You are on page 1of 2

PAGTUKLAS NG MGA TALENTO AT KAKAYAHAN

(MULTIPLE INTELLIGENCE) 1983

Ni: Dr. Howard Gardner

Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligence.
Ayon sa teopryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka katalino?” ayon
kay Gardner, bagama’t lahat ay may angking likas na kakayahan.

Iba’t ibang Talento o Kakayahan:

1. Visual Spatial - Ang mga tao ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga
ideya.

HAL: artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects, photographers, sculptors, town-


planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty consultants:

2. Verbal/ Linguistic - ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat,
pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
HALIMBAWA:
Writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers, poets, editors,
linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice-over
artistes.

3. Mathematical/Logical - Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa


pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
HALIMBAWA:
Scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders,
bankers bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors

4. Bodily/Kinesthetic - Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga


kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit
ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro.
HALIMBAWA:
Dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's,
performance artistes; ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners, chefs,
acupuncturists, healers, adventurers

5. Musical or Rhythmic - Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-
uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng
isang karansan.
HALIMBAWA:
Musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers,
party-planners, environment and noise advisors, voice coaches.

6. Intrapersonal Intelligence- natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.


Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban.

7. Interpersonal Intelligence - Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito
ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
HALIMBAWA
Therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians, eductors, sales-people,
clergy, psychologists, teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising professionals,
coaches and mentors.

8. Naturalist Intelligence – ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali


niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng
kalikasan kundi sa lahat ng larangan
HALIMBAWA
Botanist, farmer, environmentalists

9. Existentialist Intelligence - ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Ang


talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating gingalawan.

HALIMBAWA
Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor

You might also like