You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division Office of Olongapo City
District III-A
BARRETTO II ELEMENTARY SCHOOL
Rizal Extension Street, Barretto, Olongapo City

MGA ALITUNTUNING DAPAT SUNDIN NG ISANG MAG-AARAL

1. Magsuot ng naaangkop na unipormeng para sa mga mag-aaral na lalaki at babae. Ang unipormeng pang PE ay
maari lamang isuot sa araw ng Biyernes. Maaring magsuot ng puting t-shirt ngunit walang malalaswang larawan
o mga malalaswang salita.
2. Ugaliing magsuot ng sapatos na pamasok.
3. Isabit nang tama ang ID bago pumasok bilang pagkakakilanlan. Panatilihin itong nakasabit nang maayos sa buong
oras na nasa loob ng paaralan.
4. Panatilihin ang tamang gupit ng buhok (crew cut) sa mga lalaki. Ang artificial na kulay ng buhok ay hindi
pinahihintulutan ng paaralan sa babae at sa lalaki. Ipinagbabawal din ang pag-aahit/paggagatla sa kilay at
paggamit ng lip tint sa mga mag-aaral.
5. Hindi pinahihintulutan ang pagsusuot ng hikaw sa mga lalaki. Mga babae ay maaari lamang magsuot ng isang
maliit na pares ng hikaw at walang make-up o kolorete sa mukha.
6. Pumasok nang maaga at dumalo sa flag ceremony.
7. Igalang ang mga opisyal ng paaralan ( mga guro, kawani/empleyado) at kapwa mag-aaral.
8. Iwasan ang pagliban sa klase. Kung hindi maiiwasan, ipagbigay alam sa tagapayo ang kadahilanan ng pagliban at
magbigay ng liham-paumanhin na may lagda ng magulang/guardian.
9. Hindi pinahihintulutan ang paninigarilyo sa paaralan.
10. Hindi pinahihintulutan ang mga mag-aaral na magmura, makipag-away, magsugal o magdala ng anumang
ipinagbabawal na gamot at anumang uri ng mga “deadly weapon”.
11. Hindi pinahihintulutan ang pagkakalat sa eskwela, pagbabandalismo at panggugulo o paninira ng mga gamit ng
paaralan.
12. Hindi pinapahintulutan ang mga mag-aaral na gumamit ng “cellphone” sa oras ng klase.
13. Ang mga ipinahiram na aklat ay dapat isauli sa katapusan ng panuruang taon.
14. Anumang puna, mensahe, suhestiyon o reklamo ang nais ipabatid, maaaring makipag-ugnayan lamang sa
punong-guro at gurong tagapayo.
15. Alinman sa mga nabanggit ang aking nilabag/sinuway, ang mga sumusunod na hakbang ay maaaring gawin batay
sa Barretto II Elementary School Code of Conduct, Child Protection Policy at DECS/DepEd Manual Service:
15.1. Maaaring tawagin ang aking magulang/guardian upang ipagbigay alam ang aking nagawang
paglabag.
15.2. Maaaring mabigyan ng karampatang aksyon depende sa bigat ng nagawang paglabag.

KUMPLETONG PANGALAN NG MAG-AARAL:

Apelyido Pangalan Panggitnang Apelyido

Tirahan

________________________ _____________________
Baitang at Seksyon Learning ReFerence Number

_________________________ _________________________
Lagda ng Mag-aaral Lagda ng Magulang/Guardian

__________________
Petsa

You might also like