You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

MGA PATNUBAY SA PATAKARAN NG SDO CALOOCAN PARA SA PAGPAPALABAS NG


DIGITAL DEVICES SA MGA MAG- AARAL

1. Ang bawat mag-aaral ay may nakatalagang digital device bilang suporta sa


distance learning na ipinatutupad ng DepEd- SDO Lungsod ng Caloocan, sa
pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan (LGU),
bilang paraan ng paghahatid ng pagkatuto. Ang device ay hindi gagamitin ng
sinomang tao maliban sa awtorisadong gumamit nito at sa mga gawaing nauukol
sa layon ng DepEd.

2. Ang pagpapalabas ng devices ay ayon sa bilang ng mga mag-aaral na nagpatala sa


pampublikong paaralan ng Lungsod ng Caloocan. Kaya’t, sa katapusan ng taong
panurunan, o kung ang mag-aaral ay hindi na naka-enrol, ang mga devices na
ito ay dapat na maibalik sa Punongguro o sa School Property Custodian.

3. Ang paggamit ng devices ay kinakailangang mahigpit na alinsunod sa DepEd


Order No. 95, s. 2010 (Guidelines on the Proper Use of Computer and network
Facilities in All Deped Administrative Offices and Schools), kung kaya’t, ang mag-
aaral at magulang/ tagapag-alaga ay tutuparin din ang mga nakasaad sa
“KASUNDUAN NG PARAAN SA PAGGAMIT NG COMPUTER” bago pa man
ipagamit ang devices.

4. Ang mag-aaral at ang kanilang mga magulang/ tagapag-alaga ay parehong may


pananagutan sa lahat ng data na nakapaloob sa devices na may kinalaman sa
seguridad at back up nito.

5. Ang devices ay kinapapalooban o nalagyan ng DepEd ICT personnel ng aprobadong


standard na software at security applications. Hindi dapat baguhin o i-disable ng
mag-aaral o magulang/ tagapag-alaga ang mga software o mga security
applications na ito.

6. Ang devices ay sinasasakluban ng standard, limitadong warranty, na maaaring


kinabibilangan ng pagpalit sa depektibong hardware parts. Hindi sakop ng
warranty ang pagkahulog, electrical surges, mga natapong likido sa unit, pagkasira
dahil sa sunog, sinadyang pagsira, o ang di maiiwasang pagkasira dala ng normal
na paggamit ng devices, pagkawala ng mga parte (power unit) o consumable (mga
baterya). Sa oras na masira o mag -malfunction ang devices, responsibilidad ng
mag-aaral o ng magulang/ tagapag-alaga na ipaalam ito sa guro sa loob ng
dalawang (2) araw na may pasok at ibalik kaagad ito sa paaralan para i-repair.

7. Sa kaso ng pagnanakaw nito, kailangan ang agarang pagre-report nito sa


pinakamalapit na presinto ng komunidad o istasyon ng pulis ng lungsod.
Pagkatapos, ang kopya ng police blotter at ang isinulat na paliwanag ay kailangang
agarang ipasa sa guro ng mag-aaral. Gayundin, ipinapaalala sa patakarang ito na
ang tao na bumibili ng kagamitan na nakaw o ninakaw ay mayroong parusa na
kulong sa ilalim ng Presidential Decree No. 1612 o Anti- Fencing Law.

Address: 10th Avenue West, Grace Park, Caloocan


City
Republic of the Philippines
Department of

8. Para sa kaligtasan, ang devices ay hindi maaaring ilabas ng bahay. Natutukoy ang
eksaktong lugar at oras kung ito ay ilalabas ng bahay dahil may security at location
features ito, na makapagbibigay- hudyat sa mga awtoridad ang hindi naipaalam na
pagkilos nito.

9. Hindi maaaring gamitin ang devices sa paglahok sa cyberbullying, pag-access sa


pornographic sites, at malware-laden sites o anomang malpractice na lumalabag sa
Republic Act 10929 ( An Act Establishing the Free Internet Access Program in Public
Places in the Country and Appropriate Funds Thereof) at Republic Act 10627 (An
Act Requiring All Elementary and Secondary Schools to Adopt Policies to Prevent
and Address the Acts of Bullying in their Institutions).

