You are on page 1of 5

Mga Alituntunin at Panuntunan

sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya


(Para sa mga digital device at serbisyo sa internet na ipinagkaloob ng Unbound

para sa mga sponsored members)

1) Panimula

Ang Unbound Quezon Project Foundation, Inc. bunsod ng epektong dulot ng Pandemya ng Covid-19 ay
nakatuon ngayon sa paggabay sa mga mag-aaral sa paggamit nila ng teknolohiya bilang instrumento sa
pagkatuto at pag-abot ng kanilang goal o layunin, tungo sa kanilang pagtatagumpay at ang pagbibigay daan sa
kanilang gumamit ng mga digital device at serbisyo sa internet na pinahihintulutan ng Unbound. Buhat sa kani-
kanilang mga Child Account ay binibigyang laya ang mga pamilya ng bawat sponsored member na magamit
ang bahagi ng kanilang mga savings at benefits mula sa Unbound Sponsorship at Service-Scholarship Fund sa
pagbili ng kinakailangang digital device (laptop, desktop o mobile phone) bilang tugon sa kanilang expressed
felt needs gayundin para sa mga pang-edukasyon na programa na nakabalangkas sa mga alituntunin sa
responsableng paggamit nito.

Ang mga patakaran at patnubay na ito ay nakatuon sa mga sponsored members at service-scholars sa
pakikipagkaisa ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga sa paggamit ng elektronikong teknolohiya bilang
instrumentong pang-edukasyon tungo sa pagkamit ng kanilang mga layunin at tagumpay sa buhay.

2) Kapakinabangan na dulot ng tamang paggamit ng teknolohiya

A. Makatutulong ang digital device upang makapag-sumite ng mga aralin na kakailanganin sa online
learning ng mag-aaral na sponsored;
B. Ang device ay magsisilbing daan upang ang mga sponsorship requirements sa program at finance ay
maipasa ng sponsored sa kanilang mga subproject staff;
C. Magagamit ang device sa paggawa at pagpapadala ng typed letters at digital photos sa sponsors na
dadaan sa Project upang tiyakin ang tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng sponsored sa kanyang
sponsor;
D. Ang sponsored members ay direktang matatanggap ang e-letters na padala sa kanya ng sponsor gamit
ang link na email address ng bata matapos na ito ay dumaan sa itinakdang proseso ng pag-rereview ng
Project.

E. Ang service-scholar ay maaaring gamitin ang electronic device para sa virtual community service at
pakikipag-ugnayan sa mga sponsored members at kanilang mga pamilya.

3) Ang paggamit ng teknolohiya ay responsibilidad at oportunidad ng mga sponsored members

Isang prebilehiyo ang paggamit ng mga digital device at serbisyo sa internet na pinahihintulutan ng Unbound.
Ang tungkulin sa pagtuturo sa mga sponsored members tungkol sa responsable at naaangkop na paggamit ng
digital device ay sama-samang gampanin ng mga magulang o tagapag-alaga, sponsored at service-scholar
katuwang ang mga subproject staff. Tungkulin ng mga sponsored members, service-scholars at kanilang mga
magulang na tiyakin na ang kanilang digital device at serbisyo sa internet ay ginagamit alinsunod sa mga
itinakdang alituntunin at panuntunan.

Bahagi ng tungkulin ng Project na magtalaga ng technical staff o mula sa hanay ng mga sponsored youth na
may kaalamang-teknikal upang pangasiwaan ang pagbibigay ng orientation ukol sa computer literacy.
4) Pagsubaybay para sa kaligtasan ng mag-aaral na sponsored member

Ang mga device at account na ginagamit ng mga sponsored members at scholars sa pag-access ng internet ay
hindi direktang nasusubaybayan ng Unbound, sa halip ay inilalaan nito ang buong karapatan sa pagsubaybay
ng lahat ng naturang aktibidad ng mga mag-aaral sa mga device at serbisyo ng internet sa kani-kanilang mga
magulang o tagapag-alaga.

