You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Aralin 8: Yamang Tao sa Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Aralin 8: Yamang Tao sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ebuena P. Alvarez, Head Teacher – F.G. Calderon Integrated School(HS)
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor
Tagasuri: Flordeliza A. Jastia, Head Teacher-C.P. Garcia High School
Tagaguhit:
Tagalapat: Ebuena P. Alvarez, Head Teacher III
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and Regional
ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
LuckyS. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and Division ADM Coordinator
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Aralin 8 - Yamang Tao sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ARALING PANLIPUNAN 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling YAMANG TAO SA ASYA!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Gr. 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Yamang Tao sa Asya

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinesenyo at isinulat para sa iyo bilang mag-aral sa ikapitong
baitang. Ito ay isang kagamitang materyal sa pagkatuto na binuo alinsunod sa
itinalagang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto. Nakaayos batay sa
makatakdang pagkakasunod-sunod ang mga saklaw ng paksa. Handog nito ang
paglalahad ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga aralin o paksa
gamit ang iba’t ibang pamamaraan.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

 Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Ang modyul ay nahahati sa mga sumusunod na paksa ng Yamang Tao ng Asya:


 Paksa 1 – Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat
 Paksa 2 – Hanapbuhay
 Paksa 3 – Kita ng Bawat Tao
 Paksa 4 – Migrasyon

Matapos talakayin ang nilalaman ng modyul, ikaw ay inaasahang:


1. Nailalarawan ang kaugnayan ng yamang tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan
at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa mga indikasyon ng pag-unlad;
2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng patuloy na pagtaas ng bahagdan ng
migrasyon at pandarayuhan, hanapbuhay at kaunlaran; at
3. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa yamang tao ng Asya bilang mga
tagapagtaguyod ng kaunlaran ng isang bansa.

1
Subukin

Bago mo umpisahan ang pag-aaral ng paksa sa modyul na ito, sagutan ang gawain
upang malaman kung gaano kalawak ang iyong kaalaman hinggil sa paksa.
ALIN ANG NAIBA?
PANUTO: Tingnan ang mga grupo ng bansa at isulat ang hindi kabilang dito sa
kahon.

1. Mga bansang Pilipinas


nangunguna sa India
Agrikultura China
Saudi Arabia

2. Mga bansang may North Korea


mataas na porsyento ng Malaysia
marunong bumasa at Maldives
sumulat Afghanistan

China
3. Mga bansa na
Japan
nangunguna sa sektor South Korea
ng pagmamanupaktura Timor Leste

Pakistan
4. Mga bansang mababa Japan
ang literacy rate Afghanistan
Syria

5. Mga bansang Saudi Arabia


mayaman sa langis UAE
Iran
Indonesia

2
Aralin

8 Yamang Tao sa Asya

Kilala bilang Asyano, ngunit nagkakaroon ng pagkakaiba sa larangan ng kabuhayan


at pag-unlad. Ganito mailalarawan ang mga mamamayan sa Asya. Ang yamang tao
ang lumilinang sa kalikasang taglay ng isang lugar o bansa. Ang lipunan ay nabubuo
dahil sa mga mamamayan nito.

Balikan

Bigyang tanaw muna natin ang ating nakaraang aralin tungkol sa Yamang Tao sa
Asya na may kinalaman sa paglaki ng populasyon, komposisyon ayon sa gulang,
inaasahang haba ng buhay at kasarian.

PANUTO: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sariling sagutang papel.

HANAY A HANAY B

______1. Tumutukoy ito sa bilang o pangkat ng tao na A. Demographer


may kakayahang maghanapbuhay upang B. Asya
mapaunlad ang sarili at ang bansa sa kabuuan. C. Birth rate
_____2. Ito ang tawag sa mga taong nag-aaral ng laki, D. Qatar
kakapalan at sukat ng populasyon. E. Population Density
_____3. Tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon F. Populasyon
bawat taon. G. Population Growth Rate
_____4. Bansang may pinakamalaking populasyon sa Asya H. Life Expectancy
_____5. Bilang ng taon na itinatagal ng buhay ng mga I. Japan
mamamayan sa isang bansa J. Matandang Populasyon
_____6. Tumutukoy sa bilang ng buhay na sanggol na
ipinanganak sa bawat 1,000 populasyon sa loob ng
isang taon.
_____7. Bansa kung saan ang inaasahang haba ng buhay ay
umaabot sa 83 taon.
_____8. Ang bansang may pinakamataas na tala ng mas
maraming lalaki kaysa babae
_____9. Malaking bahagdan ng populasyon na may edad 60
pataas.
_____10. Ang dami ng naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado
ng isang lugar sa kabuuang sukat nito.

