You are on page 1of 39

WELCOME PARENTS!

1st HOMEROOM PTA MEETING


Agenda
President
Vice President
1. Students’ Discipline Secretary
2. Attendance Status Treasurer
3. Lack of Documents Auditor
4. School Policies
5. Election
Mga Alituntunin
Pangdisiplina ng
Pantay Integrated High
School
Taong Panuruang 2022-2023
Referenc
eo
Basehan
Una: PALAGIAN AT MAAGANG
PAGDALO SA KLASE
1. Pumasok at palaging dumalo sa klase.
2. Ipagbigay—alam kaagad sa guro kung liliban sa klase.
3. Iwasan ang pag-iwan sa klase ng hindi  pa tapos ang takdang oras
4. Ipabatid sa guro ang pag-iwan sa klase kung kinakailangan  bunga
ng pagkakasakit  o di maiiwasang dahilan.
5. Pumasok sa paaralan, sampung minuto bago magsimula ang klase.
6. Iwasang  magpakalat- kalat pagkadating sa paaralan, dumiretso
agad sa room
Pangalawa: MGA GAWI O KILOS SA
LOOB NG SILID-ARALAN
1. Laging pumasok na handa para sa mga aralin.
2. Maging magalang sa pananalita sa lahat ng oras.
3. Ugaliin ang pagdadala ng sariling gamit sa paaralan.
4. Makinig ng mabuti sa mga guro sa lahat ng oras.
5. Hintayin ang pagkakataon mo na makapagsalita.
6. Iwasang lumikha ng ingay habang nagkaklase.
7. Maging matipid sa paggamit ng mga kagamitang pampaaralan.
8. Panatiliing malinis at maayos ang lahat ng gawain .
Pangatlo: PAGGAMIT NG MGA
PALIKURAN AT WASHING AREA SA
PAARALAN
1. Panatilihin ang kalinisan ng washing area, dingding at
sahig ng palikuran.
2. Buhusan ang inidoro matapos itong gamitin.
3. Huwag sulatan ang mga dingding at pinto ng palikuran
4. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.
5. Iwasang kumain,maglaro at mag-aral sa loob ng palikuran.
Pang-apat: PAGSUSUOT NG TAMANG
KASUOTAN SA PAARALAN
1. Magsuot ng mga angkop na kasuotan sa paaralan
1. Magsuot ng mga angkop na kasuotan sa paaralan
(para sa mga magulang, guardians at bibisita sa paaralan)
Pisikal na Kaanyuan ng
mga mag-aaral:
1. BUHOK – ang lalaking mag-aaral ay
kinakailangang bagong gupit tuwing unang Lunes
ang bawat buwan na may tamang sukat na 2x3 daliri.
Ipinagbabawal (hindi pinahihintulutan) ang gupit na
“square back” na may mahabang bangs, itsurang
bunot, pagpapakalbo, may mga ahit at pagpapakulay
ng buhok ng anumang kasarian.
2. TAINGA – Hindi pinahihintulutan ang
pagbubutas ng tainga sa mga kalalakihan.
Gayundin ang pagsusuot ng higit sa isang
pares ng hikaw para sa mga kababaihan ay
hindi pinahihintulutan.
3.KILAY– Hindi
pinahihintulutan ang pag-ukit
ng kilay sa anumang kasarian.
4. TATTOO – Hindi pinahihintulutan ang
paglalagay ng “Tattoo” sa alin mang bahagi ng
katawan. Kung maaari, ang mga tattoo kung
mayroon man ay yaong hindi makatawag-pansin
at tila sila ay mga kamiyembro ng anumang gang
o FRATERNITY o SORORITY.
5. PALAMUTI - Hindi pinahihintulutan ang
pagsusuot ng kung anu-anong palamuti
(mahabang hikaw sa mga kababaihan, kwintas at
bracelet ng mahigit sa isa). Gayundin ang
makapal na make-up gaya ng eye liner, eye
shadow, lipstick, foundation at blush on maging
babae man o lalaki.
MGA BAGAY NA HINDI
DAPAT GAWIN NG
ISANG MAG-AARAL:
1. Pananakot o pagbabanta sa kapwa mag—
aaral.
2. Pagkuha o pagsira sa pag-aari ng iba.
3. Pagmumura at pagsasabi ng masasakit na
salita sa kapwa mag-aral.
4. Pambu-bully, panunukso, pang-iinsulto o
pangungutya
5. Pisikal na pananakit gaya ng mga
sumusunod: suntok, tulak, sipa, sampal,
hampas o palo, kurot, untog, sakal, kutos o
batok, kalmot
6. Pakikipag-away at pananakit gamit ang
anumang bagay na maaring makasugat.
7. Pagkontrol sa kalayaan ng kapwa mag-aaral.
8. Panghihikayat na huwag kausapin o awayin
ang kapwa kamag-anak.
9. Pagguhit, pagpapakita o paghawak sa
anumang maselang bahagi ng katawan ng 
isang tao.
10. Cyber-bullying o pambu-bully gamit ang
makabagong teknolohiya o anumang
“electronic device” gamit ang internet.
11. Paghihiganti sa taong nagsumbong o
tumestigo tungkol sa anumang naganap na
pambu-bully.
12. Pag-aaksya ng mga kagamitang
pampaaralan.
13. Panonood o pagpapasa sa
cellphone ng mga malalaswang
panoorin.
14.Pangingikil / Panghihingi ng Pera
sa ibang mag-aaral.