10. Ang mga mag-aaral at mga magulang/ tagapag-alaga ay lalahok sa regular na


monitoring and evaluation activities na pangangasiwaan ng DepEd at ng LGU ukol
sa kalagayan ng devices.

11. Ang mag-aaral at ang kanilang magulang/tagapag-alaga ay parehong may


pananagutan sa pag- aasikaso upang maprotektahan at patuloy na mapangalagaan
ang devices. Ang ebidensya ng maling paggamit o pag-abuso sa mga ito ay
magiging dahilan ng pagbawi nito. Karagdagan pa, ang mag-aaral at
magulang/tagapag-alaga ay may pananagutan sa nawalang halaga ng devices
kaugnay ng sinadyang maling paggamit nito o pag-aabuso dito.

12. Ang lagda ng magulang/tagapag-alaga ng mag-aaral sa dokumento na ito ay


nagpapatunay ng pagsang-ayon sa lahat ng pananagutan upang matiyak na
makamit ng mag-aaral ang buong benepisyo ng paggamit ng devices sa layuning
pang-edukasyon. Sumasang-ayon din sya na maging responsible sa pagtiyak na
hindi maipagbibili, hindi magagamit ng mali at hindi maaabuso ang devices, at
mapalitan agad ng katulad din ng unit na ibinigay sa mag-aaral kung ito ay
naipagbili, may maling paggamit at pag-abuso.

PAGSANG-AYON:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapag-alaga Petsa

Buong Tirahan Email address Cellphone/ Mobile


Number

Copy 1- Parent/ Guardian Copy 2- School Property Custodian Copy 3- SDO Property Custodian

Address: 10th Avenue West, Grace Park, Caloocan


City
Republic of the Philippines
Department of

COMPUTER USAGE CODE OF CONDUCT CONTRACT


KASUNDAAN NG PARAAN SA PAGGAMIT NG COMPUTER

I will:
Ako ay:

1. Talk with my teacher and parents to learn the rules for using the computer and other ICT
equipment. Makikipag-usap sa aking guro at magulang upang malaman ang mga alituntunin sa paggamit ng
computer at iba pang ICT equipment.

2. Use DepEd’s ICT facilities in a responsible and ethical manner. Gagamit ng DepEd ICT facilities sa
responsable at etikal na paraan.

3. Never give out information about username / account name and password to avoid the
unauthorized use of DepEd’s facilities. Hindi magbibigay ng anomang impormasyon tungkol sa username /
account at password upang maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit ng mga pasilidad ng DepEd.

4. Never use DepEd’s ICT Facilities for unofficial purposes. Hindi gagamit ng mga pasilidad ng DepEd ICT
sa mga layuning hindi opisyal.

5. Never use or copy files that are not authorized by the owner. Hindi gagamit o kokopya ng files na hindi
pinahihintulutan ng may-ari.

6. Never install or copy personal files onto DepEd’s computer equipment without the knowledge of
the teacher. Hindi mag-i-install o kokopya ng mga personal files sa computer equipment ng DepEd na hindi alam
ng guro.

7. Never install or download any pirated or unauthorized software. Hindi mag- i-install o magda-download
ng anomang pirated o hindi awtorisadong software.

8. Never play games especially without the consent of the teacher. Hindi maglalaro o maglalagay ng
anomang larong pang-computer kung walang pahintulot ng guro.

9. Ask for the guidance of the teachers for doubtful activities which will need the use of computer.
Hihingi ng gabay sa mga guro kung may pag-aalinlangan sa mga gawaing nangangailangan ng paggamit ng computer.

10. Let my teacher and/ or parents know my Username and Password, listed below:
Ipagbibigay – alam sa aking guro at/o mga magulang ang aking Username at Password na nakasulat sa ibaba:

Username Password

Name/ Signature (Pangalan/ Lagda):

Student (Mag-aaral) Date (Petsa)

Parent or Guardian Date (Petsa)


(Magulang o
Tagapangalaga)
Teacher (Guro) Date (Petsa)

(Based on DepEd Order No. 95, s. 2010- Guidelines on the Proper Use of Computer and Network Facilities in All DepEd Administrative Offices and Schools)

Address: 10th Avenue West, Grace Park, Caloocan


City

You might also like