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag-


aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang pansin din sa mga
Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication):
pagtutulungan (Collaboration); pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip
(Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang aralin
na ito online. Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito inaasahang:

1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa bawat


gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang matiyak na
nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay
nang malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

Tuklasin

Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang kahalagahan ng yamang tao sa mga


bansang Asyano.
PANUTO: Magsagawa ng isang SURVEY at PANAYAM sa iyong mga kasama sa bahay
at hingin ang mga sumusnod na impormasyon. (Pagtutulungan)

PANGALAN NG INABOT NG PAG- HANAPBUHAY BILANG NG


KAMAG-ANAK AARAL/TINAPOS TAON NA
NA KURSO NAGHAHANAP-
BUHAY
Halimbawa: BA Major in Manager ng 10
Anthony Ramos Management Bangko
1.
2.
3.
4.
5.

Itanong sa kanila ang mga sumusunod na gabay na tanong:

1. Ano ang dahilan bakit ito ang uri ng trabaho na napili? _______________________
2. Paano nakakatulong ang iyong kasalukuyang trabaho sa iyong sarili, sa
pamilya at sa bansa? ________________________________________________________
3. Magbigay ng dahilan bakit ka nagtagal sa iyong kasalukuyang trabaho. ________

4
4. Kung ikaw ay bibigyan ng oportunidad na mamili ng iyong trabaho at lugar kung
saan mo nais na maghanapbuhay, ano ito at saan? _______________________________
5. Paano nakaapekto ang pandemyang Covid19 sa iyong hanapbuhay/kabuhayan?
_______________________________________________________________________________

Pagsama-samahin ang mga kasagutan. Suriin ito at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Ilan sa iyong mga nakapanayam ang nakatapos at propesyunal? _______________


2. Ilan naman ang may hindi nakatapos ngunit may hanapbuhay? _______________
3. Ilan ang walang hanapbuhay sa kasalukuyan dahil sa pandemya? ___________
4. Ilan ang nagsabing nais nilang magtrabaho sa ibang bansa? ___________________
Bakit? ________________________________________________________________________

Ang modyul na ito ay nakatuon sa talakayan tungkol sa Yamang Tao sa Asya -


bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, hanapbuhay, kita ng tao at migrasyon.

Suriin

Ang isang lipunan ay nabubuo dahil sa mga mamamayan nito. Mahalaga ang
edukasyon dahil ito ang nakatutulong upang ihanda ang mga kabataan sa paglahok
nito sa mga gawaing pang-ekonomiya. Sa mga bansang maunlad, nakatutulong ng
malaki ang populasyon nito sa ekonomiya. Ngunit sa kabilang banda, maraming
kinakaharap na suliranin ang mga mahihirap na bansa sa pagkakaroon nito ng
malaking populasyon dahil hindi maibigay ng pamahalaan ang pangangailangan
nito.
BAHAGDAN NG MARUNONG BUMASA AT SUMULAT:
Kapag pinag-uusapan ang populasyon,
mahalaga ding bigyan ng pansin ang literacy
rate nito. Ito ay porsyento ng marunong
bumasa at sumulat sa isang bansa. Hindi
kasiguruhan na kapag may mataas na
porsyento ng literacy ay may maganda itong
kinabukasan para sa bansa, garantiya lamang
ito ng isang matalinong lakas-paggawa o
yamang tao na kung hindi mapaglaanan ng
tama at sapat na serbisyo ay patuloy na https://en.clipdealer.com/photo/medi
a/A:19912447
magreresulta ng higit pang suliranin. Basic
Literacy ang tawag kapag ang bahagdan ng Mahalaga ang kaalaman sa pagbasa at
pagsulat ng isang tao.
populasyong 15 taong gulang pataas sa isang
bansa ay marunong magbasa at magsulat.
Gayunpaman, sinasabi ng mga eksperto na hindi lamang batayan ang may

5
kakayahang magbasa at magsulat kung hindi ay ang pagkakaroon ng kakayahang
magsuri, unawain at gamitin ang mga impormasyong binasa at isinulat sa praktikal
na pamamaraan at pamumuhay. Ito ay tinatawag na functional literacy.
Mahalaga ang edukasyon sa isang bansa dahil ito ay may mahalagang papel sa pag-
unlad ng isang indibidwal at ng bansa nito. Sinasabing ang kaunlaran ay nakabatay
sa kalidad ng edukasyong mayroon ang isang bansa. Dapat lamang itong
nakadisenyo ayon sa pangangailangan upang maging industriyalisado ang bansa.
Kaya naman lahat ng bansa sa Asya ay may malaking pagpapahalaga sa edukasyon.
May mga bansang naglalaan ng malaking pondo para sa libreng edukasyon upang
mahikayat ang mga mamamayan na mag-aral. Maraming Asyano ang naniniwala na
ang edukasyon ang nag-aahon sa kahirapan.
Talahanayan 1: Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat

