You are on page 1of 15

TALENTO MO,

TUKLASIN,
KILALANIN AT
PAUNLARIN!
TALENTO
-ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan.
- isang likas na kakayahan na kailangang
tuklasin at paunlarin. Tulad ng
isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
3

Ayon kay Sean Covey, bawat tao ay may talento at


kakayahan. Kadalasan nga lamang ang nabibigyan
natin ng pansin ay yaong mga makaaagaw atensiyon
tulad ng mala anghel na pag-awit o ang makapigil
hiningang pag-ikot pataas ng isang siklista.
TEORYA
NG
MULTIPLE
INTELLIGENCES
Dr. Howard Gardner noong 1983
5

1. Visual/Spatial
Ang taong may talinong visual/spatial
ay mabilis matututo sa pamamagitan
ng paningin at pag-aayos ng mga
ideya. Nakagagawa siya nang
mahusay na paglalarawan ng mga
ideya na kailangan din niyang makita
ang paglalarawan upang maunawaan
ito.
6

2. Verbal/Linguistic-
Ito ang talino sa pagbigkas o
pagsulat ng salita. Kadalasan ang
mga taong may taglay na talinong
ito ay mahusay sa pagbasa,
pagsulat, pagkukuwento,
at pagmememorya ng mga salita
at mahahalagang petsa.
7

3. Logical/ Mathematical
Taglay ng taong may talino nito ang
mabilis na pagkatuto sa
pamamagitan ng pangangatuwiran
at paglutas ng suliranin (problem
solving). Ito ay
talinong kaugnay ng lohika,
paghahalaw at numero.
8
4. Bodily/Kinesthetic
Ang taong may ganitong talino ay natututo
sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran.
Mas natututo siya sa pamamagitan ng
paggamit ng kaniyang katawan, tulad
halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Sa
kabuuan, mahusay siya sa pagbubuo at
paggawa ng mga bagay gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na
muscle memory ng taong may ganitong
talino.
9

5. Musical/Rhythmic
Ang taong nagtataglay ng talinong ito
ay natututo sa pamamagitan ng pag-
uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito
pagkatuto sa pamamagitan ng
pandinig kundi pag-uulit ng isang
karanasan.
6. Intrapersonal 10

Sa talinong ito, natututo ang tao sa


pamamagitan ng damdamin,
halaga, at pananaw. Ito ay talino
na kaugnay ng kakayahan na
magnilay at masalamin
ang kalooban. Karaniwang ang
taong may ganitong talino ay
malihim at mapag-isa o
introvert.
11

7. Interpersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-
ugnayan sa ibang tao. Ito
ang kakayahan na makipagtulungan at
makiisa sa isang pangkat. Ang taong may
mataas na interpersonal intelligence ay
kadalasang bukas sa kaniyang
pakikipagkapwa o extrovert.
12

8. Naturalist
Ito ang talino sa pag-uuri,
pagpapangkat at pagbabahagdan.
Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa
kahulugan definition). Hindi
lamang ito angkop sa pag-aaral ng
kalikasan kundi sa lahat ng
larangan.
13

9. Existential
Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng
lahat sa daigdig. “Bakit ako
nilikha?” “Ano ang papel na gagampanan ko sa
mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking
pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong
ito ay naghahanap ng paglalapat at
makatotohanang pag-unawa ng mga bagong
kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
Panbiswal Pangwika
14
Pangmatematika
Pangkatawan Pangmusika
Intrapersonal
Tukuyin kung saang talino kabilang ang mga pahayag ayon sa teorya ni Dr. Gardner. Isulat ang sagot sa
Interpersonal
patlang. Pangkalikasan
Pang-eksistensiyal
_________________________1. Taglay ng tao na may lubos na kaalaman sa wika.
_________________________2. Ito ay mga kaalaman sa ritmo, tunog at tono.
_________________________3. Ito ay kakayahan na kontrolin ang paggalaw ng katawan.
_________________________4. Taglay ng taong madaling makita ang kaniyang isip at nais
niyang gawin.
_________________________5. Ukol ito sa kahusayan sa pagbasa at pagsulat.
_________________________6. Ukol ito sa pakikipag-ugnayan sa sarili.
_________________________7. Ukol ito sa pakikipag kapuwa.
_________________________8. Ang mga taong may taglay nito ay magiging mahusay na
manlalaro o mananayaw.
_________________________9. Pagmamasid sa kalikasan at kapaligiran.
_________________________10. Nais ng mga tao na ito na mapag-isa kaysa sa makisalamuha
sa iba.
THANK YOU

You might also like