You are on page 1of 14

9

Filipino 7
Ikatlong Markahan – Modyul 6

PANANDANG ANAPORIK
AT KATAPORIK

NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Panandang Anaporik at Kataporik
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rodh Bengie G. Agus
Editor: Isabel B. Pusalan, Yolanda A. Ege
Tagasuri: Clinton T. Dayot, Ritchel Elnar, Corazon S. Despojo, Isabel B. Pusalan,
Ronalyn D. Rodriguez, Susan T. Sonlit

Tagalapat: Wendell Calingacion


Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta? Handa ka na ba sa panibagong


kaalaman na iyong matutuhan? Araw-araw ay bumubuo ka ng mga
pangungusap na iyong ginagamit upang malaya mong maipapahayag ang
iyong nadarama at mga iniisip. Sinasalita man o sinusulat at mga salitang
kahit maikli at karaniwan ay may mahalagang ginagampanang papel sa
pangungusap.

Sa araling ito ay matutuklasan mo ang dalawang paraan na ginagamit


upang mapag-ugnay ang mga pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng
patungkol o reperensiya. Mahalaga ito dahil mas mapapaunlad mo pa ang
iyong paraan sa pagbuo ng mga pangungusap na magagamit mo sa araw-
araw na pakikisalamuha sa kapwa.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at


kataporik ngpangngalan. (F7WG-IIIh-i-16)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay;

1. Natutukoy ang mga pangungusap na ginagamitan ng


panandanganaporik at kataporik;

2. Nakasusulat ng isang kwento na may buong katapatan tungkol sa


isang kawili – wiling karanasan sa sariling buhay na ginagamitan ng
mga panandang anaporik at kataporik;

3. Nagagamit nang wasto ang mga panandang anaporik at kataporik sa


pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap; at

4. Napahahalagahan ang mga panandang anaporik at kataporik


sapamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap.

1 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat sa sagutang papel ang titik ng
napili mong sagot. Tandaan na ang pagsunod sa panuto ay bahagi ng
pagsusulit.

1. Ano ang kohesyong pangramatika na nagpapatungkol?


A. Anaporik at Kataporik
B. Nominal at Berbal
C. Pangatnig na Pananhi at Temporal
D. Pangatnig na Pandagdag at Panalungat

2. Ano ang tawag sa mga salitang humahalili sa ngalan ng tao, bagay at lugar.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip

3. Ito ay mga panghalip na ginagamit sa hulihan ng pangungusap bilang panimula


sa pinalitang pangngalan sa unahan.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip

4. Ito ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


pook, hayop, at pangyayari.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip

5. Ito ay mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangngalan sa hulihan.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip

6. Ang pamimingwit ay libangan ng magkakapatid. Ito ang kanilang pampalipas


oras.” Alin ang panghalip sa pangungusap?
A. pamimingwit C. oras
B. libangan D. Ito

7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng isang pahayag na


nasa anyong “anaporik”?
A. Sa kanila ang bahay na iyan. Ang pamilyang Chua ay ubod ng yaman.
B. Pumanaw na ang kaniyang mga magulang kaya kawawa talaga ang batang si
Jad.
C. Wala pa ring natagpuang lunas sa pandemyang ito. Ang COVID 19 ay isang
dagok na kumitil ng maraming buhay.
D. Si Greg ay isang magsasaka. Lagi siyang nagtratrabaho sa bukid araw-araw.

2 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng isang pahayag na
nasa anyong “kataporik”?
A. Lagi siyang nagtratrabaho sa bukid araw – araw. Siya ay si Greg.
B. Si Maxine at si Khairon ay magpinsan. Palagi silang magkasama at naglalaro.
C. Malaki ang sweldo ni Mel kaya nakabili siya ng magarang kotse.
D. Ang terorismo ang pangunahing dahilan sa pagbagsak ng turismo sa bansa
kaya ito ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Duterte.