Bansa Bahagdan ng Lalaki Babae


Marunong Bumasa
at Sumulat

HILAGANG ASYA

Armenia 38.2% 52.0% 24.2%

Azerbaijan 99.8% 99.9% 99.7%

Georgia 99.8% 99.8% 99.7%

Kazakstan 99.8% 99.8% 99.8%

Kyrgyz. Rep. 99.5% 99.6% 99.4%

Tajikistan 99.8% 99.8% 99.7%

Turkmenistan 99.7% 99.8% 99.6%

Uzbekistan 99.6% 99.7% 99.5%

SILANGANG ASYA

China 96.4% 98.2% 94.5%

Japan **99% (2002 est) **99% (2002 est.) **99% (2002


est.)

Mongolia 98.4% 98.2% 98.6%

North Korea **100% (2015 est.) **100% (2015 est.) **100% (2015 est)

South Korea **97.9% (2002 est.) **99.2% (2002 **96.6% (2002


est.) est.)

TIMOG SILANGANG ASYA


Brunei Darussalam 96.4% 97.7% 95.1%

Cambodia 77.2% 84.5% 70.5%

Indonesia 93.9% 96.3% 91.5%

6
Lao PDR 79.9% 87.1% 72.8%

Malaysia 99.3% 99.8% 98.8%

Myanmar ***75.55% ***80.01% ***71.85%

Pilipinas 96.3% 95.8% 96.8%

Singapore 96.8% 98.7% 95.1%

Thailand 96.7% 96.6% 96.7%

Timor-Leste 67.5% 71.5% 63.4%

Vietnam 94.5% 96.3% 92.8%

TIMOG ASYA

Bangladesh 61.5% 64.6% 58.5%

Bhutan 64.9% 73.1% 55.0%

India 72.1% 80.9% 62.8%

Maldives 99.3% 99.8% 98.8%

Nepal 64.7% 75.6% 55.1%

Pakistan 56.4% 69.6% 42.7%

Sri Lanka 92.6% 93.6% 91.7%

KANLURANG ASYA

Afghanistan 38.2% 52.0% 24.2%

Bahrain 95.7% 96.9% 93.5%

Cyprus 99.1% 99.5% 98.7%

Islamic Rep. of 86.8% 91.2% 82.5%


Iran

Iraq 79.7% 85.7% 73.7%

Israel **91.75% ***94.96% ***88.67%

Jordan 96.7% 98.1% 95.2%

Kuwait 96.2% 96.9% 95.0%

Lebanon 93.9% 96.0% 91.8%

Oman 94.8% 96.9% 90.0%

Qatar 97.8% 97.9% 97.3%

Saudi Arabia 94.7% 97.0% 91.1%

Syria 86.4% 91.7% 81.0%

7
Turkey 95% 98.4% 91.8%

UAE 93.8% 93.1% 95.8%

Rep. of Yemen 70.1% 85.1% 55.0%


Pinagkunan: United Nations Development Programme Report 2009 (www.mapsofworld.com)
**www.indexmundi.com***countryeconomy.com
Malaki ang papel ng edukasyon sa pagtaas ng literacy rate ng mga
mamamayan

"A young girl reads out loud in front of her "Students from the newly-repaired Bislig
class" by Global Partnership for Education - Elementary School listen to World Bank Group
GPE is licensed under CC BY-NC-ND 2.0 President, Jim Yong Kim" by World Bank Photo
Collection is licensed under CC BY-NC-ND 2.0
Mga Gabay na tanong:
1. Batay sa mga datos, anu-anong mga bansa ang may mataas na literacy rate?
Saang rehiypn ng Asya sila matatagpuan?
2. Anu-anong mga bansa ang may mababang literacy rate? Bakit?
HANAPBUHAY AT KAUNLARAN
Ang mga Asyano ay may iba’t ibang uri ng hanapbuhay batay sa kanilang kalagayang
heographikal. Agrikultura ang maituturing na pangunahing sektor pang-ekonomiya
ng Asya. Karamihan sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Timog Asya ang
nakasandig sa mga gawaing agrikultural tulad ng pagsasaka at paghahayupan.
Tunghayan natin ang mga sumusunod na mahalagang konsepto tungkol dito.

