You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSURI NG IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PORTFOLIO
Q1

IPINASA NI: Mark P. Tugado


IPINASA KAY: Gng. Mary Jane Suello
PETSA: Setyembre 25, 2023
Ang maraming konsepto ng katalinuhan
Ang bawat isa sa atin ay may iba't ibang kakayahan at karunungan na tinataglay. Ang
mga kakayahang ito ang siyang bumubuo sa buong kapasidad at katalinuhang taglay ng isang
tao. Ang katalinuhan ay ang kakayahang makapulot ng mga bagong ideya na may epektibong
pag-unawa at ito ay nakabase sa iba't ibang aspeto at doktrina ng paniniwala. May mga taong
mabilis makapulot ng isang impormasyon na may malalim na pag-uunawa rito at sila ang mga
taong hinahangaan ng karamihan, may mga tao naman na ang taglay na katalinuhan nila ay
pangkaraniwan at katamtaman lamang, hindi sila basta-basta nakakaintindi ng mga ideya na
bago lamang sa kanilang pag-iisip. Masasabi na ang tao ay may taglay na katalinuhan kung ang
paraan ng pag lutas ng mga suliranin at pag gawa ng hakbang ay akma at naaayon sa suliranin at
sitwasyon. Ang katalinuhan ay maaaring namana natin sa ating mga magulang o kaya nalinang
ang kakayahang ito ayon sa ating kapaligiran.

May mga taong nag-iisip na kung sila ay hindi makakakuha ng mataas na marka o resulta
sa paaralan ay hindi sila maituturing na matalino ngunit ang American psychologist na si Howard
Gardner ay naniniwalang mayroong maraming uri ng katalinuhan ngunit magkaiba ang sukat at
ang mga ito ay hindi pinapahalagahan at hindi binibigyang pansin sa tradisyonal na edukasyon.
Ang katalinuhan ay may malawak na konsepto na kailangan alamin at ito ay may 9 na uri. Ang
aklat na Gardner na Multiple Intelligences ay nagbibigay kaalaman sa pagtuklas ng malawak na
dimensiyon ng katalinuhan na magbubukas ng ating kaalaman sa ating kalakasan at kahinaan.

Ano-ano nga ba ang mga konsepto ng katalinuhan na kinikilala sa 9 na uri?

Ang unang uri ay ang Visual at spatial, ang katalinuhang ito ay nagtataglay
ng kakayahang mag-isip sa tatlong dimensyon, kabilang ang aktibong
imahinasyon, imahe ng isip, pagmamanipula ng imahe, mga artistikong kakayahan
at spatial resonance. Ang mga taong nagtataglay ng katalinuhang ito ay mabilis
matuto sa pamamagitan ng paningin at sa pag-aayos ng mga ideya at kaalaman.
Mga halimbawa ng mga tao na taglay ang katalinuhang ito ay ang mga artists,
photographers, inventors, architects, designers at marami pang iba.

Ang pangalawang uri naman ay ang Verbal Linguistic, ito ay ang talino sa
pagbigkas o pagsasalita at pagsulat ng salita na naglalaman ng mga mensahe at
ideya. Ang mga taong taglay ang katalinuhang ito ay mahusay sa pagsusulat,
pagbabasa, pagkwento, at pagmemorya sa mga salita. Kadalasan ang mga taong ito
ay magaling sa larangan ng pagdedebate, pagtatalumpati at pagtuturo. Halimbawa
ng mga taong may ganitong katalinuhan ay ang mga writers, lawyers, journalist at
speakers.

Pangatlo naman ay ang Matematikal/Logical, taglay ng taong may talino


nito ang epektibong pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at pagbibigay
solusyon o paglutas sa mga suliranin. Ang katalinuhang ito ay kaugnay ng lohikal,
mga numero at paghahalaw. Taglay din nito ang kahusayan sa matematika at
pagsasagawa ng nakakalitong pagsasanay. Halimbawa ng mga taong may ganitong
katalinuhan ay ang mga engineers, scientists, analysts at traders.
Ang pang-apat na uri ay ang Bodily/Kinesthetic, ang katalinuhang ito ay
ang pagkatuto sa pamamagitan ng karanasan at interaksiyon sa kapaligiran. Taglay
ng taong may talino nito ang pagkatuto sa pamamagitan ng kaniyang katawan tulad
ng pagsasayaw at paglalaro, kadalasan ang mga taong ito ay may mataas na muscle
memory tulad ng mga mananayaw, aktor, atleta, divers at demonstrators.