9. “Biyaya sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng maraming likas na yaman kaya


dapat alagaan ito.” Anong panghalip ang pwede mong ipuno sa
patlang.
A. sila C. kanila
B. nila D. niya

10. “Dapat mo silang respetuhin at alagaang mabuti dahil sila ay iyong mga
magulang.” Hanapin sa pangungusap ang pares ng mga salita (pangngalan at
panghalip) para masasabi mong ito ay nasa anyong kataporik.
A. magulang at sila C. magulang at mo
B. respetuhin at sila D. alagaan at sila

Para sa bilang 11 hanggang 15, tukuyin ang mga pangungusap batay sa


pagkakabuo nito kung ito ba ay anaporik o kataporik. Isulat sa sagutang papel ang A
kung ito ay anaporik at K naman kung kataporik.

11. Lagi nilang pinupuntahan ang Mt. Talinis sa Negros Oriental dahil ang mga turista
ay totoong nagagandahan dito.

12. Siya ay palaging pumupunta sa Mt. Talinis sa Negros Oriental dahil ayon kay
Dwayne Reed ay isa ito sa mga paborito niyang lugar.

13. Si Raymund at Archel ay magkababata at sila ay matalik na magkaibigan.

14. Ang mga balyena ay malalaking isda at maituturing sila na mga higante sa dagat.

15. Siya ay maprinsipyon–tao. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay may paninindigan.

TUKLASIN

Panuto: Basahin ang maikling talata at bigyang pansin ang pagkakabuo nito.

Ang mga hayop ay isa sa pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob ngPoong


Maykapal sa mga tao. Makakapili ang mga tao kung anong hayop ang pwede nilang
alagaan. Sa lahat ng mga hayop na nabubuhay sa mundo, ang aso ang
3 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
pinakapaborito ko. Ang mga aso ay mababait, palakaibigan at mapagmahal kaya
itinuturing ang mga aso na tunay na kaibigan ng mga tao. Ang mga aso ay kayang
makipaglaro sa iyo. Maaaliw ka kaya? Mapapawi ng mga aso ang iyong lungkot at
pagod. Araw–araw, kahit saan ka man manggaling, kung darating ka sa iyong bahay
ay siguradong sasalubungin ka ng aso na tila ba ilang buwan na kayong hindi
nagkikita.

1. Napansin mo ba sa binasa mong talata na kalimitan sa pangungusap ay paulit–


ulit ang pagbanggit ng pangngalan? Hindi ba paulit–ulit ang pagbanggit ng
pangngalang aso?

2. Sa tingin mo, maayos ba ang pagkagawa ng mga pangungusap sa talata?


Anong mga salitang nararapat mong gamitin na pwedeng ipalit sa mga
pangangalan?

3. Paano dapat gawin ang talatang ito? Paano mo mapapaganda ang pagbuo ng
mga talata, lalong–lalo na sa pag–uugnay ng mga pangungusap nito?

SURIIN

May dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang pangungusap. Ang


mga ito ay tinatawag na kohesyong pangramatika na nagpapatungkol, ang
ANAPORIK at KATAPORIK. Tinatawag ito sa Ingles na “COHESIVE DEVICES”.

Ang ANAPORIK o sulyap na pabalik.


Ang isang pahayag ay nasa anyong anaporik kung ang panghalip ay
lumalabas sa hulihan bilang pananda sa pangngalan sa unahan. Ibig ipahiwatig na
kung ang unang nabanggit ang pangngalan bago ang panghalip nito, ang pahayag
ay nasa anyong anaporik.

Halimbawa:
Gusto kong pumunta sa Manila Zoo sapagkat makakakita ako rito ng iba’t
ibang klaseng hayop.

Makikita mo sa pahayag na ito na dalawa sa mga salita ang tumutukoy sa iisang


lugar lamang – Manila Zoo(pangngalan) at rito(panghalip). Dahil nauuna ang
pangngalang Manila Zoo sa panghalip na tumutukoy dito na walang iba kundi ang
panghalip na rito. Kaya ang pahayag ay masasabing nasa anyong anaporik.

4 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
Ang KATAPORIK o sulyap na pasulong.

Ang isang pahayag ay nasa anyong kataporik kung ang panghalip ay


lumalabas sa unahan bilang pananda sa pangngalang binanggit sa hulihan. Ibig
ipahiwatig na kung ang panghalip ay ang mas unang nabanggit kaysa pangngalan,
ang pahayag ay masasabing nasa anyong kataporik.

Halimbawa:
Sila ay kailangan nating alagaang mabuti at pahalagahan sapagkat ang mga
hayop ay may buhay rin na likha ng Diyos.

