You are on page 1of 2

Name:____________________________________ Grade & Section:____________________________

Pres. Carlos P. Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKATLONG MARKAHAN
Quarter 3 Week 1 Day 1 Activity No. 1
Competency : Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
Objective : Naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
Topic : Katarungang Panlipunan
Materials :
Reference :

Concept Notes and Assessment


Katarungang Panlipunan
Katarungan. Madalas mong naririnig ito sa mga rally kapag ipinaglalaban ang karapatan sa lupa o kaya sa
balita tulad ng iyak ng isang inang pinagnakawan ng buhay ng anak. Katarungan ang sigaw kapag may inapi.
Katarungan ang hinihingi kapag hindi patas ang turing sa tao. Kung titingnan nang maigi, ang paggamit sa
salitang "katarungan" sa mga nabanggit na halimbawa ay negatibo. Sa totoo, mas angkop yatang sabihin na
tungkol sa pagkawala ng katarungan o "kawalang-katarungan" ang pinag-uusapan sa itaas. May sinasabi ito sa
atin: (1) ang usaping "katarungan" ay lumalabas lamang sa diskursyo kapag nawawala na ito o kapag umiiral
ang inhustisya (kawalang-katarungan), at (2) sa maraming panahon na hindi nawawala ang katarungan, ang
ibig sabihin nito ay umiiral ang katarungan.
Ano ang katarungan kong gayun? Saan mararanasan o makikita ang katarungan. Baka makatulong sa ating
pagmumuni ang pagbaliktad ng mga naunang halimbawa tungkol sa kawalang katarungan. Kung kawalang-
katarungan ang pagpatay, ang buhay ay katarungan. Kung kawalang-katarungan ang pang-aagaw ng lupa,
katarungan ang gumalang sa pagmamay-ari (ng lupa). Kung kawalang-katarungan ang pang-aapi, katarungan
ang pagkalinga at paggalang sa dignidad ng tao. Mula sa tatlong halimbawang ito, masasabi nating ang
katarungan ay umiikot sa dalawang nibel: ang nibel ng pagkilala sa tao bilang tao; at ang nibel ng pagkilala sa
karapatan ng tao. Ang una ay tungkol sa taong tumatayo bilang isang indibidwal na may sariling pagka-siya at
ang pangalawa naman ay tungkol sa ginagalawang ugnayan ng tao sa kapwa at lipunan.

Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo, at
makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga batas upang maingatan ang mga indibidwal na
karapatan ng tao, ang pamahalaan upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa, ang pulis
upang magbantay sa kalayaan ng mga tao. Ngunit, higit pa dito, ang pinakasentro ng lahat ay ang mga
malalalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad. Kung wala at hindi mahigpit ang mga ugnayang ito,
mauunawaan ang
katarungang panlipunan bilang transaksiyon lamang ng pamahalaan at ng mga sakop nito. Mauuwi ang
katarungang panlipunan sa usaping legalistiko lamang—bilang pagsunod sa batas o pagpapataw ng parusa sa
mga tao. Bagaman kasali rin talaga ang mga ito sa paksa, ang katarungang panlipunan ay, una’t higit, ukol sa
mga tao at sa mga ugnayan nila sa isa’t isa. Kaya nagsisikap magkaroon ng katarungan ay dahil sa pagnanais
na mabuo ang sarili at ang komunidad. Sa ganitong pag-unawa sa katarungang panlipunan, inaaako ng sarili
ang malaking tungkulin na maging makatarungan sa sarili. Dahil kung hindi magiging maayos ang tao, ang
komunidad na kaniyang gagalawan ay mawawasak din. At sa isang katwang balik-ikot ng ugnayang tao at
komunidad, kung wala ring katarungan sa lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang
sarili. Mahalaga ang papel ng pamahalaan dito.

Pagsasanay: Sagutin ng mabuti ang mga tanong.

1. Magbigay ng limang bagay/sitwasyon na masasabi mong ito ay paglabag sa katarungang panlipunan.

2. Ang pagtitinda ng bawal na gamut ay makatarungan ba sa lipunan o walang katarungan, bakit?

You might also like