pulitiko na
nagsilbi bilang Pangulo ng Indonesia
mula Hulyo 23, 2001 hanggang
Oktubre 20, 2004. Megawati Sukarnoputri
https://brainly.ph/question/2135260#readmore
V. MYNAMAR Si Aung San Suu Kyi ay kinikilala sa
mundo bilang simbolo ng demokrasya
dahil sa kaniyang pagtataguyod sa
demokratikong pamamahala sa
Myanmar. Mula 1989 hanggang 2010,
paulit-ulit na ikinulong si Suu Kyi dahil sa
kaniyang pakikipaglaban para sa
karapatang pantao ng mamamayan at sa
pagbabalik ng demokrasya sa Myanmar.
Sa kasalukuyan, siya ang state
counsellor ng Myanmar na
may tungkulin tulad ng Aung San Suu Kyi
isang punong ministro.

https://www.google.com/search?q=aung+san+suu+kyi&hl
VI. PILIPINAS Kauna-unahang babaing pangulo ng
Pilipinas (1986-1992) Tinagurian siyang
Ina ng Demokrasyang Pilipino.
Matapos mapatay ang kanyang asawa
na si senador Benigno S. Aquino Jr.
noong 1983, napili si Gng. Aquino na
lumaban sa isang snap election kay
President Ferdinand Marcos.
Nagkaroon ng malawakang dayaan sa
eleksyon na nagresulta sa Rebolusyon
sa EDSA noong 1986. Corazon C. Aquino

https://www.google.com/search?q=cory+aquino&hl=en&source

Sa ngayon, hindi pare-pareho ang kalagayan ng kababaihan sa Asya. May higit


na maganda ang kalagayan at mayroon ding kakaunti lamang ang karapatan. Hindi
basta-basta narating ng kababaihang Asyano ang kasalukuyang kalagayan nila.
Nagpupunyagi ang kababaihang Asyano upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Ang pagtatrabaho at pagboto tuwing halalan ay ilan lamang sa karapatan at


pagkakataong ipinaglaban nang matagal na panahon ng mga kababaihan bago nila ito
nakamtan. Sa pakikipaglaban nila para rito, marami silang hirap na pinagdaanan. Ito ang
mga ipinaglaban ng mga kababaihan para sa kanilang karapatan.

NASAAN ANG BABAE SA KASAYSAYAN?

Mapapansing sa pangkalahatan, kulang tayo sa literature hinggil sa papel ng


kababaihan sa kasaysayan. Sa Pilipinas halimabawa, patuloy paring binubuo ng mga
historyador at peminista (feminist) ang kasaysayan ng kababaihan. Ang mga peminista
ay mga tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at babae. Ito ay
dahil karamihan sa akdang pangkasaysayan ay isinulat ng kalalakihan, kundi man mula
sa pananaw ng lalaki. Kadalasan ding itinuturing na ang kasaysayan ng kababaihan at
kasaysayan ng kalalakihan ay pareho lamang kung kaya hindi na kailangan pang bigyan
ng hiwalay na pagtalakay.
Bilang mga Asyano, mahalagang malaman natin ang mga pakikibakang
isinagawa ng kababaihan sa Asya upang makamtan ang pagkakapantay-pantay ng
lalaki at babae sa lipunan.

KILUSANG SUFFRAGIST

Ang Suffragist ay mula sa salitang suffrage na nangangahulugang karapatang


bumoto sa halalan o reperendum at mahalal sa pamahalaan. Ang mga kilusang
pangkababaihan, kilala rin bilang Kilusang Suffragist, ay nabuo sa iba’t ibang bahagi ng
Asya sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Maipagmamalaki ng mga Pilipino na ang Pilipinas
ang isa sa mga unang bansa sa Asya na nagbigay ng karapatang bumoto sa
kababaihan noong 1937.

PILIPINAS

Malinaw na may mahalagang papel na ginampanan ang kababaihan sa lipunan


bago lumaganap ang kolonyalismo. Kababaihan ang karaniwang tumatayo bilang
babaylan at katalonan o mga lider-espiritwal. Marami ring pribilehiyo at karapatan ang
kababaihan na dati-rati ay tinatamasa nila subalit nawala na sa kanila dahil sa

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

kolonyalismo. Kung gayon, ang pakikibaka ng kababaihan para sa pantay na karapatan


ay maaaring tingnan bilang pagbawi ng kanilang dating mataas na katayuan sa lipunan.

