You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
PERPETUAL SUCCOUR ACADEMY, INC.

Edukasyon sa pagpapahalaga
st
1 Quarter Week 8-9

I. MELC COMPETENCY CODE

(EsP7PS-If-3.3)
a. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng
mga hilig ay nakatutulong sa pagtupad
ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa
pagpili ng propesyon, kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal
negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa
kapwa at paglilingkod sa mamamayan.

b. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa (EsP7PS-If-3.4)


pagpapaunlad ng mga sariling hilig.

II. OBJECTIVES

III. SUBJECT MATTER

Pagpapaunlad Ng Mga Hilig

IV. PROCEDURE
A. READINGS

Ang pagkilala sa sarili ay gabay sa pagtupad ng mga tungkulin tungo sa


pagpapaunlad ng ating pagkatao. Tanda ito na ang bawat tao ay may kani-kaniyang talento,
kakayahan at kahinaan, mga hilig at tungkuling gagampanan na magiging salik sa pagkamit
ng mga minimithi sa buhay.
Magkaiba man ang ating hilig sa buhay, ang mahalaga’y may maganda itong
patutunguhan na maging kapaki-pakinabang balang araw. Sa kabila ng mga pagsubok, may
pag-asa tayo na kailangan nating pagtuonan ng pansin gaya ng iyong mga hilig gawin
upang maaaliw o malilibang kayo. Sa bandang huli, namamalayan mo na nahasa at
napagtagumpayan mo ang lahat ng pagsubok.
May kasabihan, ”May bahaghari pagkatapos ng bagyo.”
Mga Hilig

“Ang mga hilig ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon dahil gusto
mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na
makatutulong sa iyong pag-unlad.” (Santamaria, 2006)

Ang mga hilig ay maaaring:


a. Natutuhan mula sa mga karanasan
b. Namamana sa ating mga magulang.
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan.
Makatutulong sa iyo ang kasunod na mga hakbang:
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiiwasang gawin.

Sampung Larangan ng Hilig:


1. Outdoor – nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2. Mechanical – nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
3. Computational – nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
4. Scientific – nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-
imbento ng mga bagay o produkto
5. Persuasive – nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan
6. Artistic – nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
7. Literary – nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat.
8. Musical – nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng instrumentong
musikal
9. Social services – nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10. Clerical – nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang – opisina

Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. Ito
ay maaaring:
1. Tao – may kinalaman sa tao
2. Datos – may kinalaman sa mga records, files, numero
3. Bagay – gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)
4. Ideya – pag -iisip at pag-oorganisa ng mga ideya
B. EXERCISE 1
Panuto: SINGLE CHOICE

1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain na gumaganyak sa iyo na


kumilos at gumawa.
a. hilig b. mithiin
c. kakayahan d. pagpapahalaga
2. Ito ay kalakasan upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng musika o
sining. Tinataglay ito ng tao ang kanyang talino o kakayahang mag-isip.
a. hilig b. mithiin
c. kakayahan d. pagpapahalaga
3. Ito ang maging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais,
kahanga-hanga o kapaki-pakinabang.
a. hilig b. mithiin
c. kakayahan d. pagpapahalaga

4. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong hilig? Dahil ito ay_______.


a. magbibigay-kahulugan sa pang-araw-araw na gawain.
b. makapagpapaunlad ng talento at kakayahan.
c. makatutulong sa pagtukoy ng mga bagay na nais mong gawin sa libreng oras.
d. palatandaan ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa
iyo.
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng hilig MALIBAN sa:
a. Si Jamir ay minulat ng kanyang ama na magiging inhinyero, taliwas ito sa
kanyang kagustuhan na magiging sundalo .
b. Hilig ni Emerlyn ang pagbabadminton at madalas siyang nakikipaglaro sa
kanyang mga kaibigan.

c. Natutuwa ang magulang ni Sharifa dahil tumutulong siya sa kanilang patahian.


d. Nakahiligan ni Jesheryn na tumutulong sa mga outreach programs at relief
operations.
6. Ang pinakamahalagang maitutulong sa pagkakaroon ng bagay o gawain na
kinahihiligan ay _______.
a. nakapagpapasaya sa tao
b. nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
c. nakapagpapaunlad ng tiwala at kakayahan sa sarili
d. nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
7. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig MALIBAN sa:
a. suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. pag-isipan ang iyong libangan at paboritong gawin
c. siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo
d. suriin ang pamilya at kinahihiligang gawin na kasama mo
8. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Saan nakasentro ang hilig ni
Hadji?
a. Larangan : musikal Tuon: Tao
b. Larangan: musikal , artistic Tuon: Ideya
c. Larangan: musikal , literary Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musikal, literary Tuon: tao, datos, ideya
9. Ano ang ugnayan ng hilig sa pagpili ng mga kursong akademiko/ bokasyonal?
a. Magtutulak sa pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na
tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng
kasiyahan sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal.
d. Lahat ng nabanggit

10. “Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o


pagmamalaki”. Ang pahayag ay ________.
a. tama, dahil ito ang pinakamataas na antas sa pagtuklas ng hilig.
b. tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginawa ikaw ay masaya .
c. mali, dahil makakamit lang ito kung ginagawa mo sa pagtulong sa kapwa.
d. mali, dahil mahalaga na magkatugma ang hilig sa talento at kakayahan.
11. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagpapaunlad ng hilig ,MALIBAN sa:
a. pagkakanta o paglilikha ng awit.
b. pagninilay kung paano makaahon sa buhay.
c. pagsasanay sa isports at ibang kinahihiligang laro
d. pagsusulat o paglilikha ng mga tula o sanaysay na
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi aspekto ng mga hilig?
a. nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor activities)
b. paghahanda para sa pagbabakasyon
c. nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan
d. nasisiyahang tumulong sa iba
13. Ang mga sumusunod ay pinagmulan ng mga hilig MALIBAN sa:
a. galing ito sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan
b. minamana ito sa mga magulang
c. natutunan ito mula sa karanasan
d. galing ito sa bayan
14. Ang mga sumusunod na mga pahayag ay mga positibong paraan sa pagpapaunlad
ng mga hilig, MALIBAN sa:
a. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
b. Madali akong mainis sa mga taong magulong kausap.
c. Mahalaga sa akin ang pag-aaral ng siyensya.
d. Natuto akong magluto at maghanda ng pagkain .
15. Ang mga sumusunod na mga pahayag ay angkop sa paghubog ng kani-kaniyang
mga hilig, MALIBAN sa:
a. Madali sa akin ang paglutas ng mga suliranin.
b. Madali akong sumuko sa mga pagsubok.
c. Pinananatili kong maging maayos at malinis ang aking mga gawain.
d. Madali akong makabuo ng mga konsepto o paraan sa pamamagitan ng pag-
iisip.

ASSIGNMENT
Panuto: Gumuhit o gumupit ng mga larawan ng mga kurso , bokasyon o hilig
na pinapangarap. Ilagay sa kwaderno ng EsP.

Sagutin:

1. Bakit ito ang pinili mong larawan?

2. Bumuo ng repleksyon ukol sa napiling larawan.

Prepared by

MRS. CERINA PATRIARCA


Perpetual Succour Academy Inc.
Poblacion Dos, Malabuyoc, Cebu

You might also like