You are on page 1of 1

Makapangyarihang Diyos Ama, Ikaw ang lumikha ng langit at lupa.

At sa iyong kalooban ay
ipinagkatiwala mo sa amin ang dapat gamapanan sa daigdig na ito. Ipinagkakatiwala namin ang simula
ng aming pag-aaral sa araw na ito upang kami ay iyong basbasan at pagpapalain. Patuloy mong ipadala
ang iyong Banal na Espiritu upang kami ay gabayan at bigyang inspirasyon sa aming pag-aaral. Maging
bukas nawa ang aming puso at isip sa impormasyon na aming malalaman. Matuto nawa kaming makinig
at umunuwa. Higit sa lahat baguhin mo kami na maging tunay mong anak sa pamamagitan ng aming
mabubuting gawa. Amen.

Diyos Amang mapagmahal at mapagkalinga, nagpapasalamat kami sa buhay na pinagkaloob ninyo sa


amin, sa aming pamilya, sa aming mga guro at kamag-aral at sa lahat ng aming gabay upang matahak
namin ang pag-unlad ng buhay sa pamamagitan ng edukasyon na iyong handog sa amin. Salamat sap ag-
bubukas ng aming puos at kalooban sa pakikinig. Patuloy mo kaming palakasin sa aming pisikal na
pangangatawan at pagtibayin ang aming puso ng iyong awa at pag-ibig upnag kung anu man ang aming
natutunan ay maisagawa namin ang iyong kalooban sa isip, sa salita at higit lalo sa aming gawa. Amen.

You might also like