Mahaba-haba na rin ang pakikibaka ng kababaihan sa Pilipinas para sa


karapatang bumoto bago ito naipagkaloob sa kanila noong 1905. Itinuturing ang taong
1905 bilang simula ng feminism sa Pilipinas. Ito ay sa pagkakatatag ng Asociacion
Feminista Filipina na pinangunahan ni Concepcion Felix. Layunin ng nasabing samahan
na maipatupad ang reporma para sa kababaihan gaya ng reporma sa edukasyon, sa
kulungan at sa paggawa. Nagkaroon ng iba’t ibang isyu na kinasangkutan at nilabanan
ng kababaihan gaya ng militarisasyon, karahasang pantahanan o (domestic violence) at
iba pang uri ng diskriminasyon sa kababaihan.
Kilusang Pangkababaihan na nabuo simula dekada 1960 - 1980
Malayang Kilusan ng Bagong Nakipaglaban para sa kalayaan hindi lamang sa
Kababaihan (MAKIBAKA) kababaihan kundi pati na rin sa bayan.
Samahang Progresibo ng mga Binubuo ng kababaihang manggagawa at
Kababaihang Pilipino (SPKP) magsasaka.
Katipunan ng Bagong Pilipina Tumulong upang mabigyan ng pagkakataong
(KBP) pangkabuhayan ang kababaihan lalo na sa
National Commission on the Role kanayunan.
of Filipino Women (NCRFW)
National Organization of Women Itinatag ni Eva Estrada Kalaw noong 1965 upang
(NOW) makipaglaban para sa malinis na halalan.
Concerned Women of the Itinatag upang ipaglaban ang ilang isyung
Philippines (CWP) panlipunan na may epekto sa kababaihan.
Kilusan ng Kababaihang Pilipino Itinatag noong 1981 upang mataguyod ang mga
(PILIPINA) proyektong pangkabuhayan sa mahihirap na
lugar sa Pilipinas.
General Assembly Binding Women Pinakamahalaga sa kilusang nabuo at nagsilbing
for Reforms, Integrity, Equality, koalisyon ng iba’t ibang grupong
Liberty and Action (GABRIELA) pangkababaihan.

Alliance of Women for Action Binuo nina Margarita “Tingting” Cojuangco,


towards Reconciliation (AWARE) Solita Monsod na nakipagtulungan sa iba’t ibang

10

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

organisasyon sa pagbibigay ng impormasyon sa


pagsusuri ng mga isyu at proyekto.
LILA-Pilipina Isang organisasyon ng comfort women na
patuloy na ipinaglalaban ang pagbibigay ng
katarungan ng Japan sa kababaihang biktima ng
karahasan ng mga sundalong Hapones.

Matapos ang pagkakatatag ng unang kilusang peminista noong 1905,


ipinagpatuloy ng kababaihan ang pag-oorganisa upang maipaglaban ang mga
karapatan. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang kababaihan ay
humarap sa iba’t ibang hamon ng buhay. Nagkaroon ng iba’t ibang isyu na
kinasangkutan at nilabanan ng kababaihan gaya ng militarisasyon, karahasang
pantahanan (domestic violence) at iba’t ibang uri ng diskriminasyon.

JAPAN

Ang tradisyunal na papel ng kababaihan sa Japan ay nakasalalay sa sistema


kung saan ang lalaki ang namamayani (tinatawag ding sistemang patriyarkal). Ayon sa
tradisyon, tinuturuan ang babaing sundin ang kanyang ama, asawa, at anak na lalaki.
Maituturing ang mga pananaw na ito sa nakasulat sa paniniwalang Confucian na nakuha
ng Japan mula sa China. Kung kaya ang pagpupunyagi ng kababaihang Hapones na
makamit ang karapatan sa pagboto ay isang napakalaking hakbang para sa kanila.

Si Ichikawa Fusae naman ang peminista at politikong namuno sa Kilusang


Suffragist sa Japan. Nahalal siya ng limang ulit sa Parlamento habang nangangampanya
para sa pagkakapantay-pantay. Noong 1924, pinangunahan niya ang pagtatag ng Fusen
Kakutoku Domei o Womens Suffrage League. Ito ang naging simula ng pagkakaroon
nila ng karapatang mag-organisa at dumalo sa mga pulong-politikal na dati ay
ipinagbabawal sa kanila.

