You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 17: Ang Halaga ng Pag-aaral para sa Matagumpay na


Pagpaplanong buhay, Negosyo o hanap-buhay, Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Jonnavie Marie P. Moreno


Editor : Vivien F. Vinluan
Tagasuri : Dr. Perlita M. Ignacio,RGC.PhD/ Josephine Z. Macawile
Tagaguhit : Rema A. Domingo
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
Ang Halaga ng Pag-aaral para sa
Matagumpay na Pagpaplanong buhay,
Negosyo o hanap-buhay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Modyul


para sa araling Ang Halaga ng Pag-aaral para sa Matagumpay na Pagpaplanong
Buhay, Negosyo o Hanap-buhay. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na
pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division
Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa
pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Modyul
para sa araling Ang Halaga ng Pag-aaral para sa Matagumpay na Pagpaplanong
buhay, Negosyo o hanap-buhay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga


na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay, nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.


MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang:


1. Pag-aaral ay naglilinang ng mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at
mga kakayahang makatutulong, sa pagtatagumpay sa pinaplanong
buhay, negosyo o hanapbuhay.

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

A. nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral;


B. naiuugnay ang sariling karanasan batay sa paksa; at
C. naiisa-isa ang mga dapat na gawin sa pag-aaral ng mabuti upang
mapaunlad ang sarili, talento, kakayahan, pagpapaplano sa buhay at
negosyo o hanapbuhay.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong. Piliin ang wastong sagot sa
mga pagpipilian.

1. Ano ang magandang maidudulot ng pag-aaral para sa pagpapaunlad ng sarili?


a. Magkaroon ng maayos na buhay.
b. Mapaunlad ang talento, kakayahan at hanapbuhay.
c. Maayos ang sariling paninindigan at pagkilala sa iba.
d. Matupad ang sariling pangarap para sa sarili at pamilya.

2. Bakit kailangan na magkaroon ng sariling paraan para sa pag-aaral?


a. Hindi magkamali sa gagawing bagay.
b. Handa sa mga bagay na nais na maabot.
c. Madali na magagawa ang mga takdang-aralin at proyekto.
d. Hindi maguluhan sa mga bilin ng guro tungkol sa gawain.

3. “Mas mabuti ng maghirap ng ilang taon dahil sa pag-aaral kaysa naman


maghirap ng maraming taon dahil hindi ka nag-aral.” Ang pahayag na ito ay
nangangahulugang
a. Mag-aral ng mabuti upang hindi magsisi sa huli.
b. Huwag magsawa ng mag-aral upang gumanda ang buhay.
c. Mag-aral ng mabuti at gawin inspirasyon ang sarili at pamilya.
d. Huwag mapagod sa pag-aaral dahil ito ay magbubunga pagdating ng araw.

4. Alin sa mga halimbawa ang pansariling paraan ng pag-aaral maliban sa?


a. Nagtatanong sa Guro
b. Nagbabasa ng susunod na aralin
c. Ginagawa sa tamang oras ang takdang-aralin.
d. Ginagaya ang sagot ng kamag-aral sa takdang-aralin.

5. Bakit kailangang malinaw na sa isip ng isang nagdadalaga o nagbibinata ang


mga nais nito sa buhay?
a. Alam na agad ang gagawin.
b. Hindi makalimutan ang mga bagay-bagay.
c. Gawin itong inspirasyon sa bawat bagay na gagawin
d. Magiging masaya dahil may pangarap na ito sa buhay.
BALIK-ARAL

Tinalakay ninyo sa nakaraang modyul ang kahalagahan ng wastong


pagpapasiya para sa pagpapaplanong hinaharap.
Panuto: Ilahad ang pansariling representasyon batay sa grapikong inilalahad sa
baba.
Wastong Pagpapasiya
para sa Pagpapaplano sa
Hinaharap
TAMA MALI

Sagot: ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
Ang pagpapasiya ng wasto sa bawat bagay na ginagawa ay makakatulong
upang maiwasan ang hindi padalos-dalos na pagdedesisyon.