TIMOG ASYA
 Halos 75% ng mga mamamayan ang nakatuon sa pagsasaka - bigas, wheat
at mani ang kanilang mga pangunahing produkto. Ang mga bansang India at
Sri Lanka ang mga bansang pangunahing bansang nagluluwas ng tsaa.
 Lumaganap ang industriyalisasyon sa India, marami sa mga mamamayan
nito ang may taglay na kasanayan sa mga pabrika, industriya at korporasyon.
 Ang bansang Pakistan, bagamat nanatiling agrikultural ay may mga
industriyang maunlad sa ngayon. Karaniwan ang mga mamamayan nito ay
nangingibang bansa.
 Nanatiling mahirap na bansa ang Bangladesh, Bhutan at Sri Lanka, Nepal at
Maldives.

8
TIMOG-SILANGANG ASYA
 Ang mga bansang tulad ng Cambodia, Vietnam at Thailand ay mga bansang
nagluluwas ng bigas bilang pangunahing produkto. Sinasabing ang rehiyon
ay may 50% na mga sakahan na pinagtatamnan ng palay.
 Ang bansang Brunei ay maunlad kumpara sa ibang bansa sa rehiyong ito
dahil sa langis.
 Sa bansang Malaysia, maipagmamalaki nila ang kanilang lakas-paggawa na
tumatanggap ng mababang pasahod kumpara sa ibang bansa, lumaganap
ang industriyang elektronik na siyang nakapag-enganyo sa sa mga dayuhang
mamumuhunan.
SILANGANG ASYA
 May mataas na antas ng kabuhayan ang mga bansang Japan, Timog Korea,
Taiwan at Hongkong na mga industriyalisadong bansa.
 Sinasabing ang China ang isa sa nangungunang tagapagluwas ng bigas,
wheat, tsaa, soybean, bulak, jute at silk.
 Limamput -limang porsyento (55%) ng mga mamamayan nito ay sangkot sa
gawaing agrikultural.
 Nangunguna naman ang China, Japan, South Korea at Singapore sa sektor
ng pagmamanupaktura, ilan sa kanilang produkto ay electronics, appliances
at sasakyan.
 Maituturing na sa Singapore matatagpuan ang mahahalagang daungan at
sentro ng pagmamanupaktura sa Asya tulad ng kemikal, makinarya, metal,
transportation equipment at shipbuilding. Itinayo nila ang industriyang
kompyuter at elektroniks na nagbigay ng trabaho sa maraming mamamayan
nito.
 Ang bansang Japan ay naging ganap na industriyalisado nang itayo nito ang
mga industriya at pagawaan. Napaunlad nila ang kanilang ekonomiya dahil
na rin sa kanilang work ethics, pagiging disiplinado at matiyaga. Mayroon
silang makabagong sistema ng transportasyon tulad ng bullet train at iba’t
ibang tatak ng sasakyan.
KANLURANG ASYA
 Napakaliit na bahagi lamang ng lupain sa Kanlurang Asya ang angkop sa
pagsasaka. May kaugnayan sa industriyang petrolyo ang hanapbuhay ng
mga mamamayan dito tulad ng pagtatrabaho sa mga oil refinery at oil
shipping facility.
TIMOG-KANLURANG ASYA
 Bukod sa yamang langis, ang agrikultura ay malaking tulong sa bansa na
nagbibigay sa mga tao ng mga produktong bulak, prutas at gulay sa
Turkmenistan.
 Angat sa kabuhayan ang Saudi Arabia, napaunlad nila ang imprastraktura
at napahusay ang kanilang transportasyon at komunikasyon. Napaayos
ang mga kalsada at nakapagpatayo ng ng pabrika at industriya.
 Nagsusumikap din ang bansang Iraq na paunlarin ang kanilang ekonomiya
sa pamamagitan ng kita mula sa langis ngunit dahil sa pagkakasangkot
nito sa mga digmaan ay naapektuhan ang programa ng pag-unlad nito.

KATANGIAN NG ISANG MAUNLAD NA BANSA (Cacanindin, et.al.)


1. Matatag na imprakstraktura at nagtataasang mga gusali.
2. Maayos at maunlad na sistema ng transportasyon at komunikasyon

9
3. Nakapagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan tulad ng
tubig, elektrisidad, kalusugan, edukasyon, trabaho at pabahay.
4. May mga industriya
5. May malaking bahagdan ng populasyon na may sapat na kitang nakatutugon sa
pangangailangan at kagustuhan.