Subalit sa kabila ng tagumpay na natamo ng kababaihan sa Asya sa usaping


pagboto, may kababaihan parin sa ibang lugar na hindi pa binibigyan ng karapatang
bumoto hanggang ngayon. Sa kasalukuyan, may karapatan ang kababaihan sa kahit
11

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

saang bahagi ng daigdig na bumoto maliban sa ilang bansa tulad ng Kuwait, United Arab
Emirates at Brunei.

PAGKAKATAONG PANGKABUHAYAN

Ang kasaysayan ng pakikipagtunggali ng kababaihan sa Asya ay hindi lamang


kasaysayan ng mga babaing nakapagtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Ito ay
kasaysayan din ng mga babaing magsasaka at mga mangagawa. Kung tutuusin, ang
economic miracle o nakamtan ng kaunlaran sa ekonomiya ng ilang piling mga bansa sa
Asya ay hindi naisakatuparan kung wala ang partisipasyon ng kababaihan.

MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN SA ASYA

Dahil sa iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyong naranasan sa lipunan


at sa pamilya, nakita ng kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang
maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Mahalaga ang
pagkakaroon ng kilusang pangkababaihan sapagkat sila kang pangunahing
tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan. Nagsisilbing simbolo ang mga kilusang ito
ng kamulatan ng kababaihan at kanilang kahandaang labanan ang kaapihang
nararanasan sa lipunan. Bukod sa karapatang bumoto, at makibahagi sa pang-
ekonomiyang pamumuhay, marami pang karapatang ipinaglalaban ang kababaihan.
Ang mga pagpupunyagi ng kababaihan sa Asya para sa kanilang karapatang
politikal ay dapat pahalagahan upang makamit ang mga pagkakataong ekonomiko. Ang
patuloy na pagpapalawak sa karapatan ng kababaihan lalo na sa pagkakaroon ng
karapatang politikal at pagkakataong pangkabuhayan ay nagpapakita na ang
kababaihan ay kumikilos upang ipaglaban ang karapatan sa lipunan.

12

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Pagyamanin

Gawain 2: Piliin mo naman ako! (15 items)

Panuto: Punan ng mga angkop na salita o parilala ang mga patlang upang mabuo ang
diwa ng talata. Ang mga salita na pwedeng pagpilian ay nakapaloob sa mga bilog. Isulat
ito sa inyong sagutang papel.

Cory
babaylan batas pagtatag
Aquino

ipaglaban demokrasya reporma bumoto

karapatan mababang kalayaan gintong

pakikibaka Pilipinas matamo

1. Sa Pilipinas may mga kilusang pangkababaihan na nabuo simula dekada 1960

hanggang dekada 1980; ang Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)

ay nakipaglaban para sa kalayaan hindi lamang ng kababaihan kundi ng bayan.

2. Ang mga peminista ay mga tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagitan ng

lalaki at babae.

3. Bilang Asyano, mahalagang malaman natin ang mga ___________na isinagawa ng

kababaihan sa Asya upang makamtan ang pagkaka-pantay ng lalaki at babae sa

lipunan.

13

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

4. Kababaihan ang karaniwang tumatayo bilang _________ at katalonan o mga lider

espiritwal.

5. Nararapat lamang nating bigyang pugay ang pakikibaka ng mga edukadang babae

upang _________ ang karapatang bumoto.

6. Kauna-unahang babaing pangulo ng _________ si Corazon Aquino.

7. Si Fu Mingxia an gang pinakabatang Tsino na nanalo ng ________ medalya sa

Olympics sae dad na 13.

8. Ang layunin ng samahang Asociacion Feminista Filipina ay ang maipatupad ang mga

___________ para sa kababaihan, edukasyon, kulungan at paggawa.

9. Pinirmahan ni Gobernador Frank Murphy ang batas na nagkakaloob ng karapatan sa

kababaihan na bumoto.

10. Noong 1924 pinangunahan ni Ichikawa Fusae ang __________ng Fusen Kakutoku

Domei.

11. Sa Kasalukuyan, may karapatan ang kababaihan sa kahit saang bahagi ng daigdig

na _________ maliban sa ilang bansa tulad ng Kuwait, UAE, Brunei

12. Kung babalikan ang kasaysayan ng Japan, mapatutunayang sa kabila ng

_________ katayuan ng kababaihan sa lipunang Hapones.

13. Aung San Suu Kyi ay kinikilala sa mundo bilang simbolo ng __________ dahil sa

kaniyang pagtataguyod sa demokratikong pamamahala sa Myanmar.