Makikita mo sa pahayag na ito na dalawa sa mga salita ang tumutukoy sa iisang


bagay lamang – Sila(panghalip) at hayop(pangngalan). Nauuna sa pahayag ang
panghalip na Sila bago pa binanggit ang hayop na isang pangngalang pambalana.
Kaya ang pahayag ay masasabing nasa anyong kataporik.

“Tandaan na ang ANAPORA at KATAPORA ay mga salitang tulad ng


panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay. Nangyayari ito upang
maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga panngalan”.

PAGYAMANIN

Gamitin mong muli ang unang talata sa TUKLASIN sa itaas bilang gabay at
subukin pang sagutan ang karugtong nitong talata sa kwentong pinamagatang “Tunay
na Kaibigan”. Kopyahin ang mga talata sa sagutang papel at sagutan. (Bigyang-
pansin ang anaporik at kataporik ang pagpupunuan sa mga patlang ay dapat
sumasagot lamang sa anaporik at kataporik.)

Tunay na Kaibigan

Ang mga hayop ay isa sa pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob ng Poong


Maykapal sa mga tao. Makakapili (1) kung anong hayop ang pwede
nating alagaan. Sa lahat ng mga (2) na nabubuhay sa mundo, ang aso
ang pinakapaborito ko. (3) ay mababait, palakaibigan at mapagmahal
kaya itinuturing ang mga aso na tunay na kaibigan ng mga tao. Ang mga aso ay
kayang makipaglaro sa iyo. Maaaliw ka kaya mapapawi (4) ang iyong
lungkot at pagod. Pagdating mo sa iyong bahay ay siguradong sasalubungin
ka(5) na tila ilang buwan na kayong hindi nagkikita.

5 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
Bata pa lang ako ay mahal ko na ang mga aso. Sa nakita ko sa mga hayop na ito ay
walang tutumbas sa pagmamahal na iniaaalay (6) sa kanilang mga amo.
Ang mga aso ay lalaban para sa iyo at kaya ka nilang tulungan at protektahan laban
sa mga masasama. Ngunit sa kabilang banda, maraming mga ao ang ayaw sa
(7) . Nangangagat daw at delikado raw (8) . Pero iba ang
pagtingin ko sa mga aso dahil katulad din (9) ng mga tao na pwedeng
maging tunay na kaibigan at talagang mapagkakatiwalaan. Ang iba namang mga tao
ay sa una ayaw sa kanila ngunit nang masubukan nilang mag-alaga ay natutunan na
rin nilang mahalin ang mga ito. Napagtanto (10) na ang mga aso ay
totoong mabait at maituturing mong tunay na kaibigan. Para sa lahat ay isa lang ang
masasabi ko: ang sarap mag-alaga ng aso.

ISAISIP

Mawawalan ka ng ganang magbasa kung ang mga


salitang nakikita mo sa isang pahayag o teksto ay
paulit-ulit na ginagamit. Maiiwasan ang palagiang
paggamit ng mga pangngalan kung ito ay papalitan
natin ng mga panghalip tulad ng siya, nila, ito at
iba pa. Tinawag din nating pagpapatungkol kung
ginagamit natin ang panghalip bilang panghalili sa
mga pangngalan.

ISAGAWA

Sa ngayon alam kong marami ka nang nalalaman tungkol sa mga panandang


anaporik at kataporik. Kaya subukin natin ang iyong kaalaman ngayon. Nandito na
ang susunod mong gagawin:

Panuto: Ikaw ay susulat ng iyong sariling maikling kwento tungkol sa isang kawili-
wiling karanasan ng iyong buhay na hinding–hindi mo makakalimutan. Ang
kwentong iyong isusulat ay dapat na binubuo ng apat(4) na talata at bawat
talata ay binubuo ng limang(5) pangungusap. Ang isusulat mong kwento ay
gagamitan ng mga panandang anaporik at kataporik. Isulat mo ito nang
may buong katapatan sa sarili.
6 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
Bago mo simulan ang iyong pagsulat ng iyong sariling kwento ay bigyan mo
muna ng pansin ang rubrik para sa iyong gawain. Ito ay magsisilbing gabay upang
matasa mo nang maayos ang iyong gagawin. Mainam ito dahil gabay din ito sa iyo
kung paano mamarkahan ng guro ang iyong ginawang pagsulat.

