You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Puerto Princesa City

Mga Alituntunin ng Mataas na Paaralan ng Luzviminda


(Rules and Regulations of Luzviminda National High School)

Panimula:

Ang Dep-Ed Order No. 65, s.2010 ay nagbibigay pahintulot sa paaralan na ipagpatuloy ang isusuot ng uniporme ng mga
mag-aaral upang maiwasan ang panibagong gastusin. Dahil dito, ipapatupad ang alituntuning ito ng Mataas na Paaralan ng
Luzviminda.

Pangkat A

JUNIOR HIGH SCHOOL

Ang kulay ng uniporme ng mga mag-aaral sa LNHS ay:

1. Para sa mga babae; checkered na kulay asul, putting blusa at kurbatang checkered na may logo ng paaralan, itim na
sapatos at puting medyas.
2. Para sa mga lalaki; itim na pantalon, puting polo/T-shirt na may kwelyo at logo sa kaliwang dibdib.
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga mag-aaral sa Senior High School ay Kailangan magsuot ng itinakdang uniporme.

Tandaan:

Maaaring magsuot ng “jogging pants” at T-shirt na puti ang mga mag-aaral sa oras ng kanilang P.E. sa MAPEH at
gayundin sa asignaturang T.L.E

3. Lahat ng mga mag-aaral ay kailangang gumamit ng pagkakakilanlan o “Identification Card” sa loob ng paaralan at silid
aralan sa lahat ng oras. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng I.D. card ng iba.
4. Lahat ng mag-aaral ay kailangang makiisa sa pag-awit ng Pambansang Awit at pagwawagayway ng Bandila tuwing
Lunes sa ganap na 7:30 ng umaga ng umaga at kailangang makiisa sa pagbaba ng watawat tuwing Biyernes sa ganap na
4:30 ng hapon.
5. Lahat ng mag-aaral na lalaki ay kailangang may maikling buhok (gupit estudyante) at ipinagbabawal din ang pagsuot ng
sombrero sa loob ng paaralan at silid aralan.
6. Ipinagbabawal sa lahat ng mag-aaral ang pagpapakulay ng buhok.
7. Ipinagbabawal ang paglilipstick at paggamit ng eyeliner, lalaki man o babae.
8. Ipinagbabawal ang pagsuot ng hikaw sa kalalakihan at maraming hikaw sa kababaihan.
9. Ipinagbabawal ang paggamit at pag-charge ng “cellphone”, “tablet” at iba pang gadgets sa loob ng silid-aralan habang
nagkaklase. Ngunit maaaring gumamit ng laptop kung may pahintulot ng guro. Maaaring gumamit ng cellphone kung
may emergency.
10. Lahat ng mag-aaral ay kailangang maging magalang sa lahat ng oras at taglayin ang mabubuting kaasalan.
11. Ipinagbabawal ang pag-iingay sa loob ng silid-aralan, pasilyo, balkonahe, hagdan at sa mga lugar na pinagdadausan ng
klase.
12. Ipinagbabawal ang pagdudura sa sahig, sa hagdanan, pasilyo at iba pa.
13. Ipinagbabawal ang hayagang pakikipagligawan at pakikipagtagpo (date/Public Display of Affection) sa iba’t ibang
lugar sa paaralan.
14. Ipinagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral ang palakad-lakad sa loob ng paaralan sa oras na may klase maliban sa oras
recess.
15. Ipinagbabawal ang pagpunta sa ibang silid aralan.
16. Ang mga mag-aaral ay dapat manatili sa loob ng silid aralan, school library or reading center kung sakaling walang
klase.
17. Ipinagbabawal ang pagpunta at paglalaro sa mga computer game shops, internet café’s, at peryahan sa oras na may
klase o may pasok.
18. Ipinagbabawal sa lahat ng mag-aaral ang pagpasok sa loob ng paaralan tuwing Sabado at Linggo, maliban na lang kung
may pahintulot ng Punong Guro o may kasamang guro.
19. Lahat ng uri ng sasakyan ay igagarahe sa itinakdang lugar.

II Pangkat B
Ang mga sumusunod na pagkakamali o gawain ay basehan ng parusa depende sa bigat ng pagkakamali.
1. Pagliban (DepEd Order No. 8 s. 2015) at pagkahuli sa klase nang walang mabigat na dahilan at cutting classes (number
of times committed).