14. Ang pagtatrabaho at pagboto tuwing halalan ay ilan lamang sa karapatan at

pagkakataong ipinaglaban nang matagal na panahon ng kababaihan bago nila ito

nakamtan.

15. Ina ng Demokrasyang Pilipino.

14

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Isaisip

Gawain 3: Ano kaba Talaga?

Panuto: Piliin ang sagot mula sa loob ng kahon. Isulat sa sariling papel ang salita na tinutukoy ng
bawat aytem sa ibaba.

MAKIBAKA KBP SPKP NCRFW CWP

PILIPINA NOW GABRIELA AWARE LILA-Pilipina

Malayang kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)


Samahang Progresibo ng mga Kababaihang Pilipino (SPKP)
Kilusan ng Kababaihang Pilipino (PILIPINA)
Concerned Women of the Philippines (CWP)
National Organization of Women (NOW)
National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)

National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)

General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Liberty and Action
(GABRIELA)

Alliance of Women for Action towards Reconciliation (AWARE)

LILA-Pilipina

__________1. Nakipaglaban para sa kalayaan hindi lamang ng kababaihan kundi pati na


rin sa bayan.

_________2. Itinatag noong 1981 upang mataguyod ang mga proyektong


pangkabuhayan sa mahihirap na lugar sa Pilipinas.

_________3. Itinatag ni Eva Estrada Kalaw noong 1965 upang makipaglaban para sa

malinis na halalan.

_________4. Pinakamahalaga sa kilusang nabuo at nagsilbing koalisyon ng iba’t ibang


grupong pangkababaihan.

15

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

_________5. Itinatag upang ipaglaban ang ilang isyung panlipunan na may epekto sa

kababaihan.

_________6. Tumulong upang mabigyan ng pagkakataong pangkabuhayan ang

kababaihan lalo na sa kanayunan.

_________7. Binubuo ng kababaihang manggagawa at magsasaka.

_________8. Isa pang samahan na tumulong upang mabigyan ng pagkakataong

pangkabuhayan ang kababaihan lalo na sa kanayunan.

_________9. Binuo nina Margarita “Tingting” Cojuangco, Solita Monsod na

nakipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon sa pagbibigay ng

impormasyon sa pagsusuri ng mga isyu at proyekto.

_________10. Isang organisasyon ng comfort women na patuloy na ipinaglalaban ang

pagbibigay ng katarungan ng Japan sa kababaihang biktima ng

karahasan ng mga sundalong Hapones.

16

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Isagawa

Gawain 4: Draw me a Picture

Panuto: Gumuhit ng mga larawan tungkol sa papel at kalagayan na nagpapakita ng


katayuan ng mga sinauna at kasalukuyang kababaihan sa Asya sa loob ng box. Isulat ito
sa sagutang papel.

Mga Kababaihan Mga Kababaihan


sa Silangang sa Timog
Asya Silangang Asya

17

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Tayahin
Panuto: Piliin ang angkop na salita sa kahon sa pagbuo ng crossword puzzle sa ibaba. Isulat sa
sariling papel ang sagot.

Katalonan kilusan kolonyalismo


Pakikibaka Patriyarkal peminismo
suffragist reporma tagapagtaguyod

1
2
3
4
5
6
7
8
9

1. kabalikat, katuwang, nagbibigay ng suporta.


2. Pagsakop o paglupig ng isang higit na malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
3. Paniniwalang lalaki ang dapat mamayani sa lipunan.
4. Babaylan o lider-ispiritwal
5. Hango sa salitang kaugnay sa karapatang bumoto sa eleksyon o referendum.
6. Pakikilaban, pakikihamok.
7. Paniniwalang may pantay na karapatan ang mga babae at lalaki.
8. Pagbabago.
9. Samahan o pwersang nabubuo dahil sa magkatulad na layuning ipinaglalaban.

18

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Karagdagang Gawain

Gawain 5: Hulaan mo to!

