You are on page 1of 32

MODYUL 2

“Talento mo,Tuklasin,
Kilalanin at Paunlarin”

Inihanda ni:
Gng. Melissa R. Gonzales
Layunin:

1. Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan

2. Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito

3. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at


kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod

4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento


at kakayahan
“Pagtuklas at Pagpapaunlad sa mga
angking talento at kakayahan at
paglampas sa mga kahinaan.”
Ano nga ba ang Talento?

✔ Sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na


kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay isang
likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin.
Tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Magkasing kahulugan ba ang Talento
at Kakayahan?
Magkasingkahulugan ba ang talento at kakayahan? Ayon kina Thorndike
at Barnhart, mga sikolohista, sa kanilang “Beginning Dictionary”, ang
talento ay isang pambihira at likas na kakayahan.

Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual


power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan
sa musika o kakayahan sa sining.
Pagkaiba ng Talento at Kakayahan
Talento Kakayahan
✔ isang pambihira at likas na ✔ kalakasang intelektwal upang makagawa ng
kakayahan isang pambihirang bagay
✔ mula sa pambihirang ✔ tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang
katangian na minana sa mag-isip
magulang
✔ tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang
✔ mahirap sukatin mag-isip
✔  kusang lumalabas sa takdang ✔ kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay
panahon
Ang kakayahan ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa
kaniyang intellect o kakayahang mag-isip.

Si Brian Green, isang atleta, ay isa sa mga naniniwala sa teoryang ito.


Gayunpaman, ayon sa kaniya ang pagtutuon ng atensiyon nang marami
sa talent sa halip na sa kakayahan ay isang hadlang tungo sa
pagtatagumpay.
Sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly “Ang pagtutuon ng
atensiyon nang marami
Effective Teens, napakaganda ng binahagi ni
sa talento sa halip na sa
Sean Covey tungkol sa pagtuklas ng talento. kakayahan ay isang
Ayon sa kaniya, bawat tao ay may talento at hadlang tungo sa
kakayahan. pagtatagumpay.”
Brian Green
Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan. Matapos
lumilok ni Michaelangelo ng isang napakagandang obra ay tinanong siya kung
paano niya ito ginawa.

Tumugon siya na ang obra ay nasa bato mula pa sasimula, kinailangan lamang
niyang ukitin ang mga labis na bahagi nito.

Tulad din ng isang obra, ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin
buhat nang tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang
tuklasin ang mga ito.
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard
Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple
Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na
tanong ay “Ano ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka
katalino?” Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay
may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o
talento.
Ang mga ito ay:
1. Visual Spatial 6. Intrapersonal
2. Verbal/Linguistic 7. Interpersonal
3. Mathematical/Logical 8. Naturalist
4. Bodily/Kinesthetic 9. Existential
5. Musical/Rhythmic
Visual/Spatial. Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis matututo sa
pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya nang
mahusay na paglalarawan ng mga ideya na
kailangan din niyang makita ang paglalarawan
upang maunawaan ito.

Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyera.


Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay
mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at
pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
Mas madali matuto kung nagbabasa, nagsusulat,
nakikinig, o nakikipagdebate.

Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abogasya,


pamamahayag (journalism), politika, pagtula at pagtuturo .
Mathematical/Logical. Taglay ng taong may
talion nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan
ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem
solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika,
paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan,
angtalinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa
matematika, chess, computer programming, at iba
pang kaugnayan na Gawain.

Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero,


doctor at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong
talino ay natututo sa pamamagitan ng mga
kongkretong karanasan o interaksiyon sa
kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan
ng paggamit ng kaniyang katawan,tulad
halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Sa
kabuuan, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa
ng mga bagay
gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag
na muscle memory ng taong may ganitong talino.

Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay ang pagsasayaw, isports, pagiging


musikero, pag-aartista, pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis at
pagsusundalo.
Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng
talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-
uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto
sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng
isang karanasan.

Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino. Magiging
masaya sila kung magiging isang mucisian, kompositor o disk jockey.
Intrapersonal. Sa talinong ito, natututo ang tao
sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito
ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at
masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may
ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert.

Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng mga


nobela o negosyante.
Interpersonal. Ito ang talino sa
interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Ito ang kakayahan na makipagtulungan at
makiisa sa isang pangkat. Ang taong may
mataas na interpersonal intelligence ay
kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa
o extrovert.

Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika,


pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri,
pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang
makilala ang mumunti mang kaibahan sa
kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop
sa
pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.

Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist,


magsasaka o botanist.
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay
ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel na
gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking
pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay
naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa
ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.

Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay masaya sa


pagiging philosopher o theorist.

Kailangang
paunlarin ang
ating mga talento
at kakayahan.
Likas ang mgatalento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang
mga ito sa pamamagitan ng pagsasanay (practice).

Si Profesor Ericsson at kaniyang grupo ay nagsagawa ng mahabang


pag-aaral ng mga sikat at matagumpay na personalidad sa iba’t ibang
larangan: sa sining, siyensiya, matematika, palakasan o isports,
negosyo at iba pa. Sinuri ng kaniyang pangkat ang naipong
istatistika, iba’t ibang datos at talambuhay.
Sinuri rin nila ang nakalap na resulta ng ilang taong pag-
eeksperimento sa mga eksperto at matagumpay na tao.
Dalawang mahalagang bagay ang natuklasan nila.

Una,kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging


bihasa at matagumpay sa anumang larangan. Ang kanilang
pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang
pagsasanay. Wika nga sa Ingles “Practice makes perfect”.
Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin na tayo ay
may interes o hilig sa ating larangang pinasok. Dapat na tayo ay
masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon
at motibasyon na lampasan o higitan pa ang ating natural na
kakayahan.

Kailangang
malampasan ang
ating mga
kahinaan.
Narinig mo na ba ang Law of
Seeds?
Sa isang puno ay maaaring may dalawampu o mahigit pang bunga.
Bawat bunga ay maaaring may sampu o higit pang buto. Maaaring
mong itanong “Bakit kailangan ng napakaraming bunga at buto
Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay masaya sa
pagiging philosopher o theorist. para lamang magkaroon ng ilan pang
puno?” Ang kalikasan ay may mahalagang itinuturo tungkol dito.
Marami sa mga butong ito sa isang puno ng bayabas ay hindi
nagiging puno. Kung gayon, kung nais mong makamit ang isang
bagay, hindi sapat ang minsanang pagsubok lamang. Ibig sabihin,
kung hindi nagtagumpay sa isang larangan ay dapat na sumubok
muli ng iba.
Sa buhay, kailangan natin ng tiwala sa sarili para mabuhay. Ilan sa mga
bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang
sumusunod:

a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.

b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng


tiwala sa ating saril sa iba’t ibang sitwasiyon at gawain. Halimbawa,
maaaring mataas ang ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical
computation) ngunit mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o
bumababa ayon sa ating mga karanasan sa buhay.

d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili gaya


halimbawa ng pagiging mayaman o pagkakaroon ng mga taong
nagmamahal sa atin.
Ayon kay Covey (Seven Habits of Highly Effective Teens, 1998) ang
pag-unlad ng mga kakayahan ay nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa
kaniya, ang tunay na kabiguan ay ang kabiguan ng isang taong hindi
kumilos upang paunlarin ang kaniyang sarili. Mapalad ang maraming
kabataan ngayon at marami ang mga babasahin na nagbibigay gabay
kung paano ito gagawin.
Simple lamang ang paggawa ng Plano sa
Pagpapaunlad ng Sarili.

Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano-


ano ang ating mga kalakasan at kahinaan.

Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo.


Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.
At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung
paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring ang
pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at
pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa natin
ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi.
Maraming Salamat at
Mapagpalang araw sa ating lahat!!!

Inihanda ni:
Gng. Melissa Gonzales

You might also like