You are on page 1of 8

FILIPINO 7

Gawaing Pampagkatuto 2
Kwarter 3
Filipino – Baitang 6
Kwarter 3 – Gawaing Pagkatuto 2:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat: Jocelyn Z. Ligsay


Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza
Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto
PANGALAN: _______________________________
ASIGNATURA: _____________ ANTAS: _____ PETSA: __________

Panimulang Konsepto
Kumusta?
Narinig mo na ba ang salitang denotasyon at konotasyon?
May kaalaman ka na ba dito?
Masaya kung alam mo ang pagkakaiba ng dalawang salita. Kaya naman sa
gawaing ito, matututuhan mo pa ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon..
Tara, simulan na natin ang paglalakbay kasama ang kaibigang bolpen at
papel.

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


Sa gawaing ito, inaasahan na naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat
nito.
Panimulang Gawain
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin
ang letra ng tamang sagot.

1. “Ayaw ko ng bola” ang wika ng dalaga sa kaniyang manliligaw.


a. bato c. laruan
b. binibiro d. niloloko
2. Ang bola ng bata ay pula.
a. bato c. laruan
b. binibiro d. niloloko
3. Si Mary Rose ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
a. kulay ginto c. marangal
b. mahirap d. mayaman
4. Masayang-masaya na umuwi ng bahay ang nanay dahil nabili na niya ang matagal
ng pangarap na gintong kutsara sa palengke.
a. kulay ginto c. marangal
b. mahirap d. mayaman
5. Talagang matinik sa larangan ng Matematika si Joshua.
a. maayos c. mahina
b. magaling d. matalim
B. Panuto: Ibigay ang kahulugan batay sa kontekstuwal na pagkagamit sa
pangungusap ng salitang may salungguhit. Kilalanin kung denotasyon o konotasyon
ang pagpapakahulugan.

1. Napabuntung-hininga siya at saka dumaloy ang ilang patak ng luha mula sa


kanyang mga mata.
2. Nilingon niya ang anak na parang may mahalagang habilin.
3. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika “Inay, igagalang
ko ang gusto mo”.
4. Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
5. Nagkatotoo ang pangako ng amo dahil sa pinag-aral nito si Crispin.

Pagsusuri at Abstraksiyon

Basahin at unawain ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon.


Pansinin din ang mga halimbawa ng mga ito.

Ano nga ba ang denotasyon?

Ang denotasyon ay ang kahulugan ng salita na literal ang


pagpapakahulugan.
halimbawa:
1. Ayaw ko ng bola. (laruan)
2. Matibay ang pagkakagawa ng haligi ng kanilang bahay. (poste)
3. Kahit sa malayo ay kitang-kita ang krus sa simbahan ng bayan ng Santa Cruz.
(gawa sa metal o kahoy)
Ang konotasyon ay ang kahulugan ng salita o pahayag kapag ito ay hindi
tuwiran. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. May mga
paniniwala sa dimensiyong ito ng pagpapakahulugan na ang pansariling
kahulugan ng isang tao ay maaaring ibigay rin.

Narito ang mga halimbawa:


1. Ayaw ko ng bola. (binibiro lamang)
2. Ang haligi ng kanilang tahanan ay matatag sapagkat kahit anong problema
ang dumating ay kayang labanan. (ama)
3. Kahit saan man ako pumunta ay lagi kong dala ang aking krus.
(pananampalataya)
Tandaan:

Ang denotasyon ay literal na kahulugan samantalang ang konotasyon ay


nagiging kontekstuwal ang pagpapakahulugan sa salita kung iuugnay kung paano
ginamit sa pangungusap, gayundin kung paano nagkaroon ng ugnayan ang bawat
salitang ginamit sa pangungusap.

Paglalapat
Pagsasanay 1: Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng ipinahihiwatig sa
bawat bilang. Salungguhitan ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Kilala si Kang sa tawag na “di makabasag-pinggan” sa kanilang baranggay.


(mabigat, mabuti, mahinhin, tamad)

2. Maligayang sumang-ayon si Datu Ramilon sa itinakdang ‘pag-iisang dibdib,


pagtataling-puso, o mahabang- dulang” ng kanyang anak na si Kang at Laon.
(handaan, kasalan, pagkakaibigan, pagkakatipan)

3. “Hindi magkamayaw” ang lahat ng nasasakupan ni Datu Ramilon sa pagtulong sa


paghahanda ng masaganang pagkain at inumin sa piging na itinakda sa pagtataling-
puso ng magkasintahan.
(abalang-abala, galit na galit, pagod na pagod, tuwang-tuwa)

4. Ibinigay ni Kang ang kanyang “puso” kay Laon.


(pag-asa, paglilingkod, pagmamahal, pagtaguyod)

5. Si Kang ay maituturing na magandang “bulaklak” sa kanilang lugar.


(bata, dalaga, may-asawa, may-edad)

Pagsasanay 2: Panuto: Punan ang bawat patlang batay sa hinihinging kasagutan.

1. Pusang itim
Denotasyon: _____________________________________________.
Konotasyon: nagbabadya ng kamalasan

2. Puno
Denotasyon: kahoy
Konotasyon: _____________________________________________.

3. Buwaya
Denotasyon: _____________________________________________.
Konotasyon: ganid/sakim sa kapangyarihan

4. Itim
Denotasyon: kulay
Konotasyon: _____________________________________________.

5. Maitim na ulap
Denotasyon: nagbabadya na uulan
Konotasyon: _____________________________________________.

Pagsasanay 3: Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa unang kolum
sa pamamagitan ngg denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan. Gawin sa
sagutang papel.

Mga Piling Salita Denotasyon Konotasyon


1. ahas
2. bugtong
3. ilaw
4. kawayan
5. pusong bato
Susi sa Pagwawasto

b 5. Tinupad ang sinabi- denotasyon 5.


a 4. Pagtulo/pagpatak- denotasyon 4.
d 3. Hindi nakapagsalita- denotasyon 3.
c 2. Tagubilin- konotasyon 2.
b 1. Kalungkutan- konotasyon 1.
Panimulang Gawain B

Pagsasanay II
dalaga 5.
pagmamahal 4. 1. kulay
abalang-abala 3. 2. angkan/ lahi
kasalan 2. 3. isang uri ng reptilya
mahinhin 1. 4. kalungkutan
5. problema/ suliranin
Pagsasanay I

Pagsasanay III
Anumang kasagutan ng
mag-aaral na malapit sa
ipinahihiwatig na
kahulugan ay maaaring
tanggapin ng guro.

Sanggunian:

Panitikang Rehiyonal 7, pahina 167- 168

https://www.hayzkul.blogspot.com
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaringsumulat o tumawag:

Kagawaran ng EdukasyonRehiyon V
Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600
Landline: (054)440-1772, (054)440-4464
Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

You might also like