LUZVIMINDA NATIONAL HIGH SCHOOL


Purok Kabisayaan, Brgy. Luzviminda,
Puerto Princesa City
Mobile No.: 09532555295
Email Address: 301788@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Puerto Princesa City

2. Pangungupya at pagnanakaw.
3. Paglalapastangan sa mga guro, o sinumang may katungkulan sa paaralan at mag-aaral tulad ng pagmumura,
panununtok, pananaksak at iba pa.
4. Nakasisirang pagsusulat o paninira sa mga kagamitang pampaaralan tulad ng mga upuan, mesa, bintana, mga aklat, mga
kasangkapang panglaboratoryo at iba pa.
5. Mahigit na ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan o video, ang pag-upload at pag-download ng mga ito at mga
pangyayaring di-kanais nais sa loob at labas ng silid-aralan.
6. Panlalait (Verbal) pananakit (Physical) pagsasalita na nakakasakit sa damdamin (Emotional) na makakaapekto sa
kaisipan o sikolohikal na aspeto ng mag-aaral (RA 10627 – Anti Bullying Act).
7. Mahigpit na ipinagbabawal ang Cyber Bullying. Ang mga ito ay pagmumura, masasamang comment sa group chat o iba
pang social media, pag post ng malalaswang larawan na nagdudulot ng paninirang puri sa kapwa mag-aaral at school
personnel.
8. Pagdala at pag-inom ng mga nakakalasing na inumin.
9. Pagdadala at pagtatago ng mga sandatang nakakasakit o nakamamatay.
10. Pananakit at pangingikil.
11. Pakikipag-away na magbubunga ng pananakit.
12. Paggamit, pag-angkin o pagdadala at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
13. Pamamalo o pananakit sa mag-aaral sa iba’t ibang paraan sa loob at labas ng “perimeter” ng paaralan.
14. Imoralidad, pang-aabuso o paglapastangang sekswal.
15. Pagbabanta sa mga estudyante, mga guro at sinumang may awtoridad sa paaralan.
16. Pamumuno at pakikiisa sa mga gawaing magiging dahilan sa pagkabalam ng klase.
17. Paghuhuwad ng mga lagda at mga kasulatang pampaaralan tulad ng Enrolment Form, Clearance, Excuse Slip,
Promissory Letter at iba pang katulad.
18. Smoking o paninigarilyo at pagdadala ng electronic cigarette (DepEd Order No. 73, 2010).
19. Gambling o pagsusugal.
20. Pagsisigaw at pagsasalita ng malaswa sa loob at labas ng silid-aralan, pasilyo, balkonahe, hagdan at iba pa.
21. Pagkalat ng basura sa loob at labas ng silid-aralan, pasilyo, hagdan at ibang lugar sa paaralan. At paninira ng halaman.
22. Pag-oorganisa/pagsali/paglahok/pagiging kasapi/miyembro ng anumang fraternity/sorority. “gang” o anumang grupo o
organisasyon na di pinahihintulutan ng paaralan.
23. Pagpapa-tattoo/pagta-tatto at pananakit sa sarili sa anumang paraan.

KAPARUSAHAN:
Ang mga sumusunod na kaparusahan ay ipapataw sa mga mag-aaral sa mga pagkakamaling nagawa. Ang bigat ng
parusa ay batay sa nagawang pagkakamali:

First Offense/Unang Paglabag - Suspendido ng 3 araw


Second Offense/Ikalawang Paglabag - Palilipatin ng paaralan
Third Offense/Ikatlong Paglabag - Pagtitiwalag

KASUNDUAN/PANGAKO

A. Para sa Mag-aaral:
Sa sandaliang mapatunayan na ako ay may paglabag, sumasang-ayon po akong taggapin ang alinmang parusa
depende sa bigat ng aking pagkakamali.

____________________________________________________________
Lagda sa itaas ng naiprentang pangalan ng mag-aaral
B. Para sa Magulang:
Nauunawaan ko ang buong nilalaman ng mga alituntunin at sumasang-ayon ako dito. Sa sa sandaling may
ginawang paglabag ang aking anak ay kusang loob kong susundin ang pasya ng paaralan.

__________________________________________________________________
Lagda sa itaas ng naimprentang pangalan ng magulang/guardian

LUZVIMINDA NATIONAL HIGH SCHOOL


Purok Kabisayaan, Brgy. Luzviminda,
Puerto Princesa City
Mobile No.: 09532555295
Email Address: 301788@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Puerto Princesa City

___________________________
Petsa ng Pagpirma

References:
DepEd Service Manual 2000
DepEd Order No. 65 s.2010
LNHS Rules and Regulations
RA 10627 Anti Bullying Act of 2003
RA 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000
City Ordinance No. 200
DepEd Order No. 73 s. 2010
Deped Order No. 8 s. 2015

LUZVIMINDA NATIONAL HIGH SCHOOL


Purok Kabisayaan, Brgy. Luzviminda,
Puerto Princesa City
Mobile No.: 09532555295
Email Address: 301788@deped.gov.ph

You might also like