You are on page 1of 4

REVIEWER IN FILIPINO

 Panghalip – salita o katagang panghalili sa pangngalan

 4 na uri ng panghalip
1. panao
2. pamatlig
3. panaklaw
4. pananong

 PANGHALIP PANAO -humahalili sa ngalan ng taong ayaw nang ulit-ulitin pa.


A. panauhan
B. kailanan

A. Panghalip panao na panauhan


1. Unang panauhan – humahalili sa taong nagsasalita (Halimbawa: AKO)
2. Ikalawang panauhan - humahalili sa taong kinakausap (Halimbawa: IKAW)
3. Ikatlong panauhan - humahalili sa taong pinag-uusapan (Halimbawa: SIYA)

B. Panghalip panao na kailanan


1. Isahan – tumutukoy lamang sa isang bilang
2. Dalawahan - tumutukoy lamang sa dalawang bilang
3. Maramihan - tumutukoy sa tatlo o higit pang bilang

 PANGHALIP PAMATLIG – humahalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa na itinuturo.


1. Unang panauhan – Ang itinuturo ay malapit sa taong nagsasalita
(Halimbawa: ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, heto.
2. Ikalawang panauhan - Ang itinuturo ay malapit sa taong nagsasalita at taong kinakausap
(Halimbawa: iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan)
3. Ikatlong panauhan - Ang itinuturo ay malayo sa mga nag-uusap o sa nagsasalita at kinakausap
(Halimbawa: iyon, hayun, doon, ganoon, niyon)

 PANGHALIP PANAKLAW – sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy


(Halimbawa: lahat, sinuman, saanman, anuman, madla, iba, lahat, ilanman)

 PANGHALIP PANANONG – katagang ginagamit sa pagtatanong na maaaring tungkol sa tao,


bagay, panahon, lunan, at pangyayari. Ito ay maaaring isahan o maramihan.

ISAHAN MARAMIHAN
ano ano-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
sino Sino-sino
 PANDIWA – salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita
 Panahunan – aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang
kilos, kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin, o kung ipagpapatuloy pa ang nagaganap
na kilos.

1. Panahunang pangnagdaan o PERPEKTIBO – nagsasaad ng kilos na natapos na.

PANDIWA PANGNAGDAAN
alis umalis
linis naglinis
alis inalis

 Panauhang katatapos – nangangahulugang katatapos pa lamang ng kilos.


PANDIWA KATATAPOS
hingi Kahihingi
labas Kalalabas
sabay kasasabay

2. Panahunang Pangkasalukuyan o Imperpektibo – ginagamit sa pagsasaad ng kilos na


naumpisahan ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos.

PANDIWA PANGKASALUKUYAN
Libang naglilibang
tago itinatago
palit pinapalitan

3. Panahunang Panghinaharap o Kontemplatibo – aspektong panghinaharap ng kilos na hindi pa


nauumpisahan. Inuulit nito ang mga pantig ng salitang-ugat nang hindi binabago ang panlaping mag.

PANDIWA PANGHINAHARAP
magtayo magtatayo
magluto magluluto
magtinda magtitinda

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

URI NG PANDIWA

1. Palipat
2. Katawanin

1. Palipat – may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos. Ang layon na ito’y pinangungunahan ng ng o
ng nga, sa, sa mga, kay, kina, ni, at nila.

2. Katawanin – walang tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang pandiwa ay nakatatayong mag-isa at
maaaring:
a. naglalahad lamang ng kilos, Gawain, o isang pangyayari
(Halimbawa: Nagkasiyan ang magkakaibigan)
b. mga pandiwang walang simuno
(Halimbawa: Lumilindol!)
PANAGINIP – Bahagi ng pagtulog ng tao.

IBAT-IBANG URI NG PANAGINIP

A. daydreams – panaginip na nararanasan ng gising


B. false awakening dream – panaginip sa umaga o bago magising na tila bumabangon na ang tao
at gumagawa ng mga natural na gawain ngunit panaginip lang pala
C. recurring dreams – pagkakaroon ng paulit-ulit na panaginip
D. precognitive dreams - panaginip na tila napapakita o nararanasan ng tao ang maaring mangyari
sa kanya sa hinaharap.
E. nightmares o bangungot – panaginip na nakakatakot o nakakagambala.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

POKUS NG PANDIWA

POKUS – relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

1. Pokus sa Tagaganap o Aktor - ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaaad sa
pandiwa.
gumawa ng pandiwa pandiwa
(Halimbawa: Ang pamahalaan ay nanguna sa pagkalap ng impormasyon sa mga
maykapansanan sa bansa.)

2. Pokus sa Layon o Gol – ang pandiwa ay nasa pokus na layon kung ang layon ay ay ang paksa o
binibigyang diin sa pangungusap.
pandiwa paksa: binibigyang-diin ng pandiwa
(Halimbawa: Pag-aralan mo ang bar graph na iyan upang Makita nang maliwanag ang bahagdan
ng maykapansanan sa bansa.)

3. Pokus sa Ganapan o Lokatib – ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa o simuno ay
ang lugar o ganapan ng kilos.
Pandiwa lokatib:lugar na pinagganapan ng pandiwa
(Halimbawa: Pinagpulungan ng ahensiya ang silid sa kagawaran tungkol sa bagay na iyan.)
Pang-uri – salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip

1. Pang-uring panlarawan – naglalarawan ng hugis o anyo, lasa, amoy, kulay, at laki ng mga bagay.
Halimbawa:
Malalago ang puno sa kagubatan.
Matalino na ngayon si Moymoy Matsing.
Ang hangin sa kagubatan ay sariwa.
Maberde ang gawing kanluran ng kagubatan.

2. Pang-uring Pamilang – nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan.

 Patakaran – batayang bilang sa pagbilang.


(Halimbawa: isa, dalawa, tatlo)
 Panunuran – nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan
(Halimbawa: Una, ikalawa, ikatlo)
 Pamahagi – nagsasaad ng isang bahagi o parte ng kabuuan
(Halimbawa: kalahati, kapat, tigatlo)
 Palansak – nagsasaad ng pangkatan, minsanan o maramihan ng mga pangngalan.
(Halimbawa: Isahan, dalawahan, limahan)
 Pahalaga – nagsasaad ng halaga ng mga bagay na binili
(Halimbawa: sampumpiso, dalawampiso, sandaan)
 Patakda – tinitiyak nito na ang bilang ay hindi mababawasan o madadagdagan.
(Halimbawa: iisa, dadalawa, tatatlo)

You might also like