Para sa proteksyon at madaling pagsubaybay sa kanilang kaligtasan, ang bawat sponsored member at service
scholar ay dapat ibahagi at ipaubaya sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga ang “privacy” sa paggamit ng
kanilang electronic device at ng internet service, kasama na ang password, email address at saved files. Kung
may hindi naaangkop na mga gawain, ang mga magulang ay may karapatan at responsibilidad na suriin at
tanggalin ang files, records at websites na hindi nararapat o makakabuti at hindi tumutugon sa edukasyon at
pangangailangan sa pag-unlad at mithiin sa paggamit ng electronic device.

5) Mga pamantayan at kasunduan sa pagpapahintulot sa paggamit ng Child Account sa pagbili ng Digital


device gaya ng laptop, desktop o mobile phone

A. Ang sponsored member na opisyal na naka-enroll at nangangailangan ng electronic device ang siya
lamang papayagan na makabili ng device.
B. Ang isang college student na mangangailangan ng device upang makapagpasa ng school requirements
kahit pa hindi online learning ang modality ng kanilang kolehiyo o unibersidad.
C. May sapat na savings sa child account upang magamit ang halagang mula Php 4,000 –Php 7,000 kung
mobile phone ang mapagpapasyahang bilhin o mula Php 10,000 - Php 15,000 kung laptop/desktop
naman. Ang kakulangang halaga na higit pa dito ay magsisilbing counterpart na ng kanyang magulang o
tagapangalaga.
D. Ang sponsored member at scholar ay sumasang-ayon na gamitin ang electronic device sa mga oras sa
pagitan ng ika 7:00 ng umaga – 9:00 ng gabi para sa balanseng oras sa pag-aaral, makatulong sa
gawaing bahay at siguruhin ang regular na oras ng pagtulog para sa kanilang kalusugan.

6) Mga alituntunin at panuntunan sa pangkalahatang paggamit at pag-aalaga ng mga digital device na


binili buhat sa Child Account

A. Gagamitin lamang ng sponsored member ang digital device para sa mga aktibidad na nauugnay sa paaralan
at may kinalaman sa kanyang pag-aaral;

B. Hindi dapat mag-download o mag-install ang mga sponsored ng anumang softwares, Apps, pelikula, o laro
(games) maliban na lamang kung ito ay educational software na kinakailangan sa paaralan, kolehiyo o
unibersidad at nararapat na limitahan sa dalawang oras ang paglalaro ng educational games kada araw;

C. Sa oras lamang ng online class maaaring gumamit ang mga sponsored member ng mga electronic device sa
kanilang mga bahay, at sa itatakdang oras at pahintulot ng kanyang magulang o tagapag-alaga, ang sponsored
ay maaaring payagan na makapaglaro ng mga educational games kung hindi ito naka-aapekto sa iskedyul ng
klase sa pag-aaral;

D. Ang digital device ay maaari lang gamitin ng sponsored member na nagmamay-ari nito. Hindi
pinahihintulutan ang iba maliban sa kanyang mga kapatid na nasa loob ng kanilang tahanan na gamitin o
hiramin ang device sa mga schedules na aayon sa kani-kanilang oras ng pag-aaral na hindi maka-aantala o
maka-hahadlang sa mga schedules ng sponsored member o scholar.

E. Ang electronic device ay hindi magiging kabilang sa listahan ng imbentaryo ng mga ari-arian o Project assets,
gayundin ang paglalakip ng identification or inventory code ng Unbound bilang rekord ng depreciation value
nito ay nasa sa discretion o pagpapasya na ng Project;
F. Papanatilihin ng mga sponsored na ang kanilang mga username at password para sa digital device ay alam
ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga;

G. Hindi pananagutan ng Unbound ang anumang hindi pinahihintulutang pagsingil na ginawa ng mga
sponsored sa mga device at serbisyo sa internet, kabilang ang singil sa credit card, long distance na tawag,
kagamitan at linya, o para sa anumang ilegal na paggamit dito;