RUBRIK SA PAGBUO NG MAIKLING KWENTO NA GINAGAMITAN


NG MGA PANANDANG ANAPORIK AT KATAPORIK

1. Kaangkupan at kawastuhan ng paggamit ng mga - 40%


salita
2. Lohikal at wastong pagkakasunod-sunod - 30%
ng mga detalye o kaisipan
3. Kawastuhan sa paggamit ng mga bantas - 30%

Kabuuan = 100%

TAYAHIN

Hanapin mo at salungguhitan ang mga cohesive devices na makikita sa


sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa patlang ang ANAPORIK kung ang
pahayag ay nasa anyong anaporik at KATAPORIK naman kung ang pahayag ay nasa
anyong kataporik. Ang bawat bilang ay may nakatalagang(2) puntos.

1. Magaling kumanta si Sarah Geronimo, kaya siya ay nakilala bilang


Asia’s Songbird at Popstar Princess.
2. Si Jose Rizal at Andres Bonfacio ay matatapang na mga bayaning
Pilipino. Ipinagtanggol nila ang bansang Pilipinas.
3. Dapat mo silang respetuhin at alagaang mabuti dahil sila ay iyong
mga magulang.
4. Mabait at malambing ang kanilang aso, kaya naghihinayang ang
kanilang pamilya nang mamatay ito.
5. Ito ang dahilan kaya bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo
kaya ang COVID 19 ay patuloy na hinahanapan ng lunas.
6. Maraming salamat po Aling Rosa. Napakabait mo po.

7. Masayahing bata si Eugene kaya napakarami ng kaniyang kaibigan.

7 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
8. Ang dami po ninyong mga halaman at bulaklak. Talagang
napakahilig po ninyong magtanim Lola Pasing.
9. Wala pa ring natagpuang lunas sa pandemyang ito. Ang COVID 19
ay isang dagok na kumitil ng maraming buhay.
10. Ang Pilipinas ay napakagandang bansa. Dinadayo ito ng maraming
turista.
11. Lagi nilang pinupuntahan ang Mt. Talinis sa Negros Oriental dahil
ang mga turista ay totoong nagagandahan dito.
12. Siya ay palaging pumupunta sa Mt. Talinis sa Negros Oriental dahil
ayon kay Dwayne Reed ay isa ito sa mga paborito niyang lugar.
13. Si Raymund at Archel ay magkababata at sila ay matalik na
magkaibigan.
14. Ang mga balyena ay malalaking isda at maituturing sila na mga
higante sa dagat.
15. Siya ay maprinsipyong – tao. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay may
paninindigan

KARAGDAGANG GAWAIN

Sumulat ng isang talata tungkol sa isang masayahing pamilya. Sa


pagbuo ng mga pangungusap, gumamit ng anaporik at kataporik na mga pananda.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.

8 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
SUSI NG PAGWAWASTO

9 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
MGA SANGGUNIAN

“DepEd Learning Portal -


lrmds.depedldn.com.”http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD
/20 PANGHALIP_PAGSUNUD_SUNOD_NG.PDF

“G7 SANAYANG AKLAT SA FILIPINO-


FINAL.PDF.”https://drive.google.com/file/d/17A
GxenFLyr87RXbZW9ouRTj3cOgmUD3/view

“Happy Family Cartoon Illustration” https://thumbs.dreamstime.com/z/happy-family-


cartoon-illustration-45726060.jpg

“Mga Aralin: Kohesyong


Gramatikal.”https://orcullo61mgaaralin.blogspot.com/2014/10/
kohesyong-gramatikal.html

“Mga Panandang Anaporik at Kataporik”.


https://www.scribd.com/presentation/4389544 43/Mga-Panandang-
Anaporik-at-Kataporik-pptx

“Mga Sanaysay sa Filipino: Ano ang Sanaysay.” https://sanaysay-


filipino.blogspot.com /2012/08/ano-ang-sanaysay.html

“Modyul 3 – Pagpapahayag sa iba’t ibang paraan.” http://lrmds.depedldn.com/


DOWN LOAD/MODYUL_3 PAGPAPAHAYAG_SA_IBA_T.PDF

“Pangngalan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.” https://tl.wikipedia.org/wiki


/Pangngalan

10 NegOr_Q3_Filipino7_Module6_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like