ARALIN

Ang Halaga ng Pag-aaral para sa Matagumpay na Pagpaplanong buhay,


Negosyo o hanap-buhay
Ang isang indibidwal ay bumubuo ng sariling pangarap at nais sa buhay.
Patuloy itong nangangarap at binibigyan ng pokus ang pag-aaral upang maging
matagumpay. Ang pag-aaral ay isa sa mga susi na kailangan mabuo at matapos
dahil ito ang isa sa mga bagay na hindi kailanman makukuha ng iba mula saiyo.

Gawain
Panuto: Sagutin at punan ang mga salitang hinihingi ng bawat kahon.

Ano ang iyong kursong kukunin Ano naman ang pangarap mong
pagtapos ng hayskul? trabaho kapag ikaw ay nasa
hustong gulang na?

Sagot: Sagot:
Ano ang mga pangarap mong Ano ang mga pangarap mong
gawin saiyong pamilya? gawin saiyong sarili?

Hal. matulungan ang pamilya Hal. makapagpundar ng sariling


bahay

Sagot: Sagot:

Mahalaga na malaman mo ang iyong mga nais sa buhay at mga bagay na


gustong makamit. Makakatulong ito bilang isang inspirasyon sa iyong pag-aaral
upang maging mas masipag pa sa pag-aaral.

Gawain
Panuto: Ilahad ang pagkakaiba batay sa paksa gamit ang Venn Diagram.

Ako Ngayon Ako makalipas ang


Sampung taon

Ako pa rin

https://www.pinterest.ph/pin/651896114799446995/

Mahalaga rin na makita at pinaplano mo ng maayos ang iyong sarili upang


alam mo ang iyong kakahinatnan at magiging resulta nito. Mainam din na pinaplano
ang mga bagay lalo na ang mga gawain sa paaralan upang may hindi makaligtaan
at lahat ito ay iyong magawa.

Pansariling Paraan ng Pagpapaunlad ng Pag-aaral

Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek kung ito ay iyong ginagawa at ekis kung ito
naman ay hindi mo ginagawa.

Salik Ginagawa ko Hindi ko Ginagawa


1. Inaayos ang mga kwaderno na
may takdang-aralin.

2. Nakikinig sa mga panuto at bilin


ng guro.
3. Isinusulat ang mga bilin at
kailangan gawin sa buong araw.
4. May planner o isang kwaderno
na pinagsusulatan ng mga
kailangan gawin.
5. Nagtatanong sa guro o kamag-
aral kapag may hindi
naunawaan.
6. Gumagawa ng time schedule
para sa gawain pampaaralan.
7. Nagsasaliksik ng mga
impormasyon tungkol sa
takdang-aralin at proyekto.
8. Laging sinasambit ang “bahala
na si batman”, “mamaya na
lang” kapag may gawain.
9. Nagbabasa na ng susunod na
aralin kapag tapos na sa mga
gawain.
10. Laging inaayos ang mga gamit
tuwing papasok sa paaralan.

Ang mga paraan na ito ay makakatulong saiyo upang maging maayos at nagagawa
lahat ng kailangan gawin sa paaralan. Mahalagang gampanin ang pag-aaral sa
bawat buhay upang matupad, makuha at mapaunlad ang mga nais sa buhay kahit
ito ay ang iyong talento, pagpapahalaga, kursong-akademiko at negosyo o
hanapbuhay pa man.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Pag-uugnay ng mga Pagbabagong Nagaganap sa Sarili batay sa


Karanasan
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag ng hindi bababa sa dalawang
pangungusap. (2 puntos bawat tanong)

1. Bakit mahalaga na malaman ang kahalagahan ng pag-aaral sa buhay ng


isang tao?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan na malaman ang iyong mga pangarap o nais sa buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang magandang naidudulot ng pagpupursigi ng makatapos ng pag-aaral?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Ano naman ang hindi magandang naidudulot kapag ang isang indibidwal ay
hindi nakatapos ng kaniyang pag-aaral?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ipaliwanag ang kasabihang “Ang edukasyon ang tanging pamana ng
magulang na hindi makukuha ninuman”.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2: Paglalahad ng Opinyon batay sa Paksa

Panuto: Basahin ng maigi ang mga tanong. Isulat ang D kung ito ba ay dapat na
ginagawa at HD naman kung hindi dapat na ginagawa.

