You are on page 1of 3

PERPETUAL SUCCOUR ACADEMY, INC

National Rd., Poblacion Dos, Malabuyoc, Cebu

Araling Panlipunan 10
3rd Quarter Week 1-2

Pangalan: Marka:
I. MELC COMPETENCY CODE
*Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig
II. OBJECTIVES
Knowledge: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
Skills: Nakabubuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan sa
pagpili ng kasarian at seksuwalidad
Values/Attitudes: Napapahalagahan ang paggalang sa kapwa at pagiging bukas ng isip o open-mindedness

III. SUBJECT MATTER


Kasarian at Seksuwalidad
IV. PROCEDURE
A. READINGS

Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at seksuwalidad. Ngunit ang dalawang konseptong ito
ay madalas mapagpalit bagaman ito ay mag kaugnay.

SEX O SEKSUWALIDAD – tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae.


Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng ating Genetic inheritance o ang pinagmulan ng lahi.
Ang ating genes naman ay nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian ay ating mamamana at naipapasa sa
mga salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupil.
GENDER O KASARIAN – tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad. Ang
mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula sa lipunang ating kinabibilangan at
ginagalawan.
Ang seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat ang mga tao bilang “babae” at “lalaki”. Kung kasarian ang ginagamit
na termino ay “pambabae” o “panlalaki”

ORYENTSYONG SEKSUWALIDAD (SEXUAL ORIENTATION)- tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon


na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pang indibitwal para sa isa pang indibidwal.
PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)- nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng
isang tao, maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.
MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA KASARIAN (GENDER ROLES)
Ang kilos, mga Gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng lipunan. Ang mga bahaging ito ay
nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa mga taonga ting nakakasalamuha.

ANG SINASABING “IKATLONG KASARIAN”


Sila ang mga homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga indibidwal na nakakaranas ng ekslusibong
atraksyon sa katulad nilang kasarian. “Gay, bakla,beki” ang ibang tawag sa homoseksuwal.

ANG PAGIGING ISANG HOMOSEKSUWAL


Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sa pagpapahayag ng isang indibidwal ng kanyang
oryentasyong seksuwal.
TATLONG YUGTO SA PAG LALADLAD
Unang yugto Pagtanggap at pagiging
“Pag-alam sa Sarili” bukas sa atraksiyon sa
katulat na kasarian.
Ikalawang yugto Pagsabi sa kapamilya,
“Pag-amin sa ibang tao” kaibigan, o katrabaho ng
pagiging isang homoseksuwal
Ikatlong yugto Pamumuhay ng bukas bilang
“pag-amin sa lipunan” isang LGBT.
LGBT- Lesbian, Gay. Bisexual at Transgender.
Homoseksuwal (bakla at tomboy) at ang Hemisphere ng utak nila ay higit na Malaki kaysa sa kaliwa.

Page 1 of 3
KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Ang ilang mga karapatang ipinaglabanan ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay:
- Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban
- Karapatang mikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong ibinibigay ng pamahalaan sa ,ga
kasal na heteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at
- Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon

PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinaka tumatanggap sa mga LGBT (gay-friendly nation). Sa isang
pandaigdigang pag aaral na kinabibilangan ng 39 na bansa, pang sampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap
sa homoseksuwalidad.

Sa kabilang dako, masasabi na Malaki ang impluwensiya ng Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga
Pilipino laban sa homoseksuwalidad. Sa pamumuno ng Catholic Bishop’s Conferences of the Philippies (CBCP),
ang Simbahang Katoliko ay aktibo sa pag kontra sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga pangkat-LGBT. Ang mga
konserbatibong Pilipino, pati na rin ang mga Muslim, ay naniniwala na ang homoseksuwal ay immoral. Ganito rin
ang ibang sektang Romano tulad ng Jesus is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva .

RELIHIYON AT PANANAW NG IBA TUNGKOL SA HOMOSEKSUWALIDAD


May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang salungat sa kanilang paniniwala ang pagiging
homoseksuwal. Dahil sa ganitong paniniwala, tinutuligsa nila ang mga homoseksuwal. Hinuhusgahan nila ang
homoseksuwal at naniniwalang ito ay makasalanan.

Sa kabilang dako, mayroong na ring mga lipunang may liberal nap ag iisip at tinatanggap na rin ang kultura ng
homoserksuwal.

DESKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN


Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita sa ating lipunan tulad ng
aspektong poliyikal, pang hanapbuhay atmaging sa tahanan
 Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang political sa pamahalaan, kumunidad at
institusyon.
 Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatang s a kanila gaya ng paggawa ng desisyon at
paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
 Sa panghanapbuhay, ang pang aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan at homoseksuwal kaysa
sa mga kalalakihan.
MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN
 Hindi pagtanggap sa trabaho
 Mga pang-iinsulto at pangungutya
 Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos
 Bullying sa paaralan
MGA SALIK NA MAIMPLUWENSIYA SA DISKRIMINASYON
 Mga paaralan, may mga nababalitang nakakaranas ng diskriminasyon at pang-aapi ang mga mag-aaral na
homoseksuwal
 Pamilya at tahanan, ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya kanyang papel na ginagampanan. Sa
ngayon, nagbago na ang papel na ginagampanan ng mga kasarian.
 Media, dumarami ang mga LGBT na nagiging kilala sa mga industriya ng pelikula, telebisyon at fashion. Na
kikilala ang kanilang talento sa iba’t ibang larangan ngunit may mga pagkakataon
MGA KASO NG KRIMEN NA ANG NAGIGING BIKTIMA
Sa Pilipinas ang the The Philippine LGBT Hate Crime Watch ay isang samahang binuo ng mga miyembro ng LGBT
upang masubaybayan ang mga krimen na nangyayari sa mga homoseksuwal.

MGA EPEKTO NG SAME-SEX MARRIAGE


Ayon sa ilang ga kritiko ng same sex marriage, layunin ng kasal ay ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaan para
sa panganganak, bagay na hindi naman nagagawa ng mag kaparehong homoseksuwal.
Marami naniniwala ang relasyon sa pagitan ng mga homoseksuwal ay ioral at akasalanan. Ipinahayag ni Rev. Fr.
Melvin Castro, executive secretary.

B. EXERCISES FOR SKILLS/ ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS


EXERCISE 1
PANUTO: Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Paano natin maipakikita ang paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan sa pagpili ng sariling kasarian

Page 2 of 3
at seksuwalidad?

2. May mga diskriminasyon batay sa kasarian ka bang nakikita, nararanasan, o naoobserbahan sa inyong
komunidad? Ilarawan.

Sa iyong palagay, ano ang naidudulot nito sa mga biktima ng diskriminasyon?

EXERCISE 2

PANUTO: Lagyan ng tsek ang mga karapatan ng mga homoseksuwal sa ating bansa na itinuturing na legal ayon sa
batas at ekis kung ito’y hindi pa nakakamit.

______1. Pagkilala na homoseksuwal ang magulang ng anak/ampon


______2. Mga gawaing homoseksuwal (Maliban sa mga Muslim sa lungsod ng Marawi)
______3. Karapatang mapalitan ang legal na kasarian (legal gender)
______4. Adoption (pag-aampon ng bata) ng magkarelasyong pareho ang kasarian (Step adoption lamang)
______5. Pagpayag sa mga LGBT na magbigay ng dugo
______6. Pagsali sa hukbong military
______7. Pagpapabago ng pisikal na katangian o pagpaparetoke
______8. Proteksiyon ng batas laban sa diskriminasyon sa trabaho (Hindi sa buong bansa)
______9. Same-sex marriage (s) at pagkilala sa magkarelasyong pareho ang kasarian
_____10. Proteksiyon ng batas laban sa diskriminasyon sa ibang larangan (kabilang na ang di-tuwirang
diskriminasyon, hate speech, at iba pa)

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang sumusunod na pahayag.

__________________1. Ang tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang


indibidwal para pa sa isa pang indibitwal para sa isa pang indibidwal.
__________________2. Ang tumutukoy sa pagpapahayag ng isang indibidwal ng kanyang oryentasyong seksuwal.
__________________3. Isang samahang binuo ng mga miyembro ng LGBT upang masubaybayan ang mga krimen
na nangyayari sa mga homoseksuwal.
__________________4. Ang tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae.
__________________5. Ang tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad.

C. ASSESSMENT/APPLICATION

Bumuo ng talaan na nagpapakita ng positibo (+) at ang negatibong (-) epekto ng pagkakaroon ng karapatan sa
pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
(+) (-)

Prepared by:

GLORY MARICE T. ACERON


Perpetual Succour Academy Inc.
Poblacion Dos, Malabuyoc, Cebu
Page 3 of 3

You might also like