You are on page 1of 5

n

laa
am
a ha
I LI
B
BI
g P
ri n
AG
a
g- a

7
a N
IPI
P

N DI
HI

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3
TALENTO MO: TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN!

PANGALAN: _____________________________________________

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Aralin 3 TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN
PAGTUKLAS AT PAGKILALA SA MGA ANGKING TALENTO AT KAKAYAHAN
Ang pag-awit, pagsasayaw, pag-arte, at kamangha-manghang kasanayan o kakayahan ay mga talentong
maaari mong taglayin at linangin.
Sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay isang
likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ang kaibahan ng talento at kakayahan:
Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Ito ay may kinalaman sa genetics o mga
pambihirang katangiang minana sa magulang.
Ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng isang pambihirang
bagay tulad ng kakayahan sa musika o sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang intellect o
kakayahang mag-isip.
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer. Ang iba ay ang
tinatawag na late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin natin ay napakasimple nating mga
kakayahan. Iyong tandaan, espesyal ka, dahil ikaw ay likha ng Diyos.
Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan.
Ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng
paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat ng sitwasiyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas.
Lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan at talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual/Spatial 4. Bodily/Kinesthetic 7. Interpersonal
2. Verbal/Linguistic 5. Musical/Rhythmic 8. Naturalist
3. Mathematical/Logical 6. Intrapersonal 9. Existential
Visual/Spatial. Ang taong may talinong visual/spatial ay mabilis matututo
sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyera.

Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.


Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abogasya, pamamahayag (journalism),
politika, pagtula at pagtuturo.

Mathematical/Logical. Taglay ng taong may talino ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng


pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika,
paghahalaw at numero.
Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero, doctor
at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan
ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mataas ang tinatawag na muscle
memory ng taong may ganitong talino.
Ang larangang karaniwang tinatahak ng talinong ito ay ang pagsasayaw, isports, pagiging
musikero, pag-aartista, pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis
at pagsusundalo.

Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,


ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang
karanasan.
Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino.
Magiging masaya sila kung magiging isang mucisian, kompositor o disk jockey.

Intrapersonal. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng


damdamin, halaga, at pananaw. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at
mapag-isa o introvert.
Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng
mga nobela o negosyante.
Interpersonal. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang taong may
mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala,
pagtuturo at social work.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madalas niyang
makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition).

Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka o


botanist.

Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Ang talinong ito ay
naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong
ating ginagalawan.
Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay masaya sa pagiging
philosopher, theorist, mga pari o pastor.

Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan.


Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasanay
(practice). Ang tagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at tamang pagsasanay. Mahalaga rin na tayo ay
may interes o hilig sa ating larangang pinasok.

SURIIN
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kapag ikaw ay mahilig sa kahit na anong “ball games” at magaling din sumayaw, anong talino ang
nangingibabaw sa iyo?
a. Bodily/Kinesthetic b. Intrapersonal c. Verbal/Linguistic d. Visual/ Spatial
2. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay
kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang
kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa
kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay
kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
3. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang makapaglingkod sa pamayanan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
d. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa late bloomer?
a. mga estudyante na laging huli sa klase
b. mga tao na laging nagbibitaw ng mga pangako
c. c. mga tao na matagal umusbong o natuklasan ang kanilang mga talento
d. lahat ng nabanggit
5. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at
kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng
pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
6. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento dahil hindi naman ito
makaagaw ng atensyon
7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa talinong Verbal/ Linguistic?
a. may mataas na tinatawag na muscle memory
b. Ito ay talino tungkol sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
c. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
d. Ito ay talino tungkol sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas
ng suliranin (problem solving).

8. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang maihahanay sa talinong Verbal/Linguistic?


a. Angel Locsin b. Jessica Soho c. June Mar Fajardo d. Vhong Navarro
Para sa bilang 9 at 10
Si Chris ay mahilig sa pagguhit buhat ng siya’y bata pa. Sa kanyang pagpalista sa Grade 7, siya’y
tumungo sa Coordinator ng Special Program in the Arts (SPA) upang mag-audition sa kanyang talento sa
pagguhit. Gusto niya na malinang pa ang angking talento na kanyang pinili.
9. Anong talino ang taglay ni Chris?
a. Bodily/Kinesthetic b. Intrapersonal c. Verbal/Linguistic d. Visual/ Spatial
10. Anong larangan o trabaho ang maaaring pasukan ni Chris sa hinaharap?
a. accountant b. call center agent c. cartoonist d. pulis

Gawain 2: Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kilala sa iba’t ibang larangan ng sining na nasa Hanay A.
Isulat ang pangalan ng nabanggit na iyong sagot.
Hanay A Hanay B
Atleta/Manlalaro A. Ǻlyza Valdez

1. B. Gloc 9

2. C. Isko Moreno

Artista D. James Yap

3. E. Kara David

4. F. Kathryn Bernardo

Mang-aawit G. Ted Failon

5. H. Vice Ganda

6. I. Vico Sotto

Politiko J. Yeng Constantino

7.

8.

Tagapagbalita/Mamamahayag

9.

10.

Gawain 6: Panuto: Piliin ang mga larangang angkop sa mga sumusunod na talino at kakayahan sa loob ng
kahon. Kopyahin at isulat ang iyong sagot sa kwaderno sa EsP.
Abogado kompositor ng kanta Accountant manggagawa sa konstruksyon
Agriculturist manunulat ng kwento Architect Editor ng diyaryo
social worker pari

1. Bodily/Kinesthetic = _________________________________________

2. Existential =________________________________________________

3. Interpersonal = _____________________________________________

4. Intrapersonal = _____________________________________________

5. Mathematical/Logical = ______________________________________

6. Musical/Rhythmic = _________________________________________

7. Naturalist = ________________________________________________
8. Verbal/Linguistic = __________________________________________

9. Visual/Linguistic = __________________________________________

10. Verbal/Linguistic = ________________________________________

You might also like