H. Pag-uulat sa mga nasira/nawalang device, at iba pang mga isyu:

 Ang sponsored member at ang kanilang mga magulang ay personal na may pananagutan para sa
wastong pag-aalaga, paggamit, at pagpapanatili ng mga itinalagang device at sa pag-alam kung nasaan
ito sa lahat ng oras. Isang spot check ang maaaring isagawa upang siguruhin na ang device ay nasa sa
kanila pa ring pag-iingat.
 Ang Unbound staff o ang itinalagang sponsored members ay dapat na magsagawa ng pagsusuri o spot
checking para masiguro na ang electronic device ay maayos at nasa sa kanilang pag-iingat.
 Hindi pinahihintulutan ang sponsored family na ang kanilang digital device ay ibenta o isangla.
 Pananagutan ng magulang o tagapag-alaga ang agarang pagpapakumpuni sa mga napinsala, nasira, o
hindi gumaganang device o ang pagpapalit sa kaso ng pagkawala. Kung ang device ay maaring nawala o
nanakaw mula sa sponsored o service-scholar, ang magulang ay may pananagutan para sa
pagpapagawa ng police report o Barangay authority sa loob ng 24 na oras mula sa pagkatuklas ng
pagkawala/pagkanakaw, pagbibigay kaagad sa Unbound ng dokumentasyon ng ulat, at ganap na
pakikipagtulungan sa anumang kasunod na pagsisiyasat.
 Ang magulang o tagapag-alaga ay dapat na agarang magbigay ng dokumentasyon ng ulat sa Unbound
staff.

7) Mga kahihinatnan ng paglabag

A. Unang Paglabag
1. Kung ang electronic device ay ginagamit na for rent, kaagad itong dapat ipatigil. Kung ito man ay
naisanla o naibenta, ang sponsored family ay makatatanggap ng verbal warning mula sa Project.
 Ang sponsored family ay dapat tubusin ang nakasanlang electronic device o palitan ang
naibentang gadget mula sa kanilang sariling pera o kung makatwiran ay ang pagsasaalang-
alang na payagang gumamit ng halaga mula sa Child account ng bata.
2. Direktang Komunikasyon sa mga sponsor at paggamit ng Unbound Logo sa nai-post na mga
larawan at iba pang photos sa social media.
 Promisory note na nagtatakda na ang nabanggit na pagkakasala ay hindi na uulitin, at ito’y
lalagdaan ng sponsored member/scholar at magulang/tagapag-alaga.
 Ang Sponsor ay dapat na paalalahanan ukol sa patakaran ng Unbound Kansas on No Direct
Contact Policy.
3. Ang pag-post ng mga larawan at mensahe, pag-download at pag-install ng mga websites at Apps
na hindi etikal, hindi naaangkop, kawalang-galang, pananakot, panunukso, diskriminasyon,
pornograpiko at kaugnay na pang-aabuso.
 Promisory note na nagtatakda na ang nabanggit na pagkakasala ay hindi na uulitin, at ito’y
lalagdaan ng sponsored member/scholar at magulang/tagapag-alaga.
 Naaangkop sa ilalim ng letter D sa kapangyarihan ng pamahalaan.

B. Ikalawang Paglabag
1. Kung ang unang pagkakasala ay maulit, ang sponsored family ay makakatanggap ng letter mula sa
Project na hindi na sila papayagang gumamit ng Child account upang mabawi o makabili ng
electronic device para sa internet support.
2. Direktang Komunikasyon sa mga sponsor at paggamit ng Unbound Logo sa nai-post na mga larawan
at iba pang photos sa social media.
 Nakasulat na kasunduan na hindi na uulitin pa ang parehong pagkakasala sa pagitan ng
sponsored, magulang at Unbound staff.
3. Pag-uulit na pag-post ng mga larawan at mensahe, pag-download at pag-install ng mga websites at
Apps na hindi etikal, hindi naaangkop, kawalang-galang, pananakot, panunukso, diskriminasyon,
pornograpiko at kaugnay na pang-aabuso.
 Nakasulat na kasunduan na hindi na uulitin pa ang parehong pagkakasala sa pagitan ng
sponsored, magulang at Unbound staff.
 Naaangkop sa ilalim ng letter D sa kapangyarihan ng pamahalaan.