MGA KATANGIAN NA SUMUSULONG ANG ISANG BANSA: (Cacanindin, et.al)


1. Mga mamamayang mataas ang antas ng pinag-aralan.
2. Iba’t ibang uri ng industriya at komersyo
3. Mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tao
4. Mataas ang antas ng gross national product (GNP) at per capita income
5. Mababang porsyento na namamatay at gayundin ng mga ipinapanganak
6. Mahaba ang inaasahang buhay ng tao
7. Mataas na porsyento ng populasyon ang may hanapbuhay
8. May matatag na pamahalaan

Lakas paggawa sa Asya

(The future of work in developing Asia). "Worker in an industrial factory" by World


Blogs.adb.org. URL - Bank Photo Collection is licensed under CC
https://blogs.adb.org/sites/blogs/files/ADB_2017_L BY-NC-ND 2.0
AO_ADJ_1058_Fotor.jpg

Gabay na tanong:
1. Sa paanong paraan malalaman kung ang isang bansa ay nagtataglay ng mataas
o mababang antas ng kabuhayan?
2. Bakit nagkakaiba-iba ang kabuhayan at hanapbuhay ng mga Asyano?

10
KITA NG BAWAT TAO:

Magkakaroon ng higit na pag-unawa sa


kalagayang pang-ekonomiya ng bansa kung
nababatid ang taunang paglaki ng Gross
Domestic Product (GDP) – ang halaga ng
nalilikhang produkto ng isang bansa sa isang
taon, gayundin ang per capita income ng
mga tao. Itong huli ay average na kita ng
bawat tao na nakuha sa pamamagitan ng
https://m.economictimes.com/wealth/invest
simpleng paghahati ng Gross National /investing-is-not-a-spectator-sport-
Product (GNP), kabuuang net income ng understanding-dynamics-of-the-game-is-
important/amp_articlehow/53883772.cms
isang bansa sa buong taon, sa bilang ng
populasyon. Hindi ito ang tunay na kita ng Mahalaga sa ekonomiya ang yamang tao
mga tao mula sa kanilang paghahanapbuhay para sa kita ng bansa.
kundi kita kung hahatiin sa bilang ng mga
tao ang GNP. Kinakailangang pagsikapan ng mga bansa na maiangat ang
pambansang kita upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.
Gayunpaman, kailangang mabigyan ng hanapbuhay ang mga tao upang umunlad
ang kanilang kabuhayan at mabawasan ang bilang ng mahihirap sa Asya.
Kinakailangan ding maging maayos ang distribusyon ng kita upang higit itong
pakinabangan ng nakararami, sa halip na mapunta lamang sa bulsa ng iilang
mamamayan.

MIGRASYON
Ang migrasyon o pandarayuhan ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao mula sa
kanilang tirahan patungo sa ibang lugar. Ito ang bunga ng hindi pantay na
distribusyon ng kakayahan at kaunlaran ng pamumuhay ng tao. Isa sa
pangunahing dahilan nito ay ang pagkakataong mapaunlad ang kanilang
pamumuhay, tulad ng pagkakaroon ng mataas na kita, may kalidad na edukasyon
at mabuting buhay. Isa rin sa mga dahilan ay ang kondisyong politikal at
panlipunan sa isang bansa o partikular na rehiyon. Sa paninirahan ng mga tao sa
ibang lugar o bansa, marami ang umaasa na magagamit ang kakayahan at yaman
ng piniling bansa para sa ikauunlad ng pamumuhay nila at makapagbigay ng
magandang kinabukasan sa pamilya.
Mahalaga ang usapin ng migrasyon sa aspeto ng hanapbuhay dahil ito ay may
malaking epekto sa ekonomiya ng Pilipinias sapagkat napakahalaga ng mga perang
pumapasok sa pamamagitan ng remittances. Sa pamamagitan ng migrasyon ay
nangangahulugan din ng pag-aangkat ng mga kaisipang nagmumula sa ibang bansa
na maaring mapakinabangan.