1. Kailangang mag-aral ng mabuti upang makatapos ng pag-aaral.


2. Gawin inspirasyon ang pamilya, sarili at kaibigan sa lahat ng iyong
pangarap at bagay na gagawin.
3. Lumiban at palaging huli na pumasok sa klase.
4. Isipin ang mga bagay na gagawin upang hindi magkamali.
5. Huwag seryosohin ang bagong gawi at mga gawain sa pag-aaral dulot ng
pandemya.

Gawain 3: Naiisa-isa ang mga Dapat na Gawain sa Pag-abot ng Pangarap.

Panuto: Punan ang kahon upang mailahad ang mga plano sa hinaharap.

Mga Pangarap Ko
Mga dapat na Gawin upang
(para sa sarili, pamilya at maabot ito.
kapwa)
PAGLALAHAT

Panuto: Buoin ang mga salita upang mabuo ang isang pahayag.

Pagkamit Pag-aaral dahil mga ang


mahalaga ito tagumpay isa sa
susi sa ng

Nabuong sagot:

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat sa loob ng sertipiko na ito ang mga bagay na hinihingi sa loob ng
kahon.

SERTIPIKO NG PAGKILALA

ay iginagawad kay

(isulat ang iyong pangalan)

Dahil gagawin niya ang mga bagay na


ito upang makapagtapos ng pag-aaral.
1.

2.

3.

5.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang T kung ang
pangungusap ay tama at M kung ang pangungusap naman ay mali.

__________1. Mahalaga na makapag-aral ang bawat isa upang matuto bumasa,


sumulat at bumasa.

__________2. Tungkulin ng magulang na suportahan at tulungan ang kanilang mga


anak.

__________3. Magkaroon ng sariling desisyon sa mga bagay-bagay at huwag sabihin


sa magulang.

__________4. Magkaroon ng sariling paraan para sa ikakaunlad ng pag-aaral.

__________5. Huwag sabihin ang mga kaganapan at ibang bilin ng guro sa iyong mga
magulang.

__________6. Kailangan ay magkaroon ng plano para sa hinaharap.

__________7. Nag-aaral at nagbabasa na ng susunod na aralin kung tapos na


gumawa ng takdang-aralin at proyekto.

__________8. Laging humingi ng payo sa magulang o sa nakakatanda kung may mga


bagay na hindi nauunawaan.

__________9. Huwag isantabi at sundin ang mga payo ng iyong guro at magulang.

_________10. Palaging isipin ang mga pangarap at gawin itong inspirasyon sa lahat
ng bagay na ginagawa upang maging matagumpay.

II. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang di bababa sa dalawang
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa ibaba ng bawat tanong.

1. Bakit kailangan nakikinig sa mga payo ng magulang at guro? Ipaliwanag.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan magkaroon ng pansariling paraan para saiyong pag-aaral?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan makakatulong ang pag-aaral para sa ikakaunlad ng
buhay? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
7-50744607
https://www.slideshare.net/manuelii/edukasyon-sa-pagpapakatao-modyul-para-sa-magaaral-grade-
Sanggunian
Pagsasanay
Panapos na Gawain Gawain 1
I. (Sariling sagot o
1. T talata) Paunang Pagsubok
2. T Gawain 2 1. B
3. M
1. D 2. C
4. T 2. D
5. M 3. HD 3. D
6. T 4. D
5. HD 4. D
7. T
8. T 5. C
Gawain 3
9. M
(Sariling sagot o
10. T
talata)
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like