C. Ikatlo at Huling Paglabag


1. Kung sa ikatlong pagkakataon ay inulit ang kaparehas na paglabag, ang sponsored family ay
makatatangap ng sulat mula sa Project na naglalaman na hindi na maaari pang payagan na
palitan ang gadget gamit ang child aaccount ng bata.
 Magrender ng community service bilang bahagi ng mga hakbang sa pagwawasto at
pagdidisiplina sa sponsored o ng scholar at kalakip ang pagpapayo o counseling.
 Sumailalim sa isang reorientation ukol sa responsableng paggamit ng mobile device.
2. Direktang Komunikasyon sa mga sponsor at paggamit ng Unbound Logo sa nai-post na mga
larawan at iba pang photos sa social media.
 Magrender ng community service bilang bahagi ng mga hakbang sa pagwawasto at
pagdidisiplina sa sponsored o ng scholar at kalakip ang pagpapayo o couseling.
 Sumailalim sa isang reorientation ukol sa responsableng paggamit ng mobile device.
3. Pag-uulit na pag-post ng mga imahe at mensahe, pag-download at pag-install ng mga websites
at Apps na hindi etikal, hindi naaangkop, kawalang-galang, pananakot, panunukso,
diskriminasyon, pornograpiko at kaugnay na pang-aabuso.
 Magrender ng community service bilang bahagi ng mga hakbang sa pagwawasto at
pagdidisiplina sa sponsored o ng scholar at kalakip ang pagpapayo o couseling.
 Sumailalim sa isang reorientation ukol sa responsableng paggamit ng mobile device.

D. Pag-iwas sa cyber abuse


 Ang sponsored member, service-scholar, mga magulang o tagapag-alaga ay nararapat na alamin
at respetuhin ang mga batas ng pamahalaan sa pag-iwas sa bullying at cyber-crime. Ang mga
posts na gaya nito ay nagpapataw ng mabibigat na multa, parusa o pagkabilanggo.

8) Mga hindi pinapahintulutang paggamit sa digital device at internet service

A. Hindi dapat gamitin ng mga sponsored ang device/internet para sa mga ilegal, hindi etikal, o bastos na
mensahe at cyber bullying.
B. Nararapat na kaagad ipagbigay-alam ng mga sponsored members at scholars sa kanilang mga
magulang kung sakali na nakapag-access sila ng impormasyon o mensahe na hindi naaangkop o sa
palagay nila ay hindi wasto sa anumang paraan.
C. Ipinagbabawal ng Unbound ang paggamit ng digital device upang mag-post, magpadala, o makakuha
ng mga pornographic na materials o hindi naaangkop na text o babasahin.
D. Hindi pinahihintulutan ng Unbound na gamitin ng mga sponsored sa pagpapadala ng mga mensahe ng
panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang
tao gamit ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Instagram at iba pa.

9) Child protection at Online Safety

Ipinapaalala sa mga bawat sponsored gayundin sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga na ang pagkakaroon ng mga
mobile device na nabanggit sa itaas higit ang pagkakaroon ng access sa internet ay nagbibigay pagkakataon din na sila ay
maaaring maharap sa posibleng pang-aabusong berbal, emosyonal at sekswal. Dahil dito, ang mga sumusunod na gabay
ay iminumungkahing sundin upang mapanatiling ligtas sila sa ganitong mga pang-aabuso:

A. Sa pagtitiyak na mapangalagaan ang bawat bata sa anumang uri ng pang-aabuso, kinakailangan na ang bata at
magulang ay makadalo sa isang Orientation o Pagpapaliwanag patungkol sa Child Protection.
B. Ang paglalagay ng password sa nasabing digital device ay dapat na alam ng magulang o tagapag-alaga upang sa
anumang oras ay may pagkakataon silang makita/ma-access ang nasabing device at matiyak na walang
kinakaharap na panganib ang bata. Gayundin, ang paglalagay ng mga locks sa anumang application na naka-
install sa mobile device ay ipinagbabawal din.
C. Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dapat na obserbahan at makipag-usap sa leader o staff sa anumang mga
hindi magandang pagbabago sa pag-uugali ng sponsored member at service-scholar.
D. Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dapat suriin ng madalas ang electronic device ng sponsored member
upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maagang matuklasan ang anumang pang-aabuso.
E. Dapat na mahigpit na masubaybayan ng mga magulang o tagapag-alaga ang sponsored member at service-
scholar sa kanilang paggamit ng electronic device at pag-access sa internet kaugnay ng mga hindi naaangkop at
malaswang materyales at palabas, pornograpiya at nakakahumaling na videogames.
F. Nararapat na pagpayuhan ng Project/subproject staff na i-block ang mga nabanggit na websites at Apps sa
electronic device ng sponsored member at service-scholar.
G. Ang sponsored members at service-scholar ay dapat na panatilihin ang pagiging lihim ng kanilang personal na
pagkakakilanlan sa social media para sa proteksyon mula sa Online/Cyber Abuse.

 Sa paggamit ng mga Social Media Apps, siguraduhing hindi ninyo gamit ang inyong buo o tunay na
pangalan
 Huwag maglalagay ng mga pangunahin o basic information/data sa inyong profile tulad ng edad,
birthday, address atbp. Tiyakin na ang inyong profile ay naka "Private"
 Huwag makikipag-usap/i-entertain ang mga mensahe ng mga taong hindi kakilala

H. Kung ang bata ay nakararamdam ng panganib sa pakikipag-usap sa mga taong nakilala online o may banta ng
pang-aabuso, kaagad itong ireport sa inyong mga magulang/tagapag-alaga o sa sinumang taong inyong
pinagkakatiwalaan kasama na ang inyong mga Unbound Staff upang agarang makatugon sa nakaambang
panganib. Gayundin, kaagad ang gagawing pag-block sa taong nakilala online upang maputol na ang patuloy na
ugnayan.

10. Paghihigpit mula sa Direktang Komunikasyon sa Sponsor at paggamit ng Unbound logo ng walang
kapahintulutan sa Social Media (Social media policy)

A. Ang sponsored members, service-scholars at kanilang mga pamilya ay hindi pinahihintulutang makipag-ugnayan
nang direkta sa kanilang mga sponsor sa pamamagitan ng anumang platforms sa social media.
B. Ang sponsored members, service-scholars at kanilang mga pamilya ay hindi pinahihintulutang magsend ng friend
request sa sponsor gamit ang facebook o anupamang Social Media apps tulad ng Twitter, Instagram, atbp.
C. Ang sponsored members, service-scholars o ng nagmamalasakit na sponsored members ay nararapat na mag-
ulat kaagad sa sinumang staff ng Unbound kung sakaling matuklasan ang direktang pakikipag-ugnayan ng
sponsor sa sinumang sponsored o/at kanilang pamilya.
D. Ang sponsored members, service-scholars at kanilang mga pamilya ay hindi dapat na mag-post ng hindi
naaangkop na mga larawan, videos at mensahe sa Facebook at iba pang mga social media accounts.
E. Ang sponsored members, service-scholars at kanilang mga pamilya ay maaari lamang na mag-post ng mga
larawan at mensahe na walang Unbound logo na naka-print sa kanilang kasuotan.

Ako at ang aking anak o alaga ay naunawaan at sumasang-ayon sa mga paliwanag sa mga nakasaad na sampung
bahagi ng Mga Alintuntunin at Panuntunan sa Paggamit ng Electronic device at Technology. Bilang patotoo,
inilalagda namin ang aming pangalan saksi ng aming staff o subproject coordinator.

_____________________ _________________________
Pangalan at lagda ng bata Pangalan at lagda ng magulang

Petsa_________________ Petsa_____________________

_______________________
Pangalan at lagda ng SPC

Petsa_________________

You might also like