Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
PERPETUAL SUCCOUR ACADEMY, INC.
Edukasyon sa pagpapahalaga
st
1 Quarter Week 4
I. MELC COMPETENCY CODE
Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan.
Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng (EsP7PS-Ic-2.1)
tiwala sa
sarili at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang
mga ito. (EsP7PS-Ic-2.2)
II. OBJECTIVES
III. SUBJECT MATTER
TALENTO MO, TUKLASIN,
KILALANIN AT PAUNLARIN
IV. PROCEDURE
A. READINGS
PAGTUKLAS AT PAGKILALA SA MGA ANGKING TALENTO AT KAKAYAHAN
Ang pag-awit, pagsasayaw, pag-arte, at kamangha-manghang kasanayan o
kakayahan ay mga talentong maaari mong taglayin at linangin.
Sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng
isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ang kaibahan ng talento at kakayahan:
Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Ito ay may kinalaman sa
genetics o mga pambihirang katangiang minana sa magulang.
Ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng
isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o sining. Ito ay likas o tinataglay ng
tao dahil na rin sa kaniyang intellect o kakayahang mag-isip.
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer.
Ang iba ay ang tinatawag na late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin
natin ay napakasimple nating mga kakayahan. Iyong tandaan, espesyal ka, dahil ikaw ay
likha ng Diyos.
Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan.
Ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang tayo’y isilang. Tayo
ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat ng sitwasiyon at okasyon ay
oportunidad sa pagtuklas.
Lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan at talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual/Spatial
2. Verbal/Linguistic
3. Mathematical/Logical
4. Bodily/Kinesthetic
5. Musical/Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Naturalist
9. Existential
Visual/Spatial. Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis
matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining,
arkitektura at inhinyera.
Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat,
abogasya, pamamahayag (journalism), politika, pagtula at
pagtuturo.
Mathematical/Logical. Taglay ng taong may talino
ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at
paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng
lohika, paghahalaw at numero.
Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging
scientist, mathematician, inhinyero, doctor at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic
. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga
kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mataas ang
tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino.
Ang larangang karaniwang tinatahak ng talinong ito ay ang pagsasayaw,
isports, pagiging musikero, pag-aartista, pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera),
konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo.
Musical/Rhythmic
. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng
pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng
pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.
Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang
taong may ganitong talino. Magiging masaya sila kung
magiging isang mucisian, kompositor o disk jockey.
Intrapersonal
. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at
pananaw. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-
isa o introvert.
Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang
researcher, manunulat ng mga nobela o negosyante.
Interpersonal. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang taong
may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa
o extrovert.
Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa
larangan ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo
at social work.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at
pagbabahagdan. Madalas niyang makilala ang mumunti mang
kaibahan sa kahulugan (definition).
Kadalasan ang taong mayroong ganitong
talino ay nagiging environmentalist, magsasaka o
botanist.
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa
daigdig. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at
makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong
ating ginagalawan.
Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino
ay masaya sa pagiging philosopher, theorist, mga pari o
pastor.
Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan.
Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsasanay (practice). Ang tagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi
at tamang pagsasanay. Mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang
pinasok.
B. EXERCISE 1
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Kapag ikaw ay mahilig sa kahit na anong “ball games” at magaling din
sumayaw, anong talino ang nangingibabaw sa iyo?
a. Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic
b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial
2. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang
kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang
bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang
samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang
mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao
dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang
kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
3. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at
kakayahan?
a. Upang makapaglingkod sa pamayanan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
d. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa late bloomer?
a. mga estudyante na laging huli sa klase
b. mga tao na laging nagbibitaw ng mga pangako
c. mga tao na matagal umusbong o natuklasan ang kanilang mga talento
d. lahat ng nabanggit
5. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba
ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa
talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento
katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
6. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento dahil hindi
naman ito makaagaw ng atensyon
7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa talinong Verbal/ Linguistic?
a. may mataas na tinatawag na muscle memory
b. Ito ay talino tungkol sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
c. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
d. Ito ay talino tungkol sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving)
8. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang maihahanay sa talinong
Verbal/Linguistic?
a. Angel Locsin c. June Mar Fajardo
b. Jessica Soho d. Vhong Navarro
ASSIGNMENT
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kwaderno sa EsP.
1. Nasiyahan ka ba sa iyong natuklasan tungkol sa iyong talento at
kakayahan? Oo o hindi. Patunayan.
2. Kopyahin sa iyong kwaderno ang sa tingin mo na aspetong kulang ka ng
tiwala, o matatawag na kahinaan mo
madalas nahuhuli sa klase
mahilig sa paglalakwatsa
nahihirapan magsalita ng Ingles
matigas ang katawan sa pagsasayaw
nahihirapan sa asignaturang Mathematics
madaling maapektuhan sa mga nangungutya
nahihiya/mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko
nahihirapang magsalita at makaintindi ng wikang Filipino
walang kusang loob sa mga gawaing pambahay at pampaaralan
nangangailangan pa ng karagdagang pagsasanay sa pagbabasa
Prepared by
MRS. CERINA PATRIARCA
Perpetual Succour Academy Inc.
Poblacion Dos, Malabuyoc, Cebu