Panuto: Piliin ang tamanag sagot. Isulat sa sagutang papel

1. Ang tradisyunal na papel ng kababaihan sa Japan ay nakasalalay sa sistema kung saan ang
lalaki ang namamayani. Ito ay tinatawag na?
a. peminismo c. patriyarkal
b. sistema d. matriyarkal

2. Ang economic miracle o nakamtang kaunlaran sa ekonomiya ng ilang piling mga bansa sa Asya
ay hindi naisakatuparan kung wala ang partisipasyon ng?
a. kabataan c. kalalakihan
b. kababaihan d. mayayaman

3. Isang kilusan na nakipaglaban para sa kalayaan para sa kababaihan at sa bayan.


a. AWARE c. NOW
b. MAKIBAKA d. CWP

4. Sa usapin naman ng pagkakataong pangkabuhayan, malinaw na binubuo ng kababaihan ang


malaking bahagi ng kabuuang lakas paggawa sa Asya.
a. pagkakapantay-pantay c. pang-ekonomiya
b. pang-politikal d. pang-sandaigdigan

5. Ito ang tawag sa nakamtang kaunlaran sa ekonomiya ng ilang mga bansa na hindi
maisakatuparan kung wala ang partisipasyon ng mga kababaihan.
a. economic miracle c. economic welfare
b. economic crisis d. economic freedom

19

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)
20
Subukin Balikan Tuklasin
1. TAMA 9. MALI 1. Kasunduan 1. ICHIKAWA FUSAE
2. MALI 10. TAMA 2. Imperyalismo 2. CORY AQUINO
3. MALI 11. TAMA 3. Digmaang Pandaigdig 3. FU MINGXIA
4. TAMA 12. MALI 4. Idiolohiya 4. PARK GEUN HYE
5. TAMA 13. TAMA 5. Himagsikan 5. AUNG SAN SUU KYI
6. TAMA 14. TAMA
7. MALI 15. TAMA Pagyamanin
Isaisip
8. MALI
1. Kalayaan
1. MAKIBAKA
2. Karapatan 2. PILIPINA
3. Pakikibaka 3. NOW
Subukin 4. Babaylan 4. GABRIELA
1. TAMA 11. TAMA 5. Matamo 5. CWP
2. MALI 12. MALI 6. Pilipinas 6. KBP
3. TAMA 13. TAMA 7. SPKP
7. Gintong
4. MALI 14. MALI 8. NCRFW
8. Reporma
5. TAMA 15. MALI 9. AWARE
9. Batas
6. TAMA 10.LILA-PILIPINA
10. Pagtatag
7. MALI
8. MALI 11. Bumoto
12. Mababang Tayahin
9. MALI
10. TAMA 13. Demokras 1. tagapagtaguyod
ya 2. kolonyalismo
14. Ipaglaban 3. patriyarkal
Karagdagang Gawain
15. Cory 4. peminismo
1. C
Aquino 5. pakikibaka
2. B
6. katalonan
3. B
7. suffragist
4. C
5. D 8. reporma
9. kilusan
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|26696616
lOMoARcPSD|26696616

Sanggunian

Ronaldo S. Batisan, DIWA Senior High School Series: Entrepreneurship Module. Diwa
Learning Systems Inc.

Angeles A. De Guzman. Entrepreneurship (For Senior High School, Applied subject, ABM
Strand. Lorimar Publishing, Inc 2018, 25 – 26.

Edralin, Divina M. Entrepreneurship. Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016, 80 – 83.

Leedy, P. and Ormrod, J. Practical Research: Planning and Design 7th Edition. (Merrill
Prentice Hall and SAGE Publications, 2001),

Nick L. Aduana, Entrepreneurship in Philippine Setting (for Senior High School), 2017

Dr. Eduardo A. Morato Jr., Entrepreneurship, 2016

Angeles A. De Guzman, Entrepreneurship for Senior High School Applied Subject ABM
Strand,Lorimar Publishing,p.1-5

Ronaldo S. Batisan, Entrepreneurship: Diwa Senior High School Series, Diwa Learning
Systems Inc., p. 16-20

Eduardo A. Morato Jr., Entrepreneurship, 1st ed., Manila, Philippines: REX Books
Store,p.13

WEBSITE

August 5, 2020 https://www.google.com/=kilalang+mga+babae+sa+SOUTH+KOREA&tbm


August 5, 2020 https://www.google.com/search?q=sino+si+ichikawa+fusae&hl
August 5, 2020 https://www.google.com/search?q=fu+mingxia&tbm
August 5, 2020 https://brainly.ph/question/2135260#readmore
August 5, 2020 https://www.google.com/search?q=aung+san+suu+kyi&hl
August 5, 2020 https://www.google.com/search?q=cory+aquino&hl=en&source

21

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)


lOMoARcPSD|26696616

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

Downloaded by Conradette Pearl Baldedara (pearlconradette@gmail.com)

You might also like