Sunod naman ay ang Musika at Ritmo, ang taong nagtataglay ng


katalinuhang ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga ritmo o musika.
Ito ay ang pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig at pag-uulit ng mga karanasan.
Kadalasan ang mga taong ito ay mahusay sa larangan ng musika. Halimbawa ng
mga taong nagtataglay ng talinong ito ay ang mga mang-aawit, composers, piano
tuners, vocal coach at music producers.

Ang pang-anim na uri ay ang Intrapersonal, ang talinong ito ay nalilinang


sa papamagitan ng damdamin halaga at pananaw. Kaugnay ng talinong ito ang
kakayahang magnilay at pagsasalamin sa kalooban at kadalasan ang mga taong
nagtataglay ng talinong ito ay mga introverts. Mabilis nilang natutugunan ang
kanilang nararamdaman at motibasyon sa pamamagitan ng malalimang pagkilala
sa sariling kalakasan at kahinaan. Sa kabilang dako, ang Interpersonal ay ang
talino sa pakikipagsalamuha at interaksiyon sa ibang tao. Ang katalinuhang ito may
kaakibat na kakayahan sa pakikipag-isa at pakikipag-ugnayan sa isang pangkat o
samahan. Ang mga taong ito at kadalasang nabibilang sa tinatawag na extroverts.
Sila ay sensitibo at may malalim pag-uunawa sa iba at masasabing epektibo
maging pinuno at tagasunod. Halimbawa ng tao na nagtataglay ng talinong ito ay
ang mga therapist, mediators, doctors, teachers at marami pang iba.

Ang pang-walong uri naman ay ang Kalikasan (Naturalist), ito ang talino
sa larangan ng pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Kadalasan ang mga
taong ito ay mabilis sa pagkilala ng mga munting kaibahan sa mga kahulugan.
Hindi lamang ito pag-aaral sa kalikasan kundi sa lahat ng aspeto at larangan.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay ang mga botanist, farmer at
environmentalist.

At ang panghuling uri ay ang Eksistensyal, ito ay ang talino sa pagkilala sa


pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Ang layunin ng talinong ito ang paglapat sa
mga katanongang "Bakit ako nilikha?" at "Ano ang papel na ginagampanan ko sa
mundo?". Ang paghahangad ng makatotohanang pag-unawa sa mundong
ginagalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay mga pilosopo,
theorist, mga pari at pastor.

Ang mga uri ng katalinuhan na ayon sa kay Howard Gardner ay may iba't
ibang abilidad na tinataglay kaya walang tao sa mundo ang matatawag na hindi
matalino o mang-mang. Ito ang nagpapatunay na hindi limitado sa isang aspeto at
larangan ang katalinuhan ng tao sapagkat ito ay may malawak na sakop at
dimensiyon ng pagkakaiba at karunungan. Ang pagtuklas sa iyong kalakasan at
kahinaan ay nagdudulot ng malawakang pagbabago sa iyong kakayahan na
huhubog sa pag-abot ng ating buong kapasidad. Bawat tao ay may kaniya-
kaniyang katangian at katalinuhan na maituturing na espesyal. Ito ay dapat
pagyamanin at pahalagahan sapagkat ito ang elemento sa pagpapalawak at
pagbukas ng mga dimensiyon ng kakayahan at karununungan sa ating sarili upang
ma-abot ang ating buong potensyal.

Mga sanggunian:
https://tl.vse-o-tattoo.ru/magic-and-astroloy/my-vse-talantlivy-9-tipov-intellekta-o-
kotoryh-vam-sleduet-znat

http://julius-confession.blogspot.com/2009/10/ibat-ibang-basehan-ukol-sa-
katalinuhan.html?m=1

http://centuryideas.blogspot.com/2015/09/multiple-intelligence-pagtuklas-ng-
mga.html?m=1

_______________ _________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Mag-aaral

You might also like