11
Ang paglipat ng mga tao mula sa mga
lalawigan o rural patungong lungsod o urban
sa paniniwalang mas maraming oportunidad
ng hanapbuhay at mas mabuti silang
makapamumuhay. Ito ay may malaking
epekto dahil lumalaki ang mga bilang ng tao
sa lungsod samantalang hindi naman
lumalaki ang lawak ng lugar. Dahil dito,
patuloy na nagsisikip ang mga lungsod.
Dulot nito, nagkakaroon ng suliranin tulad https://www.change.org/p/philippine-
ng kakulangan sa bahay, pagkasira ng government-petition-to-protect-the-lives-of-
overseas-filipino-workers-abroad
kapaligiran, paglaganap ng sakit at kasalatan
sa serbisyong panlipunan. Mga OFW na umaalis ng bansa upang
kumita ng mas malaki

Talahanayan ng Pandarayuhan sa Asya (2019)

Bansa International International Migrants by


Migrants Age group (%)
(thousands)
2000 2019 0-19 20-64 65 up
Asia 49.394 83,559 17.4 74.4 8.2
Kanlurang Asya 18,420 45,635 20.9 74.7 4.4
Hilagang Asya 5,189 5,543 10.7 69.4 19.9
Silangang Asya 5,393 8,105 10.0 75.3 14.7
Timog Asya 15,278 14,083 14.1 71.5 14.4
Timog Silangang 5,113 10,190 15.9 79.1 4.9
Asya
Pinagkunan: www.un.org2019
Mga Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga rehiyon sa Asya ang may malaking bilang ng pandarayuhan? Ano ang
dahilan nito?
2. Bakit nagkaroon ng malaking bilang ng pandarayuhan sa pagitan ng taong 2000
at 2019?

12
Pagyamanin

GAWAIN 1: SITUATION ANALYSIS (Mapanuring Pag-iisip)

PANUTO: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang


HAPPY FACE () kung mabuti o SAD FACE () kung hindi mabuting kalagayan ng
kabuhayan at pamumuhay ng isang bansa ang isinasaad sa mga sumusunod na
pahayag.

______1. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mataas na literacy rate. Ito
ay nangangahulugang may pagpapahalaga ang pamahalaan sa edukasyon ng
mga mamamayan nito.
______2. Karamihan sa nakakapagtapos ng pag-aaral ay may tiyak na
mapapasukang trabaho.

______3. Ang pagsasaka ay maituturing na tradisyonal na hanapbuhay sa mga


Asyano, kahit na tayo ay nasa modernong panahon na ay makalumang
paraan pa din ang ginagamit dito.
______4. Masasabing kapag lahat ng tao sa wastong edad ay may hanapbuhay,
ito ay makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
______5. Bagamat ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay
tinutustusan ng pamahalaan ay marami pa ding mga kabataan sa
kasalukuyan ang hindi nagpapahalaga sa edukasyon.
______6. Malaki ang naging epekto ng pandemya (SARS-CoVid19) sa
hanapbuhay ng halos lahat ng mamamayan hindi lamang sa Asya kundi sa
buong mundo.
______7. Mahalaga sa isang bansa ang pagiging industriyalisado, ngunit hindi
dapat isantabi ang ibang aspeto ng ekonomiya.
______8. Maraming bansang Asyano ang nagsisikap na umunlad ngunit
nahahadlangan ang pagsisikap nito dahil sa kakulangan ng kakayahan, pag-
aaral at pondo sa pagbili ng mga makabagong teknolihiya.
______9. Hindi napapakinabangan ng isang bansa ang lahat ng populasyon
nito.
______10. Maraming Asyano ang nagnanais na makapagtrabaho sa mga
Kanluraning bansa dahil sa oportunidad ng magandang buhay.

13
GAWAIN 2: STATE OF THE NATION REPORT (Pagbuo ng Pagkatao)
PANUTO: Kung ikaw ang kasalukuyang lider ng bansa, ano ang iyong maiuulat sa
taong bayan tungkol sa mga sumusunod na kalagayan ng bansa at paano mo
mapapaunlad ang mga ito para sa kapakanan ng lahat?

Aspeto ng KASALUKUYANG KALAGAYAN HAKBANG NA GAGAWIN


Lipunan
Literacy Rate

Hanapbuhay

Kita ng bawat
Tao

Migrasyon

14
Isaisip

PANUTO: Kumpletuhin ang concept map upang mabuo ang balangkas ng kaisipan.

Ang Yamang Tao ng


Asya ay mailalarawan
batay sa…

Mga Konseptong Dapat Tandaan:


 Kung malaki ang bahagdan ng mga mamamayang
marunong bumasa at sumulat, higit na malaki ang pag-
asang umangat ang kabuhayan ng mga bansa sa Asya.
 Agrikultura ang maituturing na pangunahing
sector pang-ekonomiya ng Asya.
 Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay
isinaalang-alang ng mga Asyanong bansa na makakatugon
https://webcomicms.n sa kahirapan at sa maraming suliraning pangkabuhayan.
et/clipart-9465515-  Ang mga manggagawa, maging mga propesyunal na
person-thinking-
cartoon umaalis ng bansa ay nakapagpapasok ng malaking kita
sa kabang-yaman ng bansa.
 Kinakailangang pagsikapan ng mga bansa na maiangat ang pambansang kita
upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.