15.Pagdadala o Pagiinom ng alak sa


loob ng paaralan at pagpasok ng
lasing.
16. Pagdadala at paninigarilyo sa
loob ng paaralan at maging sa
distansiyang 100 metro sa labas at
paligid nito.
17. Kawalang-galang sa mga guro,
kawani ng paaralan, kamag-aral at
maging sa watawat ng Pilipinas lalo
na habang itinataas at ibinababa ito
18. Pagpapakita ng malubhang asal
(pagwawala sa loob ng paaralan,
pag-aamok)
19.Pandaraya sa mga gawaing
pampaaralan
20. Pagcucutting classes
21. Pagsira o paninira ng mga gamit
ng paaralan
22. Pagnanakaw sa Paaralan, sa Guro
at kapwa mag-aaral.
23. Pagdadala ng kagamitang
nakakasakit o nakamamatay (deadly
weapon)
24.Paggawa ng mali habang suot ang
uniporme sa labas ng paaralan.
25.Panggagaya ng lagda ng mga
guro at iba pang opisyal ng paaralan.
PAGPASOK SA KLASE:
1. Kailangang makiisa sa pagtataas ng watawat tuwing Lunes sa
ganap na 6:00 ng umaga.

2. Sakaling ang mag-aaral ay lumiban sa klase kailangang


magpadala ng excuse letter na may lagda ng magulang o taga-
pangalaga sa mismong araw o sumunod na araw ng pagliban.

3. Ang mag-aaral na huli (late) sa klase ng tatlong (3) beses ay


kailangang samahan ng magulang/legal guardian sa paaralan
upang makipag-usap sa gurong tagapayo sa oras na
makatanggap ng sulat o liham pabatid.
MGA KARAMPATANG
KAPARUSAHAN
Unang Pagkakamali o first offense
1. Kakausapin ng class adviser ang mag-aaral
2. Magkakaroon ng kasulatan tungkol sa
anumang mapagkakasunduan.
Pangalawang Pagkakamali
1.Ang bata at adviser ay makikipag-ugnayan na sa
School Guidance Coordinator.
2. Suspensyon na hindi lalampas ng isang linggo.
3. Ang batang “nag-bully”, kasama ang magulang
o tagapag-alaga, ay dadalo sa counseling sessions
na itatakda ng paaralan.
Paalala: Kung ang pambubully ay nagresulta sa
isang “serious physical injury” o pagkamatay.
1. Ipagbibigay-alam agad ang insidente sa opisina
ng :
A. Schools Division Superintendent
B. Local Social Welfare and Development
2. Suspensyon na hindi lalampas sa tatlong linggo.
3. Pagpapatalsik sa paaralan.
SENIOR HIGH SCHOOL
FAMILY

Edgardo Dinozo TEACHERS


Principal I
MARAMING
SALAMAT!

You might also like