You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
BENIGNO S. AQUINO NATIONAL HIGH SCHOOL
Concepcion, Tarlac

MGA ALITUNTUNIN AT REGULASYON NG PAARALAN

1. Pagdalo sa flag ceremony ng mga mag-aaral. Kinakailangan makilahok sa flag ceremony ang mga mag aaral.
2. Hinihikayat ang pagsusuot ng I.D. at uniporme; puting t-shirt at itim na pantalon sa mga lalake. Samantalang
puting blouse o t-shirt at asul na palda sa mga babae.
3. Ang bawat mag aaral ay kailangan magkaroon ng maayos at malinis na gupit ng kanilang buhok.
Ipinagbabawal ang paglalagay ng hair dye/color.
4. Inaasahan ang mga mag aaral na maging magalang sa sinuman sa mga awtoridad ng paaralan gaya ng School
Principal, mga guro at iba pang personnel.
5. Tanging ang mga magulang o “guardian” lamang ng mga mag aaral ang pinahihintulutang pumasok sa
paaralan upang makipag-ugnayan sa School Principal, Head Teachers, Guidance Counselor, Subject Teachers
at Advisers.
6. Kinakailangan ilista ng mga bisita ang kanilang pangalan sa log book pag pasok sa paaralan.
7. Ang mga bisita ay kailangan naka bihis ng tama o maayos pag nagpupunta sa paaralan (bawal ang naka suot
ng shorts, sleeveless blouse at sando).

Ang mga sumusunod ay mahigpit na ipinagbabawal:


1. Pagpasok ng mga mag aaral sa paaralan ng naka inom o lasing.- Major Offense
2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng hikaw sa mga lalake o sa iba pang parte ng katawan (sa tenga,
ilong, dila, etc.).
3. Pag e “escape” o hindi pag pasok sa mga klase at pag liban sa klase (absenteeism) na walang “valid” na
kadihalanan.-Major Offense
4. Paninigarilyo sa loob ng paaralan. (D.O. no. 73 s. 2010, Smoking Ban in Public Schools)-Major Offense
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng anumang uri ng bawal na gamot o droga. (D.0. no.18 s. 2015,
Guidelines on the Management of Children in Conflict with the Law & Children At Risk)-Major Offense
6. Pag gamit ng cell phone o anumang gadget sa oras ng klase. (D.O. no .83, s. 2003)
7. Pakikipag away sa kaklase o kamag aral at nagsisimula ng kaguluhan sa loob ng paaralan. -Major Offense
8. Mahigpit na ipinagbabawal ang bullying. (Anti-Bullying Act or RA 10627)- Major Offense
9. Pagdadala ng mga bagay na nakakasugat o mga “deadly weapon” sa loob ng paaralan na maaaring ika
pahamak ng mga mag-aaral at mga guro.-Major Offense
10. Vandalism o paninira ng mga gamit ng paaralan tulad ng teacher’s table, upuan, pintuan, electric fans,
gayundin mga halaman at paso sa paligid ng paaralan at iba pang gamit ng paaralan (School Property).-
Major Offense
11. Pagtatatag o pakikilahok sa mga “illegal” na samahan o grupo (fraternities o sororities) na hindi kinikilala ng
paaralan.-Major Offense
12. Pagtakas sa paaralan (Over-the-Bakod) at paglabas sa mga hindi owtorisadong daanan o gate.-Major
Offense
13. Pagpalsipika o paninira ng mga opisyal na dokumento ng paaralan tulad ng School Report Card, Form 137,
Certificate of Good Moral at iba pa.-Major Offense
14. Pamamalagi sa loob ng paaralan pagkatapos ng oras ng pagpasok (school hours) at pag gamit sa mga
pasilidad ng paaralan na walang permiso sa Punongguro (School Principal) o mga iba pang owtoridad sa
paaralan.
15. Hindi pagsunod sa patakaran at alituntunin ng DepEd at ng paaralan.

 Sa panig ng mga magulang ay hinihiling ang pagpunta sa paaralan at pakikipag ugnay an sa Adviser at Guidance
Counselor.
 Anumang paglabag sa mga nabanggit ay may kaakibat na mungkahi o desisyon na maaring ipataw sa mag aaral o
mga mag aaral depende sa bigat ng mga nagawang paglabag ayon sa rekomendasyon ng Punongguro/Principal.

Sumasang ayon;

__________________________ __________________________
Pangalan at lagda ng Mag-aaral Pangalan at lagda ng Magulang

You might also like