15
Isagawa

I’M A MAN OF ACTION! (Pagkamalikhain, Pagbuo ng Pagkatao)


PANUTO: Gumuhit ng pigura ng tao. Ipagpalagay na ikaw ito. Isulat mo sa mga
parte ng katawan nito ang mga katangiang dapat mong taglayin bilang bahagi ng
lakas paggawa upang mapaunlad pa ang iyong sarili at ang bansa.

16
Tayahin

PANUTO: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Isa sa sukatan ng pag-unlad ng mga bansa ang dami ng taong may kakayahang
bumasa, sumulat at umunawa. Anong konsepto ang tumutukoy sa bahagdan ng
marunong bumasa at sumulat sa isang bansa?
A. Employment Rate C. Literacy Rate
B. Life Expectancy D. Unemployment Rate
2. Bakit mahalaga ang edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ang paraan upang umangat mag-isa
B. Ito ang susi upang umunlad ang ekonomiya ng bansa
C. Ito ang paraan upang malaman ng mga nagaganap sa pamahalaan
D. Ito ang nagbibigay ng oportunidad upang makapagtrabaho sa ibang
bansa
3. Sa iyong palagay, paano nakaapekto sa pag-unlad ng bansa ang pagkakaroon ng
mataas na literacy rate?
A. Walang kaugnayan ang pag-unlad ng bansa sa pagkakaroon ng mataas
na literacy rate
B. Ang isang bansang may mga mamamayang may sapat na karunungan ay
madaling makaaahon sa kahirapan dahil sila ang susi sa pag-unlad ng
bayan
C. Ang isang bansang maunlad ay may kakayahang magbigay ng sapat na
edukasyon sa kanyang mamamayan upang mapaunlad nila ang kanilang
mga sarili
D. Ang isang bansang may mga mamamayang may sapat na karunungan ay
madaling makaaahon sa kahirapan dahil sila ay madaling
makahahanap ng trabaho sa ibang bansa

4. Kung ang Japan at South Korea ay nagtala ng 100% na Literacy Rate, ang
Afghanistan naman ay nagtala ng 38.2% Literacy Rate. Gayudin ang Pakistan na
nagtala ng 56.4% Literacy Rate. Bakit kaya napakababa ng literacy rate ng dalawang
bansang nabanggit?
A. Ang bansang Afghanistan at Pakistan ay mahihirap na bansa kung kaya’t
hindi nila napagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng sapat na
edukasyon sa kanilang mga mamamayan
B. Ang bansang Afghanistan at Pakistan ay mayayamang bansa kung kaya’t
hindi na kailangan pang mag-aaral ng mga mamamayan nito
C. Ang bansang Afghanistan ay mayaman ngunit ang bansang Pakistan ay
mahirap ngunit pareho silang hindi minamahalaga ang edukasyon
D. Ang bansang Afghanistan ay mahirap na bansa samantalang ang Pakistan
ay mayaman ngunit hindi nila prayoridad ang edukasyon ng kanilang mga
mamamayan

17
5. Bakit nagaganap ang migrasyon ng mga Asyano sa ibang bansa?
A. Upang makapunta sa mga magagandang lugar pasyalan
B. Upang humanap ng trabahong makapagbibigay ng higit na malaking kita
C. Upang humanap ng mas magandang lugar na matitirhan ng buong
pamilya
D. Upang humanap ng mahuhusay na ospital na makapagbibigay lunas sa
malulubhang karamdaman
6. Ang paglipat ng tao mula sa lalawigan patungong lungsod ay nagbubunga ng
urbanisasyon. Ito ay isa ring malaking hamon sa kasalukuyang panahon. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI kabilang sa masamang epektong idinudulot ng labis na
urbanisasyon?
A. deforestation C. problema sa solid waste
B. pagkalat ng mga sakit D, kakulangan sa pabahay

7. Sa paanong paraan nakaapekto ang pandemyang Covid19 sa ekonomiya ng mga


Asyano?
A. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at unti-unting bumabagsak ang
ekonomiya ng mga bansa
B. Marami ang natakot at nanatili na lamang sa bahay habang hinihintay
na mawala ang pandemya
C. Maraming paaralan ang nagsara at magsasagawa na lamang ng online
class upang hindi mahawa ang mga kabataan.
D. Maraming hindi makapunta sa iba’t ibang magagandang lugar sa Asya na
bumubuhay sa ekonomiya ng kanilang bansa

8. Bilang isang Pilipino, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang
makabangon ang ekonomiya mula sa pandemya?
A. Magsagawa ng online selling
B. Tumulong sa mga frontliners na doctor at nars.
C. Sumunod sa batas ng pamahalaan na bawal lumabas upang hindi
kumalat ang sakit
D. Tangkilikin ang mga produktong Pinoy at mga negosyong pinatatakbo
ng mga Pilipino na unti-unting nagbubukas

9. Kung ikaw ang pinuno ng OWWA, alin sa mga sumusunod ang iyong unang
gagawin sa mga Overseas Filipino Workers na umuuwi mula sa ibang bansa
dahil mawalan ng trabaho dahil sa pandemya?
A. Magsasagawa ng Rapid Test at iquarantine
B. Bibigyan ng ayuda tulad ng bigas at de latang pagkain
C. Bibigyan ng tulong pinansyal upang makauwi sa kanilang pamilya at
makapagsimula ng munting negosyo
D. Magsasagawa ng PCR mass testing upang malaman kung sino ang may
sakit at dapat na magpagaling muna bago sila payagang umuwi sa
kanilang pamilya at bigyan ng tulong pinansyal para sa munting negosyo.

18
10. Bakit nararapat pag-aralan ang antas ng kabuhayan at kahirapan ng mga
bansang Asyano?
A. Upang makasunod sa ipinatutupad ng DepEd
B. Upang makapagpamalas ng paghanga sa mga bansang Asyanong
umunlad.
C. Upang maisa-isa ang mga bansang Asyano batay sa kategoryang
kinabibilangan nito
D. Upang ang mga mahihirap na bansa ay magkaroon ng modelong
magagaya sa pag-unlad.

Karagdagang Gawain

WE’RE ALL IN THIS TOGETHER!


PANUTO: Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong mga kaalaman at konsepto
tungkol sa Yamang tao sa Asya, pumili ng isang gawain at isagawa ito kasama ang
ibang miyembro ng pamilya (Pakikipagtalastasan , Pagtutulungan,
Pagkamalikahain)

GAWAIN A – Paggawa ng Jingle GAWAIN B – Paggawa ng Spoken


Poetry

1. Lumikha ng isang JINGLE tungkol 1. Sa pamamagitan ng paggawa ng


sa kahalagahan ng Yamang Tao sa spoken poetry, ilahad ang mahalagang
isang bansa. tungkulin ng isang mamamayan upang
2. I-record ito sa cellphone at kantahin siya ay makatulong sa pag-unlad ng
kasama ang ibang miyembro ng isang bansa.
pamilya. 2. Bumuo lamang ng apat na saknong
(stanza) at apat na taludtod (verse)

Rubriks sa Pagmamarka

Mga Napakahusay (3) Mahusay (2) Di-Mahusay (1)


Pamantayan
Nagpamalas ng Nagpamalas ng Hindi
Presentasyon
pagkamalikhain, kakulangan sa naintindihan ang
kahandaan at pagkamalikhain at pagsasalita
kalinawan sa kahandaan
pagsasalita
May tuwirang Medyo may Walang
Nilalaman
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa
Nag-iwan ng Nag-iwan ng Walang
Pangkalahatang
makabuluhang makabuluhang kabuluhan ang
Impak
mensahe at mensahe ngunit iniwang
nakahihikayat ng hindi nakahikayat mensahe
maayos. ng maayos

19
Sanggunian
Mga Aklat:

Blando, Rosemarie C. et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral). Manila. Eduresources Publishing, Inc.:
2014 pp. 70-94

Cacanindin, et al. Buhay na Asya. Quezon City. Educational Resources


Corporation.: 2005 pp. 45-57

Mateo, Grace Estela C. (ed) et. al. Asya Pag-usbong ng Kabihasnan. Quezon City.
Vibal Publishing House Inc: 2008 pp. 74-104

Mga Website:
www.worldometers.info2020
www.mapsofworld.com
https://www.un.org/development/desa/pd/sites/www.un.org.development.desa.p
d/files/files/documents/2020/Feb/un_2019_internationalmigration_wallchart.pdf

Mga Link sa You Tube:

GMA Public Affairs. Stand for Truth:Kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas,alamin!


July 23, 2019 Available from https://youtu.be/KfbpzlbliVY (Accessed 7th, June
2020)

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like